Professional Documents
Culture Documents
Poblacion, Macabebe, Pampanga
GAWAIN 1: Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung saan nagmula ang wika? Saan nga kaya
ito nagmula? Isulat sa kahon ang iyong mga hinuha kung paano at kung saan
nagmula ang wika.
Batay sa akin pakakaalam noong ako ay nasa sekunduryang paaralan maraming pinagmulan ang wika pero
may nangingibabaw para sa akin ito yung mga negrito,malay, at indones at Nagmula ang wika para sa akin
ay sa mga teorya at sa istorya ng tore ng babel. dahil ito rin ang pinaniniwalaan ng mga tao sa
assignaturang filipino ito rin ang mga tinuturo nila ay ang mga teorya at ang tore ng babel dahil dito talaga
ang nagmula ang wika kaya naniniwala ako na ang wika talaga ay nagmula sa mga teorya halimbawa ng mga
teorya batay sa aking pagkakalam ay ang teoryang Bow-wow,ding-dong,pohh-pooh,yo-he-ho,yum,yum,ta-
ta,sing-song,hey,you!,coo coo,bbble lucky,hocus pocus,eureka!,lala at mama.
Pag-usapan Natin
3. Sa iyong palagay, naging madali bas a mga lingguwista o dalubwika ang pagkalap ng mga ito?
Bakit? Hindi naging madali ito kasi wala talgang nakakaalam kung paano ito nagsimula ngunit
maraming mga haka-haka at teorya tungkol sa pinagmulan ng wika. Ang mga lingguwistang
nag-aral at nagsuri ng wika ay nakakalap ng iba’t ibang teoryang maaaring magbigay linaw sa
pinagmulan ng wika, bagama’t ang mga ito ay hindi makapagpapatunay o makapagpapabulaan
sa pinanggalingan ng wika.
4. Ano-ano ang mga teoryang sinasabing pinagmulan ng wika? Ipaliwanag ang bawat isa.
TORE NG BABEL-Batay sa istorya ng bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahaon kaya,t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao.naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng diyos,naging mapagmataas at nag
amibisyong maabot ang langit,at nagtayo ng pinaka mataas na tore.mapang ahas at mayabang ang mga tao ,subalit
pinatayuhan ng diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan,ginuho
niya ang tore.ginawang magkakaiba ang wika ng bawat isa,hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayonsa
wikang sinasalita.
BOW WOW- Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na
nilikha ng mga hayop.
DING DONG- Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao
sa mga tunog ng kalikasan.
YUM YUM- Ayon sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa
paggalaw ng dila. Ito raw ang naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog
at matutong magsalita.
POOH-POOH- Nagmula raw ang wika sa mga salitag namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao
nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap,
kalungkutan, at pagkabigla.
YO-HE-HO- Nagmula raw ang wika sa pagsasama ng mga tao kapag nagtatrabaho o nagtitipon-
tipon.
5. Sa iyong pananaw, alin sa mga teoryang ito ang pinakamakatotohanan? Ipaliwanag ang iyong
sagot. Para sa akin ang pinaka makatotohanan ay ang teoryang Ding-dong dahil ang teoryang ito
ay ang paggaya sa tunog ng kalikasan alam naman natin hindi natin alam ang mg tunog na
naririnig natin ngayon kung hindi sa kalikasan hindi tayo makakapagsalita ng lubos kung hindi
sa kalikasan na kinakatayuhan natin ngayon kaya ito ang makatotoohanan na teorya para sa akin.
Ipost sa iyong FB account ang sagot sa tanong na ito:
Bakit mahalagang malaman ang pinagmulan ng
wika? Ano ang maitutulong ng kaalamang ito sa
masusing pag-aaral ukol dito?
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1 Ano-ano ang mga lahing unang nandayuhan sa Pilipinas? Ilarawan ang bawat lahi.
6.Bakit biglang nawala ang naiambag ng mga katutubo sa kasaysayan ng wikang pambansa sa pagdating
ng mga sumunod na nandayuhan?
*Napaka simpleng sagot dahil naimpluwensiyahan tayo sakanilang mga kulturang meron sila at mg
kaugalian tradiyon ng mga dayuhan.
Ipost sa iyong FB account ang sagot sa tanong na ito:
Kailangan ba talagang alamin ang kasaysayan upang
maunawaan ang kahalagahan ng paggamit ng wikang
pambansa? Ipaliwanag.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang pangunahing layunin ng mga Espanyol nang
sakupin nila ang Pilipinas? Ipalaganap ang kristiyanismo sa ating bansa.
2. Paano inilarawan ng mga nandayuhang Espanyol ang
mga katutubo noong panahong iyon?
