You are on page 1of 31

1

Mathematics
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Pagbabawas Bilang Paghahambing
at Pagdaragdag Kabaligtaran ng
Pagbabawas
Mathematics 1 – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagbabawas Bilang Paghahambing at
Pagdaragdag Kabaligtaran ng Pagbabawas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Author : Suzette A. Laluna
Co-Author - Content Editor : Hilda D. Sayson
Co-Author - Language Reviewer : Rhodora R. Lacson
Co-Author - Illustrator : Maila V. Jorge
Co-Author - Layout Artist : Maila V. Jorge

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Orani : Arlene S. Carlos
Principal District LRMDS Coordinator : Hilda de Vivar Sayson
Teacher District LRMDS Coordinator : Regina S. Daproza
District SLM Content Editor : Maria Aiza A. Dela Cruz
District SLM Language Reviewer : Rhodora R. Lacson

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Math : Danilo C. Caysido
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
1
1
Mathematics
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Pagbabawas Bilang
Pag-aalisat Paghahambing
Pagdaragdag Kabaligtaran ng
Pagbabawas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics – Unang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Pagbabawas Bilang Pag-aalis at Paghahambing,
Pagdaragdag Kabaligtaran ng Pagbabawas.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Mathematics – Unang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagbabawas
Bilang Paghahambing at Pagdaragdag o Addition bilang
Kabaligtaran ng Pagbabawas o Subtraction.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong
Tuklasin aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang iba’t ibang pamamaraan na


maaari mong magamit sa pagbabawas ng bilang at gayundin sa
paghahambing nito .

Narito ang inaasahang layuning dapat mong makamit pagkatapos ng


araling ito:
1. Makapagbawas ng bilang at mapaghambing ang mga ito.
( M1NS – IIf-24)
2. Maunawaan na ang Addition o pagdaragdag ng bilang ay
kabaligtaran ng Subtraction o pagbabawas ng bilang.
( M1NS –IIf-25)

Subukin

Bago tayo magsimula, ating subukin iyong galing sa pagbabawas ng bilang.


Handa ka na ba ? Mabuti!

Paghambingin ang dalawang pangkat upang iyong makuha ang sagot.


Punan ng tamang pamilang na pangungusap ang bawat patlang. Isulat
ang hinihinging sagot sa inyong kwaderno.
Halimbawa ng paraan ng pagsagot.

10 - 8 = 2
__ - __ =__
1.

2. __ - __ =__

3.
__ - __ =__

4.

__ - __ =__

5.

__ - __ =__
Aralin
Pagbabawas Bilang
1 Pag-aalis o Paghahambing

Ang pagbabawas o pag-aalis ng bilang ay tinatawag ding subtraction. Sa


operasyong ito , ay gumagamit tayo ng simbolong bawas (-) upang maging
palatandaan na ang pamamaraang gagamitin o gagawin ay ang
pagbabawas o subtract.

Kumusta! Kahit na ikaw ay nasa inyong


tahanan , pag-aaral gawing kapaki-
pakinabang ,dahil ang batang magaling
kahit nasa bahay , tuloy pa rin ang aralin.

Bago natin simulan ang ating aralin , handog ko ang tulang ito , para sa
tulad mong batang edukado.

Bahay ko, Paaralan ko!


ni Suzette A. Laluna

Simula nang ako’y isinilang


Ito na ang aking kinamulatan
Lugar kung saan natuto akong magsalita
Dito’y hinubog ng mabubuting gawa
Ito ang tahanan, na aking kanlungan
Sa piling ng mahal kong mga magulang.

Ngayong nabago ang sitwasyon,


Sa Bagong Normal ako ay tutugon
Itong aking tahanan,
Ngayo’y magsisilbing aking paaralan
Bahay ko, Paaralan ko!
Na alam kong dito , protektado ako
Gabay ko si ama at ina , gayundin sina ate at kuya.
Sa pag-aaral ko ng modyul, nakaagapay sila.

Paaralan naman ,na aking ikalawang tahanan


Alam kong patuloy akong gagabayan
Mapa-modular o online man
Tuloy pa rin ang turuan ,
Dahil para kay titser , na aking pinagkakatiwalaan
Edukasyon hindi dapat ipagpaliban.

