You are on page 1of 32

4

Sining
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Katutubong Disenyo sa
Kasuotan at Kagamitan
Sining – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Mga Katutubong Disenyo sa Kasuotan at Kagamitan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Evelyn R. Ramos


Editor: Sherry Ann C. Caragay
Tagasuri: Amelia F. Retuta
Tagaguhit: Maria Angelika V. Alarcon
Tagalapat: Diosdado P. Dominguez
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent: William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, MAPEH : Maria Teresa C. Perez
District Supervisor, Abucay : Ruel D. Lingad,EdD
Division Lead Book Designer : Emmalyn A. Uno
District LRMDS Coordinator, Abucay : Charito D. Corpus
School LRMDS Coordinator : Sherry Ann C. Caragay
School Principal : Amelia F. Retuta
District Lead Layout Artist, MAPEH :
District Lead Illustrator, MAPEH :
District Lead Evaluator, MAPEH : Charito D. Corpus
Amelia F. Retuta
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
4

Sining
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Katutubong Disenyo sa
Kasuotan at Kagamitan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Sining at Ikaapat na Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Mga Katutubong Disenyo sa
Kasuotan at Kagamitan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Sining at Ikaapat na Baitang ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Katutubong Disenyo sa Kasuotan at
Kagamitan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang ipakilala sa iyo ang mga
katutubong kasuotan, kagamitan at mga disenyong taglay ng mga ito.

Upang mas maunawaan mo ang nilalaman ng modyul, ito ay hinati ko sa tatlong


aralin:
Aralin 1: Mga Kasuotan ng Iba’t Ibang Pangkat-Etniko
Aralin 2: Mga Kagamitan ng Iba’t Ibang Pangkat-Etniko
Aralin 3: Mga Disenyo mula sa Iba’t Ibang Pangkat-Etniko

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:


1. nailalarawan ang iba´t ibang kultural na pamayanan sa Luzon, Visayasa, at
Mindanao ayon sa uri ng kanilang pananamit, palamuti sa katawan at
kaugalian; MELC-A4EL-Ib
2. nalalaman ang kahalagahan ng mga katutubong disenyo na nagmula sa mga
kultural na pamayanan; MELC-A4EL-Ic
3. nailalarawan ang mga katutubong disenyo na gawa ng mga pangkat-etniko
sa mga kultural na pamayanan; MELC-A4EL-Ic
4. nakalilikha ng isang disenyo mula sa mga katutubong motif sa pamamagitan
ng crayon etching; MELC-A4EL-Ic
5. natutukoy ang pagkakaiba ng mga disenyo na may motif mula sa Luzon,
Visayas, at Mindanao. MELC-A4EL-Id

Subukin

Piliin ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong. Isulat ang iyong sagot sa
isang malinis na papel.
Ang mga kasuotan ng mga pangkat-etniko ay nabibilang sa
pinakamagagandang likhang-sining sa ating bansa. Ang mga disenyo ay kalimitang
hinahango mula sa (1) __________________ (kapaligiran, karagatan, kalangitan) na
sumasalamin sa mahalagang pagpapahalaga nila sa (2) __________________ (pagkain,
kalikasan, Diyos). Ang bawat pangkat-etniko ay may (3) __________________
(natatanging, magkakaparehong, iisang disenyo) na nagsisilbing (4)
__________________ (pagkakakilanlan, simbolo, tagumpay) ng kanilang lahi. Ang
bawat pangkat-etniko ay may mga kagamitan ding nagpapakilala sa atin ng kanilang
(5) __________________ (pamumuhay, pakikipaglaban, pakikisama) sa araw-araw. Ang
mga kagamitan ding ito ay tumutulong sa kanila upang ipahayag ang kanilang (6)
__________________ (pagmamahal, pag-aaalga, paniniwala) sa kanilang mga anito.
Ang mga pamayanang kultural din ay nakikilala sa kanilang iba’t ibang (7)
__________________ (gawain, kaugalian, sayaw) na nagpapakita ng malalim na
pagtanaw sa kultura at tradisyon. Ang mga pangkat-etniko ay (8) __________________
(maaari, hindi maaari) na uriin sa pamamagitan ng kanilang kasuotan, kagamitan,
at mga kaugalian. Ang mga ito ay nagsisilbing (9) __________________ (tatak,
kasiyahan, kapanatagan) ng bawat pamayanang kultural. Malawak at (10)
__________________ (mayaman, salat, kakaunti) ang Pilipinas sa mga ito.

Aralin
Mga Kasuotan ng Iba’t Ibang
1 Pangkat-Etniko
Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit kumulang pitong-libong malalaki at
maliliit na kapuluan. Hindi lamang sa likas na yaman sagana ang ating bansa kundi
maging sa yamang tao. Matatagpuan mo sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa ang
iba’t ibang uri ng mamamayan.
Dulot nga nang pagiging kapuluan ng ating bansa, inuri o pinangkat-pangkat
ang bawat Pilipino batay sa pinagmulang lahi, relihiyon, kultura, at iba pa. Bawat
pangkat ay may sariling tatak ng pagkakakilanlan na tunay ngang maipagmamalaki.

Balikan

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal
na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha?
A. Kasaysayan C. Sning
B. Kultura D. Wika
2. Ito ay ang tatlong elemento ng Sining
A. Ilaw, Guhit, Kulay C. Presyo, Ganda, Hugis
B. Linya, Hugis, Kulay D. Wala sa nabanggit
3. Ito ay mga guhit balangkas ng isang bagay. Mga linyang pinagtagpo ang dalawang
dulo.
A. Kulay C. Texture
B. Hugis D. Wala sa nabanggit
4. Ito ay ang persepsyong biswal na nagbibigay tulong sa paningin para mapag-iba
ang magkaparehong bagay.
A. Ilaw C. Oil Pastel
B. Kulay o Kolor D. Wala sa nabanggit
5. Pangkat ng mga tao na ang mga kasapi ay may magkakaparehong pamana na
maaaring totoo o hindi.
A. Hukbong Bayan C. Tribo
B. Pangkat-etniko D. Wala sa nabanggit
Tuklasin

Basahin ang maikling kwento.