Sinasabi ng mga espanol na ang mga katutubo ay ‘BARBARIKO’ o sa madaling salita walang
modo o hindi gumagawa ng tama.
3. Ano ang kanilang palagay ang kailangan nilang gawin upang maging sibilisado ang mga
katutubo?
Itinuro ng mga kastila ang kristiyanismo sa mga katutubo upang maging sibilisado diumano ang
mga ito.
4. Bakit naging malaking usapin ang gagamiting wika sa sumusunod na mga sitwasyon?
a. pagpapalaganap ng Kristiyanismo
pagtuturo sa paaralan
5. Bakit hindi lumago ang wikang katutubo sa panahon ng mga Espanyol?
Sa aking pagkakaalam dahil pinalitan ng mga espanol ang baybayin at ang wikang katutubo para
maintindihan at mabaguhan sa paraang kultural ng mga nangangakop ang mga katutubo.
6. Masasabi mo bang sinikil ng mga nandayuhang Espanyol ang paglago ng wikang katutubo?
Ipaliwanag ang iyong sagot. Hindi dahil ang mga espanol mismo ang ng aklat at katekismo para
mas madali silang matuto sa wikang katutubo. Ang mga espanol mismo ang nagaral ng wikang
katutubo.
7. Sa iyong palagay, bakit hindi itinanim ng mga Espanyol sa isipan ng mga Pilipino ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang mauunawaan ng lahat? dahil sa kadahilanan ayaw
nilang maging matalino ang mga katutubong Pilipino noon.
\
Ipost sa iyong FB account ang sagot sa tanong na ito:
Ano ang kahalagahan ng. pagkakaroon ng isang wikang
mauunawan ng lahat?
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Gaano katagal ang hinintay upang mamulat ang mga mamamayan sa kaapihang kanilang
dinanas?
5. Sa iyong palagay, bakit sumibol ang kaisipang “Isang Bansa, Isang Diwa” sa mga
manghihimagsik noong panahong iyon?
Batay sa aking pagkakakaalam simibol ang “ISANG BANSA, ISANG DIWA” dahil sa sa mga
manghihimagsik noong unang panahaon ay para lahat ng mga Pilipino ay magkaisa at
magtulungan laban sa mga nanakop sa ating bansa noong unang panahon.
Simpli lamang “ANG WIKANG TAGALOG ANG SIYANG MAGIGING WIKANG OPISYAL
NG MGA PILIPINO” dahil dito masasabi natin ang naging epekto ng saligang batas na ito ay
ang pagpapairal ng wikang tagalog bilang ating wikang opisyal.
PAYABUNGIN NATIN
May mga salita ba mula sa iyong mga binasa na bago sa iyong paningin at kinailangan mong
ihanap ng kasingkahulugan habang ikaw ay nagbabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa
ikalawang hanay ay subukin mong ibigay ang angkop na kasingkahulugan nito gamit ang
diksiyonaryo o sa tulong ng konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit sa ikatlong hanay ay
gamitin ang mga salitang ito sa makabuluhang pangungusap.
SAGUTIN NATIN
BOW WOW 1. Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na
nilikha ng mga hayop.
DING DONG 2. Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao
sa mga tunog ng kalikasan.
YUM YUM 3. Ayon sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa
paggalaw ng dila. Ito raw ang naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog
at matutong magsalita.
POOH-POOH 4. Nagmula raw ang wika sa mga salitag namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao
nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap,
kalungkutan, at pagkabigla.
YO-HE-HO 5. Nagmula raw ang wika sa pagsasama ng mga tao kapag nagtatrabaho o nagtitipon-
tipon.
B. Basahin ang sumusunod na mga pangyayari at tiyakin kung ano ang naging sanhi o ano
ang ibinunga nito. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Sa panahon ng mga katutubo, nabatid nating an gating mga ninuno ay nagmula sa tatlong
malalaking pangkat na nandayuhan sa ating bansa. Ano ang ibinunga nito sa pag-unlad ng
wika?
a. Nahirapang makipagkalakalan ang ating mga ninuno.
b. Walang isang wikang nanaig sa bansa.
c. Hindi nag-usap ang ating mga ninuno.
2. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa – ang
baybayin. Nang dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila ang mga ito. Ano ang sanhi ng
pagsunog nila rito?
a. Labis ang pagkamuhi ng mga Espanyol sa mga katutubo. Gusto nilang buwagin ang
simbolo ng pagkakaisa ng mga ito.
b. Mahirap unawain at pag-aralan ang baybayin. Hindi sila magkakaunawaan kung ito ang
gagamitin.
c. Ayon sa kanila, ito raw ay gawa ng diyablo, pero ang totoo naisip nilang makahahadlang
ito sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
3. Noong panahon ng mga Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa pakikipag-usap sa mga
mamamayan. Ano ang sanhi nito?
a. Naniniwala ang mga Espanyol na mas mapalalaganap nila ang pananampalataya kung
wikang nauunawaan ng mga katutubo ang gagamitin.
b. Nabatid ng mga Espanyol na mas maganda pala ang wikang katutubo kaysa sa kanilang
wika.
c. Nagduda ang mga Espanyol sa kakayahan ng mga katutubong matuto ng bagong wika.
Sinabi ito dahil alam naman natin kung hindi sa kasaysayan hindi natin malalaman ang
wikang pinagmulan natin at ang wikang ating kinagisnan o ang kasaysayan ng wika.
kung walang kasaysayan ang wika hindi rin natin malalaman ang mga baybayin at kung
paano gamitin at isulat ng wasto ang mga ito. At sa kasaysayan rin ay sumisibolo na
tayo ay Pilipino.kung walang kasaysaan sa mundo hindi natin malalaman kung sino at
ano tayo at kung ano ang gamit natin sa wika.
Yan ang simbolo ng pagkakaisa dahil alam naman natin ang daming pinagdaanan ng
ating wikang pambasa at kahit madaming pinagdaanan ino sa mga nanakop na mga banyaga
patuloy parin ang pagkakaisa ng mga Pilipino para umusbong ang ating kinagisnan na wika
ang bawat indibidwal ay nagkakaunawaan, nagkakaintindihan, at nagkakaisa dahil dito ay
nagbubuklod buklod ang bawat indibidwal tungo sa hangarin na magkaroon ng magandang
pagsasamahan.
MAGAGAWA NATIN
Wikang ingles o wikang filipino yan ang dalawang pinag pipilian kung ano nga ba and dapat gamitin sa
pagtuturo sa paaralan. Napakawalang katarungan naman ng mga taong isinusulong ang wikang ingles sa
pagtuturo sa paaralan pinapakita nila na wala silang respeto sa ating mahal na bansa gayundin sa mga
bayani na ipinaglaban at ibinuhis nila ang buhay nila para sa ating wikang kinagisnan hindi nararapat na
wikang ingles ang wikang panturo sa paaralan dahil dapat ipagmalaki ang wikang kinagisnan dahil yan
lang ang sumisimbolo na tayo ay Filipino.
Nakasaad nga sa saligang batas na filipino ang wikang pambansa at dapat itong linangin payabungin at
pagyamanin napaka importante ng wikang filipino sa pagtuturo sa paaralan sa ating mga pilipino upang sa
ganon ang mga darating pang mga bagong henerasyon mas magpapakadalubhasa pa sila sa ating wikang
kinagisnan. Ang wikang ingles matututo karin niyan gamit ang iyong sariling kakayahan magbasa ka, at
gumamit ng mga talasalitaan upang sa ganon maintindihan mo ang wikang sinasalita sa buong mundo pero
hindi dapat itong gamitin sa pagtuturo sa paaralan mas nakilala kasi tayong mga pilipino dahil sa wikang
ating kinagisnan kaya dapat hindi dapat ito ipagsawalang bahala.
Ayon nga kay Dr. Jose Rizal ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda, higit pa
sa malansang isda ang mga sumusulong na wikang ingles ang gamitin sa paaralan."Ako’y pilipino mahal
ko ang bansa ko mahal ko ang wika ko ipagbunyi ito sa mga dayuhan" sila ang tumuto sa wika natin hindi
tayong mga pilipino. Ikaw na aking kabayan mahalin mo ang sariling wika mo! Wag kang mangamba sa
ibang wika bagkus mangamba ka kapag nawala na ang wikang ating kinagisnan. Wika sambitin ng tama!
Wika ipagmalaki sa mga banyaga! at ipakita na tayo ay nagkakaisa.
PALAWAKIN PA NATIN
Panuto: Isulat ang iyong saloobin sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay na may kaugnayan
sa kasaysayan ng wikang pambansa. Gawing basehan ang sitwasyon na nakasulat sa ibaba.
“Paggamit ng wikang katutubo, hindi gagamitin ang wikang dayuhan, sa halip kinakailangang
aralin muna ng mga dayuhan ang wikang katutubo kung nais na dumayo sa Pilipinas.”
Dapat tangkilikin ng mga dayuhan ang ating katutubong wika dahil ito ay sumisimbolo na may
respeto sila ating bansa. At para narin yumabong ang ating wikang kinagisnan o ang wikang
katutubo.at para lubos nang malaman ng mga dayuhan pupunta dito sa ating bansa ang ating
wika at maging ang ating kultura.