You are on page 1of 10

ANG KULTURA SA PAGPAPAHALAGA NG MGA ILOKANO

SA KANILANG MGA YUMAO

Ipinasa nina:
Andaya, Shihara Nicole
Bembo, Jeniel
Fernandez, April
Oligario, Hannah
Pasigian,Hazle Kate
Tienzo, Jeddalhyn

11-Kintanar

Ipinasa kay:

Petsa;
Talaan ng nilalaman

Panimula………………………………………………………………………………………I
Kaugnay na Literatura/Pag-aaral……………………………………………………………..II
Resulta at Diskusyon………………………………………………………………………….III

I
Kaligirang Kasaysayan………………………………………………………………………..1-2

II
Layunin………………………………………………………………………………………..3
Kahalagahan…………………………………………………………………………………...4
Pglalahad ng Suliranin………………………………………………………………………...4

III
Resulta at Diskusyon………………………………………………………………………….4-6
PANIMULA

Kaligirang Kasaysayan
Ang Ilocos Region ay binubuo ng apat na probinsya at lungsod ito ay ang mga Ilocos Norte,
Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at Dagupan City. Ang mga dayuhang Kastila ang
nagpapakilala ng Kristiyanismo dito sa bansa at ito ay naganap noong taong 1521. Isang
Portuges na nagngangalang Ferdinand Magellan ang naglayag at namuno sa ekspedisiyon sa
ilalim ng watawat ng bansang Espanya ang dumaong sa baybayin sa central na bahagi ng Cebu.
Ang grupo ni Magellan noon sa ilalim ng bansang Espanya ay may tatlong layunin. Una, ang
pakikipagkalakaran, ikalawa, upang saklawin o sakupin ang teritoryo ng Pilipinas sapagkat tayo
ang bansang mayaman sa pampalasa sa mga pagkain at ang ikatlo ay ipalaganap ang relihiyong
Kristiyanismo.
Ang kulturang Ilokano ay naimpluwensyahan ng kulturang Kastila. Ipinakilala ng mga
kastila ang relihiyon nilang katoliko ng buong pusong minahal at isinabuhay ng mga Ilokano.
Ang relihiyong ito ay paniniwala sa mga santo na naniniwala sa mga di-karaniwang elemento.
Ang mga Ilokano ay naniniwala sa mga manggagamot upang magamot gamit ang mga halaman
at ritwal para sa mga pisikal na sakit. Sa paniniwalang ito nagmula ang paniniwala ng mga
Ilokano sa mga patay.
Nasasabi ang mga namatay ay nag-aanyong huni ng hayop o ang mismong hayop upang
magparamdam sa kanilang pamilya. Minsan rin ay sinasabing ang mga yumao ang dahilan ng
pagkakaroon ng iba’t ibang sakit ng mga kamag-anak. Bilang bahagi ng lahing Pilipino na may
mayamang kultura ng mito at alamat, ang mga Ilokano ay mayroon ring samu’t saring mga
kwento na kanilang ginagamit upang bigyang paliwanag ang mga bagay at pangyayaring hindi
nila maunawaan mula sa kanilang kapaligiran. Ito ay hindi na bago sa mga Pilipino bagkus ay
isang pamana mula sa ating mga ninuno. Gumagamit sila ng mga ritwal nang sa gayon ay
manatiling mapayapa ang kalooban ng mga nilalang na ito. Ang mga paniniwalang ito ay
makikita sa iba’t ibang okasyon sa kanilang buhay at nagbabago lamang sa pagdaan ng panahon.
Bukod sa mga Festival na inaabangang pagdiriwang, ay isa rin sa pinakamahalagang pangyayari
sa buhay ng mga Ilokano ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay na kung saan ay makikita at
mararamdaman ang pagrespeto ng mga Ilokano sa kanilang yumaong kamag-anak. Mula sa
pagkamatay, burol, paghatid sa libingan, ay hindi na mabibilang ang mga susunod pang mga
ritwal at gawain upang lumisan nang matiwasay ang kaluluwa ng yumao at hindi rin sila
gambalian nito. Para sa mga Ilocano ang pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya ay
pagkakataon na patibayin pa ang relasyon ng bawat isa sa pamilya.
Kaugnay na Literatura
Ayon kay Valera(2011) sa kabila ng impluwensya ng modernong pagbabago, ang mga
tradisyunal na paniniwala ay nanatili pa rin sa mga Ilokano. Ang mga ito ay may mahalagang
tungkulin sa pagpapanatili ng ugnayan ng pamilya gayundin ang relasyon sa komuniad.
Itinuturing ng mga Ilokano na ang kamatayan bilang natural na bahagi ng buhay ng isang
tao. Ang gasat o tadhana ang tinutukoy nilang dahilan sa likod nito at isang kaganapang hindi
nila maaaring pigilan. Isanasaisip ng mga Ilokano na maaari rin itong mangyari kaninuman.
Dahil dito madali nilang natatanggap ang kamatayan ng mahal sa buhay kahit na masakit.
Ilan sa kanilang mga paniniwala ukol sa pagkamatay ay ang pagkakaugnay nito sa mga
supernatural ng mga element gaya ng mga espiritu, aswang at mga mangkukulam. Dahil dito una
muna nilang isinasangguni ang karamdaman sa mga albularyo na may kaalaman ukol sa mga
espiritu at paggamot gamit ang mga herbal na mga halaman. May mga pangitain rin ang mga
Ilokano kung may malapit nang yumao sa kanilang mga mahal sa buhay. Ilan dito ay ang hindi
normal na pagkilos ng mga insekto, pag-aligid ng isang itim na paro-paru sa gabi o kung may
eclipse. may ilan naman na naniniwalang kapag nanaginip ka na nakawala ng sombrero o kaya
ay bagang ay masamang pangitain.
Kung nalalapit na ang kamatayan, nagsisimula ng magdasal ng ‘Hesus, Maria y Joseph’
ang isang matandang babae sa malapit na tainga hanggang sa ito ay malagutan ng hininga. Ito ay
isinasagawa upang masiguradong mapapatawad at tatanggapin ng Diyos ang kaluluwa sa langit.
May iilan ding naglalayag ng niyog sa ilalim ng higaan upang marinig ang mga nabubuhayang
pagtatalo sa pagitan ng demonyo at anghel. Sa masidhing pagbuhos ng luha ng mga malalapit na
kamag-anak nalalaman ng mga kapit-bahay ang kinasapitan ng kanilang kanayon. Pormal nang
ipinahahayag ang pagyao sa pamamagitan ng atong o ang pagsusunog ng isang pirasong kahoy
sa tapat ng bahay ng namatayan. Ang usok nito ay nagsasabi kung ang kaluluwa ay pupunta sa
langit.

Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa pag-aaral nina Kristel Wiener Benitez at ng kanyang mga kasamang
tagapagsaliksik na pinamagatang ‘Ang Konsepto ng Kamatayan ng mga Pilipino – Sa Mata ng
mga Kabataan, na ang kamatayan ay isang biyololohikal na proseso na hindi maiiwasang
pagdaan ng bawat nilalang sa mundo. Ito ay ang kabaliktaran ng buhay; ang pagkamatay ng tao
ay nangangahulugang pagkawala ng buhay. Maraming konsepto ang kamatayan, gaya na lamang
ng mga sumusunod; pagluluksa, paniniwala sa mga kakaibang nilalang ( aswang, tikbalang,
kapre, tiktik, duwende at iba pa ), at buhay pagkatapos ng kamatayan.
Ang kamatayan ay mula sa salitang ugat na patay na nangangahulugang walang buhay,
wala ng nararamdaman. Ito ay nangangahulugang wala ng buhay, pagkasira ng buhay at
katapusan ng buhay. Pinaniniwalaan na kapag ang nilalang ay namatay, humihiwalay sa kanyang
pisikal na katawan ang espiritu na tinatawag na kaluluwa. Ang kaluluwa ay sinasabing ang diwa
o buhay ng isang tao. Maaring masabi na ang kaluluwa ang siyang nagbibigay buhay sa ating
katawan at kung tayo man ay mamatay, ang kaluluwa ay hihiwalay sa ating katawan dahil ito ay
immortal. Marami ring naniniwala sa kabilang-buhay. Ang mga kaluluwa ng mga namatay ay
napupunta sa langit, sa Kristiyanismo, ito ang tahanan ng Diyos at mga anghel o maaari ding
mangahulugang lubos na kaligayahan, kapag ito ay nakahingi ng ng tawad sa Diyos para sa
kanyang mga kasalana; sa impiyerno kapag ito ay hindi ito nakahingi ng tawad dahil ito ay pook
ng parusa para sa mga kaluluwa ng tao na mahina at makasalanan; ang iba naniniwala rin sa
tinatawag na purgatoryo kung saan mananatili ang kaluluwa ng namatay upang siya ay hatulan
ng Diyos habang ang mga naiwan naman ng namatay ay ipinagdarasal ang kaniyang kaluluwa.
Ang mga kaluluwa rin ay pinaniniwalaan maaaring maglakbay pa kung hindi pa siya matahimik
sa kanyang paglalakbay.
Walang binanggit kung saan dinadala ni Kamatayan ang mga kaluluwa ng mga namatay.
Ngunit ayon sa mga nakaraang pag-aaral, magkarugtong ang mundong ito at ang kabilang
mundo kaya’t muling “binibigyang-buhay” ang mga yumaong sa anyong kaluluwa o ispiritu.
Para sa mga Ilokano, ang kamatayan ay hindi katapusan subalit isang paglalakbay ng ‘kararwa’
sa ilog habang nakasakay sa Bangka tungo sa ‘ballasiw’ kabilang dimensiyon. Sa kabilang
mundo pinaniniwalaang naninirahan ang mga ninuno at ang iba pang uri ng mga nilalang. Para
sa iba, ang mga kakaibang nilalang na ito ang madalas na ginagawang panakot sa mga bata –
aswang, multo, kapre, duwende at iba pa. may ibang naniniwala at may iba ring hindi, ngunit
pinaniniwalaan ng mga etnolinggwistikong grupo sa pag-aaral ni Zayas at Abaya na posibleng
makipag-ugnayan ang mga nasa kabilang mundo sa tulong ng mga taong may kaalaman, tulad ng
datu, pangkat, mumbaki, at iba pa. Sa kanilang tulong, nakikipag-ugnayan ang mga yumao at
mga naiwan.
Ang pamilya ng namatay ay nagsasagawa ng lamay na tumatagal kadalasan ng isang
linggo. Ang lamay ay magdamag na pagbabantay sa taong nakaburol. Doon binibigyang
pagkakataon ang mga kaanak, kaibigan at kakilala na makilamay sa pamilya ng namatay. Ayon
sa survey, pinaglalamayan ang patay upang bigyang respeto ang taong namatay. Ayon din sa iba,
ang paglalamay ay para maipagdasal ang kaluluwa ng namatay.

