You are on page 1of 4

KABANATA 1

INTRODUKSYON NG PANANALIKSIK

“Ang hindi marunong magmahal ng ating sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda.”

Mula ito sa tulang “Sa Aking Mga Kababata” ni Jose Rizal na kung saan ang kahulugan nito ay

lagi nating naririnig sa ating paaralan lalo na tuwing Buwan ng Wika dahil na rin ang Filipino ang

opisyal na Wika ng Pilipinas. Ito ay ginagamit ng higit kumulang na 28 Milyong katao sa Pilipinas

o 1/3 ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.

Ang ating bansang Pilipinas ay isang multilingual na bansa na kung saan mayroong 175 na

iba’t ibang linguwahe na nagmula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Sa taong 1987 ipinuklama na

ang Filipino at English ang magiging opisyal na Wika ng Pilipinas. Ngunit sa panahon ngayon ang

mga kabataan ay malimit nalang na gumagamit ng ating sariling wika dahil na rin sa impluwensiya

ng mga dayuhan na dumadating at bumibisita sa ating bansa.

At bilang mga mananaliksik gusto naming malaman ang mga persepsyon ng mga mag aaral

sapag gamit ng ating opisyal na wikang Filipino sa ating pag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Sa pagbubuo ng aking pananaliksik, isinasaalag-alang naming ang mga sumusunod na mga

layunin:

1. Ano ang papel ng Wikang Filipino tungo sa kaalaman ng mga mag aaral?

2. Gaano kahalaga ang wikang Filipino bilang Wikang panturo?

3. Paano pinapahalagahan ng mga mag aaral ang aking wikang Filipino?


Kahalagahan ng Pag-aaral

Itong pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagkakaunawa ng hindi lamang mg

estudyante kundi lahat ng mga tao ang kahalagahan ng kanilang sariling wika. Malaki ang

mabebenipisyo ng aming pananaliksik sa mga mag-aaral, mga guro, mga magulang at sa lahat.

Mapapakita at mapaparating sa aming pananaliksik ang mga epekto at mabuting naidudulot ng

paggamit ng sariling wika sa pa-aaral. Sa panahon ngayon mas nabibigyan importansya ng mga

kabataan ang wikang Ingles at sadyang napapabayaan na ang sariling wika, pumapangalawa na

lamang ang wikang Filipino sa wikang Ingles.

Makakatulong ito sa mga Magulang sa paraang magkakaroon sila ng sapat na kaalaman

tungkol sa pagtuturo ng mga salita gamit ang ating sariling wika, dahil sa paraan na ito ay madaling

matututo ang mga bata at para sa kanyang paglaki ay magkaroon siya ng sapat na kaalaman sa

ating wika.

1. Sa mga guro, makakatulong ito sa kanila upang malaman kung ano ang dapat gamitin sa

pagtuturo. Mas makakatulong sap ag-iisip ng estratehiya ang mga guro para mas

maunawaan ng mga estudyante ang kanilang pinag-aaralan sa kanilang leksyon.

2. Sa mga estudyante, makakatulong ito para lubos nilang maintindihan na hindi sunod-

sunod na paggamit ng wikang Ingles ang solusyon sa mabuting pag-aaral.

Hindi kinakailangan gamitin ang salitang Ingles sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa

buhay. Hindi rin kinakailangan gamitan lagi ng salitang Ingles sa pakikipagugnayan sa

kapwa Pilipino. Ang paggamit o pagsasalita sa wikang Ingles ay hindi minamasama ditto,

maaari rin naman itong gamitin at may sariling importansya rin ito, ngunit hindi

kinakailangan na lagi ito gamitin. Oo, banyagang wika natin ang Ingles, pero pambansang

wika natin ang Filipino.


Saklaw at Limitasyon

Sa pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-aaral ng Agusan

National High School-Senior High School Department sa ilalim ng Kursong Humss sa

loob ng nasabing baitang at antas sa Iskwelahan na ito ay binigyan ng “survey” upang

kanilang masagutan. Limitado lamang sa Iskwelahan na ito ang pagbigay ng “survey”.

Nilimitahan lamang ito sa isang pangkat ng mga estudyante sa ikaanim na baitang at isang

pangkat ng mga estudyante naman sa ikaapat na antas.


Pag-aaral tungkol sa pananaw ng mga Mag-aaral ng Agusan National

High School, Senior High School Department sa Wikang

Filipino bilang wikang ng panturo.

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Filipino Sa

Agusan National High School-Senior High School

Bilag pagtupad sa isa sa mga Pangagailangan ng Asignaturang Filipino

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Inihandog Nina:
Novah B. Abad
Abegail D. Alcordo
Settie Naima D. Disomangcop
Joela Marie Magpatoc
Nikko A. Torralba

Oktubre 2018

You might also like