Sa gurong nais ko ring makilala


Kalauna’y aking ding makikita
Kapag ang sitwasyon ay ayos na
Edukasyon, balik sa paaralan na.

Balikan
Panuto: Basahin at lutasin ang suliranin. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

Inutusan ni ina, na bumili sa palengke si Ate Aleya, ng mga sangkap na


kakailanganin sa pagluluto ng nilagang manok. Magkano ang kabuuang
halaga na magagastos sa pagbili ng sangkap?
-Kalahating kilong manok sa halagang Php 75
-Gulay na repolyo halagang Php 20
A. Ano ang tinatanong?
B. Ano-ano ang binigay?
C. Ano ang word clue?
D. Ano ang operasyon na
gagamitin?
E. Ano ang pamilang na
pangungusap?
F. Ano ang tamang sagot?
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makapagsubtract o makapagbawas sa pamamagitan ng pag-aalis
o paghahambing ng mga bilang ng bagay sa pangkat .

Tuklasin

Basahin ang tugma.


Pansinin ang larawan, at inyong paghambingin
Ibinigay na bilang inyong alamin
Inyong pagtapatin ang bilang at hanayin
Sagot na hinahanap, makikita natin.

Pagmasdan ang larawan ng dalawang magkaibigan .


Sina Lino at Ande ay bumili ng holen sa may tindahan.

1 2 3 4 5 6 7 8 9
Lino

1 2 3 4 5 6
Ande
Ikaw ba ay may kaibigan?
Mabuti!

Lagi nating tatandaan mabuting kaibigan, kaloob ng Maykapal.

A. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa inyong papel ang wastong sagot.

1. Sino ang magkaibigan? _____________________

2. Ano ang kanilang binili?______________________

3. Ilan ang holen na nabili ni Ande?________________

4. Sino ang mas maraming holen ? _______________

5. Ilan ang kalamangan ng holen ni Lino kay Ande? ___________

6. Anong operasyon ang ginamit mo ?____________

7. Ano ang pamilang na pangungusap at sagot?________________

Subukan naman nating basahin at unawain ang talata sa ibaba

Sinubukan ni Plantito na gumawa ng mga paso na


kaniyang magiging part-time negosyo online . Dalawang
araw lamang ang ilalaan niya sa paggawa nito. Sa unang
araw, siya ay nakagawa ng dalawampung paso o 20
pirasong paso . Ikalawang araw ,siya ay nakagawa
naman ng labing-apat na paso o 14 na pirasong paso.
Paghambingin natin ang bilang nang nagawang paso ni Plantito sa una at
ikalawang araw.

Unang araw

Ikalawang araw

B. Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang gumawa ng paso?_____________

2. Ilang araw ang inilaan niya sa paggawa nito? ________

3. Ilang paso ang nagawa niya sa unang araw?________

4. Ilan ang nagawa sa ikalawang araw? __________

5. Ilan ang kakulangan ng bilang ng nagawa niya sa ikalawang araw kung


ikukumpara sa nagawa niya noong unang araw?________

6. Anong operasyon ang gagamitin? __________________


7. Ano ang pamilang na pangungusap at sagot ?_____________

Suriin
Sa paglutas ng ibat-ibang suliranin / solusyon, mahalagang malaman muna
kung anong operasyon ang nararapat na gamitin. Sa operasyong
pagbabawas ( subtraction) , maaari kang gumamit ng pagaalis o
pagtatanggal maging ang paghahambing sa dalawang bilang ng bagay
na may di- pagkakatulad , may kalamangan o kakulangan.

May ilang hakbang na dapat sundin upang makuha ang wastong sagot o
difference sa operasyong pagbabawas (subtraction).

1. Basahin at unawain ang ibinigay na detalye at kung ano ang suliraning


itinatanong.

2. Hanapin ang word clue , sa pagbabawas gamit ang paghahambing na di


– magkatulad ang mga word clue na inyong hahanapin ay higit, lalo, mas.

3. Maaari kang gumamit ng drowing , hanayin at muling paghambingin.


Alamin ang kalamangan o kakulangan , upang makuha ang difference.

4. Isulat sa pamilang na pangungusap. Huwag kaligtaan na sa pagbabawas


ang simbolong bawas (-) ang ating gagamitin.

Subukan natin kung iyong nauunawaan ang ating aralin.

Basahin ang talata at sagutin . Piliin ang letra ng tamang sagot.

