You are on page 1of 26

EPISTEMOLOHIYANG

FILIPINO SA
KARUNUNGANG
PILIPINO
ni Ka BAYANI S. ABADILLA
2

ANO ANG KARUNUNGAN? PAANO NAHUHUBOG ANGKARUNUNGAN? ANO ANG

KATUTURAN NG KARUNUNGAN SA BUHAY? ANO ANG RELASYON NG

KARUNUNGAN SA KATOTOHANAN? ANO ANG KATOTOHANAN?

Masasagot ang mga katanungan ng paglilinaw sa sikolohikal na kahalagahan o

sikohistorya (psychohistory). Ang paglilinaw ay nakatuon sa larangan ng siyensya na

humahabi at nagtatakda sa iba-ibang larangan ng karunungan. Sa pangkalahatan, may

dalawang pangunahing saklaw o parametro ang siyensya: (1) karunungan tungkol sa tao;

at (2) karunungan tungkol sa natural na kalikasan. Parehong may sari-saring sangay o

disiplina ang dalawang pangunahing larangan ng siyensiya o karunungan. Halimbawa,

sosyolohiya at bayolohiya. May kaangkinan ng bawat sangay ng siyensiya.

Sa siyensiya, talino ang lumilikha ng karunungan. Ang iba-ibang larangan ng siyensya

ay katotohanang galing sa talino. Lahat ng nalilikhang karunungan ay galing sa

karanasan ng sangkatauhan, ng magkaiba sa lahi. Sa dinamismo ng buhay, umiiral ang

diyalektikal na talino at karunungan. Malikhain ang talino: umuunlad ang karunungan...

Ang bawat larangan ng siyensya/agham ay may katugmang disiplinang tumutuklas at

lumilinang sa mga partikular na karunungan. Ang mga karunungang maka-agham—

bago kilalaning totoo- ay isasalang muna sa mahigpit na proseso ng agham.


Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002
FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
3

Ang proseso ng isip na umaayon sa organikong batas ng buhay ay konsepto/dalumat.

May konseptong magaling may konseptong masama. Ang batayan ng kagalingan ng

konsepto ay kung mabisang nakawawasak ng katangahan. Kabalintunaan ang reyalidad

ng katangahan. Magkasalungat sa mga elemento sa sikohistorya ang katotohanan at

kabalintunaan at may pamantayang etikal.

Ang totoo sa lahat ng sangay o larangan ng siyensya- kapag naangkin ng isip- ay

katalinuhang kapaki-pakinabang sa buhay. Sa tandisang pagtugon ng isip sa hatak ng

kalayaang ibinubugso ng pangangailangan nakalilikha ang talino ng karunungan.

Samantala ang pagtugaygay ng isip (pag-aaral) sa kalikasan/katangian, saklaw at tibay

ng anumang karunungan at epistemolohiya o maka-agham na pag-aaral. Sa katuturan,

ang epistemolohiya ay disiplina ng isip sa walang humpay na pagtugon sa hatak ng

kalayaang itinakda ng pangangailangan. Ang kalayaan ay pagkilala sa pangangailangan.

Pangangailangan ang kabuluhan ng kalayaan. Pagbabago ang katuturan ng kalayaan.

Ang pagbabago ay pag-asa. Lahat ng bagay ay nagbabago. Ang hindi lang nagbabago

ay pagbabago. Sa diyalektikal ng buhay—nagaganap ang pagbabago sa karunungan o

pamumuhay.

Sabihin pa, tumatalino ang isip; umuunlad ang buhay.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
4

HINGGIL SA EPISTEMOLOHIYA

Sa siyensya pinagtitibay ang totoo o karunungan (pagtanggap ng lipunan) pagkatapos

ng masinop na prosesong makaagham: haka, obserbasyon, ebalwasyon, validasyon at

konklusyon. May pinagmumulan o ugat ang mga bagay-bagay – natural o likha ng tao.

Sa siyensya ng karunungan o epistemolohiya, ang ugat ng kaalaman o impormasyon ay

etimolohiya. Ang anumang bagay ay may dahilan sa pag-iral. Ang pagtugaygay sa

anumang bagay o impormasyon o kaalaman mula sa pinakaugat o likas na

kinahahantungan sa pinakahuling anyo o katangian ay isang pag-aaral na siyentipiko.

Ang simula at likas na galaw ng mga impormasyon/kaalaman o mga bagay na abstrakto/

teoretikal sa kabuluhan at katuturan (significance and effect) ay teknolohiya sa siyensya.

