You are on page 1of 25

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Ang Makataong Kilos
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Makataong Kilos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA JUNIOR HS


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Awtor : Christine A. Naragdao


Ko-Awtor - Editor : Chrsitine A. Naragdao
Ko-Awtor - Tagasuri : Winnie B. Victoriano
Ko-Awtor - Tagaguhit : Ruth Ann M. Verdera
Ko-Awtor - Tagalapat : Ruth Ann M. Verdera
Ko-Awtor - Tagapangasiwa : Christine A. Naragdao

MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP : Jacquelyn C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-210
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Ang Makataong Kilos
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Makataong Kilos: Layunin,
Paraan at Sirkumstansya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Makataong Kilos: Layunin, Paraan at Sirkumstansya.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

ii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang maunawaan mong lubos ang
kahalagahan ng makataong kilos at ang kapanagutan ng iyong kilos.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Naipaliliwanag nang may pagkukusa ang makataong kilos kung nagmumula
ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman
(ESP10MK-11a-5.2)
2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan (ESP10MK-11b-5.3)

1
Subukin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ito
ay TAMA o MALI. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

_________1. Ang pagkatao ng isang indibidwal ay nakasalalay sa kilos na kanyang


ginagawa at gagawin pa.

_________2. Ang bawat indibidwal ay may pananagutan sa lahat ng kanyang kilos.

_________3. Ang kilos ng tao ( acts of man ) ay likas sa tao at ayon sa kanyang
kalikasan.

_________4. Pananagutan ng taong nagsasagawa ng kilos ang bunga ng kanyang


piniling kilos.

_________5. Ang makataong kilos ay hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.

_________6. Ang kilos ay nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol o
pananagutan sa sarili.

_________7. Walang kakayahan ang isang tao na kumilos ayon sa kanyang nais at
kagustuhan.

_________8. Maaaring maging Makatao ang Kilos ng tao.

_________9. Sa pamamagitan ng isip at kaalaman, ang tao ay nakakagawa ng


makataong kilos.

_________10. Ang tao ay may tamang katwiran kung gagawin nya ang anumang
nais niyang gawin.

Panuto. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong.
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel.

11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkukusang kilos?

a. pagkurap ng mata

b. paghimas ng tiyan dahil sa pagkagutom

c. pagsigaw para mapansin

d. nagsasalita habang tulog

2
12. Bakit naging responsible ang tao sa kanyang kilos?

a. kung ito ay pinili, sinadya at malayang kilos-loob

b. kung ito ay di sinasadya at likas niyang kilos

c. kung ito ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama

d. kung walang naaapektuhan sa kanyang kilos

13. Ang uri ng pagkatao ng isang indibidwal ay nakasalalay sa uri ng kanyang


kilos. Ang pahayag ay tama dahil sa :

a. Ang lahat ng kilos ay sumasalamin sa pagkatao ng isang indibidwal.

b. Ang tao ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kanyang nais at katwiran.

c. Ang pagkukusang kilos ng tao gamit ang isip at kilos - loob ay nagdadala ng
pagbabago sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at ginagalawang mundo.

d. Lahat ng kilos ng tao ay naayon sa kanyang isip lamang.

14. Alin sa mga sumusunod na kilos ang maituturing na makatao at dapat


mapanagutan?

a. paghimas ng tiyan dahil sa pagkagutom

b. pagkaramdam ng sakit sa sugat

c. paghikab dahil sa antok na nararamdaman

d. pagbahing sa harap ng kapatid para magulat

15. Matalino at magaling sa klase si Lloyd. Lagi syang nangunguna sa mga


talakayan at mga pangkatang gawain. Dahil dito, napupuri siya ng kanyang guro
at hinahangaan ng kanyang mga kaklase. May pananagutan ba si Lloyd, bakit siya
hinahangaan ng guro at ng kaklase?

a. Wala, dahil normal ang magpagalingan sa loob ng klase

b. Wala, dahil nag-aaral siyang mabuti at naging responsableng mag-aaral

c. Oo, dahil siya bida-bida sa klase

d. Oo, dahil masyado siyang magaling, kaya di napapansin ang kanyang kapwa
mag-aaral

