You are on page 1of 219

ARALING

PANLIPUNAN
WEEK 8
JAY CRIS S. MIGUEL
TEACHER I
KULTURA NG MGA
SINAUNANG
Want big impact?
Use big image.

PILIPINO
2
UNANG ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL
BALIK-ARAL SA
MGA
NAKARAANG
ARALIN
4
1. Ano-ano ang mga sistema
ng pamahalaan noong
sinaunang panahon?
5
2. Sino ang itinuturing na
pinuno sa pamahalaang
barangay?
6
3. Ano ang tawag sa taong
tagapagbalita ng mga batas
na napagkasunduan sa
isang barangay?
7
4. Bilang tanda ng pakikipagkaibigan
at pakikipag-ugnayan sa ibang
barangay ay naging kaugalian ang
Sanduguan sa pagitan ng ating mga
ninuno. Paano isinasagawa ang
Sanduguan?
8
◉5. Iba’t ibang uri ng
pamahalaan ang umiiral sa
bansa. Ano ang tawag sa
pamahalaan ng mga Muslim
noong unang panahon?
9
6. Sino ang itinuturing na
pinuno sa pamahalaang
sultanato?
10
7. Sa pamahalaang Sultanato,
ipinatutupad ng Sultan ang
kanilang kaugalian, paniniwala at
batas batay sa kanilang banal na
aklat. Ano ang tawag sa banal na
aklat na ito?
11
8. Ano ang tawag sa lupon ng mga
makapangyarihan at mayayamang
pinuno sa pamayanang
nasasakupan ng sultanato na
siyang nagsisilbing tagapayo ng
sultan?
12
9. Ano-ano ang mga
hanapbuhay ng mga
sinaunang Pilipino?
13
10. Sa ano-anong mga
bansa nakipagkalakalan
ang mga Pilipino noong
sinaunang panahon?
14
MGA
SINAUNANG
PANINIWALA AT
TRADISYON
JAY CRIS S. MIGUEL
Paniniwala sa
Espiritu at Diyos
ng Kalikasan


16
Ano ang pagkakaiba ng
pananampalataya ng
mga unang Pilipino at
ng ating
pananampalataya
ngayon?
17
Likas na sa mga
sinaunang Pilipino ang
pagiging relihiyoso bago
pa man dumating ang
mga Espanyol.
18
Naniniwala ang mga
sinaunang Pilipino na may
mga espiritung nananahan
sa kanilang kapaligiran,
tinawag itong “anito” ng mga
Tagalog at “diwata” ng mga
19

Bisaya.
Ang ilan sa mga anitong
pinaniniwalaan ng mga
sinaunang Pilipino ay:
“Makaboteng”
“Pamahadi”
“Tonong”
20
Ang “makaboteng” ay ang
anitong nangangalaga sa
mga usa at baboy damo.
Naninirahan ito sa
kagubatan.
21
Ang “pamahadi” ay
anitong
tagapangalaga ng
mga kalabaw at
kabayo.
22
Ang “tonong”
naman ay ang
espiritung
tumutulong sa mga
23

tao.
Maaari itong mag-
anyong tao, hayop,
o nilalang na hindi
nakikita.
24
Ang “bul-ol” ng mga Ifugao ay
isa sa pinakatanyag na
eskultura ng Hilagang Luzon,
lalo na sa Cordillera, na
nagpapatunay sa
pananampalataya ng mga
sinaunang Pilipino sa espiritu ng
25

kalikasan.
26
Kadalasang inuukit ito sa
punong kahoy na narra,
yakal, at ipil, at inilalagay sa
loob ng tahanan o imbakan
ng palay. Naniniwala sila na
dadami ang ani sa tulong ng
27

“bul-ol.”
Pinaniwalaan ding sagrado ng
mga sinaunang Pilipino ang
mga bagay sa kalikasan tulad
ng araw, bituin, puno, hayop,
at iba pa. Ang tawag sa
paniniwalang ito ay
“paganismo”
28
29
Pinaniniwalaan nila
ang mga kaluluwa
ng mga ninunong
pumanaw na.
30
Hinahandugan nila ng mga
pagkain, awitin, at
panalangin ang mga espiritu
ng kanilang mga ninuno,
patunay na naniniwala sila sa
kabilang buhay.
31
Makikita natin ang
halimbawa ng katibayan
nito sa takip ng
“Manunggul Jar” na
nahukay sa Kweba ng
Tabon.
32
Sa takip nito ay may
inanyuang dalawang tao
na namamangka na
pinangangahulugang
naglalakbay patungo sa
kabilang buhay.
33
DAGDAG
KAALAMAN
34
Ang
“Manunggul
Jar” ay
nagsilbing
kabaong o
libingan ng mga
sinaunang
35

