You are on page 1of 1

ANG WIKANG FILIPINO SA MUNDO NG SOCIAL MEDIA

Isang pagbati ang nais kong ipaabot sa inyo aking mga tagapakinig.
Nawa’y maulinigan ninyo nang maayos ang paksang ating bibigyang diin
sa tagpong ito at makapulotkayo ng gintong aral.

Ang Wikang Filipino sa mundo ng social media. Noon pa man ang ating
wikang Filipino ay nagtataglay nang lakas at kakayahang makapagbigay ng
isang maayos at mahusay na pakikipagkomunikasyon. Mula sa tradisyon
nitong gamit hanggang dumatal ang marami pang taon.

At ngayon, natalunton na rin ng Wikang Filipino ang makabagong midyum


ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng Social Media.

“ Think before you click”. Isang kasabihang nababagay sa paggamit natin


sa pinakabagong pakikipagkomunikasyon gamit ang social media.
Sadyang madali na lamang ang pakikipagtalastasan sa mga mahal natin
sa buhay subalit may mga hindi kaiga-igayang dulot nito.

Hindi lamang fake news ang nagsikalat gamit ang ating wika. Ang hindi
katanggap-tanggap sa pag-aaral at paggamit ng sariling wika sa social
media ay ang pagkakaroon ng mga maling gamit ng gramatika sa
pagpapaikli ng mga salita at maling pagbabantas.

Totoong ang wika ay buhay at daynamiko. Nagbabago at umuunlad sa


paglipas ng mga panahon. Subalit mahalagang malaman at gamitin ang
wastong estruktura ng wika upang mas lalong maunawaan ng mga tao ang
ang yaman at yabong ng wikang Filipino.

Tamang nasa panahon na tayo ng social media. Tama ring makabago na


ang ating midyum sa pakikipagtalastasan. Subalit lagi nating tatandaan na
ang wastong paggamit ng ating sariling wika ay hindi makakapagdulot ng
maling mensahe kung maayos natin itong ginagamit at inaaral.

Muli, ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong matamang pakikinig.


Nawa’y nabigyan ko kayo ng isang makabuluhang aral hinggil sa wikang
Filipino sa mundo ng social media.

Maraming salamat.

You might also like