You are on page 1of 1

Pangalan: Estrada,Maricon A.

BSBA – Marketing Management I


Guro: Gng. Josephine O. Binalingbing

PAGSASANAY 3
1. Ang huling bahagi ng pagtalakay sa kasaysayan ng wikang pambansa ay nagiiwan ng isang
hamong sama-sama nating itaguyod ang paggamit ng Wikang Filipino. Ikaw bilang isang mag-
aaral ano-ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagsulong ng Wikang Filipino?
Isulat ang iyong sagot sa hindi bababa sa limang pangungusap.

Bilang isang mag-aaral, makakatulong ako sa pagsulong n gating Pambansang Wika sa


pamamagitan ng pag gamit nito sa araw araw na pakikipag usap sa aking kapwa mag-aaral o sa
aking makakausap na guro. Nais ko ring lumahok sa mga talastasan na kung saan magagamit
naten ang Wikang Filipino upang ito ay palaguin. Bibigyan ko ng pagpapahalaga ang ating wika
upang ito ay hindi malimutan at upang ito ay mas tangkilikin ng lahat ng tao. Mahalagang
gamitin ang Wikang Filipino sa wasto at maayos na paraan, huwag tayong gumamit ng mga
pabalbal na salita upang hindi mabago ang ating wika. Kung kaya’t bilang isang mag-aaral,
saamin magsisimula ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa ating Wikang Filipino sa ating
bansang sinilangan.

2. Nabatid nating napakalaki at napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga lider ng ating


bansa sa patataguyod ng wikang pambansa. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon maging
lider ng ating bansang Pilipinas, anong proyekto o batas Ang iyong paiiralin upang maisulong
ang paggamit at pagpapalago ng wikang Filipino. Isulat ang iyong sagot sa hindi bababa sa apat
na pangungusap.

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon maging lider ng ating bansang Pilipinas, paiiralin
ko ang proyekto para sa mga mahilig sa talastasan na kung saan ay ang paggamit ng wikang
Filipino. Mabibigyan dito ng pansin ang mga taong gustong matuto ng paggamit ng ating wika
na kung saan ay mabibigyan natin ng parangal ang pagiging magaling sa pag gamit n gating
wika. Hindi ako gagawa ng batas para na magbabawal sa mga taong gagamit ng ibang salita sa
ating bansa sapagkat lahat naman tayo ay marunong naman talagang matuto ng iba’t ibang
wika. Sa aking proyekto ay papaunlarin lamang naten ang mga kababayan naten na magaling sa
mga talastasan sa pagagamit ng ating Pambansang Wika.

You might also like