You are on page 1of 6

MIDTERM

(Ikalawang Bahagi)

Pangalan: Danica V. Esponilla Taon at Kurso: BSA 1-17

1. Lumikha ng isang Paradigma (Paradigm) sa pagtatalakay ng Epistemolohiyang


Filipino ni Bayani Abadilla at ipaliwanag.

Epitimolohiya/
Etimolohiya

karunungan

Katotohanan

SIYENSIYA
PILIPINO

talino
Tunog + Letra

= WIKA

Ang siyensya ang nagpapatibay ng karunungan kalakip ang katotohanan at pagtanggap ng


lipunan. Sa tulong ng mga prosesong makaagham: haka, obserbasyon, ebalwasyon, validasyon
at konklusyon ay nagsasabing may pinagmumulan ang mga bagay-bagay – natural man ito o
likha ng tao. Ang epistemolohiya o siyensya ng karunungan, ang ugat ng kaalaman o
impormasyon ay etimolohiya. Ang anumang bagay ay may dahilan sa pag-usbong nito. Ang
pagalam sa anumang bagay o nimpormasyon o kaalaman mula sa pinakaugat o likas na
kinahahantungan sa pinakahuling anyo o katangian nito ay isang pag-aaral na siyentipiko.
Ang mga kaalaman/impormasyon ay likha ng buhay at nakasanib sa buhay. Hindi pa
karunungan ang mga kaalaman, impormasyon lang. Ang mga kaalaman ay anyo
(abstrakto/konkreto) ng mga kaganapan (datos) sa buhay, nasasabat ng mga isipan ng tao at
naiimbak ang mga ito sa memorya. Samantala, ang karunungan-- na lantay ng katotohanan –
ay likha ng pagsusuri ng talino sa mga datos na nasa memorya mula sa mga pamamaraang
maka-agham. Sa buhay humahango ng karunungan ang isip.
Matutukoy ang karunungan o talino ng sambayanang Pilipino mula sa sinaunang
sibilisasyon. Ang etimolohiya ng talino o umpisa ng karunungan ng Pilipino ay kung saan
a n g sinaunang mga tao sa kapuluan ay unggoy (Homo Erectus). Sa isang gintong mohon, sa
punto ng karunungan ang pagkiskis sa dalawang bato ng mga sinaunang nilalang sa
kasaysayan ng lahing kayumanggi. Ang sitwasyong ito ang paggawa ng apoy ay nililikha sa
pagkiskis ng bato at sa pagkiskis ng dalawang bato, umiglap sa isip ng Homo Erectus ang
talino. Kaugnay nito, noong sinaunang panahon, ungol at bulyaw at galaw ng mga kamay at
katawan ang wika o lengguwahe ng mga Homo Erectus. Ito naman ang pinagmulan ng
etimolohiya ng ngayo’y wikang Pilipino. Ang mga tunog at mga letra, na kaangkinan ng wika,
ay nakikilalang alibata. Mga korelasyon ang tunog ng wika sa mga ingay na nalilikha ng
kalikasan Sa pagbaybay ng mga letra at kataga o salita. Ang mga salita ay tumutukoy o
kumakatawan sa mga bagay-bagay na nakikita, naririnig, nararamdaman, naaamoy at
nalalasahan. Mula sa mga bagay na tumitimo sa sentido, nakabuo ng mga ideya ang mga
sinaunang Pilipino.Sa pamamagitan ng talino at paggawa umunlad nang umunlad ang
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Ang karunungang ginagamit ng isip ay naghahatid ng
kaunlaran. Sa malayang galaw ng isip at talino ng sinaunang Pilipino nakalikha sila ng iba
ibang kagamitan sa produksyon ng mga pangangailangan sa pamumuhay. Sa mga kagamitan
sa produksyon nalinang ang mga lupain—pagsasaka. Natutuhan ang mabisang pangingisda.
Nakahabi ng tela. Naghayupan. Ang kapangyarihan ng talinong ay ang paghahatid ng
kaunlaran, katiwasayan at kagandahan. Ang maunlad at maginhawang kabihasnan ay dulot ng
mga sumusunod: Talino—paggawa, kalayaan at kasarinlan, masaganang likas na yaman ng
kapaligiran.

