You are on page 1of 10

KULTURA

Ito ay ang kabuoang paraan ng pamumuhay ng mga tao.


MATERYAL DI-MATERYAL
Ito ay tumutukoy sa Ito ay tumutukoy sa
mga pisikal na bagay na mga ideya, pananaw,
nililikha, ginagamit at paniniwala, wika,
pinahahalagahan. panuntunan at batas.

DALAWANG URI NG KULTURA


• Ang wika ay ang katutubong sakita na ginagamit sa pakikipag-
usap sa isang tanging lugar o komunidad o pangkat. Madali ang
komunikasyon kung magkapareho ang ang wikang gianagamit.

WIKA
• Ang diyalekto ay sanga ng isang wika. Maaaring kaunting
pagkakaiba ang punto o bokabularyo ng mga diyalekto, ngunit
sa kabuuan ay madaling nagkakaintindihan ang mga tao.

DIYALEKTO
• Ang diyalekto ay sanga ng isang wika. Maaaring kaunting
pagkakaiba ang punto o bokabularyo ng mga diyalekto, ngunit
sa kabuuan ay madaling nagkakaintindihan ang mga tao.

DIYALEKTO
• Ang pagsusulat ay isa ring paraan ng pakikipagkomunikasyon
ng mga tao. Isa sa mga paraan ng pagsusulat ay ang Baybayin.
• Ang baybayin ay binubuo ng 17 simbolo na kumakatawan sa
mga titik: 14 ba katinig at 3 patinig.

PAGSUSULAT
• Ang kaugalian ay ang mga gawi o kilos ng isang pangkat. Ang
mga kaugalian ay karaniwang namamana ng mga tao sa
sinundan nitong henerasyon.
• Isa sa kaugalian ay ang paggalang sa nakakatanda.
Gumagamit ng “po” at “opo” sa pakikipag usap bilang respeto
lalo na kung nakakatanda ang kausap.
• Bahagi ng paggalang sa nakakatanda ang pagmamano ng
nakakabata.
• Isa ring mahalagang kausalian ng Pilipino ang pagbubuklod ng
pamilya.
• Makikita naman ang pagiging matulungin ng mga Pilipino o
tinatawag na Bayanihan.

KAUGALIAN
• Malugod na Pagtanggap ng Bisita, kapag may bisita tayo,
karaniwang binibigyan natin sila ng meryenda o anumang
pagkain.
• Pakikiramay, nakikipaglamay, nagdadala ng bulaklak at
nagbibigay tayo ng abuloy sa mga namatayan.

KAUGALIAN
• Anito – ang paniniwala ng mga sinaunang tao sa mga kaluluwa
ng kanilang mga ninuno o espiritu ng kalikasan. Sa mga taga-
Cordillera, kadalasang inilalarawan nila ito sa maliliit na
estatuwang kahoy na tinatawag nilang bulul.
• Narito ang ilan pa sa mga katawagan ng diyos ng mga
sinaunang pamayanang Pilipino:
Tagalog – Bathala Negrense – Kanlaon
Ibaloi – Kabunian Ifugao – Pati
Ilocano – Buni Manyan – Makaako
• May mga pangkat na kung tawagin ay Lumad, sila ay naniniwala
sa mga espiritu ng kalikasan.

RELIHIYON AT PANINIWALA
Ang pangunahing relihiyon sa bansa ay Kristiyanismo. Mahigit
90% ng mga Pilipino ay naniniwala rito. Isa ang Pilipinas sa
pinakamalaking bansa sa Asya na naniniwala sa Kristiyanismo.
Nabuo rin ang iba’t ibang relihiyon tulad ng Iglesia Filipina
Independiente o mas kilala sa tawag na Aglipay at ang Iglesia Ni
Cristo.
Mayroon ding paniniwala sa relihiyong Islam. Ito ay ipinakilala ng
mga Arabe at Indio sa mga Pilipino bago pa man dumating ang
Kristiyanismo sa bansa. Ang Islam ay paniniwala sa diyos na si
Allah at kaniyang propeta na si Muhammad.

RELIHIYON AT PANINIWALA

You might also like