Pilipino.
Ang mga mamamayan
sa bawat kapuluan ay
may kani-kaniyang
paniniwala at
kaugaliang sinusunod.
36
Katunayan, may kanya-
kanya silang tawag sa
kanilang mga Diyos
noong sinaunang
panahon.
37
38
“Bathala” sa mga
Tagalog
39
“Laon” sa
Kabisayaan
40
“Kabunyian” sa
mga pangkat
Ifugao at ibang
taga Cordillera at
Ilokano
41
“Abba” sa mga
Cebuano
42
Iba-iba rin ang mga
katangian at
kapangyarihan ng
kanilang mga Diyos
noong sinaunang
panahon.
43
“Dian Masalanta”
diyos ng pag-ibig ng
mga Katagalugan
44
“Hayo”
diyos ng karagatan ng
Katagalugan
45
“Sidapa”
diyos ng langit ng
Kabisayaan
46
“Dallang” diyos ng
kagandahan ng mga
Ilokano
47
“Apolaki” diyos ng
digmaan ng mga taga-
Pangasinan
48
Pinangunahan ng mga
Katalonan (sa mga Tagalog)
at Babaylan (sa mga Bisaya)
ang mga isinasagawang pag-
aalay.
49
Ang mga Katalonan at
Babaylan ang
pinaniniwalaang
tagapamagitan sa kanilang
mga diyos.
50
Naniniwala rin sila sa
mga aswang, kapre,
tikbalang, tiyanak, nuno
sa punso, duwende,
manananggal at kulam.
51
Naniniwala silang
may taong may
kapangyarihang
mag-ibang anyo.
52
Ang aswang ay
maaaring maging ibon,
aso o kaya’y mabangis
na hayop at kumakain
ng atay at bituka ng
maysakit.
53
54
Ang manananggal ay
putol ang kalahati ng
katawan sa gabi, ngunit
pagdating ng araw ay
buo na namang muli.
55
56
Ang tikbalang ay may
mukha ng kabayo na
kapag may
nakatuwaang isang tao
ay inililigaw ito.
57
58
Ang kulam ay
nakapagdudulot
ng lagnat at
sakit sa isang
tao sa
pamamagitan
lamang ng
59

salita.
Marami sa mga pangkat-
etniko ng Pilipinas ang
napanatili ang kanilang
paniniwalang animistiko.
60
Halimbawa ay
ang mga Igorot
at ang kanilang
12-yugtong
rituwal sa
pagtatanim at
pag-aani ng
palay. 61
Ito ay isinasagawa sa gabay
ng isang “mumbaki” sa loob
ng panahon ng pagtatanim
ng palay sang-ayon sa
sinusunod nilang
kalendaryong agraryo.
62
Ipinagpapatuloy nila ang
tradisyong ito upang mapanatili
nila ang kanilang mabuting
ugnayan sa kalikasan (bilang
pasasalamat at paghingi ng
pabor o gabay) nang sa gayon
ay matiyak nila ang isang
63

masaganang ani.
DAGDAG
KAALAMAN
64
Mumbaki ang tawag sa
pinunong panrelihiyon
ng mga Igorot na
nagsilbing
tagapamagitan ng tao
sa mga espiritu;
itinuturing din siyang
manggagamot ng
kaluluwa. 65
Masasalamin din sa
paniniwalang “animismo”
ng mga katutubo sa mga
pamahiin na kanilang
nabuo.
66
Ang “pamahiin” ay
paniniwala batay sa
kutob, kinagawian,
tradisyon, at relihiyon ng
isang pamayanan.
67
Nagsilbing gabay ang mga
pamahiing ito ng mga
katutubo sa pagbuo ng
desisyon o paliwanag sa
mga pangyayari sa
kanilang kapaligiran.
68
Ang mga paniniwala at mga
pamahiin ay may malaking
kinalaman sa buhay ng mga
unang Pilipino.
Binigyan nila ng kahulugan ang
isang pangyayari tulad ng nasa
susunod na slide.
69
70
Dagdag dito, naniniwala rin
sila na nagbibigay ang
kalikasan ng mga babala,
palatandaan, at pangitain sa
mga maaaring mangyari sa
hinaharap.
71
Ang paglabas ng
bulalakaw ay nagsilbing
babala sa parating na
delubyo, epidemya, o
digmaan.
72
Ang pag-alulong ng aso
ay isang pagbabadya sa
kamatayan ng isang
malapit sa buhay.
73
GAWAIN
Gamit ang graphic
organizer na nasa
susunod na slide,
paghambingin ang
paniniwala ng mga
Pilipino “noon” at
74

