You are on page 1of 24

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Kilusang Propaganda at
Katipunan
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Kilusang Propaganda at Katipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Riza R. Macalinao


Editor: Lope O. De Jesus
Tagasuri: Lope O. De Jesus
Tagaguhit: Laarnie T. Balor
Tagalapat: Fritz Brian B. Balor
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
District Supervisor, Pilar : Teresita R. Ordiales
Division Lead Book Designer : Marleth Rose V. Vicente
District LRMDS Coordinator, Pilar : Joseph Ralph S. Dizon, PhD.
School LRMDS Coordinator : Gladys Dela Cruz
School Principal : Lope O. De Jesus
District Lead Layout Artist, AP : Joseph Ralph S. Dizon, PhD.
District Lead Illustrator, AP : Laarnie T. Balor
District Lead Evaluator, AP : Lope O. De Jesus

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Kilusang Propaganda at
Katipunan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan at Ikaanim na


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Kilusang
Propaganda at Katipunan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan at Ikaanim na Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Kilusang Propaganda at
Katipunan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


Subukin
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang:

1. Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang


Propaganda at Katipunan sa paglinang ng nasyonalismong Pilipino
(AP6PMK-Ic-5)
Subukin

Gawain: Sino ‘to? Isulat sa ibaba ng kanilang larawan kung sino sila at ano ang
kanilang mga nagawa para sa bansa.

Jose P. Rizal Tandang Sora

Bonidacio

Luna

Jacinto
Aralin Ang Kilusang Propaganda at
1 Katipunan

Dahil sa pang-aalipusta, diskriminasyon at kawalang katarungan marami sa mga


Pilipino ang nagsimulang magkaisa para sa paghingi ng reporma at pagbabago na
nangyayari sa lipunan at dahil dito, ito ang nagbigay daan sa pagsisimula ng
Kilusang Propaganda na naglalayong makamit ang layunin nito sa mapayapang
paraan.

Sa pagkabigo ng Kilusang Propaganda na makamit ang layunin nito. Ang nag-udyok


sa mga Pilipino upang daanin sa marahas na paraan ang pakikibaka para sa
kalayaan kung kaya nabuo ang Katipunan o KKK (Kataas-taasang
Kagalanggalangang Katipunan na mga Anak ng Bayan).
Balikan

Sa iyong sagutang papel, sagutan ang mga sumusunod na katanungan.


1. Sa paanong paraan binitay ang tatlong paring martir?

a. Garote
b. Binaril
c. Nilublob sa tubig
d. Pinalangoy sa dagat

2. Sino sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong paring martir?

a. Padre Jose Burgos


b. Padre Pedro Pelaez
c. Padre Jacinto Zamora
d. Padre Mariano Gomez

3. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral noong panahon ng Espanyol?

a. Mestiso
b. Ilustrado
c. Dayuhan
d. Mangangalakal

4. Sino ang Gobernador Heneral ang may pantay na pagtingin sa mga Espanyol
at Pilipino?

a. Pedro Pelaez
b. Carlos de Guzman
c. Carlos Maria dela Torre
d. Pedro Manuel Arandia

5. Anong kaisipan ang nabalitaan ng mga Pilipino upang maging mulat sila sa
mga pang-aabuso ng mga Espanyol?

a. Kaisipang Komunismo
b. Kaisipang Sosyalismo
c. Kaisipang Liberal
d. Kaisipang Pasismo
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
matalakay ang ambag o partisipasyon ng mga kababaihan sa
rebolusyong Pilipino.
Tuklasin

Ang Kilusang Propaganda


❖ Samahang itinatag ng isang pangkat ng makabayang Pilipino upang matamo
ang pagbabago sa mapayapang paraan at sila ay tinawag na mga
Propagandista o Repormista.

Layunin:
1. Kilalanin ng Espanya bilang isang
lalawigan nito ang Pilipinas
2. Pantay na karapatan sa pagitan ng
mga Pilipino at Espanyol
3. Magkaroon ng kinatawan ang laaLarawan ng mga Propagandista
Pilipinas sa batasan ng Espanya
4. Sekularisasyon ng mga parokya at
pag-aalis sa mga prayle
5. Kalayaan sa pagsasalita at
pamamahayag

❖ La Solidaridad

Ang pahayagan ng Kilusang Propaganda


Itinatag sa pamumuno ni Graciano Lopez Jaena
laaLarawan ng La
Inilathala noong ika-15 ng Pebrero 1889 sa Barcelona
Solidaridad
Gumamit ng mga sagisag ang mga manunulat na
repormista sa pagsulat ng La Solidaridad
• Marcelo del Pilar – “Plaridel”
• Jose Rizal – “Laong Laan”
-“Dimasalang”
• Mariano Ponce – “Naning”
- “Tikbalang”
-“Kalipulako”
• Antonio Luna – “Taga-ilog”

❖ Jose Rizal – sinulat niya ang “El Filibusterismo” at


“Noli Me Tangere” at siya rin ang nagtatag ng La Liga
Filipina. Dinakip siya at ikinulong sa Fort Santiago at
ipinatapon sa Dapitan noong 1892. Binaril siya ng mga
Espanyol noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan na
ngayon ay Luneta na. Dahil sa pangyayaring ito, mas
lalong sumiklab ang damdaming makabayan ng mga
Pilipino.
Noli Me Tangere – nobela na naghahayag ng pagmamalupit, pagmamalabis at
pagkaganid ng mga prayle at pinunong Espanyol sa mga Pilipino.

