You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon V
Sangay ng Sorsogon
Sorsogon
DONSOL NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Donsol, Sorsogon
Track/Strand/Block :
Management (ABM)
Baitang
:
Asignatura
:
Kulturang Pilipino
Guro
:
Estudyante
:

Academic- Accountancy, Business and


11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Zander J. Macandog, MT-1
Abegail Micoleta
Kaycee Trestiza

WIKANG FILIPINO
ATING
Ayon sa aming panayam sa komunidad ng Gaylinggo. Ginagamit nila
ang salitang gaylinggo sa pamamagitan ng pakikipagusap sa kapwa nila
bekey. Ayon sa kanilang mga sagot sa aming katanungan, ginagamit nila ang
salitang gaylinggo upang maipahayag nila ang kanilang damdamin at dahil
dito naipapakita o naipadarama nila kung anong klase silang tao na hindi
tanggap ng ibang tao. Gumagamit sila ng lengguwaheng gaylinggo upang
maipakita na ganito ang kanilang pagkatao, hindi natin maintindihan
ang mga salita nila dahil sila-sila lamang ang nakakaintindi ng ka nilang
lengguwahe. Dahil dito nakasanayan na nila itong gamitin. Sa komunidad ng
Gaylinggo kahit gumagamit sila ng kanilang salita hindi pa rin nila
nakakalimutan na gamitin ang ating Wikang Filipino at Wikang Ingles. Dahil
hindi nila maalis sa kanilang sarili ang kanilang wikang kinagisnan.
Ginagamit nila ang Wikang Filipino at Wikang Ingles sa pakikipagusap at
pakikipagkapwa sa ibang tao, gumagamit nila ito sapagkat ginagalang at
pinapahalagahan nila ang sariling wika at kultura natin.
Paano nga ba ito nakaaapekto sa ating wika? Sa henerasyon natin
ngayon, hindi natin maiwasang makalikha ng kung anu-anong salita. Hindi
natin maiwasan na makalikhang salita dahil ang ating bansa ay Multi-

Lengguwahismo. Sa panahon ngayon marami ang magsisilabasan na ibat


ibang salita galing sa mga tao at kapag ang salita ay sumikat gagayahin ng
maraming tao, kaya naman hindi natin maiwasan na gayahin ito at kapag
dumami ng dumami ang ating mga salita unti-unti nating makakalimutan na
gamitin ang sariling wika nating kinagisnan. Nakakaapekto ito sa ating wika
bakit? Dahil hindi natin namamalayan na ang wika natin ay unti-unti nating
makalimutan dahil sa maraming nagsisilabasan na mga salita. Hindi naman
maiwasan ng mga Pilipino na gayahin ang mga sumisikat na salita imbis na
itoy iwasan hindi nila magawa, bakit nga ba hindi natin ito maiwasan? Dahil
nahihikayat tayo nito at kung ano ang uso o sikat gagayahin at gagayahin ng
karamihan at hinding-hindi ito papayag na magpahuli. Nararapat ba ito?
Kung ating titignan, ito ay hindi nararapat dahil.dahil sa mga nabubuong
mga salita ng bawat tao sa ating bansa para bang nababalahura na ang
ating wika samut saring mga salita ang nabubuo. Hindi maialis sa ating
isipan na paglipas ng panahon ang wikang ating kinagisnan na ipaglaban ng
mga tao noon ay maglaho na lamang na parang bula. Papayag ba tayo na
kalimutan ang sariling wikang kinagisnan natin? Kakalimutan nalang ba natin
kung ano ang ginawa at kung paani ipinagtanggol ni Pangulong Manuel L.
Quezon ang ating wika? Hahayaan ba natin itong mangyari? Sa pagkakaalam
naming gumamit man tayo ng Ibat ibang lengguwahe hindi-hindi pa rin
natin makakalimutan ang wikang ating kinagisnan dahil an gating sariling
wika ay mananatiling nakatatak at hinding hindi mabubura sa ating isipan.
Kaya huwag naman sana nating kalimutan ang mga nagawa ni
Pangulong Manuel L. Quezon para sa ating bansa. At huwag nating
hahayaang kalimutan an gating sariling wika. Dahil ang wikang ito ang
nagbubuklod sa ating bilang mamamayan n gating bansang Pilipinas.
Panatilihin at huwag nating hayaang mawala ito sa atin dahil ang prosesong
pinagdaanan n gating wika ay mahaba at masalimuot, kaya naman
panatilihin natin itong gamitin at patuloy na itatak sa ating isipan na ang
wika natin ay pangalagaan huwag nating kakalimutan, kayat nararapat
lamang na mapanatili ang ating wikang kinagisnan. Wikang Filipino ating
mahalin at pangalagaan.

You might also like