You are on page 1of 2

Lee, Romar G-boy L.

-12034940

LCFILIB - Y04

10/10/2022

1. Sa iyong palagay, paano magiging popular ang paggamit ng nabanggit na


keyboard layout?

- Upang maging popular ang paggamit ng nabanggit na layout ng keyboard, dapat


ibahagi ito sa mga lugar kung saan hindi pamilyar ang teknolohiya. Naniniwala
rin ako na dapat gamitin ang layout na ito sa mga paaralan upang lalong makilala
ang produkto. At gayundin, dapat gumamit tayo ng sarili natin wika at ilahad ito
sa bawat Pilipino upang ito ay maging popular. Bilang isang Pilipino, nais ko
gamitin ang layout upang maipromote ito. Ito ay magandang layout upang
makilala rin ang wikang Filipino.

2. Posible bang mapalitan nito ang kasalukuyang keyboard layout na ginagamit


natin sa ating mga gadget tulad ng laptop?

- Sa ngayon, ito ay malabong mapalitan dahil hindi ito ang nakasanayan ng mga
Pilipino. Kapag pinalitan ito, mahihirapan ang mga Pilipino dahil hindi sila
pamilyar sa layout ng keyboard. Bukod doon, mas ginagamit na ng mga Pilipino
ang wikang Ingles kumpare sa sarili nating wika. Kaya’t mahihirapan ang mga
Pilipino na gumamit ng bagong layout. Posible pa rin naman mapalitan ito, dahil
mas maraming Pilipino pa rin ang hindi marunong mag salita ng wikang Ingles
kumpara sa wikang Filipino. Magandang ilagay sa settings ang keyboard layout
bilang optional sa mga gustong gamitin. Tulad ng mga taong mahilig mag-sulat
sa wikang Filipino. Maaari rin ito gamitin ng mga filipino titsers.

3. Paano magiging daan ang Wikang Filipino para ipakilala at itaas ang antas ng
pagiging Pilipino?
- Ang Pilipinas ay gumagamit ng wikang Filipino. Bilang estudyante, papanatilihin
kong gumamit ng wikang Filipino upang hindi ito mawala sa akin. Sa panahon
ngayon, ang wikang filipino ay lalong lumalaganap dahil sa mga talentadong
filipinong lumalaban sa ibang bansa. Dahil rito, lalong nakikilala ang ating wika at
bansa. At gayundin, ang mga OFW ay makakatulong upang makilala ang ating
wika.

4. Ano ang naging resulta ng mga impormasyong pangkasaysayan at kultura na


nakasulat sa wikang banyaga?

- Sa panahon ngayon, maraming mga bata ang tumatangkilik sa wikang banyaga


na maaaring ikamatay ng orihinal na wika tulad ng wikang Filipino. Dahil sa
madalas na paggamit ng wikang banyaga, nakakalimutan na ng mga bata ang
wikang Filipino. Tulad sa mga paaralan, dapat sanayin ng mga guro ang mga
estudyante na magsalita ng wikang Filipino. Samakatuwid, ang mga magulang
rin dapat ay ituro ang wikang Filipino kumpara sa wikang banyaga. Sa tingin ng
mga ibang tao, ang wika ay isang “social status.” Ang wika ay sumisimbolo sa
pagiging Pilipino kaya dapat tangkilikin ang sariling atin. Mahalin natin ang ating
wika at ilahad ito sa mga tao.

5. Paano magiging susi ang wika sa kaunlaran ng bayan?

- Ang wika ang tanging nagpapakilala sa ating mga kultura. At sa wikang Filipino,
maipapahayag natin ang mga damdamin at saloobin natin. Ito ay susi sapagkat
tayo ay nagkaka-iisa at nakakaunawa sa ating wika. Dahil sa ating wika, tayo ay
nagkakaintindihan at naipapahayag natin ang ating mga problema na maaaring
gawan ng paraan. Kaya dapat natin tangkilikin ang sariling atin at mahalin ang
wika upang umunlad ang ating bayan. Ito ay sumisimbolo ng ating pagka-pilipino
at ito ang daan upang tayo ay makapagbigay ng mensahe.

You might also like