Ang Kanyaw

Maagang gumising si Nena upang maghanda para isang mahalagang okasyon sa


kanilang nayon. Tumungo si Nena sa kanyang damitan upang kunin ang espesyal
na damit na kanilang sinusuot sa mga natatanging selebrasyon lamang. Nakita nya
nag isang kasuotan na pinalamutian ng mga disenyong hango sa mga hayop,
kabundukan, at kalikasan. Napansin din ni Nena na abala na ang kanilang buong
nayon sa paghahanda ng mga iaalay sa kanilang mga anito.

Nagaganap ang ganitong mga okasyon bilang pasasalamat sa mga biyaya na


kanilang natatanggap tulad ng isang masaganang ani. Nag-aalay sila ng mga manok,
baboy, at iba pang mga alagang hayop. Sa kalagitnaan ng kasiyahan, nagsasagawa
din sila ng iba’t ibang pagsasayaw habang nakasuot ng bahag.

Panuto: Sa isang malinis na papel sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan


batay sa maikling kwento na iyong binasa.

1. Ano ang pamagat ng maikling kwento na iyong binasa?


2. Ano ang tawag sa kasuotan na kanilang sinusuot na nabanggit sa maikling
kwento?
3. Kanino iniaalay ang mga alagang hayop bilang tanda ng kanilang
pasasalamat?

Suriin

Ano-ano ang mga kasuotan na binanggit sa kwnento? Halina’t atin alamin


ang iba pang mga kasuotan

Ang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay isang palatandaan ng isang


malikhaing pinagmulan ng ating lahi. Tunay ngang likas na sa atin ang
pagkamalikhain at pagkamakasining sa iba’t ibang larangan. Sa lumipas na mga
panahon hinubog at pinanday ng makulay na sining ng ating mga pangkat-etniko
ang kultura ng ating bansa. Kabilang sa mga sining na ito ay ang mga kasuotan na
ating makikita sa aralin na ito.
Sa Cotabato sa Mindanao matatagpuan ang mga
T’boli. Nabubuhay sila sa pamamagitan nang
pangangaso, pangingisda at pangunguha ng mga
prutas sa kagubatan. Paghahabi din ang isa sa
kanilang mga ikinabubuhay. Ang tawag sa telang
kanilang ginagawa ay t’nalak na mula sa mga hibla
Larawan mula sa Flickr ng halamang abaka. Nangingibabaw ang mga kulay
na pula, itim at puti sa kanilang mga kasuotan.
Matatagpuan naman sa mga bulubundukin ng
Cordillera ang mga Ifugaw na nagsusuot ng bahag.
Ang bahag ay isang uri ng katutubo at sinaunang
kasuotan na karaniwang mga lalaki ang nagsusuot.
Ito ay isang kasuotang gawa mula sa isang
pahabang tela na ibinabalot sa baywang at sa
pagitan ng mga hita bilang panakip sa maselang
bahagi. Kadalasan na ang mga kababahian naman
ang mga humahabi ng mga tela at nagbuburda ng
mga disenyo sa bahag. Ang pangunahing kulay ng
Larawan mula kay The Foxy bahag ay pula at pinalamutian ito ng puti at itim na
Igorota mga disenyo.

Ang paghahabi at pagsusuot naman ng Malong ay


karaniwang makikita sa mga pangkat-etnikong
T’boli at mga Maranao. Ito ay isang partikular na
sining na isinusuot ng mga kababaihan ng kanilang
mga blusa na pinalalamutian ng ginto at iba pang
mga ornamento. Habang sa mga kalalakihan naman
Larawan mula sa ito ay nakabalabal sa kanilang mga baywang.
Devianart.com Maaari rin itong isuot sa ulo at maging pandong.

Tradisyonal na kasuotan ang Vakul sa mga Ivatan.


Ito ay isang uri ng kasuotan na ginagamit bilang
pantakip sa ulo at sa likurang bahagi ng katawan
panlaban sa matinding sikat at init ng araw.
Isinisuot ito ng mga kababaihang Ivatan tuwing sila
ay nagtatrabaho sa mga mabuburol na halamaman
ng Batanes. Mula ang vakul sa pinatuyong dahon
ng palmang vuyavoy at maninipis na hibla ng
abaka. Kasabay na isinusuot ang vakul sa mga
sisidlang nakasabit sa likuran na gawa sa yantok na
Larawan mula sa Flickr tinatawag na yuvuk.

Ngayong nalaman mo na ang iba’t ibang kasuotan ng ating mga pangkat-


etniko at ang kanilang mga pinagmulan nais kong tandaan mo ang mga ito. Sa
pamamagitan ng mga kasuotan nagkaroon sila pagkakakilanlan na tunay na
kahanga-hanga. Sa pamamagitan ng mga malikhaing paraan nang paggawa at
paglalapat ng mga disenyo sa kasuotan naipamalas nila na tunay na malikhain at
makasining ang mga Pilipino. Nakaugat sa malalim na kasaysayan nang
pakikipaglaban ang kanilang mga kultura, sumasalamin ito sa makulay na mga tela
na walang pag-aatubiling hinabi. Sa bawat hibla ng sinulid na ginamit mababatid
natin ang malikhaing pananaw ng mga Pilipino sa buhay at sa bawat kulay na
iniangkop makikita natin ang kasaysayang hindi kailanman kukupas.
Pagyamanin