Likha ng Epistemolohiyang Filipino—at ginagamit ng sambayanang Pilipino sa


pamumuhay at tiyak na maghahatid sa Pilipinas ng kaunlaran at kagandahan sa kalooban ng
mga Pilipino. Tanging wikang Filipino ang saligan ng Epistemolohiyang Filipino—ng batis
(source) ng antas-antas na pag-unlad ng talinong Pilipino. Sinasalamin ng wikang Filipino ang
pagkatao, pagkabayan, pagkamamamayan at pagkalahi ng mga Pilipino. Ang wika ay
mukha at isip na magkakaiba sa sangkatauhan.

2. Paano inihahambing ang estado ng Pilipinas sa bansang Indonesia sa estado ng


pagsasalin at maging sa paggamit ng Pambansang Wika sa iba’t ibang larangan?

Sa akdang “Sariling atin: Ang nagsasariling komunidad na pangkomunikasyon sa


disiplinang Araling Pilipino” ni Ramon Guillermo ay naihambing ang Pilipinas at ang
Indonesia sa estado ng pagsasalin at paggamit ng kanilang pambansang wika. Ang Bahasa
Indonesia ang pambansang wika ng bansang Indonesia at ang Filipino naman ang sa
Pilipinas. Ang maunlad na paggamit ng Bahasa Indonesia sa mga talastasan sa agham
panlipunan at “Araling Indonesia” sa Indonesia. Sa Indonesia, kalahok sa isang patindi
nang patindi at palalim nang palalim na talastasang hindi lamang sa loob ng akademya,
maging sa bahagi ng paghuhubog ng materyal at intelektuwal na kinabukasan ng Indonesia.
hindi lamang bilang wikang pambansa na halos “milagro” (kasus ajaib) ang nakamit na
tagumpay, kundi bilang isang seryosong wika ng intelektuwal at akademikong produksiyon.
Sa larangan ng pagsasalin sa pambansang wika, nasabi ng Index Translationum ng UNESCO
na ang bansang Indonesia ang ika-50 sa pinakamaraming naisalin na libro sa loob ng taong
1979 hanggang 2015. Ang Indonesia ay may naisaling libro na may estimadong bilang na
4,384 at ang Pilipinas naman ay may naisalin na 437 sa parehong panahon. Madami na ang
bilang ng naisalin sa wikang Filipino sa loob ng 36 na taon pero kung ikukumpara sa datos
na ito hinggil sa pagsasalin, wala tayo sa sampung porsyento ng sa Indonesia at nabiyayaan
ang Indonesia ng isang karangalan para sa kanilang pagsasalin bilang isang Guest of Honor
sa 2015 Frankfurt Book Fair. Isa sa mga naisaling libro ay ang gawa ni Karl Marx, dahil sa
ito ay kilala sa kanyang mga akda patungkol sa agham panlipunan. Ayon kay Guillermo
(2016) ang akdang “Karl Marx: Materialisme Dialektis dan Materialisme Historis” ni Andi
Muaiyah Ramly noong 2004 ay may nabanggit sa bibliyograpiya na lampas 50% naman na
gamit ay wikang Ingles at meron din na halos 20% na orihinal nang nasa wikang Bahasa
Indonesia. Ito ang nagpapatunay na mataas na din ang integrasyong panloob hinggil kay
Marx sa loob ng bansang Indonesia.
Ayon sa akda naman ni James Francis Warren na “Iranun and Balangigi:
Globalization, Maritime Raiding and the Birth of Ethnicity” noong 2002. Kapuna-puna ang
paglista ng bibliyograpiya sa wika ng Ingles, Espanyol, Pranses at marami pang iba. Isa pang
matitingnang halimbawa ang akdang isinulat sa Bahasa Indonesia ng Alemang si Uli Kozok
hinggil sa sistema ng pagsusulat ng mga Batak sa Sumatra na pinamagatang Surat Batak
(2009). Tatlumpung porsiyento (30%) ng mga binanggit na akda sa bibliograpiya ay nasa
