You are on page 1of 6

Ang Paglilinang ng Kabihasnan

Michaela Marie Cordero

Hindi na kailangang turuang mag-araro ang taong magaling nang magsaka.

Masyado yata tayong napaniwala ng mga mananakop ng sabihin nilang tayo’y mga

walang alam, ‘tila mga ligaw na baboy ramo sa kaingin. Mayroon nang umiiral na

sistema ang mga sinaunang Pilipino, mayroon ng paglilinang ng pamumuhay noon at

ang paglilinang na ito ay bunga ng kanilang malikhaing kaisipan.

Una, makikitaan na sila nang pagiging masinop. Sa paglaganap ng kagamitang

Metal ay ginamit nila ang husay sa paggamit ng mga bagay na kapaki-pakinabang

mula sa kapaligiran. Ang paglikha ng mga payoh gamit ang mga kamay at ang mga

kasangkapang yari sa bato. Ikalawa, mayroon na rin silang husay sa agham at sining. Sa

pag-unlad ng pagpapalayukan ay natuto silang humulma ng mga matitibay na palayok

mula sa tamang pormulasyon ng luwad, buhangin, at ipa maging ang oras ng

paghuhulma nito sa kiln. Ang mga malilikhaing disenyo na may kaakibat na tradisyon

at paniniwala na may kinalaman sa kabilang-buhay sapagkat ito ang nagsisilbing

libingan ng mga yumao. Masasalamin din ang kanilang pagpapahalaga sa pamilya,

ekonomiya, kultura, at kapangyarihan. Ikatlo, sa pag-unlad ng paglalayag ay

umusbong ang kanilang magandang pakikipag-ugnayan sa mga karatig na bansa para

sa pagpapalakas sa sektor ng ekonomiya. Dito rin nagsimula ang pagbubuo ng isang

mahusay na sistema nang pamamahala. Ikaapat, pagiging malikhain din ang

masasalamin sa kanilang Paghahabi. Ang galing sa paglikha ng mga magagandang

kasuotang gawa sa abaka at pinya. Ikalima, ang kaalaman sa pagsusulat ang isang

batayan sa kanilang maunlad na kalinangan. Mula sa iba’t ibang katunayang nakikita


hanggang sa kasalukyang panahon ay naroon na ang kanilang pagpapahalaga sa

paglilinang ng kaalaman. Ikaanim, bukod sa pagsusulat ay natuto silang ipahayag ang

iba’t ibang karanasan sa pamamagitan nang panitikang pasalita. Ito ang katunayan

nang kanilang matalas na pag-iisip, malikhaing pamamaraan, at madamdaming

pagpapahayag. Gayundin ang kanilang pagmamahal sa karunungan, tamang

pamumuhay, at magandang samahan. Huli, iba ang kanilang pagpapahalaga sa oras at

ito ay tinawag na panahon. Ang panahon ay hindi nasukat sa de-numerong paraan

bagkus ay sa kanilang ugnayan sa kapaligiran at sa kanilang panahon ng pag-aani.

Patuloy ang paglilinang mula sa kabihansnan hanggang sa panahon nang ating

bayan. Ang diwang Pilipino na nakaugat sa ating kamalayan ay impluwensya nang

kanilang mahusay na pamamaraan. Ang kanilang pagmamahal sa pamumuhay ang

ating naging gabay upang pahalagahan ito, ang pagpapahalaga sa karunungan, sining

at kultura, at sa isang matibay na samahan na nagsisilbing ugat ng ating hindi

mababaklas na tibay ng samahan sa pamilya at komunidad. Bagama’t ang iba ay may

impluwensya na mula sa iba, ang diwang Pilipino ay hindi mawawaglit sa ating

kaluluwa. Ito ang tunay na galing ng Pilipino, kaya’t nararapat na ating isabuhay ito

sapagkat tulad nila, ito ang yaman na ating ipapasa sa mga henerasyong susunod pa sa

atin. Huwag nating hayaan na wala silang maipagmalaking sariling pagkakakilanlan,

bigyan natin sila ng kaalaman na kanilang madadala tulad ng ginawa ng ating mga

ninuno.

Ang Pagbubuo ng Pagkalinangan at Kamalayang Bayan


Michaela Marie Cordero
Bago pa man dumating ang iba’t ibang paniniwalang dala ng mga dayuhan ay

mayroon na tayong sariling paniniwala. Ang ating pag-galang sa nakatataas ay naka-

ugat sa kanilang paniniwala.

