You are on page 1of 3

Raven Paul P.

Dela Cruz 08/09/2022


ABPS- II

Repleksyon sa Wika
Ang Wika ay maituturing na pinakamahalagang elemento sa pakikipagkapwa-tao.
Malakiang gampanin ng wika sa pamumuhay, sa pakikipag-unawaan o
pakikisalamuha ng isang persona sa kaniyang komunidad. Ito ay nagsisilbi ring
tagapagpahaayag ng damdamin, ideya,diwa, at kaisipan ng isang persona sa
pamamaraan man iyan na pasulat o pasalita. Ayon kay G. Virgilio Almario at Gat
Jose Rizal, ang wika ang sumisimbolo ng pagiging Pilipino natin at sumisimbolo
rin na ang bawat isang mamamayang Pilipino may pagka makabayan sa kanyang
bansa. Ngunit sa panahon ngayon, ito ay nababahiran ng kalokohan o kung hindi
naman ay binabago nila ito. Para sa akin, mayroong ilang kadahilanan kung bakit
nila ito binabago, binabahiran ng kalokohan o sinisira nila ang ating sariling wika.
Una, binabaliktad ang mga letra ng mga salita. Sa modernong wika ngayon,
karamihan na sa atin lalo na mga kabataan ang gumagamit ng mga baliktad na
salita tulad ng “ etneb” at “petmalu” na ang ibig sabihin ay “bente” at “malupet”.
Ayon sa aking pagsasaliksik, umusbong ito noong 1970’s at muling nauso at
lumawig pa sa buong kapuluan ng ating bansa nang mahalal bilang alkalde ng
maynila si Francisco Moreno Domagoso o mas kilala bilang “Mayor Isko” noong
2019. Sa kasagsagan ng kanyang panunungkulan, madalas natin siya naririnig sa
telebisyon o sa ating mga radyo kung saan ginagamit niya ang mga salitang
baliktad sa pagpapahayag ng sitwasyon sa maynila. Dahil sa kanyang
kapangyarihan maka impluwensya ng tao, maraming kabataan ngayon na
nakakanood sa kanya ang nakikiuso o gumagamit na rin ng balikad na salita sa
makikipag-usap sa kapwa. Ginagamit ang mga makabagong salitang balbal sa
patuloy na pagpapahayag ng tao sa kanyang lipunan bilang paraan ng
pakikisalamuha o pakikisama. Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng tao kasabay
ang pagbabago ng panahon ay ginagamit ang mga salitang balbal at naging bahagi
na ito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan na dahilan kung bakit ilan sa ating
mga Pilipino ang hindi nakakaintindi ng simpleng tagalog. Ang pangalawang
dahilan kung bakit unti-unting nawawala ang ating wika at pagka Pilipino ay dahil
tayo ay gumagamit ng taglish o “tagalog english” sa pang araw-araw na pakikipag-
ugnayan. Karamihan ngayon sa ating panahon gumagamit ng karamihan wikang
dayuhan kumpara sa sariling pambansang wika. Halos ginagamit ito sa pagtuturo
ng mga guro sa paaralan, sa kompanya, sa ating mga tahanan, sa pagbabalita at
lalong-lalo na sa debate. Dapat ring mas maraming wikang tagalog ang ginagamit
ng mga nasa gobyerno, lalong-lalo na ang ating mambabatas, sa pakikipag-
diskorso o pakikipag-dialogo upang mas maintindihan ng bawat isang
mamamayang Pilipino, nakapagtapos man sa pag-aaral o hindi, ang sitwasyon ng
ating bansa. Mayroong senador inaaming kahit siya ay hindi maintindihan ang mga
sinasabi ng kanyang kapwa senador. At ito ay si senador Robin Padilla. At ayon sa
kanya, dapat hindi ginagamit ang wikang dayuhan sa pakikipag-ugnayan o
pakikipag dialogo sa senado dahil naririto tayo sa ating sariling bansa. Ako ay
sumasangayon sa kanya. Ayon kay Rizal, naniniwala siya na ang edukasyon ng
mga tao, sa pagtuturo man o sa industriya, ang ating bansa ay maaring mag-aahon
sa atin sa kahirapan. Sa sinabi ni Rizal, ang wika natin ay dapat lang gamitin at
huwag ipagsawalambahala ang dala nitong angking kayamanan sa atin hindi
lamang sa industriya ng ating bansa kundi pati na rin sa ating pagkatao. Ang