Bahasa Indonesia. Ito pa nga ang wikang may pinakamaraming nababanggit na akda (ang
ibang mga wika ay Olandes, Ingles, Aleman, Batak, at Pranses). Sa akda naman ng Pranses
na lingguwista na si Jean-Paul Potet hinggil sa paleograpiyang Pilipino na may pamagat na
Baybáyin: L’Alphabet Syllabique des Tagals (2012), 18% ng mga akda sa bibiliograpiya ay
nasa wikang Filipino (kahanay ng mga ito ang mga akda sa wikang Ingles, Espanyol, at
Pranses). Ito ang nagsasabing may kulang pa talaga sa integrasyong panloob ng mga Pilipino.
Ayon kay Guillermo (2016) ay nakamit ng bansang Indonesia ang pagpapataas ng
kanilang panloob na integrasyon. Ito ay sa kadahilanang mas madalas at mas matinding
interaksyon nila sa loob sa larangan ng wikang Bahasa Indonesia sa kanilang pambansang
komunidad na pangkomunikasyon. Sa larangan naman ng paggamit ng sariling wika ng
bawat bansang pinaghahambing, ay hindi maipagkakaila na mas nakakalamang pa din ang
bansang Indonesia. Ito ay dahil kung ikukumpara ito sa bansang Pilipinas, ang Araling
Pilipino ay may mababang integrasyong panloob. Halimbawa na lamang sa paggawa ng tesis
ng mga Pilipino, sila ay may maliit na porsyento lamang ng paggamit ng wikang Filipino sa
pagsulat. Sa Asian Center at sa Kolehiyo ng Arte at Literatura na may maliit na porsyento
lamang ng wikang Filipino, at mas malaki ang porsyento ng paggamit ng wikang Ingles.
Base sa akda ni Guillermo (2016) ay humantong sa puntong ang apat na MA tesis na
naipagtanggol sa Kolehiyo ng Arte at Literatura ay walang nakasulat sa wikang Filipino at
ganoon din sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, na gumamit na lang ng wikang Ingles. Ito ay
nakuha ni Guillermo sa isang tesis sa UP Diliman na patungkol sa paggamit ng wikang
Filipino sa mga digri ng MA at Ph.D. 66% ng mga tesis/disertasyon sa AC ay walang kahit ni
isang akda sa wikang Filipino na nakalista sa bibliograpiya samantalang 12% naman ang
bilang ng sa KAL. Ang apat na MA tesis/disertasyon sa KAL na walang banggit na anumang
akdang nakasulat sa Filipino ay nakasulat sa Ingles. Sa kabilang banda naman, ang 33
masteradong tesis/disertasyon ng AC na walang banggit na akdang nakasulat sa Filipino ay
nakasulat lahat sa wikang Ingles. Kapuna-puna sa gayon ang malakas na tendensiya sa mga
masteradong tesis/disertasyon na nakasulat sa Ingles na magbanggit ng eksklusibong Ingles
na mga sanggunian. Halos walang diyalogong nagaganap sa iskolarsyip sa wikang Filipino.

Isang nakita rin dito ay ang pagiging sapat na ng pagkakaisa sa usaping pangwika.
Sapagkat sa katunayan, hindi agad-agad nakasalalay sa substantibong “nilalaman” ang usapin
ng pagtataguyod ng nagsasariling agham panlipunan. Mas nakadepende ito sa produktibong
pagkakabukas ng talastasan at pagpapalakas ng mga ugnayang pantalastasan sa loob ng
komunidad na pangkomunikasyon ng AP. Ngunit lampas pa rito, dulot ng masalimuot na
kontekstong pangwika ng Pilipinas, maaari pang imungkahi ang pagbubukas ng talastasan
hindi lamang sa loob ng iisang partikular na wika kundi maging sa pagitan ng mga wika.
Kaya marahil, imbes na “talastasan” ang pag-usapan, ay mas angkop ang ideya ng
multilingguwal na “komunidad na pangkomunikasyon”.

