You are on page 1of 1

Sa mundo ng globalisasyon, makabagong teknolohiya at pag-angat ng antas ng

pamumuhay ng tao kasabay nito ay ang pagbabago ng ating wika. Ang ating wika ay parating
nagbabago, bumabagay sa pamumuhay ng tao at patuloy na nalilinang.

Habang ang Pilipino at ang kanyang mundong ginagalawan ay patuloy na nagbabago,


ganundin ang wika. Ano nga ba ang mga patunay na ang ating wika ay nagbabago? Kung tayo ay
magbalik-tanaw sa nakaraan - magbalik-tanaw tayo sa wika at mga salita na ginamit ng ating
mga ninuno ilang daan na ang nakalipas - malamang ay hindi natin maiintindihan ang karamihan
sa mga salita at wika na kanilang ginamit. Sino ba ang nakakarinig at nakakaintindi sa mga
makalumang salita tulad lamang ng haynayan (biology), karumalan(menstrual period) at duyog
(eclipse)? Ito ay maihahalintulad sa pagbabasa ng kakaibang wika na hindi natin naiintindihan.
Sa kabilang banda, marami sa atin ay pamilyar na sa mga makabagong salita tulad ng fotobam,
gimik at salvage. Dahil sa pagbabago ng ating salita, nagkaroon tayo ng mga salitang deribasyon
tulad ng ‘presidentiable’; mga tambalang salita tulad ng ‘batchmate’ at ‘mani-pedi’.

Bakit nga ba nagbabago ang salita? Tulad ng nabanggit kanina, ang pagbabago ng salita
ay naaayon sa pagbabago ng pangangailangan ng gumagamit nito. Halimbawa neto ay ang
salitang ‘push’ na kung sa ingles ang ibig sabihin ay itulak ngunit sa pariralang ‘push mo yan te!’
ang ibig sabihin nito ay binibigyang lakas ng loob ang kausap. O kaya naman ang salitang
‘facebook’ sa pariralang ‘ifefacebook kita’ na ginagamit natin upang iparating sa kausap na
gusto mong makipagkomunikasyon gamit ang ‘facebook’. Ang mga ito ay nagpapatotoo lamang
na ang wika ay nagbabago habang ang teknolohiya at karanasan ng tao ay nagbabago.

Ang pagbabago ng wikang Filipino ay naaayon din sa kasalukuyang henerasyon, lebel ng


edukasyon, uri ng hanapbuhay at komunidad ng isang pangkat ng Pilipino. Natututo tayong
gumamit ng mga bagong salita at pagpapahayag mula sa mga lugar at taong ating
nakakasalamuha. Mula sa mga bagong salita na ating napupulot ay nakakabuo tayo ng mga
bagong salitang hiram at deriberasyon na sa paglipas ng panahon nakakasanayan nating gamitin
at tangkilikin.

Sa mga kadahilanang ito, ang ebolusyon ng lenggwaheng Filipino ay nagpapatunay na


ang wika natin ay nagiging importanteng aspeto sa mundo ng globalisasyon. Ang wikang
Filipino ay nagkakaroon ng halaga sa pagpapatuloy ng pakikisama ng ating bansa sa ibang nayon
at lahi. Kaya kailangan nating gamitin ang wika sa paraan na hindi lamang napapakinabangang
mabuti kundi itinataas ang ating kakaibang kultura. Sa mundo na nagbabago at patuloy na pag-
usbong ng globalisasyon, nararapat lamang na gamitin natin ang ating wika sa pamamaraan na
hindi lamang itinataas ang ating sariling kultura kundi ang pagtaguyod din ng pandaigdigang
responsibilidad at pag-intindi at pagpaparaya sa iba’t-ibang pamumuhay at kultura ng mundo.

You might also like