Panuto: Sa isang malinis na sagutang papel sagutin mo ang mga sumusunod na


katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang tawag sa tradisyunal na kasuotan ng mga Ifugaw at ang iba pang mga
pangkat-etniko na nakatira sa mga bulubundukin ng Cordillera.
a. bahag b. malong c. t’nalak d. yakul
2. Ito ang tawag sa tradisyunal na kasuotan ng mga Ivatan, Ito ay ginagamit at
nagsisilbing pananggalang sa matinding sikat ng araw.
a. bahag b. barong c. t’nalak d. yakul
3. Ito naman ang tawag sa tradisyunal na kasuotan na sinusuot ng mga katutubong
T’boli at iba pang mga pangkat-etniko na nabibilang sa kanilang grupo.
a. barong b. malong c. saya d. yakul
4. Ito ay ang tradisyunal na tela na ginagamit ng mga T’boli.
a. abaka b. barong c. t’nalak d. yakul
5. Ano ang pangunahing kulay na makikita sa mga tradisyunal na kasuotan ng mga
Ifugaw?
a. berde b. dilaw c. pula d. puti
6. Sa tradisyunal na kasuotan ng mga T’boli ano ang mga pangunahing kulay na
nangingibabaw sa kanilang mga kasuotan?
a. dilaw, berde, at puti c. pula, iti at, puti
b. dilaw, berde, at kahel d. puti, pula at asul
7. Sa anong parte ng katawan ibinabalabal ng mga kalalakihang T’boli ang malong?
a. baywang b. balikat c. leeg d. ulo
8. Anong halaman ang kadalasang ginagamit ng ating mga katutubong pangkat-
etniko sa paggawa ng mga kasuotan?
a. Abaka b. citronella c. cotton d, yantok
9. Sino ang kadalasang humahabi ng mga kasuotan ng mga Ifugaw?
a. Kababaihan c. mga kabataan
b. kalalakihan d. mga matatandang pinuno
10. Ang vakul ang mula sa anong pinatuyong dahon?
a. abaka b. pandan c. yantok d. yuyayoy

Isaisip

Ang bawat pangkat-etniko ay mayroong iba’t ibang kasuotang maipagmamalaki.


May kakaiba sa kulay, hugis, at mga disenyo. Ngunit sa kabila ng mga pagkakaiba
sumasalamamin pa rin ito sa malikhang pag-iisip ng mga Pilipino. Kaya’t tandaan
mo ang mga sumusunod:
• Ang tawag sa tela ng T’boli ay t’nalak na mula sa mga hibla ng halamang
abaka.
• Ang bahag ay ang kasuotan ng mga Ifugaw na matatagpuan sa mga
bulubundukin ng Cordillera.
• Ang paghahabi at pagsusuot naman ng Malong ay karaniwang makikita sa
mga pangkat-etnikong T’boli at mga Maranao.
• Tradisyonal na kasuotan ang Vakul sa mga Ivatan. Ito ay isang uri ng
kasuotan na ginagamit bilang pantakip sa ulo at sa likurang bahagi ng
katawan panlaban sa matinding sikat at init ng araw

Isagawa

Sa isang malinis na papel (bond paper) gumawa ka ng isang abstract art o


isang doodle na nagpapakita ng malikhaing dibuho ng mga katutubong kasuotan
batay sa ating tinalakay. Maaari mo rin itong kulayan sa nais mong mga kulay.
Panuto: Balikan ang inyong likhang sining. Markahan ang ito gamit ang pamantayan
sa ibaba. Lagyan ng ang hanay sa iyong naisagawa at kung hindi.

Pamantayan
1. Nakagawa ako ng isang abstract na sining na may dibuho ng
katutubong kasuotan.
2. Nakulayan ko nang wasto ang aking sining.
3. Nakalikha ako ng kaaya-ayang sining.
4. Napahalagahanko ang katutubong sining.
5. Naipagmalaki ko ang aking likhang sining sa aking nanay at tatay

Tayahin

Paggawa ng Kasuotan Gamit ang Manila Paper

Kagamitan: lapis, manila paper, gunting, water color o kahit anong pangkulay, brush
(kung kinakailangan) lalagyan ng tubig at basahan.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Mag-isip ng disenyo at sundin ang tabas nang paggupit na nasa ilalim.

1. Itupi 2. Gupitin 3. Ayusin

2. Magisip ng mga disenyong iguguhit sa kasuotan na iyong ginawa. Maaari kang


gumamit ng mga simbolo o motif na iyong nakita sa mga aralin na ating tinalakay
tungkol sa mga kasuotan ng mga pangkat-etniko.
3. Kulayan mo ang disenyong iyong ginuhit. Maaari
kang gumamit ng watercolor o kahit anong pang-
kulay.
4. Pagkatapos mong gumawa, huwag kakalimutang
iligpit ang iyong mga pinaggamitan.

Panuto: Markahan ang sariling likhang sining. Lagyan ng pulang puso ( ) ang
tamang kahon kung naisakatuparan ang mga pamantayan at itim na puso ( )
kung hindi.

Pamantayan
1. Nasunod ko ba ang tabas ng disenyong nais ko.
2. Nagamit ko ang simbolo o motif nang maayos.
3. Nakulayan ko at naging maganda ang aking sining.
4. Nailigpit ko nang maayos ang kasangkapang ginamit ko sa sining.
5. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa aking sining.

Karagdagang Gawain

Panuto: Kumuha ng kapirasong tela at krayola at iguhit ang disenyo ng mga


pangkat-etniko sa harap ng iyong magulang.

Lagyan mo rin ito ng pangalanan sa patlang na nasa ibaba kung saan ito
nagmula at kung ano ang kahulugan ng mga disenyo.

Halimbawa:

Uri ng Dibuho: Dibuho ng Tao


Pangkat-etniko: Bagobo
Panuto: Suriin ang iyong nalikhang sining. Lagyan ng happy face kung ikaw ay
lubos na nasiyahan o sad face naman kung ikaw ay hindi lubos na nasiyahan.