3
Aralin
ANG MAKATAONG KILOS
1
Balikan

Natutunan mo na sa nakaraang modyul na ang tao ay may kakayahang


makapili at maging mapanagutan sa piniling pasiya sa tulong ng kalayaan. Ikaw
ay nagtataglay ng tunay na kalayaan kung ang bawat kilos at pasiya ay
nagpapakita ng pagmamahal at paglilingkod. Balikan mo ang iyong mga kilos sa
nakaraan, ito ba ay nagpapakita ng pagmamahal at paglilingkod? Ikaw ba ay
malayang kumikilos para sa ikabubuti ng iba?

Sa kasalukuyan, ano ang isinasaalang-alang mo bago gawin ang iyong


nais? Naiisip mo ba ang maaaring kapanagutan mo sa bawat kilos na iyong
pinili? Ang mga kilos na iyong sinadya ay handa ka bang panagutan ang resulta
nito? Mabuti man o hindi?

Tuklasin

Gawain 1
PANUTO.Basahin at suriin ang sitwasyon. Ipagpalagay mo na ikaw ang tauhan sa
sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Nababasa mo sa group chat ninyong magkaklase ang usapan na


magpapalitan ng sagot sa takdang aralin sa Science. Nakapagkasunduan
nilang ipapasa ito sa group chat upang makasagot ang lahat nang iyong
kaklase. Katulad ng karamihan, isa ka sa nahihirapan at wala pang
nagagawa para sa takdang aralin. Batay sa kanila, malalagot ang sinuman na
kasama sa group chat na magsusumbong sa kinauukulan.

Mga Tanong:
1. Ano ang iyong reaksyon sa sitwasyon?
2. Susundin mo ba ang udyok ng iyong mga kaklase upang magkaroon ka ng takdang
aralin? Bakit?
4
3. Ano ang maaaring kahihinatnan kung pipiliin mong manahimik? kung pipiliin mong
kopyahin ang gawa ng iyong kaklase na ipinasa sa inyong group chat?
4. Ano ang kapanagutan ng iyong kilos kung ito ay isinawalang-bahala?
5. Batay sa sitwasyon, paano mo maipapakita ang makataong kilos?

Gawain 2 Alamin ang Kapanagutan!


Gamit ang talahanayan, tukuyin at lagyan ng tsek kung ang kilos ay may
kapanagutan o wala. Ipaliwanag ang iyong sagot.

May Walang
Mga Kilos Paliwanag
kapanagutan kapanagutan
1. Nakisali sa
panlilibak ng
barkada sa isa
ninyong kaibigan.
2. Kinain ang
dalang baon dahil
ikaw ay nagutom.
3. Tinulungan ang
matanda sa
pagtawid sa
kalsada.
4. Tinago ang
cellphone ng
kaklase na
naiwan sa silid-
aralan.
5. Nag-aaral ng
mabuti at
ginagawa ang mga
takdang aralin.
5
Suriin
Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung
magiging anong uri sya na tao sa mga susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos
na kaniyang ginagawa at gagawin pa. Ayon rin sa kanya, ang kilos ay nagbibigay ng
patunay kung ang isang tao ay may control at pananagutan sa sarili. Ang tao ay
kumikilos sa bawat segundo ng kanyang buhay. At ang kilos na ito ay nagdadala ng
pagbabago sa kanyang sarili, sa kapwa at sa ginagalawan niyang mundo. Maaaring ang
kilos na ito ay walang kapanagutan o may kapanagutan. Ang kapanagutan ng kilos ay
batay sa kamalayan ng isang tao sa kanyang ginagawa.

May Dalawang uri ng Kilos ang Tao:

1. Kilos ng Tao ( Acts of Man)- Ito ay likas sa tao at ayon sa kanyang kalikasan. Hindi ito
ginagamitan ng isip at kilos-loob. Walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya
walang papangutan ang tao sa kilos na ito. Ito ang mga biyolohikal at pisyolohikal na
kilos. Halimbawa nito ay ang paghinga, pagkurap ng mata, pagtibok ng
puso,pagkagutom at iba pa.

