You are on page 1of 26

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
May Tungkulin sa Bawat Karapatan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan- Modyul 2: Mga Tungkulin sa Bawat Karapatan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng KagawaranngEdukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA JUNIOR HS


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Awtor : Maria Estela R. Villanueva


Ko-Awtor - Editor : Viola T. De Guzman
Ko-Awtor - Tagasuri : Maribeth E. Reyes
Ko-Awtor - Tagaguhit : Leo C. Espinosa
Ko-Awtor - Tagalapat : Leo C. Espinosa
Ko-Awtor - Tagapangasiwa : Viola T. De Guzman

MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP : Jacquelyn C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
May Tungkulin sa Bawat
Karapatan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling May Tungkulin sa Bawat
Karapatan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa


pinakakatawan ng modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,


panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa May Tungkulin sa Bawat Karapatan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
07212020
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
DRAFT

Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang Modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Ito ay ginawa upang
mas mapalalim ang iyong kaalaman sa pagkilala sa Mga Karapatan at Tungkulin
ng Tao.

Sa huli’y inaasahang masasagot mo ang mahahalagang tanong na: Bakit


mahalagang gampanan ng bawat indibidwal ang mga tungkuling kaakibat ng
kanyang mga karapatan/kalayaan? Anu- ano ang mga posibleng maging
epekto ng hindi pagtupad dito? At inaasahang maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pang- unawa:

1. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng kabuluhan


kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at
unawain, gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay- pantay
ng lahat ng tao.

2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga


nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa
pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o lipunan/bansa.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin


ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Para sa bilang 1-7, basahin at suriin ang mga pangyayari. Pumili sa kung
ano ang angkop na kilos upang maipakita ang mapanagutang pagtupad sa
tungkulin.

1. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil


sa hindi pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan
nang hindi maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang
kaniyang paslit na apo.
a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
b. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para
mamagitan sa kanila.
c. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber. Pagsasabihan
ko sila na tumigil na.
d. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.

2. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May


pumasok na binatilyo na hindi maikakailang ay may kapansanan sa
paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa
binatilyo na tila uhaw at gutom na.
a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa
habang naghihintay siya ng malulugaran.
b. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at
tawanan sa aking mga kaeskwela.
c. Tatawagin ko ang pansin ang isa sa mga service crew para maglaan
ng lugar para sa mga taong may kapansanan.
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may
kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa
kainan.

3. Pagpasok mo ng silid- aralan at narinig mong pinagtatawanan ng iyong


mga kaklase ang Bisaya mong kaklase. Ikaw ay…
a. Sasali sa tawanan dahil ito ay masaya
b. Sasawayin sila dahil ito ay hindi paggalang sa pagtatangi ng isang
tao
c. Magsasawalang kibo para hindi madamay
d. Wala sa nabanggit

4. May mahabang pagsusulit ka kinabukasan ngunit inaya ka ng iyong


kaibigan na mamasyal at manuod ng sine.
a. Sasama at ipagpapatuloy ang pag-aaral pag-uwi

2
b. Ipagwalang bahala ang exam at sabihing bahala na bukas
c. Uunahin ang pag-aaral at sa susunod na araw na lang ang
pamamasyal
d. Kinabukasan na lang ang paggala bago ang exam

5. Madalas kang pagalitan sapagkat lagi kang nagkakamali sa iyong


trabaho.
a. Magagalit sa boss dahil lagi ka na lang nakikita
b. Huwag na lamang pansinin dahil likas sa tao ang magkamali
c. Umalis sa trabaho at humanap ng iba
d. Magsisikap at pagbubutihin ang trabaho

6. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang


pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag
kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan
ang pusa.
d. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala
ang pusa.