El Filibusterismo – inilahad ang nalalapit na rebolusyon sa bansa.

La Liga Filipina – itinatag noong Hulyo 3, 1892, upang maging daan sa


pagkakaisa ng mga Pilipino.

Nabigo ang Kilusang Propaganda dahil hindi pinagbigyan ng mga Espanyol


ang mga karaingan nito at kawalan ng pondo upang maipagpatuloy ang mga
gawain nito. Ang pagkabigo ng kilusang ito ang nagsimula ng Rebolusyon.

Ang Katipunan

❖ Nabuksan ang isipan ng mga Pilipino na kailangan la


gumamit ng dahas upang makamit ang kalayaan sa mga
Espanyol.
❖ Itinatag noong Hulyo 7, 1892 ni Andres Bonifacio at mga
kasama nito matapos mabuwag ang La Liga Filipina at
ipatapon sa Dapitan si Rizal.
❖ Ang samahang ito ay tinawag na KKK o Kataas-taasang
Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan aSimbolo ng KKK

Layunin:
Pag-isahin ang mga Pilipino na makamit ang kalayaan sa bansa sa
pamamagitan ng himagsikan laban sa mga kastila

❖ Kalayaan – ang opisyal na pahayagan ng katipunan


laaLarawan ni
❖ Andres Bonifacio – “Ama ng Katipunan” Andres Boniofacio
- “Ang Supremo”
-kinilala bilang tunay na kaluluwa ng
kilusan.

❖ Emilio Jacinto – kanang kamay ni Andres Bonifacio at


kinilala bilang “Utak ng Katipunan”.

❖ Paglaganap ng Katipunan - ng triyanggulong Sistema o


triangle system ang ginamit upang maparami ang kasapi
ng katipunan. Sa maikling panahon, lumaki ang
samahan ng katipunan.
Nabunyang ang lihim ng katipunan nang isiniwalat ni Teodoro Patiño, isang
katipunero kay Padre Mariano Gil noong Agosto 19, 1896. Sa paghahalughog ng mga
Espanyol natuklasan ang mga patalim at dokumento ng Katipunan. Matapos ang
ilang araw, Agosto 23, 1896 dito napagkasunduan na simulan na ang rebolusyon.
Suriin

Kumpletuhin ang hinihinging datos sa loob ng kahon.

Kilusang Propaganda Katipunan

1.

2.

3.

4. Kalayaan ng Pilipinas sa
Mga Layunin
pamamagitan ng rebolusyon
5.

1. 1.

Mga 2. Jose Rizal 2. Emilio Jacinto


Pangunahing
Lider 3.

1.
Pamamaraan 1.
Pagyamanin

Piliin sa hanay B ang mga inilalarawan sa Hanay A. Isulat sa patlang ang iyong
kasagutan.

A B

____1. Opisyal na pahayagan ng Katipunan a. La Solidaridad


____2. Inilahad dito ang nalalapit na rebolusyon b. KKK
sa bansa c. Kalayaan

____3. Siya ang tinaguriang Utak ng Katipunan d. El Filibusterismo


____4. Nailathala ito sa pamumuno ni Graciano Lopez e. Teodoro Patiño
Jaena f. Emilio Jacinto

____5. Ang nagsiwalat ng lihim ng Katipunan


Isaisip

Piliin sa loob ng kahon ang mga salita na angkop sa bawat patlang.

Kilusang Propaganda Espanyol


Pilipino bayan

Pilipinas Katipunan

Ang 1.____________________ at 2._______________ ay mga kilusan na binuo ng


mga 3.________ upang makalaya sa kamay ng mga 4.____________. Magkaiba man
ang pamamaraan sa paglaban para makamit ang kalayaan magkatulad naman ang
minimithi na mapabuti ang kalagayan ng ating inang 5._________.Bagamat pawang
bigo sa kanilang mga layunin, naikintal naman nito ang damdaming makabayan sa
isip at puso ng bawat Pilipino.
Isagawa

Awitin ang Pilipinas Kong Mahal (maaaring magpaturo sa magulang o tignan sa


internet at sabayan kung ano ang himig nito).