Ang inter-aktibong galaw o magkakaugnay na mga kaganapan ng mga kaalaman ay

ontolohiya. Ang bulas at pag-unlad naman ng kaalaman ay ontonehiya. Ang mga

kaalaman/impormasyon ay likha ng buhay at nakasanib sa buhay. Hindi pa karunungan

ang mga kaalaman, impormasyon lang.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
5

Ang mga kaalaman ay anyo (abstrakto/konkreto) ng mga kaganapan (datos) sa buhay,

nasasabat ng mga sentido ng tao at naiimbak ang mga ito sa memorya. Samantala, ang

karunungan-- na lantay ng katotohanan – ay likha ng pagsusuri ng talino sa mga datos

na nasa memorya mula sa mga pamamaraang maka-agham. Sa buhay humahango ng

karunungan ang isip. Diyalektikal (nag-aakitan, nagsasanib, nagpipingkian at

nagbabago) ang organikong kalikasan/ katangian ng mga bagay/ nilalang sa buhay.

Sabihin pa nagkakaisa ang mga tao sa prinsipyo: nagsasalungatan ang mga uri ng mga

tao sa prinsipyo. Sa karunungan, ang diyalektika ay nasa anyo ng tesis, antitesis at

sintesis.

SIMULA AT PAGSULONG NG TALINONG PILIPINO

Matutukoy ang karunungan o talino ng sambayanang Pilipino mula sa sinaunang

sibilisasyon. Sa tala ng kasaysayan, nagsimula ang talino ng Pilipino noong panahon ng

Plestosin, 250,000 – taon bago kay Kristo (Dr. Jaime B. Veneracion, “Agos ng Dugong

Kayumanggi,” 1987). Ang sinaunang mga tao sa archipelago/kapuluan ay unggoy (Homo

Erectus). Matagal sila na naghahagilap ng kakainin. Nalikha ang mga unggoy sa

dinamismo ng kalikasan. Ang sinauna’t orihinal na pangalan ng kapuluan ay Islas

Maniolas. Si Ptolemy, Griyegong topograpistang gumawa ng mapa, ang naglapat ng

pangalang Islas Maniolas sa mapa ng mundo.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
6

Isang gintong mohon, sa punto ng karunungan ang pagkiskis sa dalawang bato ng mga

sinaunang nilalang sa kasaysayan ng lahing kayumanggi. Ang sitwasyon ng

pagkikiskisan ng Homo Erectus sa dalawang bato ay malinaw na sandali ng paggawa ng

apoy ang nililikha sa pagkiskis ng bato. Nang dumiklap ang init, sa pagkiskis ng kamay

sa dalawang bato, umiglap sa isip ng Homo Erectus ang talino. Ito ang etimolohiya ng

talino o umpisa ng karunungan ng Pilipino. Kaugnay nito, noong sinaunang panahon,

ungol at bulyaw at galaw ng mga kamay at katawan ang wika o lengguwahe ng mga

Homo Erectus. Ito naman ang pinagmulan ng etimolohiya ng ngayo’y wikang Pilipino.

Ang mga tunog at mga letra, na kaangkinan ng wika, ay nakikilalang alibata. Ang alibata,

sa disiplina ay pagsasaayos ng mga tunog ng mga salita o baybayin. Mga korelasyon

ang tunog ng wika sa mga ingay na nalilikha ng kalikasan. Ito ang sensasyon sa kalikasan.

Tao ang pinakamalakas na anyo ng kalikasan.

Sa pagbaybay ng mga kataga o salita. Ang mga salita ay tumutukoy o kumakatawan sa

mga bagay-bagay na nakikita, naririnig, nararamdaman, naaamoy at nalalasahan. Mula

sa mga bagay na tumitimo sa sentido, nakabuo ng mga ideya ang mga sinaunang

Pilipino.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
7

Ideomotor ang nagpapakilos sa kahulugan, kabuluhan at katuturan ng mga ginagawa ng

mga tao sa pamumuhay. Idea ang nilalaman ng ideomotor. Sa salimuhaan ng mga tao

sa iba’t-ibang larangan ng buhay ay umiiral ang ideya. Sa kaganapang panlipunan/sosyal

ang praktika at teorya ng mga ideya ay sintaktiks. Ang sintaktiks ay isang sangay ng

semyotika...

Sa pamamagitan ng talino at paggawa umunlad nang umunlad ang pamumuhay ng mga

sinaunang Pilipino. Sabihin pa, paggawa ang talino: talino ang paggawa. Karunungan

ang nalilikha ng talinong gumagawa. Ang karunungang ginagamit ng isip ay naghahatid

ng kaunlaran. Sa malayang galaw ng isip at talino ng sinaunang Pilipino nakalikha sila ng

iba ibang kagamitan sa produksyon ng mga pangangailangan sa pamumuhay. Sa mga

kagamitan sa produksyon nalinang ang mga lupain—pagsasaka. Natutuhan ang

mabisang pangingisda. Nakahabi ng tela. Naghayupan. Noon, talino ang ideomotor ng

kabihasnan at paggawa ang kapangyarihan ng talinong naghahatid ng kaunlaran,

katiwasayan at kagandahan.

