You are on page 1of 10

Epistemolohiyang Filipino sa karunungang Pilipino

Ni: Bayani S. Abadilla

Sikohistorya

Ang paglilinaw ay nakatuon sa larangan ng siyensya na humahabi at nagtatakda sa ibaibang larangan ng


karunungan.

Larangan Ng siyensiya ay may dalawang pangunahing saklaw o parametron

Karunungan tungkol sa tao

Karunungan tungkol sa natural na kalikasan

Kahulugan ng talino at karunungan

Sa siyensiya,

Talino ang lumilikha Ng karunungan

Lahat ng nalilikhang karunungan ay galing sa karanasan Ng sangkatauhan

Sa dinamismo Ng buhay,

Umiiral Ang diyalektal na talino at karunungan

Malikhain ang talino, umuunlad ang karunungan

Konsepto at dalumat

1.Proseso ng isip na umaayon sa organikong batas ng buhay

2.Mabisang nakawawasak ng katangahan

Hinggil sa Epistemolohiya

Pinagtitibay ang totoo o karunungan pagkatapos ng masinop na prosesong maka-agham: haka,


obserbasyon, ebalwasyon, kalidasyon at konklusyon

Etimolohiya ay ugat ng kaalaman o impormasyon

Teknolohiya ay simula at likas na galaw ng mga impormasyon/ kaalaman Ng mga bagay na abstrakto/
teoretikal sa kabuluhan at katuturan

Ontolohiya ay Inter-aktibong galaw o magkakaugnay na kaganapan Ng kaalaman


Ontonehiya ay bulas at pag-unkad Ng kaalaman

Kaibahan Ng karunungan at Kaalaman

Kaalaman

Anyo ( abstrakto / konkreto ) ng mga kaganapan ( datos ) sa buhay, nasisibat mg sentido ng tao at
natatambak sa memorya.

Karunungan

Lantay ng katotohanan,- ay likhang pagsusuri ng talino sa datos na nasa memorya mula sa mga
pamamaraang maka- agham

Tatlong Diyalekta Ng Karunungan

Tesis

Antithesis

Sintesis

Simula at pagsulong ng talinong Pilipino

Panahon Ng Plestosin ( 250 000) bago Kay Kristo

( Dr. Jaime B. Veneracion, “ Agos ng Kayumanggi” . 1987)

Homo Erectus

Sinaunang tao

Pagkiskis ng bato upang makagawa ng apoy

Ungol at bulyaw, galaw ng mga kamay at katawan ang Wika ng mga Erectus

Ang mga tunog at letra ay nakilalang Alibata

Alibata ay disiplina ng pagsasaayos ng mga tunog ng mga salita o baybayin

Isla Maniolas

Orihinal na pangalan Ng kapuluan


Ptolemy ay isang griyegong togopograpistang gumawa Ng mapa at nagpangalan sa kapuluan.

Ideomotor

Naglalaman ng mga ideya

Nagpapakilala sa kahulugan, kabuluhan at katuturan ng mga ginagawa ng tao sa pamumuhay.

Dulot ng maunlad at maginhawang kabihasnan:

Talino – paggawa

Kalayaan at kasarinlan

Masaganang liikas na yaman ng kapaligiran

Ang talino ng bayan sa Sapot Ng Simbahan

Panahon Ng Kolonyalismong Espanyol

Kulturang Ungas

Tiwalag Ang talino sa pagkatao Ng sambayanang Indiyo

Isang litanya ng duyan at kabaong

Aparato Ng Ideolohiya

a. Simbahan

-ang naghasik at luminang sa malaganap na katangahan

b. Pamilya

c. Gobyerno

Sa Lipunang Kolonyal

Matinong tao ang tumataliwas sa kalakaran

Taong labas ( Social deviance ) ang lumihis sa kalakaran

Utak de kahon ( Stereotype consciousness ) ang asal alipin

Katangian ng bait ng bayan o talino ng sambayanan sa sumusunod:

Winawasak ng talino ang katangahan;

Hindi habang panahon nasisikil ang talino;


Ang talino ay katinuan;

Agn talino sa lantay na kahulugan, kabuluhan at katuturan ay totoo, magaling at mabuti;

Nahuhubog ang talino ng mga karanasan

Ang mga masasaklap na karanasan na tumitimo sa isip, ay talinong mapanghimagsik;

Ang talino na ideomotor ay napakalakas na pwersa na batas ng kasaysayan;

Talino ang naghahatid ng pagbabago sa kaayusan at sa pagkatao ng sambayanan.