Pilipinas Kong Mahal


Francisco Santiago/Ildefonso Santos

Ang bayan ko’y tanging ikaw


Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo’y ibibigay
Tungkulin ko’y gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo’y babantayan
Pilipinas kong hirang

Bayan sa silanga’y hiyas


Pilipinas kong mahal
Kami’y iyo hanggang wakas
Pilipinas kong mahal
Mga ninuno naming lahat
Sa iyo’y naglingkod ng tapat
Ligaya mo’y aming hangad
Pilipinas kong mahal

Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang iyong naramdaman habang inaawit ang Pilipinas Kong Mahal?
Tayahin

A. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Isang kilusan na naglalayon ng reporma sa mapayapang paraan.

a. Repormista b. El Felibusterismo c. La Liga Filipina d. Propaganda

b. Anong nobela ang sinulat ni Rizal na naglalahad ng mga pagmamalupit at


pagkaganid ng mga prayle at pinunong Espanyol?

a. Noli Me Tangere b. Kalayaan c. El Filibusterismo d. La Liga Filipina

c. Ano ang layunin ng Katipunan para makamit ang kalayaan?

a. Makipagtulungan sa mga Espanyol


b. Makamit ang kalayaan ng bansa sa mabuti at mapayapang paraan
c. Makilahok sa mga gawain na may kinalaman sa pag-unlad ng Espanya
d. Makamit ang kalayaan ng bansa sa madahas na paraan laban sa mga
Espanyol

d. Isang pangyayari na mas nagpasiklab sa damdaming makabayan ng mga


Pilipino para daanin sa paghihimagsik at dahas ang pagkamit ng kalayaan.

a. Pagkakatatag ng Kilusang Propaganda


b. Pagbitay sa tatlong paring martir
c. Pagkamatay ni Jose Rizal
d. Pag-aalsa sa Cavite

e. Ano ang tawag sa paraan ng pagpaparami ng mga kasapi ng katipunan?

a. Sistemang triyanggulo
b. Sistemang barter
c. Rebolusyon
d. Kasunduan

A. Isulat ang P kung ang isinasaad sa pangungusap ay tungkol sa Kilusang


Propaganda at K naman kung tungkol sa Katipunan.

____6. Paggamit ng mga sandata sa pakikipaglaban


____7. La Liga Filipina
____8. Paggamit ng papel at pluma sa pakikibaka
____9. Pahayagang Kalayaan
____10. May layunin na makamit ang kalayaan sa mapayapang paraan
____11. Repormista
____12. Katipunero
____13. Itinatag noong Hulyo 7, 1892
____14. La Solidaridad
____15. Makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng rebolusyon

Karagdagang Gawain

Ihanay sa loob ng kahon kung saan kabilang na kilusan ang mga sumusunod na
pangalan.

Graciano Lopez Jaena Andres Bonifacio Marcelo del Pilar Jose Rizal

Antonio Luna Emilio Jacinto Mariano Ponce Teodoro Patiño

Kilusang Propaganda Katipunan


Kilusang Propaganda Katipunan
Mga Layunin 1.Kilalanin ng Espanya Kalayaan ng Pilipinas sa
bilang isang lalawigan nito pamamagitan ng
ang Pilipinas rebolusyon
2.Pantay na karapatan sa
pagitan ng mga Pilipino at
Espanyol
3.Magkaroon ng
kinatawan ang Pilipinas sa
batasan ng Espanya
4.Sekularisasyon ng mga
parokya at pag-aalis sa
mga prayle
5.Kalayaan sa pagsasalita
at pamamahayag
Mga Pangunahing Lider 1. Graciano Lopez Jaena 1. Andres Bonifacio
2. Jose Rizal 2. Emilio Jacinto
3.Marcelo del Pilar
Pamamaraan 1.Mapayapang paraan / 1.marahas na
pluma paraan/rebolusyon
Isaisip:
1. Kilusang
Propaganda/Kat
ipunan
2. Kilusang
Propaganda/
Katipunan
3. Pilipino
4. Espanyol
5. bayan
Subukin:
Pagyamanin: Graciano Lopez Jaena
Balikan: Jose Rizal
1. c Marcelo del Pilar
2. d 1. A
2. B Antonio Luna
3. f Melchora Aquino
4. a 3. B
4. C /Tandang Sora
5. e
5. C Andres Bonifacio
Gregoria de Jesus
Emilio Jacinto
Susi sa Pagwawasto
Karagdagang Gawain: Tayahin:
Isagawa:
Kilusang Propaganda Katipunan 1.D 6.K 11.P
Depende sa
1.Jose Rizal 1.Andres Bonifacio 2.A 7.P 12.K sagot ng mag-
2.Graciano Lopez Jaena 2.Emilio Jacinto aaral
3.D 8.P 13.K
3.Antonio Luna 3.Teodoro Patiño 4.C 9.K 14.P
4.Marcelo del Pilar 5.A 10.P 15.K
Sanggunian
REX Bookstore. Kayamanan, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6.
Kagamitan ng Mag-aaral.(Tagalog). Binagong Edisyon

DepEd(2016). K to 12 Curriculum Guide. Araling Panlipunan


DepEd(2020). K to 12 MELC’s. Araling Panlipunan

https://genius.com/Francisco-santiago-pilipinas-kong-mahal-lyrics
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like