Iba’t iba man ang anyo ngunit iisa ang pananaw ng sinaunang Pilipino sa

konsepto ng paniniwala. Naniniwala sila sa tatlong pangunahing rehiyon (sapin) ng

sandaigdigan. Una, ang langit na siyang pinakamahalaga sapagkat dito nanggagaling

ang liwanag at ulan. Ito rin ang sandigan ng kanilang pagkabuhay at paghihirap. Ang

langit ay nagmula sa iba’t ibang konsepto ng paniniwala at mga kuwento ng mga

sinaunang Pilipino ngunit iisa ang layuning sumunod at gumalang sa mas nakatataas

na nilalang. Ikalawa, ang lupa ay itinuturing nilang hindi sa kanila kundi sa mga

puwersang espirituwal ng kalikasan na kailangan nilang pakisamahan. Ito ang dahilan

kung kaya’t kanilang pinangangalagaan at iginagalang ang kalikasan. Ikatlo, ang ilalim

ng lupa kung saan naroon ang mga posteng sumusuporta sa daigdig at ang nagiging

sanhi ng panlidol o paggalaw ng lupa. Malalim din ang kanilang paniniwala sa

kabilang-buhay. Kaakibat nito ang pagtawid sa ilog buhat ng pagiging ligid sa tubig ng

kapuluan. Sa pagtawid ng yumao tungo sa kabilang buhay ay dala-dala pa rin nila ang

kanilang mga sariling ari-arian sapagkat naniniwala silang kung ano man ang buhay

dito sa lupa siyang wangis din nang sa kabila. Ang labi ng yumao ay nililibing sa mga

malalaking banga. Ang mga rehiyong ito ay nag-uugnay sa pamamagitan ng iba’t ibang

mga ritwal at seremonya sa tulong ng mga babaylan at catalonan; sila ang mga pari at

mangagamot ng sinaunang kabihasnan. Mayroon ding kamalayan at kaugnayan ang

mga sinaunang Pilipino sa mga kaluluwa at sumakabilang-buhay, sinasabing ang


sinumang may karamdaman ay isang palatandaan ng naagaw o naligaw na kaluluwa

na kailangan ng pagbawi. Naniniwala din sila na ang kaluluwa ang ugat ng kabutihan

at kasamaan ng tao. Mayroon namang ugnayan ang nabubuhay at yumao sa

pamamagitan ng mga anito.

Ang paniniwalang ito ng mga sinaunang Pilipino ang naging gabay sa kanilang

pang-araw-araw na pamumuhay. Ang kanilang paniniwala ay nagpapatuloy hanggang

sa kasalukuyang panahon sa mga paraang hindi natin nahahalata.


Pagbabalik-tanaw: Mga karanasan sa Pambansang Museo

Michaela Marie Cordero

Isa sa pinaka-mainam na paraan upang lubos na

makilala at mapahalagahan ang kasaysayan ng bansa ay

sa pamamagitan ng pagpunta sa mga museo. Dito

nakalagay ang iba’t ibang mga katunayan ng sinaunang

kabihasnan. Naging makabuluhan ang aking karanasan

nitong nakaraang linggo sa pagtuklas ng yaman ng

kasaysayan. Una kong pinuntahan ang Museum of

Natural History, apat na palapag na gusali kung saan

makikita ang iba’t ibang mga katunayan ng sinaunang kabihasnan tulad ng mga

artifacts at fossils ng mga hayop na namuhay noon tulad ng megalodon, rhinocerus, at

si lolong. Mayroon ding mga uri ng halaman. Dito ay

natutunan kong dapat pangalagaan ang likas ng

kayamanan ng bansa sapagkat ito ang nagsisilbing

palatandaan ng kasaysayan at pag-unlad.

Sumunod ay nagpunta ako sa Museo ng mga

Pilipino (Museum of Anthropology). Naririto ang

katunayan ng sinaunang kabihasnan mula sa

prehistorikong panahon hanggang sa pagdating ng mga

dayuhan tulad ng mga Muslim, Intsik, at Espanyol. Sa pamamagitan nito ay natutunan

kong nararapat na bigyan ng karangalan at makilala ng mga Pilipino ang mga


Manlilikha ng Bayan (National Living

Treasures). Sila ang nagbigay-daan sa

pagpapatuloy ng mga sinaunang

kaugalian na aking maaaring matutunan.

Huli kong pinuntahan ang Museum of

Fine Arts, naririto ang mga obra ng mga

alagad ng sining sa ating bansa mula kay

Juan Luna, Guillermo Tolentino, Botong Francisco at iba pa. Lubha akong namangha sa

angking galing ng aking mga kababayan na nararapat na ipagmalaki.

Napansin ko na sapagkat linggo, maraming taong pumapasyal rito, mga

pamilya, magkakaibigan, at mga dayuhan. Sana lamang ay mayroong nagpaliwanag sa

amin ng bawat artipako, fossil, o kung ano mang nandoon upang mas malinaw ang

aking pagkakaunawa. Ito ang aking napuna doon, at sana ang mga bumibisita ay hindi

lamang pumapasyal doon para lamang gumala, magselfie, at gawing tambayan ang

mga museo. Ginagawang background ng iba ang mga artifacts para sa kanilang picture

at yun ay hindi nakakatuwa para sa akin dahil binabastos lamang nila ang museo. Sana

pumunta na lamang sila sa mall kung ganoon ang gusto nila.

You might also like