You are on page 1of 2

Repleksiyon

RT1 - Sugadol, Jimenez, Mangindla, Umi, Senit, Batislaong, Sorbito, Mulimpay

Ang aming pagkakaintindi sa binitiwang mga salita ni lumbera noong taong dalawang libo ay
sinaad nito na ang paggamit sa sarili nating wikang pambansa ang susi upang ang bawat
indibiduwal sa bansa ay mabigyan ng pagkakataong marinig ang kani-kanilang boses at mga
salaubin patungkol sa kung ano-anong mga isyu na sumisiklab sa bansa na nakakaapekto sa
kanilang pamumuhay mapamabuti man ito o hindi ay nararapat na maisatinig muna nila ang
kanilang tunay na mithiin at kung ano ang kanilang nais na ipriyoridad. Ngunit, dahil sa
patuloy na pag usbong ng lenggwaheng ingles saating bansa ay ito ay naging sagabal upang
ang ibang mga pilipinong hindi nakapag aral o hindi nabigyan ng pagkakataong matutong
mag ingles ay matahimik at hindi malamang kung ano ang kanilang nararapat na gawin o
maramdaman sa mga balitang kanilang makakalap patungkol sa iba't ibang isyu sapagkat ito
ay ingles kung kaya't talagang hindi nila ito lubusang maiintindihan o ang masama pa ay
kung iba ang kanilang magiging interprestasyon sa nakalap na paniguradong magdudulot na
hindi magandang samahan ng mga tao sa bayan o bansa.

Ayon sa aming lahat ay naniniwala kaming mas makakabuti kong ang ganitong klaseng
suliranin ang agad na maresulba sa pamamagitan ng pag intindi sa ibang mga pilipinong
tanging bilinguwal lamang at hindi na makaintindi na ibang wika gaya na lamang ng wikang
ingles. Sila ay nararapat na mabigyan ng espisyal na salin wikang panukala at
pagpapaliwanag ang mga gaya nila. Kung titignan natin sa perspektibong emic ay talaga
namang may karapatan ang mga pilipino na aralin o ipaglaban na ang ating sariling wikang
pambansa ang gamitin sa kahit anong larangan sa kadahilanang ang isang bansa na may
sariling wika at ito'y nangangahulugang malaya ang bansang iyon, kung kaya't para mas
mabigyan na mas makabuluhang paliwanag dito ay ating nararapat na mas pagtibayin ang
pag gamit ng panukalang Filipino sa ating bansa sapagkat ito ay sumisimbolo na tayo'y
malaya at kaya nating makipag sabahayan sa ibang lahi sa kahit anong larangan gamit ang
sariling pinagyamang wika. Maaaring ang ingles ay madapat lang na matutunan sapagkat ito
ang lingua franca sa buong mundo ngunit huwag rin nating hayaang unti-unti ng mawalan
ng saysay ang wikang ating pinaglaban magmula noon at hanggang sa kasalukuyan.
Kailangan natin itong gamitin sa mga makabagong henerasyon at hindi tuloyang
makalimutan ang orihinal nitong pinagmulan.
Dahil saaming nabasa ay tila kami ay naliwanagan at mas naintindihan namin kung bakit ang
mga problema patungkol sa mamamayang pilipino ay patuloy paring dumadami sa
kasalukuyan, ito man ay nakakalungkot isipin ngunit ito ay sa sakadahilanang ang ibang mga
pilipino ay napag iiwanan na sa kanilang sariling bayan at bansa dahil sa panlulupig ng mga
banyagang lahi sa bansa. Napagtanto na hmin na kung mas lala pa ito ay baka sa susunod na
mga henerasyon ay unti-unti na rin maglaho ang wikang pambansa ng pilipinas sapagkat ito
ay matatapalanan na ng ibang wikang lumalaganap sa bansa at inaaral ng mga tao sa
kasalukuyan. Ang wikang pag aari natin ay marapat na manatili, mangibabaw at mas
makilala't magamit. Hindi dapat ito maibaon sa limot, sapagkat sa likod ng matanggumpay
na pananatili nito sa mga nag daang siglo para dito ay madaming hininga na ang nalagot.
Kung kaya't kami ay naniniwala na kung tayong mga pilipino ay magtutulungan sa
pagpapayabong at pagpapayaman ng ating sariling wika ay aming natatantyang isa ang
Filipino sa magiging napakamabilis na pagyamang wika sa buong mundo. Bakit? Dahil ang
mga pilipino ay kilala sa kanilang pagiging palakaibigan maging sa iba pang mga lahi at tribo
kung kaya't madaming tao ang mag nanais na matutunan ang salitang ating ginagamit sa
bansang pilipinas. Sa makabuluhang pangungusap na sinabi na iyon ni lumbera ay madami
kaming napagtanto at nalaman ng lubos, gaya na laman noon ang pagkakaroon ng
madaming wika sa bansa ay ayos lang ang hindi maayos ay kung mismong tao na nanakatira
sa bansang iyon ang magsasakripisyo ng kanyang sariling wika at maging mangmang sa
pagpapatakbo ng bansang kaniyang sinilangan. Ang wika mo at ang wika ko ay narararapat
na mangibabaw, hindi sa isa't isa kundi saating sarili.

You might also like