You are on page 1of 2

Dahil sa pag-usbong ng teknolohiya, unti-unting nalilimutan at hindi na masyadong ginagamit ang wikang

Filipino sa mga Kabataang hindi ito ang unang, ano ang mga hakbang na pwedeng gawin ukol rito?

Annyeonghaseyo, Konichiwa, hola, bonjour, good day! Talaga namang nakakabighani pakinggan na ang
isang tao ay marunong magsalita ng ibat ibang linggwahe na mula sa iba’t-ibang parte ng mundo. Ang
ating henerasyon ngayon ay hindi mapagkakaila na halos tayong lahat ay lulong sa makabagong
teknolohiya, ang pag usbong ng teknolohiya ay siyang nagtulak sa atin na maging bihasa sa iba’t-ibang
konteksto ng lipunan sa iba’t-ibang lugar tulad na lang ng kanilang lenggwahe, pananalita, pananamit o
kaya naman ang kanilang kultura. Malaki ang naging impluwensya nito sa atin, hindi lang sa ating mga
kabataan sa henerasyon ngayon, ngunit sa mga taong kung tawagin ay “netizens” na nangangahulugang
mamamayan na iyong makikita sa iba’t-ibang plataporma sa internet tulad na lang ng mga taong
gumagamit ng facebook, youtube, tiktok, Instagram o twitter. Nakakadismaya ngunit ito ang nagiging
realidad ngayon, kung saan unti-unti na nating naitatabi ang ating sariling wika dahil sa mga bagay na sa
tingin natin ay uso at mas magandang pakinggan. Sabi nga ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose
Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, masahol pa sa hayop o malansang isda.”

Ngunit may mali nga ba talaga sa pagtangkilik natin sa mga ito? Wala. Walang mali na natututo at
gumagamit tayo ng iba’t-ibang lenggwahe dahil ito rin ay makakabuti sa atin sa ibang paraan. Ngunit ang
mali ay ang hindi natin pag-tangkilik sa sariling atin. Kasabay ng paggamit at pagtutuon natin ng pansin
sa iba’t-ibang lenggwahe gamit ang umuusbong na teknolohiya ay katumbas rin ng limitadong pag-aaral
natin sa pagiging bihasa ng ating sariling wikang Filipino. Ang teknolohiya ay nariyan upang gamitin natin
sa mabuti at mabisang paraan. Hindi sa paraang makakasama para sa atin at sa sariling atin. Hindi natin
mapipigilan ang pag usbong nito kaya naman nararapat lamang na gawin natin itong instrumento upang
maikalap natin ang sariling atin tulad nalang ng ating mahal na wikang Filipino.

Bilang parte ng henerasyon na ito, alam kong malaki ang impluwensiya natin sa internet at halos ang
henerasyong ito ang sumasakop ngayon sa mga makabagong teknolohiya kaya naman gamitin natin itong
daan upang ating ilaganap ang sarili nating wika. Walang mali kung gumamit tayo ng ibang wika subali’t
mas naaayon lamang kung unahin muna natin aralin at gamitin ang sariling atin. Gamitin nating
instrumento ang internet sa paglaganap ng wikang filipino sa pamamaraang paggamit natin dito, tulad
nalang ng pag-popost sa facebook o kung saang possibleng plataporma na pwedeng gamitin ito.
Ngayong buwan ng Agosto ay ang buwan ng ating wika, kaya naman mas hikayatin natin ang isa’t-isa na
gamitin at magsalita gaming ang wikang filipino, maari rin tayong mag post sa internet bilang
pagdidiwang natin sa buwan na ito. Hindi lamang sa buwan ng agosto ngunit pwede rin natin itong gawin
sa paparating pa na mga buwan, hindi man palagi ngunit huwag pa rin natin kalimutan paano ito gamitin
sa araw-araw na pakikipag-kumonikasyon. Patunayan natin na hindi tayo mas masahol sa hayop o
malansang isda sa pamamagitan ng pagmamahal at paggamit natin sa wikang Pilipino. Sanayin natin ang
sarili natin na gamitin ang sarili nating lenggwahe dahil sa paraang ito sisibol at yayabong ang wikang
filipino hindi lamang dito ngunit sa iba’t-ibang parte ng mundo. Ang pagbabago ay nagsisimula sa ating
sarili kaya ngayon bilang isang Kabataang Filipino, sisimulan ko ang pagbabago kaya’t hinihikayat ko
kayong lahat na samahan ako sa paggamit sa wikang filipino, tulungan natin ang isa’t-isa upang mas
mabigyan natin ng halaga ang sariling atin. Ako si Savannah M. Gonzales nagmula sa (grade and section)
at mag iiwan ng katagang “tayong lahat ay mayroong kapangyarihang makadulot ng kabutihan para sa
bayan at ngayon sisimulan natin sa pamamagitan ng paggamit at pagyabong ng sariling atin, ang wikang
Filipino.” Maraming salamat at Magandang (umaga/hapon) sa inyong lahat.

You might also like