Pamantayan
1. Nagamit ko ang mga disenyong nakita ko sa mga
kasuotan ng iba’t ibang pangkat-etniko.
2. Naguhit ko ang sa kasuotan na aking ginawa ang nais
ko talagang maiguhit.
3. Nasunod ko nang tama ang mga hakbang sa paggawa.
4. Nasiyahan ako sa aking ginawang likhang-sining.
5. Nagawa kong iligpit ang aking mga pinaggamitan
pagkatapos kong gumawa.

Susi sa Pagwawasto

mayaman 10.
tatak 9.
maari 8.
A. 10. D. 10.
kaugalian 7.
B. 9. A. 9.
paniniwala 6.
B. 8. A. 8.
y A. 7.
A. 7.
pamumuha 5. C. 6.
B. 6.
nlan B. 5. C. 5.
pagkakakila 4. ng bata
B. 4. C. 4.
natatanging 3. - depende sa sagot B. 3.
B. 3.
kalikasan 2. B. 2. D. 2.
Tuklasin:
kapaligiran 1. A. 1. A. 1.

Subukin: Balikan: Pagyamanin:

ng bata
ng bata bata - depende sa sagot
- depende sa sagot - depende sa sagot ng
Gawain:
Isagawa: Tayahin: Karagdagang

Sanggunian

DepEd (2015). Musika at Sining 4. Patnubay ng Guro (Tagalog). First Edition.

DepEd (2015). Musika at Sining 4. Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog). First Edition.


Aralin
Mga Kagamitan ng Iba’t
2 Ibang Pangkat-Etniko
Hindi lamang sa mga kasuotan tanyag ang ating mga pangkat-etniko. Sa
kasayasayan ng kanilang pag-unlad kasabay din nitong hinubog ang bagay na
kanilang ginagamit sa pang araw-araw. Ang mga bagay na ito ay makikita pa rin
natin sa mga pamayanan kung saan ito nagmula, ngunit ang ilan sa kasamaang
palad ay tanging sa mga museo na lamang ito matatagpuan.
Kaakibat ng paglikha ng mga kagamitan na ito ay ang pag-angkop din ng mga
malikhaing sining na makikita sa mga disenyo ng kanilang mga kagamitan.
Maaaring may malalim itong kahulugan na sumisimbulo sa kanilang kultura at
paraan ng pamumuhay.

Balikan

Buuin ang crossword puzzle. Isulat ang iyong sagot sa malinis na sagutang
papel. Iguhit mo naman sa iyong sagutang papel ang kasuotan batay sa mga salitang
iyong nabuo.
5
Pahalang

1. Tawag sa telang hinabi ng mga T´boli.


2. Tawag sa tradisyunal na kasuotan
ng mga Ifugaw.
3. Tawag sa kasuotan ng mga T´boli.
4
Pababa
4. Uri ng halaman na ginagamit upang
makalikha ng mga kasuotan
5. Tradisyunal na kasuotan ng mga
Ivatan.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
malaman ang iba’t ibang kagamitan ng mga pangkat-etniko.
Tuklasin

Maipagmamalaking T’boli si Tatay!


Unang Pagbisita ng mag-anak nina Abegail at Hadhji sa South Cotabato, ang
probinsya ng kanilang tatay. Sa kanilang pamamasyal, sa daan pa lamang ay excited
na ang magkakapatid sa kanilang pupuntahan. Sinabi ng kanilang Nanay na
maliban sa kagandahan ng Lake Cebu ay marami pa silang makikitang ikasisiya
nila. Wiling-wili si Abegail sa natatanaw nilang kulay rosas at putting bulaklak ng
lotus na nakukumpulan at nakalutang sa tubig. Pagbaba pa lamang mula sa
kanilang sasakyan ay inestima na sila ng magigiliw na tagapangasiwa ng resort na
napili ng kanilang tatay. Siyang-siya muli si Abegail dahil sa nakita niyang
kakaibang mga suot ng mga taong sumalubong sakanila. “Kuya Hadji, kakaiba
naman ang mga suot ng mga tao rito. Makukulay ang kanilang damit at marami pa
silang palamuti sa katawan mula ulo hanggang paa.” “Yon ba? Sila ay mga
katutubong T’boli. Sabi ng aming guro, sila ang mga katutubong tao na naninirahan
sa lugar na ito noon pa man at makukulay na T’nalak talaga ang kanilang kasuotan,”
sagot ni Hadji kay Abegail. Dali-dali silang tumuloy sa isang kubo na yari sa kawayan
na nasa pampang ng lawa kung saan maaari silang magpahinga, magkwento at
hainan ng pagkain. Mabilis na inayos ng kanilang nanay ang kanilang mga gamit at
ilang dalang pagkain.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa isang malinis na papel.


1. Ano ang pamagat ng maikling kwento na iyong binasa?
2. Anong mga kagamitan/palamuti ang nabanggit sa kwento?
3. Ano ang aral na nakuha mo sa kwento?

Suriin

Alam mo ba na madaming
kagamitang taglay ang iba’t
ibang pangkat-etniko?

Oo naman! Sa aking
pagsasaliksik natuklasan ko
na maraming bagay ang
maaring maiugnay sa kanila!