“ngayon”
75
IKALAWANG
ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL
BALIK-ARAL MUNA
Want big impact?
Use big image.

TAYO!
77
Ayusin ang mga
jumbled na mga letra
sa susunod na mga
slides upang mabuo
ang salitang tinutukoy
ng bawat pahayag.
78
OTINA
Ang mga espiritung
Want big impact?

nananahan sa
Use big image.

kapaligiran.
79
UMMKIAB
Tawag sa pinunong
panrelihiyon ng
Want big mga
impact?
Use big image.
Igorot
na nagsisilbing
tagapamagitan ng tao
sa mga espiritu.
80
HLAAATB
Ang itinuturing ng mga
Tagalog
Wantna dakilang
big impact?
Use big image.
nilalang na siyang may
likha ng langit at lupa.

81
LUB–LO
pinakatanyag na eskultura ng
HilagangWant
Luzon, lalo
big impact?
na sa
Cordillera, na
Use nagpapatunay
big image. sa
pananampalataya ng mga
sinaunang Pilipino sa espiritu
ng kalikasan.
82
LUGGNUNAM
RAJ
Nagsilbing libingan
Want big impact?
Use big image.

ng mga sinaunang
Pilipino
83
PAGLAGANAP
NG ISLAM SA
PILIPINAS
JAY CRIS S. MIGUEL
Bunsod ng
pakikipagkalakalan ng mga
sinaunang Pilipino sa mga
Arabong Muslim ay
nakarating sa Pilipinas ang
isang mahalagang
impluwensiyang umambag
sa mayamang kultura ng
85

mga Pilipino, ang “Islam.”


Ang “Islam” ay
isang relihiyong
may paniniwala sa
iisang diyos, si
“Allah.”
86
Itinatag ito ng
propetang si
Muhammad
bandang 600 C.E.
87
Qur’an
(Koran) ang
tawag sa
banal na
aklat ng
Islam.88
Tunghayan ang
timeline na nasa
pahina 92 ng inyong
aklat upang malaman
mo kung paano
lumaganap ang Islam
89

sa Pilipinas.
Taong 1210: Pagdating
ng mga Arabong
mangangalakal sa
katimugang bahagi ng
kapuluan.
90
Taong 1280: Dumating
sa Sulu si Tuan
Masha’ika, itinuturing
na kauna-unahang
nagpakilala ng Islam sa
Pilipinas.
91
Nakipag-isang dibdib
siya sa anak ni Rajah
Sipad at nagsimulang
magtatag ng mga
pamayanang Muslim sa
Sulu.
92
Taong 1380: Mula
Malacca ay dumating si
Karim-Ul-Makdum sa
Sulu at nangaral ng
Islam.
93
Taong 1390: Dumating si
Rajah Baginda ng
Palembang sa Sulu.
Matagumpay niyang
nahikayat ang ilang
katutubo na lumipat sa
relihiyong Muslim.
94
Taong 1450: Dumating
si Abu Bakr mula sa
Palembang. Siya ang
kinikilalang
nagpalaganap ng Islam
sa Sulu.
95
Pinagkalooban siya ng
pangalang “Sharif ul-
Hashim” nang maging
kauna-unahang sultan ng
itinatag niyang
pamahalaang batay sa
Sultanato ng Arabia.
96
Sa panahon ni Abu
Bakr, mabilis na
lumaganap ang
Islam sa Sulu.
97
Samantala, noong
huling bahagi ng ika-15
siglo, nanguna sa
pagpapalaganap ng
Islam sa Mindanao si
Sharif Kabungsuan
mula sa Johor,
98

