You are on page 1of 1

Rogie U.

Fandag | BSEd 2b

PAG-USAPAN NATIN
1. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao?
Ang kahalagahan ng wika sa isang tao ay una, para bumuo ng koneksyon sa
mga nakakasalamuha at nasa paligid nito sa gayong diwa maaring ang wika rin ay
maging dahilan ng pagbuo ng relasyon sa iyong paligid gaya ng pagkakaibigan, pamilya
o kahit romantiko at higit sa lahat ay ang wika ang humuhubog sa pagkatao ng isang
tao at indibidwal na may sariling pagkakakilanlan.
a. Ano kaya ang mangyayari kung mawawala ang wikang binibigkas at
nauunawan ng mga tao sa isang pamayanan o kultura?

Ang wika ay isa sa mga batayan ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal


kung kaya’t kapag ito ay nawala ay maaring mahirapan din ang mga tao na
maunawaan ang kalagayan at estado ng isang tao. Bilang ang wika ay bahagi ng
panitikan isa rin itong malaking kawalan sa isang kultura sapagkat ang wika ay
isa sa mga kinagisnan ng mga mamayang isinilang sa kanilang pamayanan.

2. Bakit nahihirapan tayong umangkop kaagad sa isang lugar na pinupuntahan


natin kung hindi tayo marunong ng kanilang wika?
Sapagkat iba iba ang ating mga bayang sinilangan at ang bawat isa ay nararapat
na pagyabungin ang wika na mayroon sa kanyang bansa kung kaya’t nahihirapan ang
isang tao na umangkop sa isang lugar sapagkat tila siya ay higit na matatas sa kanyang
wika kaysa sa kanyang pinuntahan.
3. Sumasang-ayon o sumasalungat kaba kay Charles Darwin sa sinabi niyang
"hindi tunay na lika ang wika sapagkat kailangan muna itong pag-aralan bago
natutuhan? ipaliwanang ang iyong pananaw.
Ako’y sumasang-ayon, sapagkat kahit ang ilan saatin ay matatas na sa
pagbanggit at pagsasalita ng wikang Filipino tayo ay may mga salita at mga bagay na
hindi parin natin lubos na nauunawaan sa wikang ito at kinakailangan pa nating
matutuhan ang mga ito sa mga nakakaalam.
4. Kung ikaw ang tatanungin, anong pagpapakahulugan ang ibibigay mo sa
salitang wika?
Karunungan, sapagkat naniniwala akong mananakawan tayo nino man ngunit
hindi ang wikang kinagisnan natin at matagal na nating minamahal.

You might also like