Base sa akda na ito ni Ramon Guillermo tungkol sa Paaghahambing sa Bahasa


Indonesia at Wikang Filipino bilang mga wikang akademiko at intelektuwal ay malinaw na
naipakita at naihambing na mas angat talaga ang Indonesia dahil mas kaya nilang magamit
ang sarili nilang wika sa paggamit at pagsalin ng libro at mga tesis sa mas maraming
larangan.
3. Talakayin ang konsepto ng sariling atin. Paano ito iniuugnay sa indehinisasyon
(indigenization).

Ang Araling Pilipino ay nahihinggil sa mga bagay na “sariling atin”. Sa gayon ay


nararapat lamang na pangunahing matutuhan ang Araling Pilipino sa “sariling wika”.
Ngunit ang katayuan ng nababanggit na “sariling wika” ay mas makitid na larangang
akademiko ng Araling Pilipino. May pagkakaiba at dagdag na salimuot na kailangang
harapin ang Araling Pilipino kagaya sa sipi mula sa El Filibusterismo, nanawagan si
Simoun na palaguin at palaganapin ang “sariling wika”. Ang pantayong pananaw ay nasa
panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag- uugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman,
karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng isang kabuuang
pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang
wika; sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskursong pangkalinangan o
pangkabihasnan. Isang realidad ito sa loob ng alin mang grupong etnolingguwistikong may
kabuuan at kakanyahan, sa atin at sa ibang dako man ng mundo.
Ang ekspresyong “tayong mga Pilipino”, sa pagkakaiba nito sa “kaming mga
Pilipino”, ay implisitong nagpapahiwatig na ang nagkakausap-usap ay mga Pilipino
lamang. Ibig sabihin, hindi kasali ang mga banyaga, ang mga di-Pilipino. Sa sitwasyong
ito, ang kalagayan, konsepto, kaisipan, at ugali na maaaring pagtuunan ng pansin ay
madaling maintindihan, dahil napapaloob sa ating sariling lipunan-at-kalinangan, na
kapwa ipinahihiwatig ng isang wikang nauunawaan ng bawat isa. maraming bagay at
dalumat ang implisito nating nauunawaan at napag-uugnay-ugnay. Sila at ang kanilang
kaakibat na pag-uugali ang siyang bumubuo ng isang “mentalidad” (natatangi at katangi-
tanging kaisipan at pag-iisip) na mahirap maintindihan ng isang dayuhan na hindi pa
nakapapasok sa isang kalinangan-at-lipunang may pantayong pananaw.
Ayon kay Salazar (1997), Nagkakaintindihan ang lahat nang hindi na dapat tukuyin
ang iba pang bagay na nasa labas o panlabas. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang code
o “pinagtutumbasan ng mga kahulugan”, ibig sabihin, isang pangkabuuang pag-uugnay at
pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan, at ugali. Mahalaga rito ang pagkakaroon ng
iisang wika bilang batayan at daluyan ng pang-unawa at komunikasyon.
Kaugnay dito ay ang Indihenisasyon o ang pagsasakatutubo na may dalawang uri:
Indihenisasyon mula sa loob o “pagsasa-Pilipino” at indihenisasyon mula sa labas o “pagsasalin-
Pilipino”. Ang pagkakaroon ng sariling atin na wika ay makatutulong sa ating pagsasa-Pilipino o ang
paggamit sa katutubong wika at kultura bilang mga batis o pagkukunan ng teorya at metodong
pagtalakay ng mga impormasyon. At ang isa naman ay ang indihenisasyon mula sa labas o
“pagsasalin-Pilipino” o ang pag-angkop at pagsalin sa konseptong mulas a labas upang mailapat at
mailapit sa pag-aaral ng karanasang Pilipino kung saan nagaganap ang “pag-angkin”.
Ayon pa kay Salazar, ang “pagsasa-Pilipino at pagsasalin-Pilipino” ng anumang
disiplina ay isang prosesong nakasalalay sa diwa ng adaptasyon at orohinalidad ng mga
Pilipino at kailangan munang kilalanin ang sariling kalagayan at pangangailangan na siyang
magtatakda ng kaangkupan ng ideya at bagay na aangkinin dahil hindi mailalapat ng buo
ang mga teorya o metodo mula sa labas.