Layunin:
Layunin ng mga tagapagsaliksik na ipakilala ang kultura ng mga ilokano sa pagpapahalaga sa
mga yumao at masuri ang dahilan ng pagpapahalagang ito. Sa paraang ito, malilinawagan ang
ibat’t ibang ideya tungkol sa mga patay at mabibigyang sagot ang mga katanungan ukol sa
pagbibigay importansya ng mga ilokano sa nabanggit na paksa. Layun din nilang maibahagi sa
ibang tao na importante ang pagpapahalaga sa mga yumao sapagkat para sa mga ilokano ito ay
sumisimbolo ng pagmamahal at respeto para sa kanila. Ito din ay nagsisilbing pag alala sa mga
taong kahit nasa kabilang buhay na ay di pa rin limot sa puso at isipan.Naniniwala rin ang mga
ilocano na kahit patay na ang isang tao andyan pa rin ang presensya nya.
Kahalagahan
Ang mga mananaliksik ay nais malaman ang kulturang nakatago sa likod ng mga paniniwala
sa patay. Sa resulta ng pag-aaral na ito, maipapakita ng mga pananaliksik ang kahalagahan ng
mga yumao at ng malinawan ang mga tao tungkol sa kulturang kanilang kinagisnan. Ilalahad ng
mga mananaliksik ang kaugaliang nakasanayan ng mga Ilokano ukol sa nasabing paksa. Ang
pananaliksik ay gagawin upang malaman ang natatagong kagandahan ng kultura ng mga Ilokano
sa pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa pamilya ito man ay buhay o patay.

Paglalahad ng Suliranin
Nais sagutin kung gayon ng mananaliksik ang mga sumusunod na mga tiyak na suliranin
1. Ano ano ang iba’t ibang paniniwala ng mga ilokano tungkol sa patay?
2. Ano-ano and mga kahalagahan ng mga painiwalang ito sa kulturang ilokano?