paggamit ng “taglish” ay hindi lamang nakakasama sa unti-unting pagkawala ng
pambansang wika natin kundi nakakasama dahil unti-unti nawawalan ang
pagkakakilanlan natin, kultura, at pagiging makabayan. At ang ikatlong dahilan, ay
ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Isang kasabihan na sa
paglaon ng panahon ay patuloy na nakatatak sa bawat isipan at kahibuturan ng
ating mga puso bilang katunayan ng pagkakaroon ng dugong Pilipino. Tunay na
walang makakatumbas na anumang kayamanan sa ating pagiging Pilipino,
katunayan ay maipagmamalaki natin ang marami nating kababayan sa iba’t-ibang
larangan. Subalit hindi lamang dito nagtatapos ang tunay na pagkakakilanlan natin,
ang lahi at buong sangkatauhang Pilipino ay tiyak na wala kung wala rin ang
ipinagmamalaki nitong wika, ang wikang Filipino. Ito ang nagsilbing pundasyon
ng ating lahi lalong-lalo na sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng ating bayan.
Ang pag tatanggal ng asignaturang Filipino ay katumbas ng pag-alis ng ating
pagkakakilanlan at pagbastos sa ating mga ninuno at mga bayani. Nararapat lang
huwag tanggalin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa pag-aaral sa kolehiyo
bagkus dapat isulong ang pagpapatibay ng ating wika at panitikan upang mahasa
pa husto at dagdagan ang kaalaman ng ating mag-aaral. Bata pa ang wikang
pambansa at hindi pa ito ganap na intelektwalisado o nagagamit sa iba’t ibang
larangan kaya naman ay nararapat lamang na pagbutihin at palawakin pa ang
pagtuturo nito sa lahat ng antas, lalo na sa kolehiyo upang maging ganap ang
intelektwalisasyon nito. Ang pag-alis ng asignaturang Filipino ay katumbas sa
pagwalambahala sa kalayaan ng ating bansa at mga kasaysayan na pinagdaanan
nito. Naririto’t ilalahad namin ang mga dahilan kung bakit nararapat na panatilihin
pa ang asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo:
Unang-una na riyan ang pagkawala ng hanapbuhay ng napakaraming mga guro sa
asignaturang ito na maaaring maging dahilan pa ng mas mataas na porsiyento ng
kahirapan sa bansa dahil maaari silang magdusa at magdanas pa ng malalang
kahirapan.
Pangalawa, hindi pa ganoon kalawak ang nalalaman natin ukol sa pormal na wika
at pananalita na siyang nararapat ngunit napalitan ng mga balbal at kolokyal na
termino dahil sa paglaon ng panahon.
Pangatlo, nagdudulot pa rin ng pagkalito ang paggamit sa ilang mga kataga ng
ating sariling wika tulad ng pagkakaiba ng “ng” sa “nang” maging “rito” o “dito”.
Pang-apat, kung sinasabi ng CHED na ang layunin nila ay mas mapagaan ang pag-
aaral ng mga kolehiyo, hindi ito sapat na dahilan, ang wika ay pagkakakilanlan ng
ating bansa, ipinaglaban ng mga nagtanggol na bayani sa bansa ang kalayaan ng
Inang Bayan kaya’t kahit sa pagtutuklas pa ng ating karunungan at pagpapayabong
ng ating kakayahan ay hindi natin dapat kalimutan ang tunay na kinagisnan natin.
Wala tayo sa kinatatayuan natin ngayon kung wala ang wika na siyang ating
naging sandigan. Mas magbubunsod pa ito sa tao na siya’y magmalaki at mawala
sa kaniya ang pagpapakumbaba sa kaniyang bayang sinilangan. Ano ba naman ang
pagtitiis ng 4 na taon sa pag-aaral nito kaysa sa paglaban ng mga bayani sa
banyaga makamit lang ang kalayaan na umabot pa ng daang-daang taon.
Ang paggamit ng ating sarili ay nagsisilbing pundasyon ng ating buhay, pagkatao,
at pagka makabansa. Ang sino mang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa
sa hayop at malansang isda; kaya pagyamanin tulad ng ating paniniwala.

You might also like