Ang mga aparato ng idelohiya ay kontrolado ng mga dayuhan at lokal na mga naghaharing uri sa
lipunanang Pilipino.

Uring kapitalista (dayuhan at lokal)

Propitaryo-komprador (asendero-komersyante)

Burukrata-komprador (negosyanteng Pulitiko)

Edukador-komprador (nagnenegosyo sa edukasyon)

Komprador-tagapamahayag (naegosaynte sa mass media) 6. Banal na awtoridad (mga taong simbahan)

Epistemolohiyang Pilipino

Ang talino ng mga Pilipino, sa ideyal na kalakaran ay karanasan ng bayan—sininop ng sistema ng


edukasyon—na nagiging karunungang namamatnubay ng bayang patuloy na lumilikha ng mga
pangangailangang panlipunan para sa kabutihan, kaginhawaan at katiwasayan ng sambayanan

Ang ideya, konsepto, teorya, modelo o paradigm, prinsipyo o pilosopiy na pawang resaresa (intricacies)
ng karunungan—na likha ng epistemolohiyang Filipino—at ginagamit ng sambayanang Pilipino sa
pamumuhay at tiyak na maghahatid sa Pilipinas ng kaunlaran at kagandahan sa kalooban ng mga
Pilipino.

Tanging wikang Filipino ang saligan ng Epistemolohiyang Filipino—ng batis (source) ng antas-antas na
pag-unlad ng talinong Pilipino.

Ang wikang Filipino ay hindi miyum lamang ng pagtuturo. Sinasalamin ng wikang Filipino ang pagkatao,
pagkabayan, pagkamamamayan at pagkalahi ng mga Pilipino.ang wika ay mukha at isip na magkakaiba
sa sangkatauhan.

Filipinolohiya sa Kalinangang Pinoy


(kilatis ng talino ng madla na gumagana o tumutugon sa kahingian ng panahon sa batas ng kasaysayan)

Ang hilab ng pamumuhay sa bansa na itinatadhana ng talino sa paggawa sa simbuyo ng kalayaan at


antas ng kasarinlan o soberanya.ang kalinangan ay kalahatan naman ng iniisip at ginagawa o nililikha ng
sambayanan na itinatakda ng batas ng buhay na dinamiko o masaklawing umiiral sa bansa.

Tatlong Dimensyon o Larangan ng buhay

1. Ekonomiya o pambansang kabuhayan.

2. Pulitika o malawak na katuturan ng buhay

3. Kultura, kadluan ng totoo, tama, mabuti at maganda sa kapamuhayan ng sambayanan.

Filipinolohiya Imperatibo sa Pedagohiya

Para sa matinong sistemang edukasyon sadyang Imperatibo ang edukasyong Filipinolohiya

Sapagkat karunungan Ito ng sambayanan na hango sa malawak na karanasan ng sambayanan na


sinisinop sa mga teorya, prinispyo at mga likhahuwaran ng mga piling talino

Sa Filipiolohiya lamang maitatampok ang pambansang kalinangan na tunay na Pilipino sa diwa at gawa.

Ang makatuturang Pedagohiya ( pagtuturo at pag- aaral ) ay dapat nakatuon sa paglinang ng


pagkamakabayan ng pagkataong Pilipino at makataong kaunlarang tatamasahin ng buong sambayanan.

Tanging konseptong demokrasya—hilab Filipinolohiya ang makatuturang patnubay ng talino ng bayan


lumilikha ng kanyang kapalarang matiwasay, maluwalhati at maganda.

Ang talino ng bayan sa simbuyo ng kalayaan ay tutugon sa pambansang industriyalisasyon at


modernisasyon ng agrikultura.

Hindi balakid ang wikang Ingles sa paglinang sa karunungan ng bayan—bagaman higit na mahusay at
mabuti ang wikang Filipino—pandayin ng sistema ng edukasyon ang katalinuhang sosyal.

Upang malabanan ng Pilipinas ang hidwaan-diwa sa daigdig


Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan

Zeus A. Salazar

Pananaw na inihain na Ensiklopediya

Ayon Kay Salazar,


Hindi Ito “ pantayo” kundi “ pangkami”

Ang wika ay banyaga at hindi naiintindihan ng nakararami sa lipunang Pilipino.