4. Ano ang komunidad? Paano ito magiging kasangkapan sa pagkakaroon ng sariling


talastasan?

Ang komunidad ay grupo ng mga tao na tumutulong sa isang indibidwal na matuto at


bumuo ng mga bagong ideya. Kugnay ng pagkakaiba ng mga komunidad ay ang pagiging
kasnagkapan nito sa pagkakaroon ng sariling talastasan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat
na ang isang komunidad sa bawat panig ng bansa ay mayroon ding iisang wika na ginagamit
upang makipag-ugnay sa kaniyang kapwa. Ang Araling Pilipino ay may larangan ng
talastasan sa wikang Filipino naipagbibigkis ang mga ito sa iba’t ibang paraan bilang mga
bahagi ng iisang komunidad na pangkomunikasyon ng mga nagsasagawa ng AP sa Pilipinas.

Ang posibilidad ng pagbubuo ng mga larangan ng talastasan sa ibang mga wikang


“trans-rehiyonal” o mga wikang sinasalita sa higit sa isa o sa pagtawid ng mga rehiyon sa
Pilipinas katulad ng Cebuano at Ilokano ay isang halimbawa ng wika ng mga taong nasa
iisang komunidad. Ang ganitong mga trans-rehiyonal na wika, na tumatawid sa mga rehiyon at
may mga nagsasalitang populasyon na mas malaki pa sa maraming bansa sa daigdig, ay
maaaring maging batayan ng orihinal at masiglang akademikong produksiyon sa AP na may
rehiyonal, trans-rehiyonal, at pambansang saklaw. Ang paggamit ng mga wikang ito sa
larangan ng Araling Pilipino bilang mga wikang akademiko ay hindi nangangahulugang
magsasarili o magbubukod na ang mga ito bilang mga talastasan. Ipinapakita pa rin ang
posibleng mga anyo ng mapagbigkis na ugnayan sa iisang komunidad na pangkomunikasyon.
Lilikha ang ganitong maling tunguhin ng napakatinding mga balakid sa pagsusulong
ng AP bilang talastasang pambansa.

Ayon nga kina Ratna Saptari, Henk Schulte Nordholdt, at Bambang Purwanto (2008, p. 3), ay
hindi dapat panatilihing matingkad ang pagkakaiba ng dayuhan at lokal sa produksiyon ng kaalamang
pangkasaysayan, hindi na maaaring maging usapin kung sino ang nagsulat”. Paglahok sa
pangkalahatang talastasan at produksiyon lamang ang mahalaga at hindi ang anumang konsiderasyon
ng “lahi”, nasyonalidad, o lugar ng paninirahan. Ang papatindi at papahigpit na integrasyon ng lahat
ng mga bahagi ng komunidad na pangkomunikasyon ay maaaring humantong sa isang yugto ng
estabilidad at katatagan ng awtonomo, at bukas na talastasan sa Araling Pilipino na magtitiyak ng mas
pangmatagalang institusyonalisadong pag-iral ng Araling Pilipino sa Pilipinas. Ang kabuuang
komunidad na pangkomunikasyon na ito ay ang paraan ng pagsasariling-atin ng samu’t saring kaalaman
tungkol sa ating mga sarili bilang isang bansa.

You might also like