7. Kung ikaw ay gipit, tama ba ang mabilis na hanapbuhay ngunit ito ay


ilegal.
a. Oo, upang matugunan ang pangangailangan
b. Oo, dahil ito ay mabilis na paraan at makarami ka
c. Hindi, dahil anumang intensyong mabuti ngunit ang paraan ay
mali, ito ay mananatiling mali
d. hindi, baka malaman at layuan ng mga kaibigan

8. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa


dignidad ay _______.
a. Inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa
lipunang kanyang kinagagalawan.
b. Maaring maging hadlang upang maging isang mabuting
mamamayan.
c. Magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay.
d. Ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay.

9. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang


isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
b. Nakabatay ang tungkulin sa likas na batas moral
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay- pamayanan.
d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad
ng mga tungkulin

10. Ito ay gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti
a. isip b. kaluluwa c. puso d. puso at isip

3
Aralin

2
May Tungkulin sa Bawat
Karapatan

May karapatan ang bawat taong nilikha, kaya naman mayroong


naghihintay na karampatang paggawa at ito ang tungkulin ng tao sa
lipunan. Tulad ng ugnayan ng paglubog at pagsikat ng araw, ang ating mga
karapatan at tungkulin ay laging magkasama at hindi maaaring
paghiwalayin.

Balikan

Panuto: Tukuyin ang ipinapahayag na karapatan at tungkulin ng larawan.


Isulat ang iyong sagot sasagutang papel.

KARAPATAN TUNGKULIN

1. 3.

2. 4.

4
5.

Mga Tala para sa Guro

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa


Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain.
Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

Tuklasin

Gawain 1: Hinahangaan Ko, Tutularan Ko!

Magbigay ng pangalan ng isang taong iyong hinahangaan/ iniidolo (maaaring


ito ay itong magulang, kapatid, kaibigan, pulitiko o kilalang personalidad) at
sagutin ang mga sumusunod na katanungan

1. Bakit nga ba natin hinahangaan o iniidolo ang isang tao?

2. Ano ang mga taglay niyang katangian na tunay na kahanga- hanga?

3. Bilang mag- aaral, ano ang mga bagay na dapat mong gawin upang
maging katulad ka ng iyong iniidolo?
5

Suriin

❖ Ang bawat karapatan na tinatamasa mo bilang tao sa lipunan, saang


dako ka man naroroon ay may katumbas na pananagutan. Ang
pananagutan o tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa
o maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa mo nang
maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring
magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao
dito sa mundo
❖ Ang karapatang pantao na ipinagkaloob sa atin ay hindi pansarili
lamang. Ang kaganapan nito ay nasa pakikipagkapwa-tao sa lipunan.
Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa niya,
magdudulot ito ng kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa.

❖ Ang kalayaan at katwiran ay nakaugat sa puso ng tao kaya naman


kailangang ito ay palaguin at linangin upang magkaroon ng saysay ang
karapatang pantao. Kung bakit may paglabag sa mga ito ay dahil na
rin sa kalayaan at katwiran.
❖ Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan sa mga
tungkulin ay dala ng kaloob na karapatang pantao. Ngunit tandaan na
may mga batas na kinakailangang sundin sa lipunan.
6
Pagyamanin

Ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung


gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit
ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng
tao.

Gawain 2: Mga Larawang Hindi Kupas!

Panuto: Ang mga larawan ay nagpapahayag ng iba’t ibang sitwasyon na


may kaugnayan sa malayang pagkilos at pagtupad ng gampanin ng
tao ngayong panahon ng pandemic. Batay sa larawan, tukuyin
kung ano ang epekto na kaakibat ng mga sumusunod na kilos.

1. 4.

2. 5.

3.

7
Isaisip

Gawain 3: Pusuan Natin!

Panuto: Lagyan ng kung ang nakatala sa ibaba ay nagpapakita ng


pagkikila sa mapanagutang pagkilos at pagsasakatuparan ng
tungkulin at naman kung hindi.

__________ 1. Aktibong nakilahok ang mga kabataan sa pangkalinisang


proyekto ng kanilang barangay upang makaiwas sa
masasamang bisyo.