Nabibihisan ng karunungan ang isip sa proseso ng humanisasyon. Ito ang diyalekto ng

talino at paggawa. Marunong at mababait ang lahing kayumanggi noong sinaunang

sibilisasyon. Pinatunayan ito ng kanilang mabulas at namumulaklak na kabihasnan. Ang

maunlad at maginhawang kabihasnan ay dulot ng mga sumusunod:

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
8

1. Talino—paggawa

2. Kalayaan at kasarinlan

3. Masaganang likas na yaman ng kapaligiran.

ANG TALINO NG BAYAN SA SAPOT NG SIMBAHAN

Ang paglapat ng poder ng kolonyalismong Espanyol (1565) sa bansa ay tahasang

nakapaghasik ng kulturang ungas na lumawig sa loob ng 333 taon. Sa kulturang ungas

tiwalag ang talino sa pagkatao ng sambayanang Indiyo (daw). Simbahan ang naghasik

at luminang sa malaganap na katangahan. Kaalinsabay ng tumatatag at lumalawak na

katangahan sa kamalayan ng mga Indiyo ay mahusay namang nahuthot ng bansang

Espanya ang mga likas na yaman sa bansang kolonya (Pilipinas).

Sa simula pa lang ng kolonyang pamamahala (governance), sinunog agad ang lahat na

pamana ng lahi ng mga karunungang nahabi ng sinaunang kabihasnan. Likha daw ng

mga demonyo yaong karunungang likha ng mga katutubong nilupig, ayon sa mga

lobong nakadamit tupa (mga prayle). Sa pamamagitan ng panlilinlang at pandarahas ng

simbahan at gobyernong praylokrasya nagupi o naluno ang bait/tino (good sense) ng

sambayanang kayumanggi na inalipin at binusabos. Ang doktrina ng simbahan, sa

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
9

litanya ng prostitusyon, nagpasalin-salin sa mga henerasyon ay tahasang sumisira sa

bait/tino ng mga katutubong inalipin.

Malawak at matining (hegemoniko) ang kabalintunaan at kabalbalan (erroneous

knowledge) sa kulturang ungas na milyenaryan ang kilatis. Habang ang sikil na

kamalayan o bait (collective unconscious) ang sambayanan na likas ang talino (innate

intelligence) ay nananatiling nasa isip lamang bilang katotohanan (psychological fact)

dahil sa mabangis na sensura ng simbahan at gobyernong kolonya.

Sa loob ng 333 taon (1565-1898) luno ang katinuan at lumpo ang pagkatao ng madlang

indiyo. Nangyari iyon bunga ng sistematikong indoktrinasyon ng simbahan at panikil ng

gobyerno sa talino ng madla. Mahigpit ang sensura ng gobyernong Praylokrasya.

Habang masigsasig ang simbahan sa pagpapatatag ng kulturang ungas sa pamamagitan

ng dasal, misa, binyag, kumpisal, piyesta na kumondisyon o humutok sa kaisipang alipin.

Diwang torang-garing ang katangian ng malaganap na isipan: nasa diyos ang biyaya ang

tao ang dapat magmakaawa.

Ang kulturang ungas ay isang litanya ng duyan at kabaong. Ibig sabiin ang tangang

madla ay kumakain, nagbabawas, nagugutom, gumigising—nang gayun at gayon

lang—habang nagtatrabaho hindi nila natatamasa ang makatwirang kaparte sa mga


Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002
FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
10

biyayang kanilang pinagpapawisan. Sapagkat sa kairalan ang madaling indiyo ay alipin-

walang katwiran, walang dangal. Ang buhay ng alipin ay sumunod, sumunod nang

sumunod lang hanggang mamatay.

Sa lipunang kolonyal may tumataliwas sa kalakaran, sila ang matitinong tao. Taong-

labas (social deviance) ang lumihis sa kalakaran. Samantala “utak de kahon” (stereotype

consciousness) ang asal alipin. Umiiral lamang sa kultura ang katangahan sa

pamamagitan ng mga aparato ng ideoloihya ng estado, ito ang mga institusyon na

kumokontrol sa isip ng madla. Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, simbahan,

pamilya at gobyerno pawang mga aparato ng ideolohiya.

Hindi permanente ang katangahan o kulturang ungas. Nawasak ito ng katinuan. Noong

1896, sumiklab ang digmaang Pilipino-Espanyol. Sa dimensyong pulitiko-kultural ang

1896 ay natipong katinuan sa anyong sama ng loob na biglang sumambulat. Ang

katinuan ng mabuting talino ay pwersang ideolohikal o sikomotor. Sa diyalektika ng

buhay nagtutunggalian ang ideolohiyang mabuti at masama-ito ang naghahatid ng

pagbabago sa kaayusan at pagkatao.