Malaysia.
Siya rin ang
nagtatag at naging
unang sultan ng
pamahalaang
itinatag niya sa
99

Mindanao.
Mula sa Sulu at
Mindanao ay
mabilis na
lumaganap ang
Islam sa Luzon at
100

Visayas.
Gayunpaman, mabilis
ding natuldukan ang
paglaganap na ito sa
pagdating ng mga
Espanyol noong ika-16
na siglo.
101
Nagtungo ang mga
Pilipinong Muslim sa
katimugang bahagi ng
Pilipinas upang
mapanatili ang
kanilang pagsasarili
102

mula sa mga Espanyol.


Sa kabila ng hangarin ng
mga Espanyol na
binyagan ang mga Muslim
sa Kristiyanismo, patuloy
pa ring pangunahing
paniniwala ang Islam sa
rehiyon.
103
DAGDAG
KAALAMAN
104
Ano ang Islam? Ang Islam ay
relihiyon ng mga Muslim. Ito ay
salitang Arabe na ang kahulugan ay
kapayapaan o ganap na
pagpapailalim kay Allah. Ang tawag
sa kanilang diyos ay Allah at ang
Koran ang banal na aklat at batayan
ng mga aral. Itinatag ito ni Propreta
Muhammad. Sa Mecca ang sentro
105

ng pagsamba.
Ang mga tungkulin
ng isang Muslim ay
nakapaloob sa
limang haligi ng
Islam:
106
1. Walang ibang Diyos
na paniniwalaan
maliban kay Allah at si
Muhammad ang sugo ni
Allah. Ang tawag dito ay
Shahada.
107
2. Magdasal nang 5 beses sa isang
araw na nakaharap sa direksyon ng
Mecca. Ito ay isinasagawa bago
sumikat ang araw, sa
pananghalian, sa hapon, sa
paglubog ng araw, at bago
maghatinggabi. Ang tawag
dito ay Salat.
108
3. Magbigay ng Zakat sa mga
nangangailangan tulad ng mga
maysakit, ulila at mga naging
biktima ng bagyo, lindol, o
pagbaha lalong-lalo na kung
panahon ng Ramadan. Ang zakat
ay ikasampung bahagi ng
kita ng isang Muslim.
109
4. Pag-aayuno o Saum sa
panahon ng Ramadan o
ikasiyam na buwan ng
kalendaryong Muslim. Dahil
ang Ramadan ay buwan ng
pagsisisi ng kasalanan, ang
pag-aayuno ay ginagawa sa
110

bawat araw.
Hindi sila kumakain, umiinom at
nagsasalita ng masama mula sa
pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito. Ipinagbabawal
din ang kasayahan at paggawa
ng mabibigat na gawain sa
panahong ito.
111
Ang pagtatapos ng
Ramadan ay araw ng
pasasalamat kay Allah at
ito ay tinawag ng Hariraya
Puasa.
112
5. Maglakbay sa Mecca
minsan sa buong buhay kung
makakayanan. Hajj ang
tawag sa paglalakbay at
Hadji ang tawag sa mga
taong nakapaglakbay sa
Mecca.
113
Naniniwala rin ang mga
Muslim sa araw ng
paghuhukom at ang
kakayahang gumawa ng
mabuti o masama ay
nagmumula sa
kapangyarihan, kagustuhan
114

o kautusan ni Allah.
PAGTATAYA
115
Basahing mabuti ang
bawat pahayag o
katanungan. Isulat sa
kwaderno ang titik ng
tamang sagot.
116
1. Kung ang mga pagano ay
sumasamba sa kalikasan at
iba pang walang buhay, sino
naman ang sinasamba ng
mga Muslim?
A. Allah C. Lalahon
B. Bathala D. Muhammad
117
2. Alin sa sumusunod ang HINDI
nagpapakita ng tungkulin ng isang
Muslim?
A. pagtupad ng Hajj
B. pangangalaga ng kalikasan
C. pag-aayuno sa buwan ng Ramadan
D. pagdarasal nang limang beses
maghapon nang nakaharap sa
direksyon ng Mecca
118
3. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng pagkakawanggawa ng
mga Muslim lalong-lalo na sa panahon ng
Ramadan? Pagbibigay ng ____________
A. pagkain sa mga pulubi
B. bahay sa mga biktima ng bagyo
C. kalahating bahagi ng kanilang lupa
D. ikasampung bahagi ng kita sa mga
ulila
119
4. Ano ang tawag sa mga
Muslim na nakagawa ng
paglalakbay sa Mecca?
A. Hajj
B. Hadji
C. Haji
D. Hadj
120
5. Salitang Arabe na ang
kahulugan ay kapayapaan.
A. Islam
B. Zakat
C. Saum
D. Salat
121
IKATLONG ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL
TRADISYON SA
KASAL, PATAY,
AT
PAGPAPANGALA
JAY CRIS S. MIGUEL