Halina’t ating Tuklasin ang mga


bagay na ito! Samahan nyo ako!
Ang mga kagamitan ng ating mga
sinaunang ninuno maging ang kanilang
mga kasuotan ay bahagi ng kanilang
pamumuhay at nakatatak ito sa
malalim na kultural na paniniwala. Ang
bawat pamayanan sa ating bansa ay
may mga natatanging paniniwala at
mga kaugalian na kanilang minana at
nakagisnan.Halimbawa nito ay ang
Manunggul Jar. Dito natin makikita ang
mga disenyong nakabatay sa
paniniwala ng mga katutubong
gumagamit nito. Ito ay lagakan ng
kanilang mga yumaong mahal sa
buhay. Ang kanilang kapaligiran din ay
batayan sa kanilang mga disenyo tulad
ng kabundukan, ilog, kalikasan, mga
halaman, at mga sagradong bagay na
pinaniniwalaan na may espiritung
taglay. Kaya kabilang sa kanilang mga
ritwal at pag-aalay ay ang mga
kagamitan na may disenyong kultural
at dibuhong pang-etniko. Larawan mula sa: Wikipedia
Ang kanilang mga paniniwala ay
malalim na tanda na maging sa
kanilang mga kasuotan at mga
kagamitan ay binibigyan nila ito ng
halaga. Ang Banga ng Manunggul ay
pinaniniwalaang nagmula sa taong 890-
710 BC. Mayroon itong dalawang pigura
sa tuktok ng takip, ang isa ang
nagsasagwan ng bangka at ang nasa
harap ay tila bangkay na nakatiklop sa
dibdib ang mga kamay.
Sinasabing ang bangka na ito ay
naghahatid ng namatay na kaluluwa
patungo sa huli nitong hantungan.

Ang mga anito naman o mga imahen na


parang mga tao ay nilikha ng ating mga
katutubong pangkat-etniko upang
kanilang sambahin. Ang bawat anito ay
may kaakibat na diyos na sinisimbulo
maaaring ito ay Diyos ng kapaligiran, ng
pagaani, at iba pa. Nakaugat ang
paniniwala at paggamit sa mga anito sa
sinunang paniniwala ng ating mga
ninuno sa pagsamba sa kapaligiran.
Kaya kung ating papansinin may mga
disenyo pa ring nakaangkop sa bawat
anito na nagpapakita ng mga dibuhong
Larawan mula sa: Wikipedia
nakikita rin sa kapaligiran.
Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan sa isang malinis na papel.

1. Ano ang kahalagahan ng mga bagay na ito para sa iba’t ibang pangkat-etniko?
2. Paano mo mapapahalagahan ang mga bagay na ito sa kasalukuyang panahon?
3. Anong mga pagiingat ang maari mong gawin kung mayroon kayo sa inyong
tahanan ng mga gamit na alam mong nagmula sa mga katutubong pangkat?
4. Anong bagay o kagamitan ang tumatak sa iyo at bakit?
5. Sa anong mga paraan nakita mo ang pagkamalikhain ng mga katutubong
pangkat sa kanilang mga gamit?

Pagyamanin

Pag-ugnayin ang mga bagay na nasa kaliwang hanay sa tamang salita o


pangalan na nasa kanan. Pagkatapos ay magbigay ka ng kahit isang pangungusap
upang ilarawan ang bagay. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.
1.
Larawan mula sa National
Museum

a. T’nalak

2.
Larawan mula sa Amino
Apps

b. Kampilan

3.
Larawan mula

sa Wikipedia c. Manunggul Jar

4.

Larawan mula sa SEAsite


d. Rattan Basket

5.

Larawan mula sa Antiques


Auction e. Anito
Isaisip

Ang iba’t ibang pangkat-etniko ay lubos na makikilala hindi lamang sa


kanilang mga kasuotan kundi maging sa kanilang mga kagamitan.
Sa pamamagitan ng mga bagay o kagamitan na kanilang nilikha o ginamit
naipahayag nila ang kultural na kanilang nakagisnan at patuloy itong naisasalin sa
kasalukuyang panahon.
Naipapamalas ng mga kagamitan na ito ang pagkamalikhain ng mga pangkat-
etniko sa pagbuo ng mga bagay na ito at sa paggawa ng balangkas ng konsepto kung
paano ito gagamitin sa kanilang pamumuhay.
Ang mga kagamitang ito ay nagtataglay ng mga malikhaing sining na makikita
sa bawat bagay na kanilang ginagamit.

Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan sa isang malinis na papel.

1. Ano ang kahalagahan ng mga bagay na ito para sa iba’t ibang pangkat-etniko?
2. Paano mo mapapahalagahan ang mga bagay na ito sa kasalukuyang panahon?
3. Anong mga pagiingat ang maari mong gawin kung mayroon kayo sa inyong
tahanan ng mga gamit na alam mong nagmula sa mga katutubong pangkat?
4. Anong bagay o kagamitan ang tumatak sa iyo at bakit?
5. Sa anong mga paraan nakita mo ang pagkamalikhain ng mga katutubong
pangkat sa kanilang mga gamit?

Isagawa

Panuto: Punan ang mga patlang sa isang maikling sanaysay. Piliin lamang
ang tamang salita na maaring bumuo sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa
isang malinis na sagutang papel.

Ang mga Bagay ay May Kahulugan


Ang mga bagay o kagamitan tulad ng buhay ay may kahalagahan. Kagaya na
lamang sa mga kagamitan ng ating mga (1) _______________ (pangkat-etniko,
pangkat-tribo). Ang bagay na ito ay nagpapakita ng mga malikhaing (2) _____________
(disenyo, pattern) na kadalasan ay buhat sa mga bagay na nakikita sa kanilang (3)
______________ (karagatan, kapatagan, kapaligiran). Isang magandang halimbawa
nito ay ang Manunggul Jar na ginamit bilang sisidlan ng (4) ________________
(pagkain, tubig, yumaong mahal sa buhay). Ang disenyo nito ay nilikha sa
pamamagitan ng mga paniniwala ng ating mga katutubo. Ito ay may (5) _____________
(balsa, barko, bangka) na pinaniniwalaang maghahatid sa (6) ______________
(katawan, kaluluwa) ng yumaong mahal sa buhay.
Makikita mo din sa mga kagamitang ito ang mga (7) _____________ (motif,
layout) ng iba’t ibang pangkat-etniko. Sa bawat hugis, paguukit at mga disenyo
sumasalamin ito sa malalim nilang (8) ________________ (ilog, kultura, pagiisip). Ang
mga kagamitang ding ito ay nagtataglay ng mga disenyong maaring gamitin sa mga
(9) _____________________ (kanta, likhang-sining, dibuho) at sa pamamagitan ng
pagpapahalaga sa mga bagay na ito naipapahayag natin ang ating (10)
_________________ (paggalang, pagsasawalang-bahala).