2. Makataong Kilos (Human Act)- Ito ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya
at kusa. Ito ay ginagamitan ng isip at kilos loob kung kaya’t ang tao ay nagiging
responsible sa resulta ng kanyang kilos maganda man ito o hindi. Ang makataong kilos
ay kilos bunga ng pagsusuri at konsensya. Ito ay kilos na may pagkukusa sapagkat ito
ay nagmumula sa kalooban ng gumagawa sa patnubay ng isip at kaalaman. Ang tao ay
may kapanagutan sa makataong kilos.

Mga Katangian ng Makataong Kilos


1. Kaalaman- Ang makataong kilos ay nagsisimula sa pagkakaroon ng kaalaman
tungkol sa kalikasan at epekto ng gawi. Nangangahulugan ito ng tiyak na kamalayan ng
tao na nagsasagawa ng kilos. Hindi gagawin ng isang tao ang isang bagay na hindi niya
inisip at ginusto
2. Kalayaan- Ang gawi ng tao ay kanyang itinakda at niloob. Nagpapasaya ang tao sa
bagay na kanyang gagawin o hindi gagawin sa tulong ng kalayaan ng kanyang kalooban.
Marapat na hubugin ng tao ang kanyang kalooban na piliin ang tamang gawi o gawa.
3. Pagkukusa- masasabi natin na ang kilos ay may pagkukusa kung ito ay pinag-isipang
mabuti at malayang isinagawa. Ang kilos na may kaalaman at kalayaan ay kilos na may
pagkukusa na nagmumula sa kalooan ng isang tao.

6
Ang Kilos ng Tao (Act of Man) ay maaring maging makataong kilos.? Ipapaliwanag natin

ito gamit ang halimbawa.

Si Bryan ay mahilig gumamit ng kanyang selpon at magbrowse ng mga


artikulo at mga babasahin sa iba’t ibang social media. Sa kanyang
pagbabasa, may nakita siyang artikulo na may mga larawan na malalaswa
ang nakalagay sa headlines. Hindi sinasadya na makita ito ni Bryan kaya’t
minabuti niyang huwag buksan at basahin ang artikulo.

Ating suriin ang halimbawa. Ipinapakita dito na hindi pinili ni Bryan na makita
ang malaswang babasahin. Ang kilos na makita ang babasahin ay isang kilos ng tao.
Alam nating hindi sinasadya ni Bryan na makita ang artikulo kahit pa alam niyang
naglalaman ito ng malalaswang pahayag ayon sa headlines ng artikulo. Ang kilos na
nakita niya ang babasahin ay hindi sinadya. Ang kakayahan niyang buksan at basahin
ito ay hindi nya pinili. Ngunit ang naging kilos ni Bryan ay maaaring naging makataong
kilos. Sa paanong paraan? Halimbawa sa nakita niyang artikulo, kanya itong binuksan
at binasa. Ito ay naglalaman ng mga malalaswang pahayag at litrato. Pinili nyang
tingnan ito. Sa pagkakataong ito ginamit ni Bryan ang kakayahan niyang pumili at
malayang kilos loob. Ipinakita niya ito nang kanyang binuksan, binasa at tinignan niya
ang mga litrato. Isang indikasyon na ito ay ginusto at sinadya. Ito rin ang tinatawag
nating pagkukusang kilos (voluntary act). Sa simpleng nakita ay naging kilos na may
intensyong at tingnan ang mga litrato. Ang dating kilos ng tao (acts of man) ay naging
makataong kilos (human act). Dahil ito ay sinadya, pinili at may kaalaman sa kilos, ito
ay may kapanagutan (imputable). Sa halimbawa ng kilos ni Bryan. Siya ay naging
responsible sa kanyang piniling kilos. Ang pag kukusang kilos na may kaalaman at
kalayaan ay may pananagutan.

7
Pagyamanin

Gawain 3 Tukuyin mo! Kilos mo!

PANUTO. Tukuyin ang mga sumusunod kung ito ba ay KILOS NG TAO o


MAKATAONG KILOS. Isulat ang buong salita.