N
Tradisyon
sa Kasal

124
Ang bahay ng
datu ang
karaniwang
lugar ng
kasalan.
125
Ang mga
naatasang
Babaylan o
Katalonan ang
nagsasagawa ng
seremonya ng
126
Pinauupong
magkaharap ang
ikinakasal sa isang
dulang na may
nakalatag na alak at
isang tasa ng bigas.
127
Matapos ang
seremonya,
paghahawakin ng
kamay ang ikinasal,
sasabuyan ng bigas,
at paiinumin ng alak
128

sa iisang tasa.
Magdarasal ang
Babaylan o Katalonan
at ang mga panauhin
at kamag-anak
naman ay sisigaw ng
“mabuhay.”
129
Matapos nito ay
kasunod na ang ilang
araw ng pagdiriwang
ayon sa kaya ng
lalaki.
130
Ang ilan naman ay
nagbibigay ng bigay-
kaya o dote.
131
DAGDAG
KAALAMAN
132
Alam mo ba kung
paano isinasagawa
ang panliligaw ng
lalaki sa babae
noon?
133
Ano-ano ang mga
pagkakaiba ng
panliligaw ng isang
lalaki sa babae noon
at ngayon?
134
“Ligawan Noon at
Ngayon: Ano ang
Pagkakaiba?”
Halaw mula sa blog ni Marri Bermudez
135
NOON…
Kahoy ay sinisibak
Tubig ay iniigib
Mabangong bulaklak
ang handog sa babaeng
iniibig
136
NOON…
Matagal-tagal ding sinuyo
ang dalagang iniirog
Nagpakipot pa ng husto
Bago ibigay, matamis
na “OO.”
137
NOON…
Harana ang paraan
ng binata sa panliligaw
lumilikha pa ng awit
upang dilag ay mabingwit
138
NOON…
Liham ng busilak na pag-
ibig
Tula ng tunay na
pagmamahal
Awit ng pusong handang
139

maghintay
ANO NAMAN
ANG IYONG
MASASABI
NGAYON?
140
Tradisyon
sa Patay

141
Inihahanda ng mga
sinaunang tao ang
kanilang yumao para sa
kabilang buhay sa
pamamagitan ng
paglilinis, paglalangis, at
142

pagbibihis ng
Pinababaunan din ng mga
sinaunang Pilipino ang
kanilang yumao ng mga
kasangkapan tulad ng
seramika at mga palamuti
upang may magamit ang
143

mga ito sa kabilang


May dalawang
bahagi ang
paglilibing ng
mga sinaunang
144
Una, inililibing
muna nila ang
mga yumao sa
lupa kasama ang
145
Matapos matuyo ang
mga labi ay
hinahango ito mula
sa libingan at
isinisilid sa loob ng
146

banga.
Isang halimbawa ng
tapayan na ginamit
sa paglilibing ang
bangang
“Manunggul”.
147
Natagpuan ito ng
pangkat ni Dr. Robert
Fox noong 1962
malapit sa mga labi
ng Taong Tabon.
148
Ang dalawang pigura
ng tao sa ibabaw ng
takip nito ay
sumisimbolo sa
paghahatid ng yumao
149

sa kabilang buhay.
150
Dagdag pa sa patunay na
pinahahalagahan ng mga
sinaunang Pilipino ang
kanilang mga patay ay ang
pag-aalaga ng kanilang
bangkay sa pamamagitan ng
kanilang preserbasyon sa
151

mga ito.
Kung ang Egypt ay
kilala sa kanilang
mummies, ang mga
sinaunang Pilipino ay
di pahuhuli sa paraan
kanilang
152
Katunayan, may ilan pa
ngang mananalaysay
ang nagsabi na higit pa
ang paraan ng mga
Pilipino sa
mamipikasyon kaysa sa
153
Nang matuklasan ang
mummy ni Apo Anno ng
mga Ibaloy sa Cordillera,
napag-alaman na ang
teknolohiya noong
panahong yaon ay hindi
154

matawaran.
Ayon pa sa mga
mananalaysay, patuloy
pa rin ang
preserbasyon sa mga
bangkay hanggang
katapusan ng 1800.
155
Tradisyon sa
Pagpapangala
n

