You are on page 1of 3

Magbigay ng opinyon sa mga sumusunod kaugnay sa mga napakinggang

pagtatalakay sa wikang pambansa.

Ang huling bahagi ng pagtatalakay sa kasaysayan ng wikang pambansa ay ng


hamon na sama-sama nating itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino. Bilang
isang mag-aaral, ano-ano ba ang maaari mong gawin upang makatulong sa
pagsulong ng wikang Filipino? Ipaliwanag.

Batay sa tinalakay na kasaysayan, nabatid nating napakalaki at napakahalaga


ng papel na ginampanan ng mga naging lider ng ating bansa sa pagtataguyod
ng wikang pambansa. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na maging
lider ng ating bansa, anong mga batas o mga proyekto ang iyong paiiralin
upang maisulong ang paggamit at pagpapalago ng wikang Filipino?

Sabi nga ni Marisol Mapula, "Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan
ng taot ugnayan ng bansa."
1. Ang huling bahagi ng pagtatalakay sa kasaysayan ng wikang
pambansa ay ng hamon na sama-sama nating itaguyod ang
paggamit ng wikang Filipino. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ba
ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagsulong ng wikang
Filipino? Ipaliwanag.
Ang mundo ay mayroong iba't-ibang lugar. At sa bawat lugar ay may kani-
kaniyang wikang ginagamit, pinapahalagahan at minamahal. Ang wika ay
isang mahalagang elemento ng isang bansa. Ito ay isang paraan na
ginagamit upang mas madaling ipaabot o ipahayag ang kaisipan,
damdamin o hangarin ng isang tao. Sa pamamagitan nito, mas
nagkakaisa ang bawat tao sa isang bansa.
Kaya bilang isang mag-aaral, ang maaari kong gawin upang makatulong
sa pagsulong ng wikang Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit nito sa
lahat ng oras saan man ako naroroon. Ito lamang ang paraan upang
maipakita ko na ipinagmamalaki ko na ako ay isang Pilipino. Sa
pamamagitan din ng paggamit ng wikang Filipino, mas naisasaloob ko ang
diwa na naroon sa mga salita na nasa wikang Filipino dahil dito
nasasalamin ang kultura at tradisyon na nagpapakita ng ibat ibang
kasanayan, karunungan, at kaugalian ng bawat Pilipino. Ituturing ko ang
wikang Filipino na isang kayamanan sa halip na pabigat upang mabigyan
ng edukasyon ang ating lipunan at mapaangat ang pamumuhay ng
mamamayan. At papahalagan ko ang wikang Pilipino dahil ito ang
nagsisilbing tulay ng komunikasyon sa bawat mamamayan upang
magkaintindihan at magkaunawaan. Sabi nga ni Marisol Mapula, "Ang
wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng taot ugnayan ng bansa."

2. Batay sa tinalakay na kasaysayan, nabatid nating napakalaki at


napakahalaga ng papel na ginampanan ng mga naging lider ng ating
bansa sa pagtataguyod ng wikang pambansa. Kung ikaw ay
mabibigyan ng pagkakataon na maging lider ng ating bansa, anong
mga batas o mga proyekto ang iyong paiiralin upang maisulong ang
paggamit at pagpapalago ng wikang Filipino?
Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon na maging lider ng ating bansa,
ang mga batas o mga proyekto na aking paiiralin upang maisulong ang
paggamit at pagpapalago ng wikang Filipino ay una, papalawakin o
pauunlarin ko ang pang-unawa ng bawat mamamayan tungkol sa wikang
Filipino sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas na dapat may sariling
diksiyonaryong Filipino ang bawat tao sa Pilipinas upang mas lalong pang
lumawak ang kasipan at kaalaman nating mga Pilipino. Pangalawa, Dapat
lahat ng Pilipino ay obligadong magbasa ng mga libro, mga babasahin, lalo
na ng mga "research papers" na gumagamit ng wikang Filipino. Mahalaga
ito upang maging bihasa tayo sa paggamit ng sarili nating wika.
Pangatlo, ako ay magpapatupad ng mga ordinansa tungkol sa pakikilahok
sa mga aktibidad at proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa
pagpapahalaga ng wikang pambansa. Pang-apat, sa araw-araw na
panangalangin natin sa Diyos dapat gamitin ang wikang Filipino. Ito ay
napakabisang paraan upang lalong malinang ang paggamit sa wikang
Filipino. At panglima, tuwing buwan ng wika dapat ipatupad sa mga
paaralan ang mga paligsahan sa paglikha ng mga nakakatuwang tula,
mga kinapupulutan ng aral na mga sanaysay, kwento, o anumang artikulo
gamit ang wikang pambansa o di kaya ay drawing, iskultura, o anumang
uri ng sining na may kinalaman sa papapahalaga ng ating wikang
pambansa.

You might also like