__________ 2. Anim na ang anak ng mag-asawang Nestor at Cora kata


nagpasya silang ipalaglag na lang ang sanggol na dinadala ng
huli.

___________ 3. Ang grupo ng mga protestante ay nagsasagawa ng rally sa


kabila ng kinakaharap na pandemya.

__________ 4. Inuunang tapusin ni Sue ang mahahalagang gawain bago


magpahinga, magpasya at maglibang.

__________ 5. Isang madugong engkwento ang naganap sa pagitan ng mga


hinihinalang terorista at pwersa ng pamahalaan na ikinasawi
ng limang katao.

___________ 6. Hindi idinedeklara ni Rudy ang totoong kinikita ng kanyang


negosyo upang makapandaya sa pagbabayad ng buwis.

__________ 7. Isinasagawa ang buwanang seminar at pag- aaral sa Barangay


Health Center ng Pilar upang makaiwas sa iba’t ibang sakit
ang mga residente nito.

__________ 8. Ang mga kawani ng barangay ay walang pagod sa pagrerepack


ng relief goods na ipamamahagi sa kanilang lugar.

__________ 9. Mahirap ang kinalakihang buhay ni Juancho kaya’t siya ay


pumasok sa illegal na gawain.

__________ 10. Nirerecycle ng ilang grupo ng negosyante ang mga gamit ng


facemask upang pagkakitaan.

8
Isagawa

Gawain 4:
Panuto: Ano ang kahalagahan ng pagtupad sa mga tungkuling kaakibat ng
ating mga karapatan/ kalayaan? Ilahad ang iyong sagot sa pamamagitan
ng isang slogan. Gamiting gabay ang rubrik sa pagsasagawa ng gawain.

RUBRIK SA PAGMAMARKA

Nilalaman – 10 puntos
Pagkamalikhain – 8 puntos
Kaangkupan sa tema – 7 puntos
Kalinisan – 5 puntos
KABUUAN: 30 PUNTOS

9
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin


ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Para sa bilang 1-7, basahin at suriin ang mga pangyayari. Pumili sa kung
ano ang angkop na kilos upang maipakita ang mapanagutang pagtupad sa
tungkulin.

1. Pagpasok mo ng silid- aralan at narinig mong pinagtatawanan ng iyong


mga kaklase ang Bisaya mong kaklase. Ikaw ay…
a. Sasali sa tawanan dahil ito ay masaya
b. Sasawayin sila dahil ito ay hindi paggalang sa pagtatangi ng isang
tao
c. Magsasawalang kibo para hindi madamay
d. Wala sa nabanggit

2. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil


sa hindi pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan
nang hindi maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang
kaniyang paslit na apo.
a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
b. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para
mamagitan sa kanila.
c. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber.
Pagsasabihan ko sila na tumigil na.
d. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.

3. Madalas kang pagalitan sapagkat lagi kang nagkakamali sa iyong


trabaho.
a. Magagalit sa boss dahil lagi ka na lang nakikita
b. Huwag na lamang pansinin dahil likas sa tao ang magkamali
c. Umalis sa trabaho at humanap ng iba
d. Magsisikap at pagbubutihin ang trabaho

4. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang


kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa
hapag kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan
ang pusa.
d. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala
ang pusa.

10
5. May mahabang pagsusulit ka kinabukasan ngunit inaya ka ng iyong
kaibigan na mamasyal at manuod ng sine.
a. Sasama at ipagpapatuloy ang pag-aaral pag-uwi
b. Ipagwalang bahala ang exam at sabihing bahala na bukas
c. Uunahin ang pag-aaral at sa susunod na araw na lang ang
pamamasyal
d. Kinabukasan na lang ang paggala bago ang exam

6. Kung ikaw ay gipit, tama ba ang mabilis na hanapbuhay ngunit ito ay


ilegal.
a. Oo, upang matugunan ang pangangailangan
b. Oo, dahil ito ay mabilis na paraan at makarami ka
c. Hindi, dahil anumang intensyong mabuti ngunit ang paraan ay
mali, ito ay mananatiling mali
d. hindi, baka malaman at layuan ng mga kaibigan

7. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May


pumasok na binatilyo na hindi maikakailang ay may kapansanan sa
paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa
binatilyo na tila uhaw at gutom na.
a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa
habang naghihintay siya ng malulugaran.
b. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at
tawanan sa aking mga kaeskwela.
c. Tatawagin ko ang pansin ang isa sa mga service crew para maglaan
ng lugar para sa mga taong may kapansanan.
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may
kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa
kainan.

8. Ito ay gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti


a. isip b. kaluluwa c. puso d. puso at isip

9. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa


dignidad ay _______.
a. Inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa
lipunang kanyang kinagagalawan.
b. Maaring maging hadlang upang maging isang mabuting
mamamayan.
c. Magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay.
d. Ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay.

10. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang
isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
b. Nakabatay ang tungkulin sa likas na batas moral
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay- pamayanan.
d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad
ng mga tungkulin

11
Karagdagang Gawain

aaraling

Gumupit ng isang maikling balita tungkol sa karapatang pantao. Idikit ito


sa nakalaang espasyo sa ibaba at isulat ang personal mong reaksyon dito at
ano ang maaaring maging hakbang upang maituwid ang nasabing paglabag.
Sikaping iugnay ang iyong isusulat sa bagay na natutunan mo sa araling ito.

12
Susi sa Pagwawasto

D .10 .
PAGBABAYAD NG .5
B .9 BUWIS

A .8 PANGANGALAGA SA .4
KALIKASAN
C .7

C .6 KARAPATAN LABAN SA .3
ANUMANG URI NG
D .5 DISKRIMINASYON

C .4 KARAPATAN SA PAGPILI .2
NG PROPESYON/HANAP-
B .3 BUHAY

C .2 KARAPATAN SA PATAS NA
PAGTRATO SA HARAP NG
B .1 BATAS O HUKUMAN .1 .1

SUBUKIN BALIKAN

A .10

A .9

D .8

C .7

C .6

C .5

C .4

D .3

B .2

B .1

TAYAHIN

13
Sanggunian
Mula sa Internet:

https://nathaliapilapil.blogspot.com/2018/02/butas.html pantay

https://decoratex.biz/bsn/tl/gnosticheskie-professii-spisok-klassifikatsiya-
professiy.html propesyon

https://www.erieinsurance.com/blog/anti-discrimination-laws-for-business
discrimination

https://medium.com/@Travel_Center/ang-pagdiriwang-ng-world-
environment-day-2020-bce5c0b6ed7e

https://tnt.abante.com.ph/deadline-sa-pagbabayad-ng-buwis-sa-maynila-
pinalawig/

https://chennaigeekz.com/entertainment/gaming-addiction-vs-online-
gaming-addiction/

https://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/the-benefits-of-
homeschooling-your-child?ref=feed_1

https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fassets.rappler.co
m%2FC04460F6A9C84647B99A70E82E01B4F7%2Fimg%2FC1C7FA5D15D
D42B3B94479250734D056%2Fnovaliches-barangay-alcohol-covid-19-
enhance-community-quarantine-march-19-2020-
002.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.inkl.com%2Fnews%2Flist-
celebrities-lead-relief-fund-drives-for-families-workers-affected-by-
lockdown&tbnid=jnWmn1IOx9u8PM&vet=12ahUKEwiTy_Le6p7sAhWVzIsBH
YCZDdsQMygqegUIARDlAQ..i&docid=HYB__vxEr8Uw_M&w=1600&h=1067&
q=relief%20giving%20philippines&hl=fil&ved=2ahUKEwiTy_Le6p7sAhWVzIsB
HYCZDdsQMygqegUIARDlAQ