Ang tendensiya ay tingnan ang ating bansa bilang

Obheto/paksain ng pag-aaral mula sa labas.

Ito ang direksyon din ng mga publikasyon ng Malakanyang noong panahon ng “Bagong Lipunan.

Pagkatapos, nagplano pa nga rin ang Malakanyang noong Dekada 80 na ipagawa ang isang ensiklopediya
sa ganitong diwa, at, mangyari pa, sa wikang Ingles.

Ibig sabihin, “malabo” ang pagiging tunay na Pilipino ng ensiklopediyang binabalak noon.

Pantayong Pananaw

Kahulugan

Isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at kalinangang Pilipino na nakabatay sa panloob na


pagkaugnayan

Sinasaad nito na dapat pag-aralan ang ugat at kalagayan ng kapwa Pilipino sa Pilipinas alinsunod sa
punto de bista ng Filipino at sa sariling diskurso na taglay nito

Kabuuang nababalot at pinapahayag sa pamamagitan mg isang Wika.

Konseptong “ tayo”, “kami”, “sila” at “kayo”

Ginagamit na pantukoy sa nagsasalita at kaniyang mga kasama

Ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa sarili at sa isa’t isa, iyan ay maihahalintulad sa
isang Sistemang sarado o closed circuit

Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang code, isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga
kahulugan, kaisipan at ugali.

Iba’t-ibang Pananaw o Punto de Bista

Pansila Pananaw

Sa iba at hindi sa kapwa

“ganito sila,” “ganito ang ugali nila,” “ganito ang mga tagalabas o banyaga.”

Pangkami Pananaw

Patungo naman sa labas o sa banyaga ang pagpapaliwanag,


Ang pagpapaliwanag dito ay tungkol sa sariling lipunan-at-kalinangan.

2.3 Kakailanganing ikumpara ito sa ibang sistema ng pag-uugali na ang mga kasapi/kabahagi ng naturang
sistema ang siyang kinakausap.

Pangkayo Pananaw

Ang pananaw ng nakikipag-usap mula sa labas tungo sa mga tagaloob ng isang partikular na kalinangan,
tungkol sa mga tao at kaugalian nito.

Sa agos ng ating kasaysayan ay ang pangyayaring dahil sa kolonyalismo’y nawala ang kabuuan ng
maraming mga grupong etnolingguwistiko sa ating bayan. Ang paimbabaw na naipalit ay ang kabuuang
kolonyal na siyang magiging batayan ng pagkatapos ay magiging “Nasyong Pilipino.”

Pantayong Pananaw sa Kasaysayan

“ Samakatuwid , ang lipunan at kultura natin ay may “ pantayong pananaw” lang Kung tayong lahat ay
gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan, pati ang relasyon ng mga
kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang Ito sa isat- isa.

Ang Pilipino, bago maging isang bansa o ang mga Pilipino, bago maging Filipino ay walang iisang
pananaw bago magsimula ang kolonyalismo. Ang ating bansa ay nabuo lang sa ikalawang bahagi ng
nagdaang taon ng pananakop ng mga kastila sa pamamagitan ng pakikipagtukungan ng mga Pilipino na
naging mga kasapi ng mga prayle . Tinatawag silang alkulturadong tao o Ladino.

Ikatlong dekada ng 1700s ay pumasok ang mga ladino sa Sistemang kolonyal ng mga Kastila

Sistemang Kolonyal

Escrib anos ( klerg, sekretaryo,atbp )

Abogadillos/ apoderadillos ( abu-abugado )

Katuwang ng mga kastilang opisyal

Sistemang Panrelihiyon

2.1 Paring Sekular o posisyong klero ( Hindi sila tinatanggap bilang prayle o Heswita.
Ang pagsasakatubo ng posisyong klero ay nagbigay daan upang mapamunuan ng mga Pilipinong pari
Ang mga simbahan ( Indio, Mestisong Pilipino- Intsik, at Mestisong Pilipino- kastila, kasama ang ang
kastilang tubong Pilipinas.)