Resulta at Diskusyon
Sa bahaging ito ay mapapalawak at mabibigyan pansin ang mga tradisyon at kultura na
nakagisnan ng mga ilokano sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Mailalahad rin dito kung
paano nila ito pinapahalagahan sa pglipas ng mga panahon isa rin ang mga ilokano sa mga
marelihiyosong mga tao sa Norte na may iba’t ibang paniniwala. Tulad na lamang sa mga patay
na may mga ritwal sa pagkamatay, pagburol, hanggang sa paglibing.
Sa ibang bahagi din nito ay maipapaliwanag ang mga iba’t ibang kultura ng mga Ilokano
kung paano nila ito isinasagawa at pinapahalagahan para sa kanilang mga yumaong kapamilya.
Kilala rin ang mga Ilokano sa pagiging malikhain sa pagluluto ng samu’t saring mga putahe.Isa
sa mga inaalay nilang pagkain ay ang “Atang”. Ang atang sa tagalog ay pagkaing inihahandog sa
mga hindi nakikitang nilalang upang mapaalis ang mga masasamang espiritu. Ito ay
napakahalaga sa kulturang Ilocano, dahil ang paniniwala nila ay mayroong mga espiritong
naninirahan kasama natin. Ang atang ay isinasagawa sa hapon pagkatapos ng libing. Madalas na
ginagamit bilang atang ay ang “native rice flour” o “diket” Ang mga naghahanda lamang ng mga
ito ay ang mga babaeng kamag anak ng yumao at kasama ang mga kapitbahay na mga babae.
Ang paghahandang ito ay mauulit muli sa ika-30 na araw pagkatapos ng pagkamatay o lamay at
pagkalipas ng isang taon. Ito ay nagsisilbing pag-alala sa mga taong kahit nasa kabilang buhay
na ay hindi pa rin limot sa puso at isipan. Naniniwala rin ang mga Ilocano na kahit patay na ang
isang tao andyan pa rin ang presensya niya.
Para sa Ilokano ang pagkamatay ay ang pagsasakatuparan ng kanilang tadhana. Ang itim na
paru-paro ay sumisimbolo ng kamatayan para sa kanila.Ang mga paru-paro ay sumisimbolo sa
kalangitan at lupa, buhay at kamatayan, ayon sa estilo ng laboratory. Ang paglagay ng bao sa
ilalim ng kama ng patay para marinig ng mga tao sa loob ng kwarto ang paglalaban ng anghel at
demonyo para sa kaluluwa ng namatay. Habang nasa lamay, ang mga kasama o kamag-anak sa
bahay ay bawal magtrabaho dahil . Bawal din linisin ang bahay. Bawal din maligo sa loob ng
bahay kung nasaan ang patay dahil ito raw ay malas at maaaring siya na ang susunod na
mamamatay. Bawal magwalis sa loob ng bahay dahil ito ay nagpapakita ng pagtaboy sa
kaluluwa ng namatay at isinasama sa kanya ang kaluluwa ng kaniyang mahal sa buhay.
Maglagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong ng namatay kapag ang pagkamatay ay dahil sa krimen,
upang makonsensya ang mga may sala at hindi sila patatahimikin ng huni ng sisiw. Bawal
magsuot ng kulay pula na damit kapag namatayan, sapagkat ipinapahiwatig ng pula ang
kasiyahan. Bawal lumingon sa pinagburulan, dapat diretso lang ang tingin ng lahat dahil kapag
may lumingon ay may susunod na mamamatay sa pamilya. Bawal tumingin ang buntis sa yumao
bago ito ilibing, dahil maaaring maisama ang batang nasa sinapupunan sa hukay. Dapat
maghanda ng maligagamgam na tubig na may dahon ng bayabas sa harapan ng bahay ng
namatayan upang dito maghugas ng kamay ang mga taong sumama sa libing para matanggal ang
malas. Ang pagmamay-ari ng patay ay sinusunog para hindi na raw bumalik ang kaluluwa para
dito. Bawal kumain ng mallinggay dahil baka sundan daw ito ng kapamilya. Bago ilibing, ang
mga anak nito ay nagmamano bilang huling paraang pagbigay respeto sa namatay. Bago ilabas
ang kabaong sa bahay isang tandang o inahin, depende sa kasarian ng namatay, ay pupugutan ito
at itatapon sa tapat ng bahay para sa seguridad ng kaluluwa papunta sa langit. Lahat ng
kapamilya ay nakaitim sa araw ng libing. Pagtapos ng libing ang mga kamaganak ay
maghuhugas ng tubig mula sa basin na kung saan ang tubig ay nilalagyan ng barya para alisin
ang kulam ng masasamang espiritu.
Ang kamatayan para sa mga Ilokano ay isang malaking pagluluksa. Kapag namatay ang tatay,
binibihisan ito ng kanyang asawa nang mag isa upang masabi ng kaluluwa ng kanyang asawa
ang mga hindi niya nasabi sa kabiyak noong nabubuhay pa lamang siya. Habang naglalamay,
dapat gising ang mga miyembro ng pamilya at binabantayan ang namatay. Magsusuot ng itim na
damit at itim na manto upang matakpan ang ulo o balikat ang mga kamag- anak. Bago ilabas ang
kabaong, dapat sarado lahat ng bintana ng bahay at kahit saang bahagi ng bahay ay dapat walang
mahihipo dahil paniniwala ng mga Ilokano ay mananatili ang kauluwa ng kanilang yumao sa
kanilang tahanan.
Ang mga kamag-anak ng namatayan ay nagtatali ng puting tela sa noo. Ito ay pagbibigay
galang sa namatay at upang mapunta ang kaluluwa sa langit. Ang mga Ilokano ay naglalagay ng
pera sa kabaong ng yumao dahil ito ay nagsisilbing bayad sa “ferry man” na magdadala sa
kaluluwa ng tao sa kabilang buhay. Ang mga bisita na nakilibing ay kailangang pumunta sa
tahanan ng namatay gamit ang ibang daan pagdating sa kanilang mga bahay upang hindi sila
sundan ng kaluluwa o multo. Kailangang mag-hugas ng kamat at mukha upang matangal ang
kamatayan sa pamilya. Nag susunog ang mga kapamilya ng namatay ng isang kahoy na atong sa
labas ng bahay ng namaayan. Patuloy na magsusunog ang atong hanggang matapos ang libing.
Pinapatay lamang ang apoy gamit ng white wine. Upang ipaalam ng pamilya ang pagkamatay ng
kanilang kapamilya.
Ang mga tradisyon ng lamay para sa kulturang Ilokano ay napakaimportante. Ang mga
Ilokano ay ginagamit ang relihiyosong pagtingin tungkol sa kamatayan at ginagawa ang kanilang
lamay base sa tradisyong Katoliko. Ang mga lamay ay kariniwang ginaganap mula tatlo
hanggang pitong araw. Kapag mayroong namatay importanteng bigyan ng basbas ng pari ang
patay para masiguro ang patay ay aakyat sa langit. Sa mga Ilokano nakaugalian na ipinapasa sa
henerasyon kasabay ng mga ritwal at paniniwala. Ito ay tinuturing ng mga Ilokano bilang
oportunidad para mas pagtibayin ang ugnayan ng mga pamilya, ang mga matagalan ng hindi
nakikitang kamag-anak, kaibigan at kapamilya na nasa abroad ay magsasama-sama upang
mabigyang galang ang relasyon nila sa namatay.
Sa paniniwala na may buhay pagkatapos ng kamatayan, ang mga damit at iba pang mga
kagamitan ay inilibing kasama sa patay. Ginagawa rin ito upang ang kaluluwa ay hindi bumalik
para sa kanyang mahalagang mga pag-aari. Gayunpaman, kung may isang bagay na nakalimutan
at ang isang tao sa kapitbahayan ay namatay, ang isang kamag-anak ay maglalagay ng natitirang
mahalagang pag-aari ng kanilang namatay sa kamag-anak na patay. Upang maipakita ang labis
na kalungkutan ng namatayan na pamilya, ang mga miyembro ay nagsusuot ng itim na damit at
isang manto (itim na tabing) na isinusuot ng mga babaeng miyembro ng pamilya. Ang “solemn”
na musika ay nilalaro sa panahon ng prosesyon ng libing mula sa bahay ng patay hanggang sa
simbahan at pagkatapos ay sa sementeryo. Sa sumunod na araw, ang mga kamag-anak ay
nagalagay ng golgol (shampoo sa buhok) sa ulo na ginagawa sa ilog upang hugasan ang
anumang kapangyarihan ng espiritu ng patay. Sinusundan ito ng pag-aalay ng niniogan (isang uri
ng keyk na bigas), basi, buyo, at tabako. Binubuksan ang kabaong at hinipo ang kamay ng patay
sa paniniwalang mabubuhay muli ang yumao. Pagkatapos ng libing, pinapakain ng mga kamag-
anak ng patay ang mga bisita sa bahay ng pamilya, ngunit bago pumasok, ang bawat bisita ay
dapat maghugas muna ng kamay sa tubig na may pinakuluang dahon ng bayabas.
Bago ang libing mismo, bawat isa sa mga kamag-anak ay nagbabayad ng kanilang huling
respeto sa pamamagitan ng paghalik sa kamay ng namatay o pagpapalaki nito sa kanyang noo.
Ang matinding pag-aalaga ay kinukuha sa pagdadala ng katawan mula sa bahay patungo sa
simbahan; ang anumang sakuna ay maaaring maging sanhi ng napaaga kamatayan para sa mga
attendants. Pagkatapos ng seremonya ng iglesya, ang mga kamag-anak ay nagpapakita bilang
isang grupo para sa mga larawan ng souvenir na may kabaong. Ang bawat isa sa prosesyon sa
sementeryo ay dapat bumalik sa bahay ng namatay sa pamamagitan ng ibang ruta mula sa kinuha
doon. Sa pagdating, dapat nilang hugasan ang kanilang mga mukha at kamay upang alisin ang
kapangyarihan ng kamatayan.