156
Karaniwang ang ina
ang nagbibigay ng
pangalan sa
kaniyang anak noong
sinaunang panahon
sa Pilipinas.
157
nakabatay sa isang
partikular na pangyayari
tulad ng pangalang
“Maliuag” na
nangangahulugang
“mahirap na pagluluwal
ng sanggol.”
158
apelyido ang
mga
sinaunang
Pilipino.
159
batay sa
pangalan ng
kanilang
panganay na
anak.
160
Halimbawa, ang
tatay at nanay ni
Maliuag ay tinawag
na “Ama ni
Maliuag” at “Ina ni
Maliuag.”
161
pangalan ng babae
sa lalaki sa
pamamagitan ng
pagdugtong ng
katagang “in” sa
pangalan.
162
Halimbawa, ang
pangalang “Ilog”
para sa lalaki ay
nagiging “Ilogin”
kung ipapangalan
sa babae.
163
GAWAIN
164
Gamit ang graphic organizer na
nasa susunod na slide, pumili ng
isang paksa sa ibaba na nais
paghambingin.
“Tradisyon sa Kasal Noon at
Ngayon”
“Tradisyon sa Patay Noon at
165

Ngayon”
166
IKAAPAT NA
ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL
PANANAMIT
AT PALAMUTI
JAY CRIS S. MIGUEL
Ang sinaunang
kalalakihang Pilipino ay
nagsuot ng pantaas na
damit na tinawag na
kanggan (o kangan).
169
Ang kulay ng kanggan ay batay
sa katayuan sa lipunan ng may
suot nito- pula para sa datu at
asul o itim para sa may mas
mababang katayuan sa datu.
170
Bahag naman ang
kanilang naging
pang-ibabang
kasuotan.
171
172
Binalutan din nila ng putong
ang kanilang ulo. Tulad ng
kanggan, sinalamin din ng
putong ang katangian ng may
suot nito.
173
Halimbawa, pulang
putong ang suot ng mga
taong nakapaslang na ng
isang tao.
174
Ang mga nakapaslang
naman ng may pitong
tao ay nagsusuot ng
burdadong putong.
175
176
Sa kababaihan, ang pang-itaas na
kasuotan ay ang “baro” at ang
pang-ibaba naman ay ang
maluwag na palda na tinatawag
na “saya” ng mga Tagalog at
“patadyong” ng mga Bisaya.
177
178
179
Mahilig magsuot ng mga
palamuti sa katawan ang
mga sinaunang kababaihan
at kalalakihang Pilipino.
180
Kadalasang gawa sa
ginto ang mga
palamuting ito.
181
Halimbawa ng mga palamuting
kanilang sinusuot ay ang
“pomaras”- isang alahas na
hugis rosas- at “ganbanes”- isang
uri ng gintong pulseras na
isinusuot nila sa braso at binti.
182
183
Nagsuot naman ang kababaihan
at kalalakihang Bisaya ng
hanggang apat na pares ng
gintong hikaw sa kanilang tainga.

184
Gumamit din sila ng ginto
upang palamutian ang
kanilang ngipin.

185
Gayundin, naglalagay sila
sa kanilang katawan ng
mga tattoo o mga
permanenteng disenyo at
marka sa balat.
186
Sa pagdating ng mga
Espanyol, tinawag nilang
“pintados” ang mga
katutubong puno ng tattoo
sa katawan.
187
188
DAGDAG
KAALAMAN
189
Pinaniniwalaan din ng
mga sinaunang Pilipino na
may taglay na mahika at
kapangyarihan ang mga
tattoo sa kanilang katawan.
190
Ayon sa kanila, sino
mang mayroon nito ay
magtataglay ng ibayong
lakas at husay sa
pakikidigma.
191
Naging tanda rin ang tattoo
ng tapang at mga tagumpay
ng mga mandirigma.