Kung lalagumin ang historical na reyalidad ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas,

mula sa anggulo ng karunungan at espisipikong nakatuon sa kagalingan ng pagkatao,


Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002
FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
11

ng sambayanan, mauunawaan natin ang katangian ng bait ng bayan o talino ng

sambayanan sa sumusunod:

1. Winawasak ng talino ang katangahan;

2. Hindi habang panahon nasisikil ang talino;

3. Ang talino ay katinuan;

4. Ang talino sa lantay na kahulugan, kabuluhan at katuturan ay totoo,

magaling at mabuti;

5. Nahuubog ang talino ng mga karanasan;

6. Ang mga masasaklap na karanasan na tumitimo sa isip, ay talinong

mapanghimagsik;

7. Ang talino na ideomotor ay napakalakas na pwersa na batas ng kasaysayan;

8. Talino ang naghahatid ng pagbabago sa kaayusan at sa pagkatao ng

sambayanan;

Sa isang bansang estado na republika ng diwa o pilosopiyang pulitikal, nakaprograma

ang diwa ng demokrasya na tumutugon sa kapakanan, kabutihan at kagalingan ng taong

bayan sa pamamahala na lahat ng larangan ng pamumuhay ng taong bayan.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
12

(sa kahingian ng kabatiran (insight) hinggil sa katagang Republika, sinipi natin ang ilang

“buntis na linya” ng tulang Republikang basahan ni Teodoro A. Agoncillo.)

REPUBLIKANG BASAHAN

Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?

Ang tingin sa tanikala ay busilak na kalayaan?

Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi

Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?

Ang buhay mo’y walang patid na hibla ng pagtataksil

Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan mong dumaraing!

Sa antas ng epistemolohiyang, diwang kaluranin ang karunungang kumukontrol sa isip

ng sambayanan. Mekanismo ng edukasyon at pabatirang pangmadla ang daluyan ng

mga kaisipabng mula sa kanluran. Bukod dito, katulong din ang simbahan/relihiyon sa

paglupig sa bait ng bayan.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
13

Sa buong larangan ng pamumuhay sa Pilipinas ay nakasalalay sa matinik na saplot o

mekanismo ng makabagong kolonyalismo. Ang kabuhayan, pulitika at kultura ng

sambayanang Pilipino ay nagigiling sa makinaryang ekopulitikal IMF (international

monetary fund) at WB (world bank) ng “matitinding” naghaharing uri sa daigdig. Sa

dimensyon ng heopulitika, napisan sa limang bansa-Amerika, Ingglatera, Alemanya,

Italya at Hapon-ang “matitinding” naghaharing uri sa daigdig.

Ang konsentrikong daloy ng mga negosyo ng mga “matitinding” naghaharing uri ng

daigdig ay nakatining sa sistema ng monopolyo kapitalismo. Global ang operasyon.

Pangunahing IMF at WB sa mga institusyong “namamahala” sa mga negosyo ng mga

matitinding naghaharing uri sa daigdig.

Dahil sa monopolyo kapitalismo, patuloy na sinasalasa ng mga krisis ang bansang estado

ng Republika ng Pilipinas. Ang entong epekto at pagkasalaula ng pagkatao ng

sambayang Pilipino. Sa ganitong realidad, malinaw na nangyayari, araw-araw, ang

kontradisyon ng mga institusyon at pagkatao. Ang kontradiksyon ay nagaganap sa antas

ng kabuhayan, pulitika at kultura.

Sa loob ng 333 taon na kolonyalismo ng Espanyol umiral ang kulturang ungas—umiiral

pa hanggang sa kasalukuyan. Higit pang lumala. Sapagkat patuloy na dumadami ang


Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002
FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
14

populasyon nanatili rin sa kasalukuyan ang dalawang antas (parang langis at tubig) ng

kaisipan sa kamalayang panlipunan. Diwang kolonyal ang dominante. Ang nasa ilalim ng

madlang isip (mind set or zeitgeist) ang sikil ng nagkamalayang makabayan, maka-uri at

makatao. Ang patuloy na lumilinang sa namamayaning balintunang kamalayan ay mga

aparato na ideolohiya ng estado: pamilya, simbahan, pabatirang madla, edukasyon

atgobyerno. Ang mga aparato ng idelohiya ay kontrolado ng mga dayuhan at lokal na

mga naghaharing uri sa lipunanang Pilipino.

