You are on page 1of 2

Jumagdao, Raechel L.

BEEd-1C

Ang wikang Filipino ay naitalaga bilang Wikang Pambansa dahil sa pag sisikap ng ating
mga pinuno noong kapahanuhan sa pangungana ni Manuel L. Quezon na tinaguriang Ama ng
Wikang Pambansa. Napakaraming balakid, pananaliksik at proseso ang isinagawa para lamang
magkaroon tayo ng wikang pagkakakilalan ang Wikang Filipino. Sa kabilang dako, napakarami na
ring dayuhin na nagtungo sa ating bansa at impluwensyahan tayo sa larangan ng wika subalit sa
huli ay Filipino parin ang naitalaga. Ang wikang Filipino ay nagmula pa sa ating mga ninuno kaya
nararapat natin itong pahalagahan at pangalagaan.

Nararapat na tanggalin ang wikang Filipino para sa Globalisasyon? Para mapag igting ang
pag aaral ng agham, matimatiko at teknolohiya? Una sa lahat, hindi ang wikang Filipino ang
hadlang sa hindi pag unlad ng Pilipinas kundi ang kurapsyon. At kung ang pagtatanggal nito ang
daan para makasabay tayo sa globalisasyon ay bakit hindi ito naganap noon pa na kung saan
hasa naman ang ang ating mga ninuno sa wikang ingles? Oo sige, sabihin na natin na kung
makakatulong ito sa pakikipag-sabayan sa ibang bansa, ngunit paano naman ang relasyon natin
sa ating mga kapwa Pilipino di hamak naman na mas mahalaga ito kaysa sa ano pamang
ugnayan natin sa ibang bansa. Paano din tayo makikipagsabayan sa kanila kung gayong hindi rin
tayo magkakaisang mga Pilipino sa Wika. Dito palang makikita na natin ang kahalagahan ng
wikang Filipino, kung paano pinagdudugtong-dugtong ng wikang ito ang dugong Pilipino.

Ang wikang Filipino ay napakahalaga sa kolehiyo, dahil dito tinatalakay natin ng mas
malalim na pagpapakahulugan ang wikang Filipino. Na naikukunekta din natin hindi lamang sa
mga kasalukuyang nagaganap o napapanahong isyu kundi pati narin ang mahahalagang
nangyari noong nakaraan. Ang mga Pilipino ay natatangi dahil sa wikang mayroon tayo kaya
nararapat lamang na hindi ito alisin sa napakahalagang edukasyon ng ating buhay dahil para
saakin ang pagtatanggal nito sa kolehiyo ay para naring pag aalis ng karapatan sa ating mga
Pilipino na ipagmalaki ang wikang Filipino.
Bilang isang Pilipino, nararapat na tangkilikin natin ang sariling atin. Ang wikang Wikang
Filipino ay hindi lamang pinamulan ng ating nga kaalaman at talino kundi ang diyang bumubuo
sa atin bilang isang bansa, nagsisilbing pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Maraming taon na ang
nakalipas at naging parte na ng ating edukasyon ang wikang Filipino, sa pamamagitan nito ay
namulat tayo sa mga pangyayari hinli lamang sa kasalukuyan kundi pati narin sa nakaraan. Kaya
naman napakahalagang anyo nito sa buhay ng mga Pilipino.

You might also like