You are on page 1of 2

Passed by: Miller Caoile FILIPINO October 2, 2019

Ralph Bautista
Conner Ugalde

Namamatay na ba ang Wikang Pilipino?

Ang ating wika na siya ang nagbibigay ng ating tatak at pagkabansa dapat nating
pangahalagahan dahil ito ang isa sa nagbibigay kaunlaran sa ating bansa at pati na rin sa ating
pagiging isang matatag na Pilipino. Pagkakaintindihan at pagkakaisa ang naidudulot ng isang wika
at dapat natin itong ipagpatuloy para sa ating kinabukasan at para sa mga kabataan sa susunod na
mga taon. Huwag nating ipagpatuloy ang pagkamatay ng ating wika at dapat natin itong
ipagmalaki para and ating bansa ay mapupunta sa magandang nasyunalidad, magandang asal,
pagkakaisa at kaunlaran.

Ako ay sang ayon na ang salitang Filipino ay namamatay dahil sa aking obserbasyon at sa
aking nabasa, tinutukoy dito ang paggamit ng ingles kumpara sa Filipino na siyang mas mataas
ayon sa satistics. Ang ingles ang daan sa globalisasyon at para tayo’y maka tungo sa ibang bansa
sa dahilan ng trabaho o hanapbuhay. Namamatay na ang ating wika dahil sa ating ekonomiya sa
pamamagitan na ang ating bansa ay hindi maunlad mas lalo na sa trabaho o opportunidad kaya’t
maraming mga Pilipino ang nag-aaral ng Ingles para sa kanilang opportunidad na maka hanap ng
trabaho sa ibang bansa.

Ako ay di sang ayon na ang salitang Filipino ay namamatay sa ating bansa sa pamamagitan
na ito ay ginagamit sa ating komunikasyon sa ating asignaturang Filipino. Ito rin ay ating
nagagamit sa ating pagsulat o pageekspres ng ating mga damdamin sa ating asignaturang Filipino
at minsan na rin sa komunidad. Ito rin ay hindi pwedeng mamatay na siya ang nagbibigay tatak sa
ating pagkapilipino at sa ating bayan.

Pero sa aming palagay ang ating wika ay hindi masisira at gayunding sa ating pagkatao dahil
kung ito man ay mamamatay, ang ating pagkapilipino at lahat ng kasaysayan natin ukol dito ay
mawawala. Ito ay siguradong maproprotektahan sa ngalan ng tao at gobyerno dahil ang wikang
ito ang nasa ating dugo at siyang nagpapahiwatig ng ating pagiging isang Pilipino. Ang wikang
Ingles kung tutuusin ang siyang makakapag-angat sa ating pagkapilipino minsan, halimbawa: kung
ang ating kababayan ay nakilala sa ibang bansa dahil sa anumang sitwasyong mabuti, tayo ay
makikilala sa ating dugo at nasyunalidad bilang isang Pilipino.
Mahalin natin ang ating wika at ating ipagmalaki sa ating bansa, Ito ang ating daan sa
kaunlaran at sa ating ikabubuti sa buhay. Maging aktibo tayo sa paggamit nito at huwag ikahiya.
Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang ating
bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong bansa.

Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa


pagkakaunawaan, tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.

You might also like