Bukod sa katangian ng mga Ilokano na masipag, masinop, at matiyaga lubos ang kanilang
pagpapahalaga sa kanilang kultura at tradisyon na nagbibigay simbolo ng pagmamahal sa
sariling pangkat at parte ng pagka-Pilipino. Isa sa mga kulturang pinahahalagahan ng mga
Ilokano ay ang pagkilala sa mga yumao na kung saan iba’t ibang paniniwala at ritwal tulad ng
paglagay ng puting tela sa noo,at ang paniniwala ng paglaktaw ng mga bata sa kabaong bago
ilibing upang hindi managinip ng masama ang mga bata at hindi multihin ng yumao. Ang
pagkakaroon ng mga Ilokano ng iba’t ibang tradisyon o pamahiin patungkol sa mga yumao ay
hindi basta biro. Ito ay nagpapakita ng respeto at pagpapahalaga sa mga patay. Ipinapakita nila
na ang kanilang mga paniniwala ay nagbibigay simbolo o nagiging intrumento upang maging
diwa mapayapa ang kaluluwa kapag sumakabilang buhay na. Ito ay nag sisilbing paalala na kahit
sumakabilang buhay ang kanilang kapamilya ang presensya ng namatay ay nananatiling buhay sa
kanilang puso at isipan.
Ang kahalagahan ng tradisyong ito sa kulturang Ilokano ay maipapahiwatig ang pagmamahal,
pagmamalasakit, pagrespeto ng magagandang alaala, ng yumaong kapamilya.
Sangunian
K. Benitez: Ang Konsepto ng Kamatayan ng mga Pilipino. Nakuha noong Desyembre 4, 2018 sa
http://www.academia.edu/2454454/Ang_Konspeto_ng_Kamatayan_ng_mga_Pilipino