1. Paghikab -

2. Nakisali sa usapan -

3. Paghinga -

4. Pag-ubo -

5. Pag kurap ng mata -

6. Kinain ang pagkain ng kapatid -

7. Itinawid ang matanda sa kalsada -

8. Pagkaramdam ng sakit sa sugat -

9. Hindi ginawa ang gawaing bahay -

10. Pagbahing -

Gawain 4 Pagbubuo ng Pangungusap

PANUTO. Buuin ang konsepto sa pamamagitan ng pagbubuo ng pangungusap.

1. Sa araling ito, aking nalaman na ang kilos ay may kapanagutan


kapag
_______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________

2. Ang makataong kilos ay maisasagawa kung


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
______________________________________

8
3. May pagkukusa ang makataong kilos kung ito ay
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
10-GOMBORZA.xl____________________________________________________________________
sx
____________________________________
Book1.xlsx

Isaisip

Gawain 5 Buuin mo!

PANUTO. Punan ang bawat patlang gamit ang mga salita sa loob ng kahon. Punan
ito ng tamang sagot.

1. Ang ________________ ay nagbibigay ng patunay kung ang isang tao ay may


kontrol at pananagutan sa sarili.
2-3
Ito ang dalawang uri ng kilos ng tao: ________________at ________________.

4. Nagpapakita ng ________________ kung ang iyong kilos ay gingusto at sinasadya.


5. Ang kilos na pinili, may pagkukusa at kaalaman ay may________________.
6. Ayon kay________________ ang uri ng pagkatao ng isang indibidwal ay nakaalalay
sa uri ng kanyang kilos.
7. Ang kilos ng tao (Act of man) ay likas sa tao at ayon sa kanyang
________________bilang isang tao.
8-9.Ang makataong kilos ay ginagamitan ng ________________at________________.
10. Ang tao ay________________ sa kanyang piniling at ninais na kilos.

Agapay kilos responsible isip


kilos ng tao Kilos-loob Aristoteles kalikasan
kalayaan kapanagutan Pagkukusang kilos makataong kilos

9
Gawain 6 Masaya ka ba o hindi?

PANUTO. Basahin ang pahayag sa loob ng bawat kahon. Iguhit ang masayang
mukha sa loob ng bilog kung ito ay tama at malungkot na mukha naman kung
hindi. Isulat sa patlang sa ibaba ng kahon ang iyong paliwanag.

Ang tao ay responsable sa kilos na kanyang pinili, sinadya, at may sapat na kaalaman dito.

Paliwanag _______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Ang tao ay may kapanagutan sa makataong kilos.

Paliwanag _______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Walang kapanagutan ang isang tao kung siya ay sumusunod lamang sa udyok ng iba

Paliwanag _______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

10
Isagawa
GAWAIN 7 Maalaala Mo Kaya!

PANUTO: Gunitain ang mga pangyayari sa iyong buhay kung saan may
sinadya kang gawin na hindi naging maganda ang resulta at may
naapektuhan sa iyong kilos. Isulat ang sitwasyon sa unang kolum at isulat
naman ang iyong kapanagutan sa ikalawang kolum. Para sa ikatlong kolum
ipaliwanag ang iyong kapanagutan at sa huling kolum isulat ang dapat
mong gawin sa susunod upang mas maging maayos ang resulta ng iyong
kilos.

SITWASYON/IY ANO ANG IPALIWANAG ANO ANG


ONG GINAWA NAGING ANG IYONG DAPAT NA
RESULTA KAPANAGUTAN GAGAWIN SA
SUSUNOD

Hal. -nalaman ng -dahil sa sinabi -kapag ito ay


ibang tao ko nalaman ng sikreto at
Sinabi ang ibang tao at hindi alam kong
sikreto ng -nasaktan ang na ako nakakasira
kaibigan kaibigan pinagkatiwalaan sa iba, hindi
ng aking ito ipagsasabi
kaibigan. sa iba.

1.

2.

3.

11
GAWAIN 8 Makataong Kilos ko sa Kapwa ko!

PANUTO.Isulat sa bawat hugis ang mga halimbawa ng makataong kilos na


iyong gagawin na may magagandang epekto sa sarili at sa nakasulat sa
loob ng hugis. Mga halimbawa ng makataong kilos na wasto at mabuti ang
kapanagutan.

