You are on page 1of 2

UNANG GAWAIN SA FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN

Ipinasa ni : Angeli Waigne C. Sandarasekera


Kurso at seksyon: BSIE 1-2

A. Kahulugan ng Filipinolohiya
- Mula ang katagang Filipinolohiya sa dalawang salita: Filipino at lohiya. Batay
rito, nangangahulugan ang Filipinolohiya bilang sistematikong pag-aaral ng
Filipinong kaisipan, kultura, at lipunan. Binibigyang-diin sa artikulong ito ang
pagka-Filipino bilang bunga ng karanasang Filipino sa pamamagitan ng ilang
halimbawa kaugnay ng mga larangan ng kaisipan, kultura, at lipunan. Pinapaksa
rin sa pag-aaral na ito ang pagiging kasangkapan ng mga teorya, metodo, at
laman ng mga akademikong disiplina sa pagpapalaya ng Filipinong kaisipan,
kultura, at lipunan sa Kanluraning edukasyon. Sa huli, tinatalakay sa artikulong
ito ang tambalan ng etniko at Filipino, katayuan ng pambansang kabihasnan,
kilusan sa pagbuo ng pambansang kabihasnan, at Filipinolohiya sa Unibersidad
ng Pilipinas. (Covar, P. ,1981)

B. Source/Sanggunian
Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar. (2008, Feb 11). RSSing.
https://pilipinolohiya1.rssing.com/chan-7072767/article4.html

C. Pagsusuri | Paliwanag
- Ang pagkakaroon ng kaalaman sa ating pagiging Filipino ay napakalahaga.
Sapagkat ito ay tumutulong sa atin upang malaman natin kung ano ba tayo, ano ang
meron tayo, at kung saan tayo nagsimula. Upang tayo rin ay mas magkaroon ng
malawak na kaalaman sa sariling atin. Kung iisipin natin, hindi ba ay importante nga
naman na malaman kung ano nga ba talaga ang mayroon sa mga Filipino sapagkat
kabilang tayo dito? Ako ay biglang napaisip rin tungkol dyan kaya naman nang masuri
ko ang Filipinolohiya, marami rin akong natutunan tungkol dito.

Base sa mga impormasyon na aking nakita, marami ang sakop ng


Filipinolohiya. Ayon sa sinasabing ama ng Filipinolohiya batay sa aking pananaliksik na
si Dr. Prospero Covar, sa isang website kung saan isinalin ang kanyang mga kataga,
ang Filipinolohiya raw ay ang sistamatikong pag-aaral ng Filipinong kaisipan, kultura, at
lipunan. Ibinabahagi ng Filipinolohiya ang mga ugat na basehan ng pagkatao ay ang
kaisipan, kultura at lipunan dahil lahat ng tao ay mayroon nito. Ito ang mga basehan ng
homonisasyon o pagkatao. Sa Filipinolohiya ay malalaman natin kung paano tumubo
ang ating lenggwahe, bansa, at iba pa. Marami ang sakop nito at lahat ng iyon ay
makakatulong sa atin upang maintindihan ang sariling pinagmulan. Isa pa, ay dahil sa
pagaaral ng Filipinolohiya, tayo ay mas makakaiwas sa paniniwala ng iba na may
mababa ang tingin sa ating mga Filipino. Makikita natin kung papaano umusbong ang
bawat tagumpay na mayroon simula noong unang panahon hanggang ngayon.

You might also like