Norman Lacambacal: Kristiyanismo Sa Pilipinas.2013. Nakuha noong Desyembre 4, 2018 sa


https://www.google.com.ph/amps/s/pananampalatayangkatolikoatdebosyyon.wordpress.com/201
3/08/09/kristiyanismo-sa-pilipinas-2/amp/

Makakristiyanong Burol at Libing- Marangal, Simple,at Nakalulugod sa Diyos. Nakuha noong


Desyembre 4, 2018 sa https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/200127

Frauline C. Tadle: Mga Pagbabago sa Tradisyon Sa Patay Ng Mga Ilokano Sa Pagpasok Ng Ika-
21 Dantaon.2012. Nakuha noong Desyembre 4, 2018 sa
https://www.scribd.com/doc/150840782/MGA-PAGBABAGO-SA-TRADISYON-SA-PATAY-
NG-MGA-ILOKANO-SA-PAGPASOK-NG-IKA-21-DANTALON

Grace Valera: Ang Kamatayan At libing Patungkol Sa Paniniwa Ng Mga Ilokano. Nakuha noong
Hulyo 2,2011 sa http://grace-vallera.blogspot.com/2011/07/Ang-kamatayn-at-libing-patungkol-
sa-paniniwala-ng-mga-ilokano.html?m=1

MMRP Parrenio at Lars Raymund C. Ubaldo: Pakasaritaan ti biag of the Ilocano culture. Nakuha
noong Augusto, 2007 sa < http://www.britannica.com/eb/article-042153/Ilokano>

Renato S. Rastrollo at Cecilia V. Picache: Ilocano Atang for the Dead. Nakuha noong Oktubre,
2012 sa http://www.pilipinaspopcorn.com/Ilocano-Atang-for-the-Dead

You might also like