Tuwing anihan , tumutulong ang magkapatid sa kanilang mga magulang sa


pamimitas ng mangga. Namitas sina Miko at Pepito. . Si Miko ay nakapitas ng
35 na mangga at si Pepito naman ay 48 na mangga. Matapos mamitas,
tumulong din sila sa pagtitinda nito.

1. Sino ang magkapatid?

A. Lino at Ande B. Pepito at Miko C. Plantito at Plantita

2. Ano ang kanilang ginawa?

A. naglaro sa bukid B. nagtanim ng mangga C. tumulong sa pag-aani

3. Gaano karami ang napitas na mangga ni Pepito kaysa kay Miko?

A. 23 B. 83 C. 13

4. Ano ang wastong pamilang na pangungusap?

A. 35 - 48=N B. 48 – 35 = N C. 48 + 35 = N

5. Mabuting mga anak ba ang magkapatid?

A. Opo B. Hindi po C. Tamad po.

Aral: Pagiging matulungin, pagpapalain.

Pagyamanin
Paghambingin ang dalawang pangkat upang iyong makuha ang sagot.
Punan ng tamang pamilang na pangungusap ang bawat patlang. Isulat
ang hinihinging sagot sa inyong kwaderno.

1.
____-____ = ___
2.
____-____ = ___

3.
____-____ = ___

4. ____-____ = ___

5.
____-____ = ___

Isaisip

Ano ang ating natutuhan sa araling ito?

Natutuhan nating sa operasyong pagbabawas (subtraction )na maaari kang


gumamit ng paghahambing sa dalawang pangkat upang matukoy ang
kalamangan o kakulangan nito.
Subukan nga natin ang iyong kakayahan. Punan ang mga patlang ng
tamang sagot. ( Sabihin ito ng oral )
Laging tandaan na may ilang hakbang , upang makuha ang kalalabasan o
difference sa operasyong 1.________________ o subtraction.
Una, basahin at unawain ang itinatanong na 2.______________.
Ikalawa, hanapin ang 3. _________________ na siyang palatandaan na
subtraction o pagbabawas ang operasyong gagamitin.
Ikatlo,maaari kang magdrowing, hanayin at 4.______________ang dalawang
pangkat.
Ikaapat, isulat sa _____________na pangungusap at huwag kaligtaan na ang
simbolo sa pagbabawas ay ______.

Isagawa

Alam kong nakakasunod ka sa ating aralin, ngayon iyo pang


sagutan iba pang mga gawain.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong pamilang na pangungusap.


Isulat sa iyong sagutang papel ang wastong sagot.

9-1= 8 11-4= 7 8-4=4

10-5=5 9-5=4 7-4=3

X X

1. X X X 2. X X X X
X

3. X X X X 4. X X X

X X X X X

5.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang suliranin. Isulat sa iyong sagutang papel
ang wastong pamilang na pangungusap at ang kalalabasan o difference.

1. Si Mira ay naka walong puntos sa kanilang pagsusulit samantalang si Erika ay


nakasampu. Ilan ang kalamangan ni Erika kaysa kay Mira?

2. Bumili ng swak na Bearbrand si Koko ,ito ay nagkakahalaga ng 10 piso, subalit


ang pera niya ay Php 7 lamang. Magkano pa ang halagang kailangan niya ,
para makabili ng swak na Bearbrand?

3. Si Aling Mona ay may paorder na 12 face mask . Nakagawa na siya ng 8 piraso.


Ilan pa ang kulang sa face mask na dapat niyang gawin?
4. Habang naglalakad ang magkaibigang Belo at Isay nakakita sila ng mga
barya sa daan .Nag-unahan sila sa pagpulot nito . Si Isay ay naka 5 piso at si Belo
ay naka 9 na piso. Gaano karami ang baryang napulot ni Belo kay Isay.

5. Namingwit ng isda sina Oma at Opa. Si Opa ay nakahuli ng 6 na isda at si Oma


naman ay naka 14 na isda. Ilan pa ang dapat mahuli ni Opa para matumbasan
niya ang bilang ng isda ni Oma?

Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng isang suliranin na nagpapakita ng paghahambing ng
dalawang pangkat ng bagay.

