You are on page 1of 1

Kalagayan ng Wikang Pambansa: Kamusta na kaya?

By: John Wydan Sarte

Sa aking kapwa mamamayan ng Pilipinas. Malayo na Ang narrating ng ating Wikang


Pambansa. Sumasabay rin dito ang mga pagbabago sa ating Bansa at lipunan. Dahil sa
makabagong teknolohiya ay Hindi maiiwasang magkaroon ng mga pagbabago. Kung
ang pagbabagong ito ang makakatulong o makakasira sa ating wika ay dapat nating
pakaisipan.

Sa panahon Ngayon kung saan nakadepende ang sosyolidad sa kung saan ay dapat
Kang marunong mag English o Taglish. Hindi natin maitatanggi ang kasalukuyan na Ang
tingin ng mga Pilipino Lalo na sa mga kabataanan Ngayon sa ating purong Wikang
Filipino ay napaglumaan at napag-iwanan na. Sa panahon natin Ngayon ay tila nag-iba
na Ang pamamalakad ng wika. Dahil Hindi na purong wika ang ating wika at
nahahaluan na ito nang kung ano-ano. Talamak rin ang paggamit ng mga salitang kalye
o balbal.

Minsan, ay gumagamit din ako ng mga salitang balbal. Ito ay Hindi ko maitatanggi
at Hindi rin ako kontra sa paggamit nito. Ngunit dapat alam natin na may tamang Lugar
ito kung saan natin gagamitin. Isa din ito sa mga wika na bumubuo sa kabuoan ng
wikang kasalukuyan ginagamit natin.

You might also like