Tayahin

Photo Collage
Panuto: Gumuhit ka ng limang kagamitan na nagmula sa mga pangkat-
etniko. Maaari mo itong kulayan sa kulay na iyong nais. Pagkatapos ito ay iyong
gupitin at bumuo ka ng isang malikhaing photo collage sa pamamagitan nang
pagdidikit nito sa isang malinis na papel.

Panuto: Suriin ang iyong nalikhang sining. Lagyan ng happy face kung ikaw ay
lubos na nasiyahan o sad face naman kung ikaw ay hindi lubos na nasiyahan.

Pamantayan

1. Nagamit ko ang mga disenyong


nakita ko sa mga kagamitan ng
iba’t ibang pangkat-etniko.
2. Naguhit ko ang mga kagamitan
na nagmula sa iba’t ibang
pangkat-etniko.
3. Nasunod ko nang tama ang mga
hakbang sa paggawa.
4. Nasiyahan ako sa aking ginawang
likhang-sining.
5. Nagawa kong iligpit ang aking mga
pinaggamitan pagkatapos kong
gumawa.
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang bagay o kagamitan na mga pangkat-etniko. Iguhit mo


ito sa isang malinis na papel at lagyan mo ito ng mga katutubong disenyo o motif
batay sa iyong nais. Maaari mo rin itong kulayan.

Panuto: Sa isang malinis na sagutang papel, suriin mo ang iyong nalikhang sining
batay sa rubrics na nasa ibaba.

Lubos na nasunod Nasunod ang Hindi nasunod


ang pamantayan sa pamantayan sa ang pamantayan
SUKATAN pagbuo ng likhang- pagbuo ng sa pagbuo ng
sining likhang-sining likhang-sining
(3) (2) (1)
1. Nakilala ko ang
iba’t ibang mga
kagamitan ng mga
pangkat-etniko.
2. Nakaguhit ako
ng mga motif sa
pagbuo ng
disenyo.
3. Nakasusunod
ako nang tama sa
mga hakbang sa
pag- gawa ng
likhang sining.
4.Nakagawa ko
ang gawain ng
may kawilihan
5.Nailigpit ko ang
mga kagamitan
pagkatapos
gumawa.
DepEd (2015). Musika at Sining 4. Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog). First Edition.
DepEd (2015). Musika at Sining 4. Patnubay ng Guro (Tagalog). First Edition.
Sanggunian
Karagdagang Tayahin: Isaisip:
Gawain:
- depende sa sagot ng - depende sa sagot
- depende sa sagot bata ng bata
ng bata
Balikan:
Pagyamanin: Tuklasin: 1. Tnalak + drawing
Suriin:
2. Bahag + drawing
1.C + paglalarawan - depende sa sagot 3. Malong + drawing
- depende sa sagot
2.E + paglalarawan ng bata Down
ng bata
3.A + paglalarawan
4.D + paglalarawan 1. Abaka + drawing
5.B + paglalarawan 2. Vakul + drawing
Susi sa Pagwawasto
Aralin
Mga Disenyo mula sa Iba’t
3 Ibang Pangkat-Etniko
Likas sa ating mga Pilipino ang pagkamalikhain at makasining. Nakaugat sa
malalim na aspetong kultural ang buhay ng bawat isa. Sa pagsasaliksik tungkol sa
iba’t ibang pangkat-etniko ay mas pinatingkad pa nito ang makulay na kasaysayan
ng ating bansa.

Bawat pangkat-etniko ay may disenyong tinataglay, may mga technique na


ipinapakilala sa atin. Sa ganitong mga paraan mas mauunawaan natin ang malalim
na identidad at pagkakakilanlan ng bawat pangkat-etniko.

Balikan

Panuto: Bago tayo tumungo sa ating aralin ngayong araw, balikan natin ang mga
nakaraan mong aralin sa modyul na ito. Sa pamamagitan nag pagaayos ng mga
jumbled words tukuyin mo ang tamang sagot. Gawin ito sa isang malinis na papel.

1. Isang uri ng imahe o istatwa na ginagamit ng mga sinunang katutubo sa kanilang


mga pagsamba at paniniwala.
OTIAN
2. Ito ay ang sinaunang kagamitan kung saan nilalagay ang mga humimlay na
mahal sa buhay.
GULGNUNAM RAJ
3. Pangkat-etniko na makikita sa Mindanao
LIBO‘T
4. Tela na hinahabi mula sa abaka na ginagamit sa mga kasuotan.
KLAAN‘T
5. Isang sinaunang kagamitan na ginagamit sa pakikidigma.
LANPIKAM
6. Dito kadalasan kinukuha ang inspirasyon para sa mga disenyong pang-etniko.
SANKALIKA
7. Ito ang tawag sa natatanging disenyo ng isang pangkat-etniko.
TIFOM
8. Lawa kung saan matatagpuan ang mga T’boli.
KELA BUCE
9. Lugar sa Pilipinas kung saan matatagpuan ang mga T’boli.
THSOU BATOCOTA
10. Kasuotan ng mga Ifugaw.
HAGBA
Tuklasin

Sindil (Tausug)

Popular pa rin sa masasayáng pagtitipon ng mga Tausug ang pag-awit ng


síndil at liyángkit. Ang síndil ay isang paawit na sagutan ng dalawa o tatlong
mang-aawit sa saliw ng gabbang (kawayang silopono), suling (katutubong
plawta), at biyula (katutubong biyolin). Tigib ito sa nakatutuwang biro at siste
bukod sa kailangang biglaan o impromptu ang pag-isip at pag-awit. Susi sa aliw
ng sindil ang husay ng nagsasagutan na dugtungan ang biro o tukso ng isa’t isa.
Hinahangaan ang mang-aawit sa paglalaro sa salitâ at tunog, lalo na kapag
sinikap sundan ang laro sa salitâ o tunog ng naunang mang-aawit. Maaaring
paksain nilá ang itsura ng isa’t isa, o biruin ang mga panauhin, o tuksuhin ang
naghanda ng pagdiriwang.