Ang mga naghaharing uri sa Pilipinas ay binubo ng mga sumusunod:

1. Uring kapitalista (dayuhan at lokal)

2. Propitaryo-komprador (asendero-komersyante)

3. Burukrata-komprador (negosyanteng Pulitiko)

4. Edukador-komprador (nagnenegosyo sa edukasyon)

5. Komprador-tagapamahayag (naegosaynte sa mass media)

6. Banal na awtoridad (mga taong simbahan)

Sa perspektibang pangkarunungang nakatuon sa kagalingang pambayan at

pambansa—lung lilimiing mabuti—mapapansing ang sistema ng edukasyon sa

kasalukuyan na mistulang punerarya ng utak ang akdemya at ang mga guro ay


Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002
FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
15

embalsamador ng talino. Kaugnay into, ang iondustriya na apbatirang pangmadla ay

tahasang palengke ng kaisipan na may presyo ang mga ideya, paglilibang, paghakot ng

katangahan at pagkatao ng mga gumaganap sa teknolohiya ng mass media. (ang

kahulugan , kabuluhan at katuturan ng kultura ay nakalundo sa pagpapahalagang

pantao (social values) at hindi tamagn ituring na industriya lang na ina’t hindi ang

kikitaing salapi—sa anyo ng tubo sa puhunan o suweldo.)

Sa kaslukuyang namamayaning kulturang ungas-nasa ISIP ang nagpapagalaw sa lahat

ng larangan ng buhay—ang Pilipins ay tahasang napakagandang pamilihan o palengke.

Pinakikinabangang mabuti ng matitinding naghaharing uri sa daigdig nag industriya ng

utak (consciousness industry) sa Pilipinas. Sa industriya ng utak, puwersa ng palengke

(na tinatantos ng tubo at presyo) ang nagtakda sa kilatis ng pag-uugali, gusto, hilig,

propesyon at paggawa. Sa umiiral na komersyalismo—walang puwang ang kabutihan

ng pagkatao. Sa siyensya, ang karunungan hinggil sa pagpapahalagang pantao ay

axiolohiya. Ang axiolohiya ay kabutihan ng tao ang pinapanday na talino.

ANG EPISTEMOLOHIYANG PILIPINO

Ang makinig sa sabi-sabi walang bait sa sarili—ito ang aral ng buhay. Sa diwa ng

konteksto ng kabutihan ng sambayanang Pilipino, ang kasabihan aypumukaw-diwa sa


Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002
FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
16

katalinuhan ng bayan. Ang talino ng mga Pilipino, sa ideyal na kalakaran ay karanasan

ng bayan—sininop ng sistema ng edukasyon—na nagiging karunungang

namamatnubay ng bayang patuloy na lumilikha ng mga pangangailangang panlipunan

para sa kabutihan, kaginhawaan at katiwasayan ng sambayanan—ito na praxis

(karanasan at karunungan).

Ang ideya, konsepto, teorya, modelo o paradigm, prinsipyo o pilosopiy na pawang

resaresa (intricacies) ng karunungan—na likha ng epistemolohiyang Filipino—at

ginagamit ng sambayanang Pilipino sa pamumuhay at tiyak na maghahatid sa Pilipinas

ng kaunlaran at kagandahan sa kalooban ng mga Pilipino. Tanging wikang Filipino ang

saligan ng Epistemolohiyang Filipino—ng batis (source) ng antas-antas na pag-unlad ng

talinong Pilipino.

Ang wikang Filipino ay hindi miyum lamang ng pagtuturo. Sinasalamin ng wikang

Filipino ang pagkatao, pagkabayan, pagkamamamayan at pagkalahi ng mga Pilipino.ang

wika ay mukha at isip na magkakaiba sa sangkatauhan. Hinid antipatiko ang

epistemolohiyang Filipino sa daloy ng pandaigdigang karunungan. Sa halip yaong

makatotohanang mga karanasan ng ibang lahi sa daigdig ay masinop na kinilatis ng

edukasyong Pilipino para sa pambansang kapakanan at kabutihang pambayan.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
17

Ang mahigpit na balakid sa epistemolohiyng Pilipino ay dogmatismo at panatisismo na

(lason) sa matinong pag-iisip. Ang katotohanan ay mapagpalaya. Sa katotohanan

lumalaya ang isip sa katangahan. Sa pamamayani ng kabalintunaan/kabalbalan, masakit

ang katotohanan. Ngunit nagtuturo ang totoo. Ang tao o bayang tanga—walang pag-

asa! Sabi ni Voltaire ang karunungan ay kapangyarihan!

FILIPINOLOHIYA SA KALINANGANG PINOY

Filipinolohiya (kilatis ng talino ng madla na gumagana o tumutugon sa kahingian ng

panahon sa batas ng kasaysayan) ang hilab ng pamumuhay sa bansa na itinatadhana ng

talino sa paggawa sa simbuyo ng kalayaan at antas ng kasarinlan o soberanya.ang

kalinangan ay kalahatan naman ng iniisip at ginagawa o nililikha ng sambayanan na

itinatakda ng batas ng buhay na dinamiko o masaklawing umiiral sa bansa.