Sa magulang o kasama sa Sa mga kaibigan


bahay _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ ____
____

Sa mga kapatid Sa kapitbahay


_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
____ ____

12
Tayahin

PANUTO.Unawaiing mabuti ang mga tanong at isulat ang titik lamang.

1. Ang kilos na ito ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kung kaya
walang kapanagutan ang nagsagawa nito.
a. makataong kilos b. pagkukusang kilos
c. kilos ng tao d. kilos-loob

2. Ano ang pangunahing kahulugan ng makataong kilos?


a. pagkilos ayon sa nangyayari sa paligid
b. pagkilos na isinasaalang alang ang sarili
c. likas na pagkilos ng tao
d. pagkilos ng may kaalaman, malaya at kusa

3. Ano ang kadahilanan upang ang kilos ay dapat panagutan?


a. Kung ito ay sinadya, pinili at ninais ng gumawa ng kilos
b. kung ito ay biyolohikal at likas sa tao
c. kapag ang kilos na isinagawa ay hindi ginagamitan ng isip at kaalaman
d. kung ang kilos ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama

4. Maaari ba na ang kilos ng tao ay magiging makataong kilos?


a. Hindi, dahil ang dalawang uri na ito ay magkaiba
b. Hindi, dahil ang makataong kilos ay walang kaugnayan sa kilos ng tao
c. Oo, gamit ang kakayahang pumili at malayang kilos-loob sa pagtukoy at pagpili
ng kanyang kilos.
d. Oo, dahil ang kilos ng tao at makataong kilos ay iisa ang pagkakahulugan.

5. Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at
panagutan sa sarili. Ano ang pangunahing isaalang-alang ng tao sa kanyang kilos?
a. ang mga taong maaring pumuri sa kanyang ginagawa.
b. ang mabuting epekto ng kanyang kilos
c. ang kanyang pangalan o imahe
d. ang benepisyong makuha pagkatapos ng kilos

6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kilos ng tao na naging makataong


kilos?
a. Nakita ni Airra na nahihirapang tumawid sa kalsada si Aling Mema kaya siya ay
lumapit at tinulungan ito.
b. Si Airra ay napadaan sa kanilang eskinita at narinig ang usapan ng kapitbahay
c. Si Airra ay nakatulog nang hindi nakapagpalit ng uniporme sa sobrang pagod.
d. Si Airra ay umiyak dahil sa sakit na naramdaman sa kanyang sugat sa paa

7. Bakit walang aspekto ng pagiging mabuti o masama ang Kilos ng Tao?


a. Dahil ang Kilos ng Tao ay mahirap husgahan
b. Dahil ang Kilos ng Tao ay iba-iba

13
c. Dahil ang Kilos ng Tao ay pinili at ginusto ng nagsagawa nito
d. Dahil ang kilos ng tao ay di ginagamitan ng isip at kilos-loob at ito’y likas sa tao

8. Lahat ng kilos ng tao ay dapat panagutan. Ang pahayag ay


a. Mali, dahil may mga kilos na hindi sinasadya at likas na nagaganap sa tao
b. Mali, dahil ang pananagutan ay depende sa nagsasagawa ng kilos
c. Tama, dahil lahat ng kilos ay sumasalamin sa pagkatao ng isang indibidwal
d. Tama, dahil ang tao ay responsable sa lahat ng kanyang galaw o kilos

9. Kung ang kilos ay nagmumula sa kalooban at sa patnubay ng isip at kaalaman,


ang kilos ay
a. likas sa tao
b. makataong kilos ng may pagkukusa
c. pinilit ng nagsasagawa
d. normal na kilos at walang pagbabagong hatid sa isinagawa ng kilos

10. Ano ang nararapat na gawin upang maging mabuti ang resulta ng makataong
kilos?
a. Isasagawa agad ang isang kilos
b. Isaalang-alang ang sarili bago gawin ang isang kilos
c. Sundin ang kalooban gamit ang patnubay ng isip at kaalaman
d. Isaalang-alang ang payo ng kaibigan
Para sa bilang 11-13, suriin ang sitwasyon.

