You are on page 1of 1

Badua, Asslei Dionne, Aquino

(STEM 11-Alpha)

Quiz 1: Komunikasyon

A. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng wika sa lipunan?

- Ang wika ay isang importanteng bagay na hindi maaaring mawala sa buhay ng isang
tao. Sapagkat ito ang kanyang ginagamit sa pakikipag-komunikasyon at talastasan.
Ito ang nagsisilbing daan para makapag-pahayag at makipag-interaksyon sa
mundong kanyang ginagalawan. Ito ang kanyang ginagamit sa araw-araw na
maaaring maging pasalita o pasulat. Mahalaga din ang wika at iba’t-ibang barayti
nito na ginagamit sa iba’t ibang propesyon o hanap-buhay. Ito din ay nakabatay sa
kultura, kung kaya’t marinig pa lamang kung ano ang wikang ginagamit ay
malalaman mo na ang kultura ng isang tao. Nagkakaroon ng buklod na lipunan kung
may mabuting ugnayan ang bawat mamamayan na nagpapalago din sa buhay ng
bawat isa sa atin.

B. Paano makatutulong ang wika sa pandemyang kinakaharap ng mundo?

- Katulad ng aking naturan sa unang pahayag, ito ang ginagamit natin sa malayang
pagpapahayag ng may katotohanan. Sa panahon natin ngayon ay kailangang maging
isa at makatanggap ng suporta at pagmamalasakitan. Dahil nga pinagbabawal ang
face-to-face sa mga nangingilang edad maaari tayong gumamit ng iba’t ibang
plataporma onlayn katulad na lamang ng mesendyer/peysbuk upang makakonek sa
mga mahal natin sa buhay na wala sa ating tabi. At ang boses din natin ay maaaring
magkaroon ng suhesyon patungkol sa mainam na pagharap sa pandemya sa ating
pamahalaan at iba pang midya. Ang pakikikonek sa ating mga kapamilya at mga
kaibigan ay kinakailangan sa ngayon upang maibsan ang kalungkutan at mapalitan
ng tunay na galak na magagawa lamang natin sa pamamagitan ng wika.

C. Bilang mag-aaral, paano mo mapagyayaman ang iyong sariling wika?

- Ang pagtangkilik sa aking sariling wika ng taas noo at may buong pusong
pagmamahal ang pinakamainam kong gawin bilang isang estudyante. Sinasanay ko
din ang aking sarili ukol sa kakayahan ko sa paggamit ng wikang Filipino upang
mapayabong pa ang wika, kultura at tradisyon na sariling atin. Katulad nga ng
popular na sinabi ni Gat. Jose Rizal na “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit
sa hayop at malansang isda; Kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay
nagpala.”

You might also like