May tatlong dimensyon o larangan ng buhay na pinaiiralan ng Filipinolohiya sa

kalinangan:

1. Ekonomiya o pambansang kabuhayan.

2. Pulitika o malawak na katuturan ng buhay

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
18

3. Kultura, kadluan ng totoo, tama, mabuti at maganda sa kapamuhayan ng

sambayanan.

Magkakaugnay na larangan ng buhay ang tatlong dimensyon ng praktika at teorya o

praxis (sabayang paggana ng talino at paggawa na kinasasangkutan ng sipag at tiyaga

ng sambayanan)

Bawat larangan ng buhay ng sambayanan ay kinaiiralan ng batas ng kontradiksyon—

mula ng sumulpot at umiral ang mga uri ng pagkatao sa sibilisasyong Pilipino. Tampok

sa esensya at porma ng kontradisyong yaong mga pananaw ng buhay, paniniwala at

paninindigan ng mga uri ng pagkatao na nag- aakitan, nagsasanib, nagpipingkian at

humahantong sa pagbabagong sosyohistorikal. Sa madaling sabi, ang batas ng

kontradiksyon ng lipunang Pilipino ay tunggalian ng mga uri ng pagkatao.

Aktibong kasangkot ang estado/gobyerno sa tunggalian ng mga uri ng mga pagkatao.

Sapagkat estado ang kasangkapan ng mga nagtutunggaliang mga uri ng mga pagkatao

sa pagtatamasa nila ng kapangyarihan, kasiyahan at kaligayahan. Sa gayon ang

pakikibaka ng mga uri ng pagkatao ay nakatuon sa paghawak o pagkontrol sa poder ng

estado.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
19

Ekonomiya o bati sng bhay ang pangunahing problema na kinasasangkutan ng

tunggalian ng mga uri ng pagkatao. Halimbawa: sigalot ng uring kapitalista at uring

manggagawa at hidwaan sa lupa ng uring magsasaka at uring propitaryo o panginoong

may lupa at mga asendero. Kaipala, relasyon sa produksyon ng mga pangangailangan

sa buhay ng lipunan (bigas, damit, aklat, gulay, isda...) ang larangan ng awayan ng mga

uri ng mga pagkatao ng mga Pilipino.

Tumatagos sa antas ng pulitika ang hidwaan sa ekonomiya. Ang anyo ng tunggalian ay

nasa kilatis ng ganap at halaga (facts and values) ng mga batas o polisiya ng uring

umuugit sa gobyerno. Nangyayari sa tatlong pangunahing institusyong sosyo-politikal

(malakanyan, kongreso, korte) yaong mga usaping makauri na nagbabangayan sa punto

ng karapatan, kapakanan at katarungan o makauring interes. Kaugnay nito, nakasanib

sa estado ng bukrukrasya ng estado (mekanismo ng kapayapaan at kaayusan o

instrumentalidad ng pagsasamantala at pang- aapi—depende sa nagpapahalaga) ang

buong hilab ng batas ng kontradiksyon o tunggalian ng mga uri ng pagkatao na

masasalamin sa teksto ng mga papeles o dokumentong susushay sa kairalan (status

quo).

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
20

Sumasapaw at naiinin yaong mga kaganapan sa ekonomiya at pulitika—ito yaong ang

kilatis ng kalinangan sa lantay na katuturan ng kataga/termino. Kultura ang awra ng

buhay. Ibig sabihin yaong sosyo-historikal na praxis ng bayan ay sagradong diwa

(kinikilala at iginagalang) sa pamumuhay ng sambayanan sapagkat kadluan ang kultura

ng gusto (tama at mabuti) sa mithiin (katuturan ng buhay) ng sambayanang lumilikha ng

kanyang kasaysayan.

Ang pulso ng kultura ay likas na umaayon sa pamantayang etikal. Wisyo ng bayan ang

pamantayang etikal na pinaiiral ng “teknolohiyang etikal” sa siyensya/agham ng

pagpapahalagan pantao o axiolohiya. Ito ang katuturan ng kawikaang: kumakain ang tao

para mabuhay pero hindi sa pagkain lamang ang halaga ng pamumuhay.

Ang sidhi ng buhay ay obhektibong nakatuon sa kagandahan. Sa kagandahan nalilinang

ang pagkatao—naghuhunos. Ito ang kabatirang antropolohikal sa pagkataong Pilipino

na nagmumula sa homo erectus pilipinensis (Veneracion, n.d.). Nagbago ang tao

(Pilipino) muls sa hayop (bakulaw) sa pamamagitan din ng paggawa ay patuloy pang

nagbabago sa nahuhubog na katauhang kultural. Talino na pinanday ng paggawa ang

“pumipino” sa katauhang kultural. Naiwawaksi sa katauhang bayolohikal ang likas na

kabangisan sa pagkatao sa patuloy na pag- unlad ng talino sa isip.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
21

Pawang motibasyon at intensyon ang enerhiya o ideomotor ng talino. Sa motibasyon

napupukaw ang talino. Ang pagsisikhay o pagpupursige ng talino na makamit ang

pangangailangan ay sitwasyon ng paggawa/paglikha ng tandisangpita (will) ng

intensiyon. Kasiyahan ang talino (telesis) ang pagtatagumpay na makamit ang gusto o

nais.