Aralin Pagdaragdag Bilang

2 Kabaligtaran ng
Pagbabawas
Sa ating naunang aralin , ang operasyong subtraction o pagbabawas ay ang
proseso ng pag-aalis o pagtatanggal mula sa pangkat ng bagay. May mga
bahagi ang subtraction o pagbabawas.

- =
5 3 2
Minuend Subtrahend Difference

Ang Minuend ay ang bilang na binabawasan


Ang Subtrahend ay ang bilang naman na inaalis o tinatanggal.
Ang Difference ang sagot sa operasyong subtraction o pagbabawas.
Samantalang ang operasyong addition o pagdaragdag ay ang pagsasama
ng mga pangkat ng bagay.

+ =
2 3 5
Addend Addend Sum

Sa addition ,tinatawag na addends ang mga bilang na pinagsasama-sama.


Ang simbolo na ginagamit sa addition o pagdaragdag ay + . At ang tawag
sa sagot ay Sum.

Balikan

Panuto : Ibigay ang difference. Isulat sa inyong papel ang wastong sagot.

1. 9 – 8 = ____ 4. 9 – 3 = ___
2. 10 – 6 = ____ 5. 7 - 5 = ___
3. 8 – 8 = ____

Tuklasin
Pagmasdan ang larawan na iyong nakikita.
May 6 na piraso ng saging sa loob ng basket at 3 saging na nasa mesa.
Panuto : Isulat sa sagutang papel ang wastong sagot.

1. Iguhit ang prutas na iyong nakita.


2. Ilan ang nasa loob ng basket?______
3. Ilan naman ang nasa mesa ? ______
4. Anong operasyon ang ating gagamitin kapag pagsasamahin natin ang
bilang ng mga bagay? __________________
5. Isulat ang pamilang na pangungusap nito. ___________
6. Ano ang kabuuang bilang nito?_________

Muling tingnan ang larawan.


Ang 6 na saging ay nasa loob pa rin ng basket , subalit ang mga saging
na nasa mesa ay ibinawas na o inalis na .

X X X

Ipakita ang pamilang na pangungusap kung ibabawas natin ang 3 saging sa


kabuuang bilang nito.

9 na saging bawasan ng 3 ay 6.
Kung kaya may natira pa na 6 na saging.
Ang 9 bawasan ng 3 ay 6 sa pamilang na pangungusap na tulad nito.
9–3=6

Pansinin muli ang nasa itaas na bahagi sa ating tuklasin.


Kapag idadagdag natin muli ang 3 sa 6 ang kabuuan ay 9.
Sa pamilang na pangungusap na tulad nito.
6+3 =9
Kung kaya’t ang 9 – 3 = 6 sa operasyong subtraction ay kabaligtaran
naman ng 6 + 3 = 9 sa operasyong pagdaragdag.

Sa pamamaraang ito ipinapakita na ang Pagdaragdag ay kabaligtaran ng


Pagbabawas .

Suriin
Kung sa pamamaraang pagbabawas ay nagtatanggal o nag-aalis ng bilang
. Sa pamamaraang pagdaragdag ay pinagsasama-sama natin ang mga
bilang. Kung kaya’t masasabing ang dalawang operasyon ay
magkasalungat o kabaligtaran ng isa’t isa.

Addition o Subtraction o
Pagdaragdag Pagbabawas
2 -addend Pagdaragdag 6 - SUM
+ 4 – addend Kabaligtaran ng
Pagbabawas
- 4 – addend
6 - SUM 2 - DIFFERENCE

Pagyamanin
Piliin ang kabaligtaran ng pamilang na pangungusap na nasa itaas.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong papel.
1.

6+3=9
A. 9 – 5= 4 B. 9 – 3 = 6

2.
X X X X

8- 4 = 4
A. 4 + 8= 12 B. 4 + 4 = 8
3.

X X
7–2=5
A. 5+2=7 B. 5 – 2 = 3

4.

3+3=6
A. 6 + 3 = 9 B. 6 – 3 = 3
5.

4 + 6 = 10
A. 10 + 4= 16 B. 10 – 6 = 4
Isaisip
Ano ang iyong natutuhan sa araling ito?
Sabihin mo kung Tama o Mali. ( Oral )

1. Ang Pagdaragdag ay tinatawag ding Subtraction.


2. Ang Pagbabawas ay operasyong nag-aalis o nagtatanggal ng bilang.
3. Ang Pagdaragday ay maaaring kabaligtaran ng Pagbabawas o
Subtraction.
4. Sa Pagdaragdag pinagsasama –sama natin ang mga bilang.
5. Ang Subtraction ay tinatawag ding Pagbabawas.