Si Jethro ay napadaan sa mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada. Naririnig


niyang nagtatawanan ang ilan sa mga ito at napansin rin niyang may isang
umiiyak. Lumapit si Jethro para malaman ang pinagtatawanan ng mga bata at
kung bakit umiiyak ang isang kalaro ng mga ito. Nalaman niya na binubulas pala
ang batang umiiyak kaya’t pinagbawalan niya ang mga nagtatawanan dito.

11. Batay sa sitwasyon, alin ang Kilos ng Tao na pinakita ng Jethro?


a. Narinig niya ang nagtatawanan at nakitang may umiiyak
b. Lumapit si Jethro sa mga batang naglalaro
c. Kinausap ni Jethro ang batang umiiyak
d. Pinagbawalan ang mga nambulas

12. Ano ang matatawag natin sa naging kilos ni Jethro na lumapit, inalam ang
pangyayari at pinagbawalan ang mga batang nambubulas?
a. Kilos na likas sa tao o normal na nangyayari sa tao
b. kilos na ginamit ang kakayahang makapili at magpasya ng kilos na makatulong
c. kilos ng isang nangingialam sa sitwasyon
d. kilos ng isang indibidwal na ginagamit ang kagalingan sa pagsisiyasat

13. Dapat bang managot si Jethro kung di niya piniling lumapit at pinagbawalan
ang pambubulas
a. Hindi, dahil hind niya naman kaanu-ano ang mga batang naglalaro
b. Hindi, dahil hindi naman siya kasali sa mga nambubulas
c. Oo, maaaring sisihin sIya ng magulang ng batang umiiyak dahil di niya ito
pinansin
d. Oo, dahil alam niyang hindi tama ang pambubulas at may nasasaktan na sa
pangyayari

14
14. Alin sa mga kilos ang dapat panagutan?
a. napaubo ka habang nagsasalita
b. Paghimas ng tiyan dahil sa sakit na nararamdaman
c. Naririnig mo ang mga taong nag-uusap habang naglalakad
d. Wala kang pakialam sa mga basurang iyong nadaanan

15. Ang tao ay may kakayahang piliin ang kanyang kilos. Ano ang matibay na
dahilan sa pahayag na ito?
a. Ang tao ay biniyaan ng Diyos ng isip at kalayaan upang piliin ang kanyang kilos
at panagutan ito.
b. Ang tao ay binigyan ng katawang pisikal upang iayon sa kanyang kilos
c. Ang tao ay may malakas na pakiramdam sa pagpili ng kanyang kilos
d. Ang tao ay may kapwa upang katuwang sa pagpili ng kilos

Karagdagang Gawain

Gawain 9 Dear Self!

Sumulat ng maikling liham para sa iyong sarili na naglalaman ng mga paalala


kaugnay sa mga nais at pipiliing kilos. Isulat ang mga dapat mong tandaan upang
ang iyong kilos ay makatao at ang iyong papanagutan ay maganda ang bunga.

15
16
Subukin Pagyamanin Isaisip
A. A. A.
1. Tama 1. kilos ng tao 1. kilos
2. Mali 2. makataong Kilos 2-3 Kilos ng Tao /
3. Tama 3. kilos ng tao Makataong kilos
4. Tama 4. kilos ng tao 4. Pagkukusang kilos
5. Mali 5. kilos ng tao 5. Kapanagutan
6. Tama 6. makataong kilos 6. Agapay
7. Mali 7. makataong kilos 7. Kalikasan
8. Tama 8. kilos ng tao 8-9 isip/kilos-loob
9. Tama 9. makataong kilos 10. responsable
10. Mali 10. kilos ng tao
11. c
12. a
13. c
14. d
15. b
Tayahin
1. c 6. a 11. a
2. d 7. d 12. b
3. a 8. a 13. d
4. c 9. b 14. d
5. b 10. c 15. a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing


Corporation Department of Education- Instructional Materials Council
Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Amarillas, Benjie (2011). Edukasyon sa Pagpapahalaga IV. Quezon City: St.


Bernadette Publishing House Corporation.

Mula sa Internet

https://www.scribd.com/document/430640929/Esp-10-Second-Quarter-
Lectures-Revised-2019-2020

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like