Bagamat nagkaroon ng katayuan, naging biktima ng harapang diskriminasyon ang mga paring Sekular
( maging Ang mga apoderillos ) sapagkat sila ay mga prayle na sila’y kinakatulong lamang at dahil sila’y
itinuturing na kakumpetisyon ng mga prayle.

Vicente Rafael – Kanluraning historyador na naglathala ng disertasyong pinamagatang “Contracting


Colonialism”

Fray Gaspar de San Agustin – pinakaunang gumawa ng paglalait sa mga paring sekular (ladino) sa isang
pribadong dulat.

Noong 1800s ay lumitaw ang mga ilustrados- sila ang mga edukadong pormal na nakapag -aral at
maalam sa labas ng simbahan ( mula sa pagngalang kastila na ilustración at salin ng Les lumières na
pranses:, “ang kaliwanagan” na nga. )

Sa panahon din na Ito nagkaroon ng mga Unibersidad na napasukan ng mga Indio, Mestisong Pilipino-
sangley at Mestisong Pilipino- Espanyol

Ang ilustrados ay nasamahan ng mga “ kreolyo” ( tubong kapuluan na dahil ipinanganak dito sa Pilipinas
ay tinawag sa sarili na “ hijos del pais”, o “ mga anak ng bayan.” )

Dahil sa hindi hamak na sila’y mas matalino kumpara sa mga naunang ladino at matuturing na
pinakamatalino sa mga Indio, Ang diskriminasyon ng mga prayle sa ilustrados ay mas sumidhi pa.

95% hanggang 98% ng Kristiyano ay walang paki sa insultong Ito dahil Hindi nila Ito naiintindihan
( sapagkat Ito ay kadalasang ginagawa sa banyagang Wika ) amgga molo at katutubong pangkat Naman
ay mas walang pakialam sapagkat sila ay nananatiling puro at Hindi apektado ng doktrina ng mga kastila.

“Hindi totoo na bago dumating ang mga Kastila ay walang kabihasnan kaming mga Pilipino. Sa
katunayan, may kultura na kami, nakikipag-ugnayan na kami sa Tsina, Indotsina, sa India, at iba pa,
“bago pa man dumating ang mga Kastila.” Ito ang pinakabuod ng kamalayang iginiit at pinalaganap ng
mga Propagandista sa mga Kastila sa Espanya at sa mga kapwa nilang Pilipino sa Pilipinas.

Ayon kay Rizal, nang dumating ang mga Kastila, bumagsak pa nga ang kabihasnang katutubo dahil
nawalan ng interes ang mga Pilipino na pagyamanin ito.

Hindi sa kalinangang bayan hinasa ng mga Propagandista ang kanilang sandata laban sa kolonyalismong
Kastila kundi sa tradisyong “liberal” ng Europa.

Nang dumating ang mga Amerikano, ang inatupag naman ng mga ilustrado ay ang ipakita sa mga bagong
banyaga na ang Pilipino ay maaring maihilera sa anumang Larangan.

Sa madaling salita, ang namamayani sa panahong kolonyal ay ang pananaw na pansila (i.e., mula sa
banyaga, tungo at para sa banyaga) at pangkami (mula sa atin, tungo at para sa banyaga).
Sa kabutihang palad, nananatili pa ang pantayong pananaw sa loob ng mga grupong etniko at sa lebel ng
bayan, pananaw na hindi naisipang gamitin ng mga bumuo at bumubuo ng “nasyon” para sa
pangkalahatang kamulatan, para sa kabuuan ng bansang minimithing itatag ng Kapilipinuhan.

Pantayong Pananaw sa Kasalukuyan

Sa larangang pangkalinangan, ang pagkatatag ng nasyon ng mga elite ay nagbunga ng pagkakahati ng


kapilipinuhan

Dambuhalang pagkakahating pangkalinangan

Kultura at lipunan ng akulturadong elite

Kalinangan at lipunan ng bayan

Ang sistema ng edukasyon ang huhubog at huhulma sa diwa at kaisipan ng mga bagong akulturado na
siya na ring aatang sa sarili na buuin ang “kulturang nasyonal.”

Lahat ng mga konsepto, kalakaran, ideya, atbp. Sa lahat ng larangang ito ay palalaganapin at
matututunan sa wikang Ingles at sa loob ng pang-unawa (at pati na predyudis) na Amerikano (ibig
sabihin, di-atin o banyaga).

You might also like