You are on page 1of 1

Cezna Merelle L.

Batain
ABM 11-B
Talumpating Impormatibo

Wikang Filipino Bilang Pagkakakilanlan ng Isang Pilipino

Ang wikang Filipino ay isa sa pangunahing kumikilala sa ating pagkamamamayang


Pilipino. Bilang isang Pilipino, dapat ay alam natin itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon,
pagsulat at pagpapahayag ng damdamin. Sumasailalim ito sa pagbabago na pinapapaunlad at
pinagbabago ng mga eksperto sa larangang ito. Dumadaan ito sa maraming proseso bago ito
gamitin at ituro sa atin ng mga propesyonal o maging ang ating mgapamilyana tumulong at
naghubog sa atin simula pagkabata.
Marahil marami ang nagtataka kung bakit ito kailangan pang pag usapan o kung anong
kahalagahan nito sa atin upang makatulong sa pag unlad ng ating kaalaman. Sinasabi rin na
buhay ang wikang Filipino dahil patuloy itong nagbabago at dumadanas ng progreso. Sa
kaalaman ng bawat isa ito, sinasabing sumisimbolo ito sa pagmamahal natin sa ating bayan dahil
ito ay repleksyon ng ating kultura.
Ang paggamit nito bilang kasangkapan sa pagkuha ng impormasyon at pagsasalin salin
nito sa ibat ibang aspeto upang maisiwalat ang mga kaisipan ng bawat indibidwal. Ang mga
katangian nito ay ang pagkakaroon nito ng masistemang balangkas, ito rin ay sinasalitang tunog
at isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang wika rin ay binubuo ng mga tunog upang magamit at
makamit ang ninais na pahayag.
Ayon sa artikulo XIV seksyon 6, pinaiiral sa ating bansa ang wikang Filipino upang
makatulong sa pagyabong at pagpapayaman nito. Isa sa paraang makakatulong sa pagpapanatili
nito ay ang patuloy na paggamit nito bilang medium sa sistema ng edukasyon upang mapreserba
ang kahalagahan nito. Bilang isang mamamayan ng ating bansa, tutulong ako upang mapreserba
ang ating wika sa paraang pag aaralan ko ang tamang gamit sa bawat salita at pagbabahagi sa iba
ng mga kaalaman ko sa wikang Filipino.
Tatapusin ko ang aking talumpati sa pag iiwan ng mga salitang ang Ang wika ay isa sa
daan tungo sa kaularan nating mga kabataan dahil sa simpleng pagtangkilik ng sarili nating
wika ay ang pagsalamin nito sa buhay ng bawat Pilipino na nagsilbing inspirasyon ng bawat isa.

Pagsulat | 1

You might also like