You are on page 1of 1

Wikang Filipino, Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas.

Itinalaga ang Filipino kasama ang Ingles, bilang isang opisyal na wika ng bansa. Sa
kadahilanan na ang Pilipinas ay isang bansa na binubuo ng mga pulo. Ang ating
mga lingwahe ay sari sari at ang ilan sa mga pangunahing wika na ginagamit ng
mga Pilipino ay Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikolano, Waray, at
Pangasinense. Ngunit ganun pa man na may ibat ibang natatanging lingwahe ang
mga Pilipino itoy hindi padin nagiging hadlang upang mapag kaisa tayo.

Sa panahon natin ano na kaya ang sitwasyon o kalagayan ng wikang Filipino. Ang
wikang Filipino ay malawakang ginagamit padin ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
Ngunit dahil sa pag usbong ng teknolohiya at ng iba pang “trends” o nauuso
kagaya ng k-pop ay naiimpluwensiyahan na ang ating wika. Sa ngayon nahaluan
na ang ating wika ng iba't ibang salita. Isang halimbawa na dito ang pag usbong ng
jejemon, Korean language, at iba pa. Dahil sa tuluyang pag usbong ng makabagong
teknolohiya, marami sa ating mga Pilipino ang hindi tumatangkilik ng ating wika,
Sapagkat ginagaya nila ang kanilang mga nakikita at napapanood sa internet,
telibisyon, at iba pa. Sa kadihalang ito ang ibang mga kabataan ay nakakalimutan o
nahihirapan ng gamiting ang sarili nating wika.

Marahil isa sa mga dahilan ang tuluyang pag usbong ng ating teknolohiya, kung
bakit ang ibang kabataan ay nahihirapan ng gamitin ang ating wika. Base sa saking
nakalap, Malaki ang nagiging apekto ng teknolohiya sa kasalokuyang sitwasyon ng
ating wika. Dahil ayon nga kay Dr. Jose Rizal, na ”Ang kabataan ay ang pag asa ng
bayan.” Pero ano na ang nangyayari ngayon? Sila ay nahihirapan o di namn kaya
ay nalilito sa pag gamit ng wikang filipino. Itoy sa kadahilanan nga na Malaki ang
epekto ng teknolohiya sa ating wika. Dahil kung ano ang nakikita natin ay ating
ginagaya upang tayo ay makasabay sa bago. Pero kahit patuloy padin ang pag
unlad ng ating teknolohiya, ito ay wag gawing hadlang upang tangkilikin ang
sariling atin.

You might also like