Ang totoo, higit na masisiyahan sa pakikinig ng síndil ang isang tao kapag
kilála niya ang mga mang-aawit, alam niya ang tinutukoy ng mga ito, at alam
niya ang kasaysayan ng pinagtatawanang pangyayari. Ang síndil ay ginaganap
sa iba’t ibang okasyon, lalo na upang tumindi ang katuwaan sa isang kasalan,
pagbisita ng isang kagalang-galang, o isang miting pampolitika. Pampaalis ito ng
puyat kapag lamayan, pampasigla sa kuwentuhan, at pantulay sa pormalidad ng
pagtitipon.

Hango mula sa: http://malacanang.gov.ph/75475-panitikan-ng-ibat-ibang-lalawigan/

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa isang malinis na papel.

Ano ang pamagat ng maikling sanaysay na iyong binasa?


Ano-anong mga kagamitang pang-etniko ang nabanggit sa sanaysay?
Sa tingi mo ba na may angkop na disenyo ang mga bagay na ito?

Suriin

Ano nga ba ang Sining? Narinig mo ba ang salitang ito? Tiyak ako na narinig
at nabasa mo na ang salitang ito.
Ang sining ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang
pag tatanghal na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang
imahinasyon, malikhang pag iisip, o teknikal na husay na nag-nanais
mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan nito mag pa antig ng
damdamin.
Hindi lamang iyan ang dapat mong matutunan tungkol sa sining. Ang sining
ay may iba’t ibang elemento tulad ng linya, kulay, at hugis.
Linya - pinakasimple, pinakanuno, at pinakapangkalahatan na paglikha ng sining-
biswal. Ito ay palatandaan nagpapakita ng direksyon, oryentasyon o mosyon.

Kulay o Kolor - penomenon na liwanag o persepsyong biswal na nagbibigay tulong


sa paningin para mapag-iba ang magkaparehong bagay.

Hugis - ito ay guhit balangkas ng isang bagay. Mga linyang pinagtagpo ang dalawang
dulo.
Ang sining at ang mga elemento na ito ay iyong makikita sa iba’t ibang disenyo
ng mga pangkat-etniko. Magmula sa kanilang mga kasuotan, mga kagamitan, at iba
pa.

Larawan mula sa: lrmds.depeddldn.com

Suriin ang larawan. Ito ay isang halimbawa ng mga disenyong pang-etniko na


makikita mo sa mga hinabing tela na ginagamit sa kasuotan. Anong mga simbolo o
motif ang mga nakikita mo? Pumili ng isa o dalawang disenyo na iyong nakikita at
iguhit mo ito sa isang malinis na papel.

Narito ang ilan sa mga disenyo ng mga pangkat-etniko.

Mga Larawan mula sa: slideshare


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa isang sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa uri ng linya na ito?


a. Curve Line c. Line Spiral Line
b. Diagonal Line d. Straight Line
2. Ano ang tawag sa hugis na ito?
a. Circle c. Star
b. Oval d. Rectangle
3. Ano ang tawag sa kulay na ito?
a. Asul c. Dilaw
b. Berde d. Pula
4. Ano ang tawag sa hugis na ito?
a. Oval c. Square
b. Rectangle d. Triangle
5. Ano ang tawag sa uri ng linya na ito?
a. Curved Lines
b. Diagonal line
c. Straight line
d. Zigzag Lines
6. Ito ay disenyong nagmula sa anong
pangkat-etniko?
a. Agta c. Ifugaw
b. Bukidnon d. Maranao
7. Ito ay disenyong nagmula sa anong
pangkat-etniko?
a. Agta c. Ifugaw
b. Bagobo d. Maranao
8. Ito ay disenyong nagmula sa anong
pangkat-etniko?
a. Bontok c. Kalinga
b. Ifugaw d. Maranao
9. Ito ay disenyong nagmula sa anong
pangkat-etniko?
c. Bagobo c. Ifugaw
a. Bukidnon d. Maranao
10. Ito ay disenyong nagmula sa anong
pangkat-etniko?
a. Agta c. Kalinga
b. Ifugaw d. Maranao
Pagyamanin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal
na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha?
a. Disenyo c. Kasaysayan
b. Kultura d. Sining
2. Ito ay ang tatlong elemento ng Sining
a. Ilaw, Guhit, Kulay c. Linya, Hugis, Kulay
b. Presyo, Ganda, Hugis d. Linya, Kulay, Ilaw
3. Ito ay mga guhit balangkas ng isang bagay. Mga linyang pinagtagpo ang dalawang
dulo.
a. Kulay c. Dibuho
b. Texture d. Hugis
4. Ang mga pangkat-etniko ay hindi kabilang sa kultura ng Pilipinas.
a. Tama ang pahayag c. Wala sa nabanggit
b. Mali ang pahayag. d. Hindi ko alam
5. Ito ay ang persepsyong biswal na nagbibigay tulong sa paningin para mapag-iba
ang magkaparehong bagay.
a. Ilaw c. Oil Pastel
b. Kulay o Kolor d. Linya
6. Ito ay ang pangkat ng tao na ang mga kasapi ay nakikilala ang isa't isa sa
pamamagitan ng magkakamukhang mga pamana maging totoo man o maaaring
hindi totoo.
a. Hukbong Bayan c. Pangkat - etniko
b. Tribo d. Minority Group
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangkat-etniko na
matatagpuan sa Pilipinas?
a. Java, Sumatran, Aleman c. Ibaloy, Kakana-ey, Tausug
b. Maranao, Ivatan, Itawis d. Tagalog, Bisaya, Itawis
8. Makakabuo lamang tayo ng mga magagandang disenyo kung hindi natin
gagamitin ang mga hugis o disenyo na mula sa iba’t ibang pangkat etniko.
a. Tama c. Wala sa nabanngit
b. Mali d. Hindi ko alam
9. Likas sa mga Pilipino ang pagiging ______________ at ______________.
a. masipag at mabait c. Tamad at maingay
b. malikhain at makasining d. Maparaan at mahusay
10. Ito ang ay ang tatlong pangunahing kapuluan sa Pilipinas na tahanan ng iba’t
ibang pangkat-etniko.
a. Palawan, Mindanao, Cebu c. Luzon, Mindoro
b. Luzon, Visayas, Mindanao d. Visaya, Palawan, Mindoro
Isaisip

