You are on page 1of 1

Pangalan: ____________________________________________________________

Baitang at Pangkat: __________________________ Asignatura: Aralin Panlipunan 5


Guro: _______________________________

Leksyon : Quarter 1 Week 6 LAS 1


Pamagat : Ang Sosyo-Kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga Filipino
Layunin : Nasusuri ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga
Pilipino: sosyo-kultural (e.g. pagsamba (animismo, anituismo, at
iba pang ritwal, pagbabatok/pagbabatik, paglilibing (mummification
primary/ secondary burial practices),
Sanggunian : MELC pahina 40;
Araling Panlipunan 5 SLM. pahina 6 – 17
Manunulat : Jirah R. Manguerra

Sinaunang Relihiyon
Animismo ang relihiyon ng ating mga ninuno kung saan pinaniniwalaan na ang
mga bagay sa kalikasan tulad ng araw, bundok, at ilog ay tirahan ng mga yumaong
mga ninuno. Tinatawag na anito ng mga Tagalog at diwata ng mga Bisaya. Mag-
anito ang tawag sa ritwal kung saan sila ay nag aalay na pinangungunahan ng
tagapamagitan sa mundo ng tao at ng diyos at ng yumao, sila ay tinatawag na
katalunan (sa Tagalog) at babaylan (sa Bisaya). Naniniwala rin sila na may isang
pangunahing diyos o Dakilang Nilalang na may likha ng langit, lupa, at tao. Tinawag
siya na Bathala (sa Tagalog); Abba (sa Cebuano); Kabunyian (sa Ifugao); Laon (sa
Bisaya). Dallang naman ang tawag sa diyos ng kagandahan sa Ilokano; Sidapa, diyos
ng kamatayan sa Bisaya; at Apolaki, diyos ng digmaan sa taga-Pangasinan.
Kaugalian sa Paglilibing
Ang mga yumao ay inihahanda para sa kabilang buhay sa pamamagitan ng
paglilinis, paglalangis, pagbibihis ng magarang kasuotan, at pinababaunan ng
kasangkapan. Una ay inililibing nila ito sa lupa at kapag natuyo na ang labi at
hinahango ito at isinilid sa loob ng banga.

Gawain
Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.
____________ 1. Ito ang tawag sa dakilang nilalang ng mga Tagalog.
____________ 2. Relihiyon ng mga sinaunang Pilipino.
____________ 3. Tagapamagitan sa mundo ng tao, diyos, at yumao ng mga Bisaya.
____________ 4. Ito ang tawag sa ritwal ng mga sinaunang Pilipino
____________5. Dito isinisilid ang natuyo nang mga labi ng kanilang mga yumao.

You might also like