You are on page 1of 22

Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino


Ikalawang Markahan – Modyul 5
Sitwasyong Pangwika sa Panahon
ng Modernisasyon
Ano nga ba ang kalagayan ng ating
wika ng wikang pambansa sa
modernong panahon natin sa
kasalukuyan? Kung titignan natin sa
dami ng mga pagbabago sa ating
kapaligiran paano na nga ba ang
nagiging katayuan at kalagayan ng ating
wika?
Na maging larangan ng ating
sitwasyong pangwika dito sa
panahon ng modernisasyon
masasabi natin ang kasabihang
walang permanente maliban sa
pagbabago.
Filipino ang ating nakasanayan at
nalinang na wika at ating patuloy na
ginagamit bilang pangunahing
instrumento sa pakikipag-ugnayan ng
mga filipino pero sa panahon natin
ngayon marami nang pagbabago.
Marami nang nag iba katulad na lamang
sa pag-usbong ng mga call center ay
may iba pang bahaging teknolohiya ng
ating bayan.
At kaalinsabay pagbabagong yan
nagkakaroon din ng iba’t ibang T
pangangailangan, naroong tumataas ang
pangangailangan ng higit lalo sa paggamit
at paglinang ng ating kasanayan sa
paggamit ng wikang dayuhan.
Tulad ng wikang Ingles at maaaring ito
ay nagiging dahilan para pabayaan o
hindi na linangin ang sarili nating
kasanayan para sa sarili nating wika na
wikang Filipino.
Pero bagamat nagkakaroon mga
pagbabago at walang permanente
maliban sa pagbabago dapat
patuloy at isinasabay din natin sa
pagbabago ang ating wikang
Filipino.
Nagbabago ang paligid at mga
pangangailangan pero wag nating
kalimutan ang una nating instrumento sa
pakikipag-ugnayan ay ang ating unang
wikang natutunan kung alin ang wikang
Filipino.
IMPLUWENSIYA NG MASS
MEDIA AT TEKNOLOHIYA

Kapag pinag-uusapan natin ang


sitwasyong pangwika sa panahon ng
modernisasyon hindi natin agad
maihiwalay yung usapin ukol sa mass
medya at teknolohiya.
Marami ang nagaganap na pagbabago sa
kasalukuyan lalo na sa larangan ng ating
teknolohiya at kaakibat ng mga
teknolohiyang ito at gayundin ang
kabatiran kung saan nagmula ang mass
midya ito ay mula sa konsepto at
imbensyon ng ibang bansa at kaakibat ng
pagdadala ng teknolohiya sa ating bansa.
Ilang mga teknikal na salita mula sa
kanilang wika at itong mga salitang ito ay
nagiging bahagi ng ating pang-araw-araw
na pagsasalita at pakikipag-ugnayan isa
yan sa mga nagiging impluwensya sa
ating sitwasyong pangwika ng wikang
Filipino sa panahon ng modernisasyon.
Kaya’t nagpapatuloy nagkakaroon ng
modernisasyon umuunlad ang ating
paligid dapat isabay din natin ang pag-
unlad ng ating wika bagamat ito ay may
kaakibat na paggamit ng ibang wika.
Wag nating kalimutan na gamitin pa
rin ang ating wika. Ang telebisyon,
radyo, dyaryo, internet ay ilan
lamang yan sa instrumento dapat
isaisip natin ang mass medya.
At ang ating teknolohiya ay nagiging
instrumento natin para magkaroon ng mas
mabuting pakikipag-ugnayan o pakikipag
komunikasyon. Wag natin hayaan na hilahin
tayo pababa nito o hilain ang wika natin
pababa nito bagkus isabay natin sa
paglinang ang ating wikang pambansa.
Bagama’t maraming wika o salita ang
naghahalo-halo na dahil sa
pakikipagkomunikasyon dahil din sa
teknolohiya tayo bilang mga Pilipino, tayo
bilang mga mag-aaral ay maging
mapagmasid sa tamang paggamit ng wikang
Filipino.
At iiwasan kung hindi kinakailangan ang
code switching lalo na kung ano ang antas
ng paggamit kung ito ba ay pormal o di
pormal na paggamit ng wika bagama’t tayo
ay kabilang sa panahon ng modernisasyon.
Nasa ating kamay ang pagpapanatili at ang
kalagayan ng ikabubuting ating wikang
Filipino. Nariyan ang ating wikang
pambansa, nasa sa atin na lamang para ito
ay panatilihin payabungin, palaguin, at
paunlarin pa, tayo ang magpapanatili nito
sa pamamagitan ng patuloy na paggamit.
Gamitin natin nang wasto, angkop at batay
sa pangangailangan din sa bawat
sitwasyon. Kaya nga na pag-aaralan natin
yung iba’t ibang sitwasyon pangwika ng
wikang Filipino hanggang sa kasunod na
henerasyon.
Maraming salamat sa
inyong pakikinig👍🏿

You might also like