You are on page 1of 2

Ang pag-aaral sa kasaysayan ng wikang Filipino ay isang pagbabanyuhay pabalik

sa nakaraan napakaraming pinagdaanan ang ating wika bago ito naging wikang Filipino.
Hindi lamang katalinuhan ang pinuhan ng ating mga ninuno sa pagbubuo ng ating wika
bagkus dugo, pawis at buhay ang kanilang inialay. Sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan
ng ating wika matatalos natin iba’t ibang masasamang layunin ng mga bansang
sumakop sa atin, maliban sa layuning kamkamin at alipinin tayo sa sarili nating bayan
ay kinuhanan din nila tayo ng sariling wika, sariling identidad. Sa paglaya ng ating
bansa sa kamay ng mga mapanlinlang na dayuhan ay hindi natatapos doon ang mga
suliranin na may kinalaman sa wika, may naganap na pagkakaltas at pagdaragdag ng
mga letra at iba pang alituntunin na masiyasat na pinag-aralan ng mga myembro ng
Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay tanyag na bilang Komisyon ng Wikang
Filipino. Sa panahon ng pamumuno ni Pang. Corazon Aquino iniutos niyang wikang
Filipino ang wikang gagamitin sa lahat ng transaksyon sa lahat ng ahensya at isinalin
din sa Filipino ang pangalan ng mga ito (Executive no. 335). Sa panahon ding ito,
Filipino ang ginawang pangunahing wikang panturo. Saad ni G. Virgilio Almario sa
kanyang panayam, “ang mga sumunod na naging pangulo ay hindi gaanong naging
masigasig sa pagpapatudpad ng Exucutive no. 335 kung kayat nagkaroon ng
kalituhan.” Sa pamumuno naman ni dating Pang. Gloria Aquino ginawa niyang wikang
Ingles ang pangunahing wikang panturo (Executive Order 201) at hanggang sa
kasalukuyan. Dahil nga wikang Filipino ay wikang natural na sa atin naging mentalidad
na natin na hindi na ito kailangan pag-aralan kung kaya’t nakapokus ang marami sa
atin sa pag-aaral at pagbibihasa ng wikang Ingles. Sa tahanan, maraming mga
magulang ang ginawang first language ng mga bata ang wikang Ingles na dapat sana
ay second language lang. Maraming mga eksperto ang nababahala sa katutuhanang
maraming kabataan ang mas bihasa sa wikang Ingles kaysa Filipino ngunit ang kalaban
natin ay hindi wikang Ingles kundi ang ating mentalidad na tayo ay aangat at uunlad
kung Ingles ang ating wikang ginagamit. Ingles ang lingua franca ng mundo bagamat
hindi rin nangangahulugang na ang ating wika ay mababa at hindi intelektwalisado. Isa
itong nakalulungkot na pangyayari dahil tayong mga Pilipino ay nawawalan ng identidad
bilang mga taong may sariling wika. Naging isang malaking hamon ang pag-aangat at
pagbibigay dangal ng ating wika at tayong mga Pilipino ay mistulang naging dayuhan sa
sarili nating bansa. Hindi naman masama ang matuto ng ibang wika ngunit huwag sana
natin hayaang kainin tayo nito at talikuran natin ang ating sariling identidad. Ang wika
ang nagbubuklod ng isang lahi kung kaya’t masasabi kong malaki ang ginagampanan
ng wika sa pagtamo ng pambansang kaunlaran. Kung lahat tayo ay bihasa sa ating
sariling wika isa itong magandang indikasyon ng pambansang kaunlaran. Isa ang Japan
sa mayamang bansa sa buong daigdig na hindi naman bihasa sa wikang Ingles.
Nagpapatunay lamang iyan na hindi malaking salik ang wikang Ingles sa pagtamo ng
kaunlaran ng ating bansa bagkus kailangan nating putulin ang ating kolonyal napag-
iisip at matutong tangkilikin at mahalin ang sariling atin, ang sariling identidad, ang
sariling wika.

You might also like