You are on page 1of 1

Filipino: Wikang Mapagbago

Lahat ng aspekto ng lipunan ay temporaryo. Lahat tayu ay nakakaranas ng pagbabago at pag-unlad. Sa


modernong panahon na kung saan lumalaganap ang ang teknolohiya, makikita natin na nagdudulot ito
ng mga panibagong impak sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at kinaugaliang mga gawain.

Ang pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat ay tinatawag


nating Wika. Ang wika ay isa sa mga naapektuhan ng golbalisasyon. Ito ay isang mahalagang aspeto ng
bawat kultura napatuloy na yumayaman at umuunlad alinsunod sa mga pagbabago nagaganap. Basehan
na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan ang wika kaya’t kung ito ay
magbabago, nangagailangan din na ang mga mamayan ay umangkop dito.

Sa kasalukuyan, marami naring mga bokabularyong nadagdag dahil sa mga bago at higit na ginagamit na
mga salita kagaya ng mga “IPhone” at “laptop” at mga hiram na salita sa mga lokal at internasyunal na
wika tulad ng “bisexual” at “transgender”. Natatanggap narin ito sa lipunan sa kadahilanang karaniwan
na itong maririnig sa mga bibig ng mga tao. Patuloy ding naiimpluwensiyahan ang mga tao sa ika-21 siglo
sa paggamit ng internet at mga websites nito. Ang salitang “google” nga na dati ay pangalan lang ng
isang kumpanya sa Estados Unidos, ngayon ay ginagamit na bilang isang pandiwa na tumutukoy sa
pagsasaliksik ng impormasyon gamit ang Internet. Kinaugaliang mga gawain at pananalita na ng
mamayang Pilipino ang mga ganitong termino kaya’t sa patuloy na paglipas ng panahon at patuloy ng
pag-unlad ng ating lipunan, patuloy din nating mararamdaman ang mga pagbabagong nagaganap.

Ang mga pagababagong ito ay maari ring makaapekto sa kulturang kinagisnan natin. Sa pagsilang ng
makabagong wika, hindi natin mapagtutuunan ng pansin ang totoong kagamitan ng wikang Filipino. Ito
ay dahil nasakop na ang ating isipan ng makamodernong salita. Ang isyung ito ay magdudulot ng
kalituhan sa ating pagkakakilanlan sa oras na ibaon natin ang wikang kinagisnan.

Bagama’t mayroong mga bahagyang nagbago sa wika natin dahil sa modernisasyon, ang wikang Filipino
parin ang nagbigay daan sa pagsisikap at pagkakaisa natin para sa magandang kinabukasan ng ating
minamahal na bayang sinilangan.

Lahat ng nagpapaliwanag tungkol sa kaunlaran at pagbabago ng wika ay kahilera sa temang itinalaga


para sa Buwan ng Wika sa taong 2017.

You might also like