You are on page 1of 1

Rogie U.

Fandag – BSEd 2b
PALAWAKIN PA NATIN
Panoorin ang isang bahagi ng talumapati ni dating Pangulong Benigno Aquino Il
para sa State of the Nation address (SONA) mula sa link na ito: State of the Nation
Address 2015 RTV Malacanang https://www.youtube.com/watch?v=ikdZul2Eog4.

Ang simula ng SONA ay nasa 105 ng video. Panoorin ang unang sampung minuto
nito. Pagkatapos Sagutin ang sumusunod:

1. Masasabi bang higit mong naramdaman o naunawaan ang mensahe ng


talumpati ng dating pangulo dahil wikang Filipino ang ginamit niya sa pagbigkas
nito? ipaliwanag..
Masasabi kong naunawaan ko at naramdaman ko ang talumpati ng dating
pangulo sapagkat ito ay nasa wikang Filipino, higit na mauunawaan ko ito sapagkat buo
ang ideya na aking naisalin sa aking isipan at ito ang wikang aking ginagamit kung
kayat hindi ko na kinakailangang gumamit pa ng tagapagsalin na teknolohiya sa mga
salitang hindi ko mauunawaan.

2. Ano ang nararamdaman mo para sa isang pangulong gumagamit ng wikang


Filipino sa kanyang pagbibigay ng ulat sa bayan? Maituturing bang kahanga-
hanga o hindi ang ginagawa niyang ito? ipaliwanag ang iyong panig.
Maituturing kong kahanga-hanga ang isang pangulo na gumamit ng salitang
ginagamit din ng kanyang nasasakupan sapagkat ito ay simbolo ng pagiging
makabayan at pagiging tapat sa bayang iyong sinilangan at bilang karagdagan ito rin ay
sumasagisag sa pagbibigay pugay at respeto sa mga bayaning ipinaglabana ng wikang
ginagamit natin sa ngayon.

You might also like