192
Talamak ang ganitong
tradisyon sa mga Bontok,
Igorot, Kalinga, at Ifugao sa
kabundukan ng Hilagang
Luzon.
193
Kilala
niyo ba
siya?
194
GAWAIN
195
Ano ang kaibahan ng
pananamit ng mga Pilipino
Noon at Ngayon? Isulat ang
iyong mga sagot sa
talahanayang nasa susunod
na slide.
196
PANANAMIT
PANANAMIT NOON
NGAYON
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
197
IKALIMANG ARAW
“ARAW NG PAG-AANI NG
NATUTUNAN”

198
“Kapag may itinanim,
may aanihin.”

199
Panuto: Pag-aralan ang mga
pangungusap sa susunod na slide.
Tukuyin kung anong sistema ng
pamumuhay ng mga unang Pilipino
ang inilalarawan. Isulat ang bilang ng
pangungusap sa angkop na kahon
upang mabuo ang sumusunod na
tsart.
200
201
1. May parusa ang hindi sumunod sa
mga batas ng barangay.
2. Ang kumpederasyon ang
pinakamalaking yunit ng pamahalaan
noon.
3. Ang mga Pilipino at mga dayuhang
mangangalakal ay nagtatagpo sa
dalampasigan.
202
4. Kung ang Konseho ay sa datu, ang
Ruma Bichara ay sa sultan naman.
5. May mga ritwal din isinasagawa ang
mga Muslim.
6. Upang mapawi ang galit ng mga
diyos at diyosa, humihingi ng tulong
ang mga tao sa Katalonan.
203
7. Ang mga seda at porselana ang
ipinapalit ng mga Tsinong
mangangalakal sa mga alahas at
pulot-pukyutang kinakalakal ng mga
Pilipino.
8. Naniniwala na ang mga Pilipino
noon pa man sa kabilang buhay.
204
9. May iba’t ibang hugis at laki ang
mga tapayang pinaglalagyan ng mga
buto ng patay.
10. Ginamit ang piloncitos bilang
perang barya sa pagbili ng mga
kalakal.
205
Ang sumusunod ay gawain
sa pananampalataya ng mga unang
Pilipino. Buuin ang Venn Diagram.
Isulat sa loob ng bilog A ang letra ng
mga nauukol sa Paganismo at
Animismo at sa bilog B naman ang sa
Islam. Kung angkop sa Islam at
Animismo/ Paganismo ang
tinatalakay isulat sa loob ng C.
206
C

A B
207
A. pagsisisi ng kasalanan
tuwing buwan ng Ramadan
B. may mga pinaniniwalaan at
tungkulin
C. paniniwala sa anito o
diwata
208
D. pagtupad ng Hajj
E. pagbibigay ng
Zakat
F. pagsamba sa
209
G. pagtupad sa
paniniwala at tungkulin
H. paniniwala sa aral
ng Koran

210
Piliin ang salitang
hindi kabilang
sa pangkat ng mga salita sa
bawat bilang sa mga susunod
na slides at ipaliwanag kung
bakit
hindi ito kabilang.
211
1. Umalohokan,
Ruma Bichara,
Sultan, Pandita
212
2. Pangangaso,
Pananahi,
Pagpapalayok,
Pagkakaingin
213
3. Shahada, Salat,
Zakat, Anito
214
4. Katalonan, Babaylan,
Mumbaki, Bathala

215
5. Muhammad, Sharif
Kabungsuan, Sharif Ul-
Hashim, Abu Bakr

216
Maraming
Salamat!
#ParaSaBata
#ParaSaBayan
migueljaycris119@gmail
.com
217
Para sa inyong mga
komento at mungkahi,
mangyari lamang na
magpadala ng mensahe sa
aking Facebook account:

Jay Cris218
Credits
Special thanks to all the people who made and released these awesome resources for
free:
◉ Presentation template by SlidesCarnival
◉ rexinteractive.com
◉ GRADE V PROYEKTO: PANANAMPALATAYA NG MGA UNANG
PILIPINO
◉ MISOSA Kulturang Materyal ng Unang Pilipino
◉ UGAT NG LAHI Handog nina Asis, Bueno, Dolorito, Foronda, Meer, at
Talaguit
219

You might also like