Ngayon malapit ka nang matapos sa modyul na ito, nais kong malaman kung
gaano ka na kahusay at kung gaano na kalalim ang iyong pang-unawa at upang mas
palalimin pa natin ito.

Sagutin mo lamang ang mga sumusunod na katanungan sa iyong sagutang


papel.

1. Ano-anong mga pangkat-etniko ang nabasa o nabanggit sa modyul na ito?


___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Anong disenyo mula sa kalikasan o kapaligiran ang inyong ginamit sa paggawa


ng obra? Bakit ninyo napili ang disenyo?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Gamit ang mga disenyong pang-etniko, gumuhit ka ng isang malikhaing


collage. Maaari mo rin itong kulayan batay sa kulay na iyong nais. Gamiting ang
crayon etching
Halimbawa:

Likhang Sining ni Abdolreza Zaidi


Panuto: Suriin ang iyong nalikhang sining. Lagyan ng happy face kung ikaw ay
lubos na nasiyahan o sad face naman kung ikaw ay hindi lubos na nasiyahan.

Pamantayan
1. Nagamit ko ang mga disenyo ng iba’t ibang pangkat-
etniko.
2. Naguhit ko nang tama ang mga disenyong pangkat-etniko

3. Nasunod ko nang tama ang mga hakbang sa paggawa.

4. Nasiyahan ako sa aking ginawang likhang-sining.

5. Nagawa kong iligpit ang aking mga pinaggamitan


pagkatapos kong gumawa.

Tayahin

Gawin ang mga sumusunod:


Kagamitan: retaso, lapis, gunting, karayom, sinulid, at pangkulay tulad ng oil
pastel, krayola, colored pen/pencil

Mga Hakbang Sa Paggawa:


1. Maghanda ng mga retaso na lalagyan ng disenyo.
2. Pumili ng disenyong etniko at iguhit ang mga ito sa retaso upang makabuo ng
kakaibang likhang sining.
3. Kulayan nang maayos ang ginuhit upang ito ay maging maganda at kaakit-akit.
4. Itupi sa gitna ang retasong may disenyo at tahiin ang dalawang sulok nito.
5. Itupi nang maliit at tahiin ang pinakabunganga ng supot.
6. Ipasok ang tali sa may sa bandang ibaba ng bunganga ng supot na magsisilbing
hawakan.
7. Iligpit ang mga ginamit pagkatapos ng gawain.
Panuto: Sa isang malinis na sagutang papel, suriin mo ang iyong nalikhang sining
batay sa rubrics na nasa ibaba.

Lubos na nasunod Nasunod ang Hindi nasunod


ang pamantayan sa pamantayan sa ang pamantayan
pagbuo ng pagbuo ng sa pagbuo ng
SUKATAN likhangsining likhangsining likhangsining
(3) (2) (1)
1. Nakilala ko ang iba’t ibang
disenyo sa mga kagamitan at
kasuotan na mayroon sa Luzon,
Visayas, at Mindanao.
2. Nakaguhit ako ng mga motif sa
pag- buo ng disenyo sa retaso.
3. Nakasusunod ako nang tama sa
mga hakbang sa pag- gawa ng
likhang-sining.
4. Napahalagahan ko ang mga
katutubong sining sa
pamamagitan ng pagguhit ng
disenyo sa lagayan ng barya (coin
purse) o lagayan ng palamuti
(jewelry pouch)
5. Nagawa ko ang gawain na ito ng
buong kawilihan at nailigpit ko ng
maayos ang aking mga ginamit na
kagaamitan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang likhang-sining na nagpapakita ng mga kaugalian ng


pamayanang kultural sa pamamagitan ng crayon etching sa isang malinis na papel.
Sa isang malinis na sagutang papel, suriin mo ang iyong nalikhang sining batay sa
rubrics na nasa ibaba. Iguhit ang kung nagawa mo ang mga pamantayan at
kung hindi.
Pamantayan

1. Nakalikha ako ng sining gamit ang crayon etching.


2. Nasunod ko nang wasto ang hakbang sa paglikha ng
sining.
3. Naipakita ko sa likhang sining ang mga kaugalian ng
pamayanang kultural sa bansa.
4. Naibahagi ko sa iba ang aking likhang sining.
5. Naipagmalaki ko ang aking likhang sining.
DepEd (2015). Musika at Sining 4. Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog). First Edition.
DepEd (2015). Musika at Sining 4. Patnubay ng Guro (Tagalog). First Edition.
Sanggunian
Karagdagang Tahayin: Isagawa: Isaisip:
Gawain:
- depende sa sagot - depende sa sagot ng - depende sa sagot
- depende sa sagot ng bata bata ng bata
ng bata
Balikan:
Suriin:
Pagyamanin:
1. Anito
1. A
1. D
2. C 2. Manunggul
2. C
3. D Tuklasin: Jar
3. D
4. D 3. T’boli
4. B - depende sa sagot
5. D 4. T’nalak
5. B
6. D ng bata 5. Kampilan
6. C
7. B 6. Kalikasan
7. A
8. B 7. Motif
8. B
9. B 8. Lake Cebu
9. B
10. B 9. South
10. B
Cotabato
10. Bahag
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like