You are on page 1of 1

Maikling Talumpati na Maglalahad sa Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon

Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ang wika ay mahalaga sapagkat ito ang
bumuklod sa mamamayang Pilipino at dahilan kaya tayo ay nagkakaintindihan ng malinawan. Sa
panahon ngayon nangingibabaw na ang paggamit ng makabagong Teknolohiya. Dahil sa
paggamit ng makabagong teknolohiya natutunan na ng mga kabataan na tangkilikin ito.
Halimbawa nalang ay ang panonood ng kpop na siyang dahilan kaya ang mga kabataan ngayon
ay nagsasalita narin ng koryano. Dahil sa pagkahilig ng mga Pilipino sa kpop nagkakaroon sila
ng interes na pag aralan ang wikang ito. Ang pagkausbong ng makabagong teknolohiya ang
siyang dahilan kaya nagagaya nalang ng mga kabataan ang kanilang nakikita, naririnig at
nababasa sa iba’t ibang media. Nagkakaroon narin ng mga bagong salita tulad na Boom Panes,
Pak Ganern, Haler at marami pang iba na nakaka apekto sa mga mag aaral dahil sa minsan ay
nagagamit na nila ito sa kanilang mga takdang aralin na ang dapat sanang gamitin na mga salita
ay pormal. Sa pagbabago ng panahon, dumadami narin ang mga bagong salita tulad ng Selfie na
karaniwang ginagamit ng mga kabataan ngayon. Nagbabago ang ating wika dahil sa mga
nauusong mga bagong salita na siyang nagududulot kaya hindi nagkakaintindihan ang bawat
Pilipino dahil sa patuloy na pagkakaiba sa paggamit ng wika. Huwag natin kalimutan ang ating
sariling wika, dapat itong ipagmalaki at mahalin. Talaga naman na ang makabuluhang
teknolohiya ay isa sa mga dahilan kaya’t ang ating wikang pambansa ay minsan nakakalimutan
dahil sa mas gusto nila ang ibang wika tulad nalang nalang na, mas gusto nila ang salitang hapon
kasi kakaiba o di kaya ay wikang amerikano dahil napaka astig itong pakinggan. Isa pang
halimbawa ay ang Gay Language o mga salitang galing sa mga bakla o beki. Kaysa sabihin natin
ang tamang salita nagagamit natin ay ang mga gay language kaya nagiging sanhi ito kaya
nakakalimutan natin ang ating sariling wika.

You might also like