Sa salimuhaan ng talino (telekinesis) dinamikong umiiral ang sibilisasyon at kalinangan

ito ang katagalan (tadhana) na tinutugunan/ginagampanan ng talino as batas ng buhay.

Ang gilas ng talino na natatakdaan ng panahon ay sikohistorya (psychohistory). Habang

sikohenesis naman ang koleltibong sarili o bigkis ng talinong tumutugon sa pananaw sa

buhay, paninindigan, paniniwala at layuning ideolohikal. Ang sikohenesis ay kimpil ng

mga uri ng pagkatao—na nag-kakaisa sa paniniwala, paninindigan... ay aktibong

nakasangkot sa batas ng kontradiksyon sa kapamuhayang sosyal/panlipunan.

FILIPINOLOHIYA IMPERATIBO SA PEDAGOHIYA

Sa matinong sistema ng eduaksyon sadyang imperatibo ang edukasyong Filipinolohiya:

karunungan ng sambayanan na hango sa malawak na karanasan ng sambayanan na

sinisinop sa mga teorya, prinispyo at mga likhahuwaran ng mga piling talino. Tanging

Filipiolohiya lamang maitatampok ang pambansang kalinangan na tunay na Pilipino sa


Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002
FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
22

diwa at gawa. Hindi ito mapasusubalian. Katunayan, mahigpit na pinupuna ng mga

kritikal na edukador ang makadayuhan o kolonyal na edukasyon ng bayan mula ng

masakop ng bansang “estadong dolyar” ng amerika.

Ang makatuturang pedagohiya (pagtuturor at pag-aaral) ay dapat na nakatuon sa

paglingan ng pagkamakabayan (nationhood) ng pagkataong Pilipino at makataong

kaunlarang tatamsahin ng buong sambayanan. Tanging konseptong demokrasya—hilab

Filipinolohiya ang makatuturang patnubay ng talino ng bayan na lumilikha ng kanyang

kapalarang matiwasay, maluwalhati at maganda.

Sa dimensiyong teknolohikal, ang talino ng bayan sa simbuyo ng kalayaan ay tutugon sa

pambansang industriyalisasyon at modernisasyon ng agrikultura. Ang praxis

(sabayanang paggana ng talino at lakas paggawa) ay mabiyayang ipakikita sa taunan

progresibong GDP (groseng domestikong produksiyon) na iniluluwal o nalilikha ng

ekonomikong disiplinado ang pag-unlad at umaayon sa takbo ng pandaigdigang

kalagayang pangkabuhayan. Samantala sa GNP (groseng pambansang produksyon)

kasali o kabilang sa kalahatan ng produksyon yaong eksperimentasyon sa larangan ng

agham at mga pananaliksik sa mga piling karunungan na kapaki-pakinabang para sa

bayan at sa bansa.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
23

Hindi balakid o probleam ang wikang Ingles sa paglinang sa karunungan ng bayan—

bagaman higit na mahusay at mabuti ang wikang Filipino—pandayin ng sistema ng

edukasyon ang katalinuhang sosyal. Ang talino ng bayan sa diwang Filipinolohiya sa

pandaigdigang talamitan-diwa (salimuhaan ng karunungan sa daigdig) ay kikilala at

gagalang sa kalinangan ng ibang bayan sa larangan ng heopulitika (relasyong bansa-sa-

bansa) na kinasasangkutan ng pandaigdigang kalakalan at diplomasya.

Sa kasalukuyan, pluralista ang pandaigdigang kalinangan. Puspusan itong winawasak

ng globalisasyon na pangunahing itinataguyod ng “estadong dolyar” ng Amerika. Sa

globalisasyon, na kapaki-pakinabang sa sirkulo ng malalaking kapitalista, itinatakda ang

mekanismo ng pamilihan (produksiyon at pagkonsumo) ng mga paninda ang kilatis ng

isip ng sangkatauhan nasa lambat-bitag ng monopolyo ng kapitalsimo. Sa

pandaigdigang sistemang kapitalismo tanging grupong 7 o G7 (Amerika, Inglatera,

Kanada, Alemanya, Italya, Pransya at Hapon) ang mga bansang nakikinabang sa yaman

ng daigdig na nalilikha ng lakas ng paggawa ng daigdig.