Isagawa
Panuto: Sa inyong kuwaderno , kopyahin ang pamilang na pangungusap at
punan ang nawawalang bilang .
1.
6 + ______ = 12
12 - 6 = _______

2.
9 + ______ = 15
15 - 9 = _______

3. 12 + ______ = 15
15 - 12 = _____
4. 8 + ______ = 12
12 – 8 = ___

5.
5 + ______ = 10
10 – 5 = ___

Tayahin

Ipakita na ang pagbabawas ang kabaligtaran ng pagdaragdag.


Isulat ang pamilang na pangungusap sa subtraction .

1. 8 + 6 = 14 _________ - ________ = ________

2. 10 + 10 = 20 _________ - ________ = ________

3. 9 + 8 = 17 _________ - ________ = ________

4. 15 + 10 = 25 _________ - ________ = ________

5. 12 + 12 = 24 _________ - ________ = ________


Suriin Pagyamanin:
1. B 1. 10 – 7 = 3
2. C 2. 16 – 10 = 6
3. C 3. 9 – 3 = 6
4. B 4. 5 – 1 = 4
5. A 5. 3 – 2 = 1
Karagdagang
Tayahin: Gawain
Isagawa
Isaisip: Oral 1. 10 – 8 = 2
1. 10 – 5 = 5
1. Pagbabawas 2. 10 – 7 = 3
2. 11- 4 = 7 - Depende sa
2. suliranin 3. 12 – 8 = 4
3. 8 – 4 = 4
3. word clue 4. 9 – 5 = 4
4. 7 – 4 = 3 sagot ng
4. paghambingin 5. 14 – 6 = 8
5. 9 – 5 = 4
bata
Tuklasin A. Tuklasin B.
1. Sina Lino At Ande 1. Si Plantito
2. mga holen/ holen 2. Dalawang araw/ 2 araw
3. 6 o anim na holen 3. 20
4. Si Lino 4. 14
5. 3 holen/tatlong holen 5. 6
6. Subtraction 6. Subtraction
7. 9 – 6 = 3 7. 20 – 14 = 6
Balikan:
Balikan: Subukin:
A. Magkano ang
D. Addition o kabuuang halaga 1. 8-5=3
Pagdaragdag na magagastos sa 2. 12-7 = 5
pagbili ng sangkap 3. 12-9 = 3
E. 75 + 20 = N
4. 8-4 = 4
B. 75 at 20
F. Php 90 5. 18 – 9 = 9
C. kabuuan
Susi sa Pagwawasto(Aralin 1)
Susi sa Pagwawasto(Aralin 2)

Tuklasin:
5. B
1. Balikan:
4. B
1. 9 – 8 = 1
2. 6
2. 10 – 6 = 4
3. A
3. 3
2. B 3. 8 – 8 = 0
1. B 4. Addition 4. 9 – 3 = 6
5. 6 + 3 = N 5. 7 – 5 = 2
Pagyamanin: 6. 9

Isagawa
5. Tama
1. 6 + 6 = 12 4. 8 + 4 = 12
5. 24 – 12 = 12
4. 25 – 10 = 15 4. Tama
12 – 6 = 6 12 – 8 = 4 3. 17 – 8 = 9
3. Tama
2. Tama
2. 20 – 10 = 10
1. Mali
2. 9 + 6 = 15 5. 5 + 5 = 10 1. 14 – 6 = 8
15 – 9 = 6 10 – 5 = 5 Isaisip : Oral
Tayain:

3. 12 + 3 = 15
15 – 12 = 3
Sanggunian
Department of Education (Deped). K To 12Curriculum Giudes:Mathematics
2016.

Mathematics – Unang Baitang: Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog,


Binagong Edisyon 2017. Danilo S. Padilla, Rodrigo V. Pascua, Lolita P. Dacuba,
Marivic M. Celelao, Dahlia L. Silvania, at Maybellene A. Garlejo

Department Of Education( DepEd). Guide for Mathematicxs Teachers in Using


The Most Essential Learning Competencies( MELC ), 2020.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like