You are on page 1of 1

WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON

KABANATA 1

PANIMULA

Sa mga taong lumipas, napakarami ng nasaksihan ng mga Pilipino mula sa


pagbabago ng ating wika. Mula sa pang-araw-araw na karanasan sa
pakikipag komunikasyon, sa pakikipagtalastasan, argyuhan, at maging sa
akademikong sulatin. Marami ring naging positibong epekto ang mga
pagbabago sa ating sariling wika tulad ng pagkahasa natin sa pakikipag
komunikasyon, pagsulat, pagbasa at pag-unawa ng Wikang Filipino. Sa
modernisadong panahon, maging ang mga dayuhan na nagmula sa iba’t ibang
bansa ay nagagalak at nawiwili na magsalita, magbasa at umunawa ng Wikang
Filipino. Sa makabagong panahon, mas napabuti at yumaman ang kalagayan ng
Wikang Filipino. Ang pagkakaunawaan, pagkakaisa sa ating mga kultura bilang
Pilipino ay mas nagpatibay at naging simbolo ng ating pagka Pilipino. Ito ay
siyang nagtukoy sa ating identidad at lahing Pilipino. Ang Wikang Filipino ay
patuloy na umuunlad at nagbabago, tayo ay gumagamit na rin na iba’t ibang
paraan upang mas mapaikli ang paggamit ng ating wika. Ilang halimbawa ay
ang pagpapalawak ng bokabularyo sa pamamagitan ng paggamit ng akronim
o ang paggamit ng mga letra na nagrerepresenta sa isang salita upang ito ay mas
umikli at ang pinaka tanyag sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal
na salita na karaniwang ginagamit ng mga kabataan. Ayon kay Barker at Barker
(1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ng hinaharap.
Iniingatan din rito ang ating mga tradisyon at kultura, maaari daw mawala ang
mga matatandang henerasyon, ngunit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid
parin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang
kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa kasalukuyang panahon, sa
tingin ko, ang kalagayan ng ating wika ay dapat pang mas pagyamanin,
payabungin at irespeto. Sa pag-unlad ng panahon, kasabay din ang pag-unlad ng
wika, nasaan mang dako tayo ng mundo, nararapat nating mahalin at ipagmalaki
ang ating sariling wika dahil ito ang nagmomolde sa ating identidad bilang isang
Pilipino.

You might also like