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fcdnuploads.aa.co
m.tr%2Fuploads%2FContents%2F2020%2F06%2F07%2Fthumbs_b_c_49e94
e2440feb37d13d27519e4cee329.jpg%3Fv%3D130227&imgrefurl=https%3A%
2F%2Fwww.aa.com.tr%2Fen%2Fenvironment%2Fface-masks-latex-gloves-
begin-to-trickle-into-
seas%2F1868246&tbnid=oISuO0zpVbIW5M&vet=12ahUKEwiGnpqv7p7sAhV
0xYsBHfFDDXwQMygKegUIARCWAQ..i&docid=uZHqsrVYybwuxM&w=864&h
=486&q=used%20facemask%20throw%20in%20the%20ocean&hl=fil&ved=2a
hUKEwiGnpqv7p7sAhV0xYsBHfFDDXwQMygKegUIARCWAQ#imgrc=oISuO0z
pVbIW5M&imgdii=vGMGWiBrFVOOAM
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fs.yimg.com%2Fn
y%2Fapi%2Fres%2F1.2%2Fvw8._5oiOwEcK6Mv36XvgA--
~A%2FYXBwaWQ9aGlnaGxhbmRlcjtzbT0xO3c9ODAw%2Fhttps%3A%2F%2F
media.zenfs.com%2Fen-
US%2Freuters.com%2F2962b25de71075570b3fc4a8ee7f6314&imgrefurl=htt
ps%3A%2F%2Fsports.yahoo.com%2Fphilippines-confirms-2-965-
coronavirus-
080555979.html&tbnid=ZEKkWgSY5dYgVM&vet=12ahUKEwiH_4Cu757sAh
VCTZQKHVSYDzgQMygFegUIARCIAQ..i&docid=YYMzmJ0jO8P1-
M&w=800&h=533&q=teachers%20during%20covid%20philippines&hl=fil&ve
d=2ahUKEwiH_4Cu757sAhVCTZQKHVSYDzgQMygFegUIARCIAQ

https://www.google.com/search?q=heart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiV-
87khqrsAhURA6YKHTNTD3oQ2-
cCegQIABAA&oq=heart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECCMQJzIECCMQJzIHCAAQs
QMQQzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIHCAAQsQMQQzIECAAQQ
zIECAAQQzoFCAAQsQM6BwgjEOoCECdQy68IWM2_CGDewAhoAXAAeAKAAc
sBiAH0CZIBBTcuNC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQrAAQE&sclien
t=img&ei=pKyBX5WZKZGGmAWzpr3QBw&bih=833&biw=1821

https://www.google.com/search?q=broken+heart&tbm=isch&ved=2ahUKEwi
tj-mnh6rsAhXGxIsBHQYlBWIQ2-
cCegQIABAA&oq=broken+heart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIHCAAQsQMQQzIHCA
AQsQMQQzIECAAQQzIHCAAQsQMQQzIHCAAQsQMQQzIHCAAQsQMQQzIEC
AAQQzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzoECCMQJzoCCABQ-
5QBWL_FAWDiyAFoAnAAeACAAX2IAbwKkgEEMTEuM5gBAKABAaoBC2d3cy
13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=Ma2BX-
2yJcaJr7wPhsqUkAY&bih=833&biw=1821#imgrc=41xjYyT0yfBsOM&imgdii=i
8XzGX6C-Ab_WM

https://www.google.com/search?q=stationery&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=
rimg:CQboFGxaq1udYbaUjm9vvtZd&sa=X&ved=0CB0QuIIBahcKEwj4tomBo
arsAhUAAAAAHQAAAAAQBg&biw=1799&bih=759#imgrc=puKPqB9VcuVF-M

Mga Aklat

Amarillas, Benjie A. Edukasyon sa Pagpapahalaga III. ISBN: 978-971-621-058-2

Gayola, Sheryl T. et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang.Modyul para sa


mag-aaral Unang Edisyon 2015.ISBN:98-9601-75-3 DepEd-IMCS.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like