Sa globalisasyon batbat ng mga problema ang sangkatauhan, lalo yaong mga

mamamayan ng ikatlong daigdig na kinabibilangan ng masang Pilipino. Hindi lamang

paninda ng lakas paggawa, bagkus pagkatao ng sangkatauhan ang hinahakutan ng tubo

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
24

sa puhunan ng mga dambuhalang kapitalista sa daigdig. Kaipala, tandisang paninda na

din ang tao.

Kulturang komersyalismo—sa kultong pananakop—ang isinusulong ng globalisasyon.

Ang dinamismo ng hegemonya/gahum ay naglulundo sa “isang tao, isang mundo, isang

diwa”. Sa katangiang pluralista ng kalinangan ng daigdig, ang globalisasyon ay

tandisang sikolohikal at pulitikal na armas sa pagwasak ng iwing katinuan ng mga

etnikong nilalang sa daigdig. Layunin ng mga naghaharing uri ng mga tao sa daigdig, sa

iskemang globalisasyon, na gawing tau-tauhan (cyber- being) ang sangkatauhan na

mamanipulahin sa kompyuter.

HIDWAAN-DIWA SA DAIGDIG

Ang buong hilab ng buhay ng sangkatauhan ay likas na kumikilos sa batas ng

kontradiksyon. Nag-aakitan, nagsasanib, nagsasalungatan hanggang magbago ang mga

personahe o uri ng pagkakataong magkakatuwang na namumuhay na nagbabangayan

sanhi ng kapakanan, karapatan at kapangyarihan. Ang sigalutan sa diwa ay nangyayari

sa larangan ng ekonomiya, pulitika hanggang sa kultura. Kilatis ng isip o diwa—na

ideolohiya—ang nagpipingkian sa umiiral na sistema ng pamumuhay ng sangkatauhan.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
25

May mekanismo ng pag-iral ang buong sistema ng kapamuhayan. Ito yaong iba’t-ibang

institusyong kinaroroonan ng disiplinang magkakahiwalay sa aktibidades/gawain

magkakaugnay sa makatuturang bisa (resulta ng gawain) alinsunod sa kaugalian o

kalakarang may pamantayan ng mabuti, wasto at maganda ayon sa uri ng pagkakataong

makikinabang sa mga atupaging sosyopulitikal.

Sa antas ng diwa, ang mekanismo ng umiiral na sistema ay tinatawag na aparato ng

ideolohiya sa larangan ng komunikasyon na ginagampanan ng mga institusyon sa

larangan ng komunikasyon sa talastasan o mass midya. Ang mga institusyong kabilang

sa aparato ng ideolohiya ay pamilya, paaralan, simbahan, gobyerno at mas midya. Sila

ang humuhubog sa kilatis ng kaisipang naghahayag ng gusto o naisin at layunin o

intensyon sa mga gawain o inaatupag sa pamumuhay.

Sadyang relatibo ang mga naisin o layunin sa buhay dahil umiiral sa modernong

sibilisasyon ang mga uri ng mga pagkatao na magkakasalungat ang gusto at

magkakakontra ang layunin.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP
26

Nasasangkot ang sambayanang Pilipino sa hidwaan-diwa ng mga uri ng mga pagkatao

sa sangkatauhan. Ang tunggalian ng mga uri ng pagkatao ay nagaganap sa larangan ng

kabuhayan o ekonomiya, gobyerno o pulitika at kultura. Sa tunggalian ng mga uri ng

mga bayan o etnikong katauhan sensitibong usapin o isyu ang kalayaan at kasarinlan.

Sapagkat kalakip ng kalayaan at kasarinlan ang katuturan ng pagkatao ng bawat bayan

at halaga ng patrimonya o kabansaan na nagtataglay ng mga likas na yaman: ginto,

tanso, tingga at iba pang mahahalagang elemento ng ginagamit sa paglikha ng

maraming bagay o paninda.

Sa katayuan ng Pilipinas at kalagayan ng sambayanang Pilipino na kontrolado ng

“estadong dolyar” ng Amerika imposibleng umunlad ang bansa at humusay ang

pamumuhay ng mga mamamayan. Sapagkat ang yamang nalilikha ng lakas ng

paggawang Pilipino ay matagal nang pinakikinabangan ng mga dayuhang kapitalista sa

kapinsalaan ng kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino. Gobyerno ng Pilipinas ang

lunsaran at sinupan ng mga dayuhan interes.

Ang buong hilab ng kapamuhayang pinoy ay pawang mahigpit na pinagagalaw ng

dolyar. Ang talino ng bayan ay nakatuon sa dolyar. Sa kalagayang ito—na sikil ang

kalagayan at napariwara ang kasarinlan—ng sambayanan, sa katuturan ng Filipinolohiya

sadyang imperatibo sa pedagohiya ang karunungang mapagpalaya.

Bolyum 1, Serye ng 2002, Lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002


FILIPINOLOHIYA: | Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng FIlipinolohiya – PUP

You might also like