You are on page 1of 11

Pag-usbong ng Balbal na Wika sa Pakikipag-komunikasyon

ng mga Kabataan

Isang Sulatin sa Pananaliksik

Kay
Bb. Cecil Igama
Guro sa
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Jose Rizal University
Susyad ng Mandaluyong

Bilang Bahagi
Ng mga Pangangailangan
para sa Pagsusuri
ng Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino.

Pagbasa at Pagsulat
nina
Lider: Mangabat, Dorotea Arabella
Delfin, Mia Janelle
Evaristo, Julius Vincent
Jadap, Adrienne Bianca
Leñar, Jorelle Cybee
Onda, Liv Gabrielle
E11C

Oktubre 2021

SY 2021-2022

1
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Panimula

Sa panahon ngayon ay kapansin-pansin na napakarami na ang mga salitang

umusbong at umiikot sa ating paligid. Sa mga eskwelahan sikat na sikat ang mga

tinatawag nilang “conyo” na mga taong gumagamit ng mga islang o balbal na salita.

Kadalasan itong ginagamit ng mga kabataan dahil sila ay naimpluwensyahan ng mga

taong nakapaligid sa kanila. Ang balbal ay isang antas ng wika kung saan ito’y nakalagay

sa pinakamababang uri ng wika. Karamihan sa kabataan ay ginagamit ito lalo sa sa

pakikipagkomunikasyon. Madalas makita ang balbal sa social media at doon din nila

kadalasan ito ginagamit.

Sinabi ni Mabanta (2011) na ang wikang Filipino ay mayroong dalawang antas ng

wika: ang pormal at impormal. Ginagamit ang isang pormal na salita sa mga taong mas

matanda sa atin o mas mataas sa atin bilang tanda ng paggalang. Dito, ang mga wikang

pambansa at pampanitikan ay nabibilang sa isa sa mga mas mataas na antas na wika.

Sa kaibahan, ang mga impormal na salita ay madalas na ginagamit ng mga tao sa

komunikasyon. Kasama rito ang lalawiganin, kolokyal at balbal.

Ayon kay Adams (2009), ang slang ay ang paggamit ng mga impormal na salita sa

anumang lugar at lokasyon. Ang paggamit ng salitang ito ay naaangkop lamang sa

personal na komunikasyon. Ang komunikasyon ay dapat na malinaw at kumpleto upang

maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Ang slang ay isang uri ng salita sa wikang Ingles na kilala rin bilang mga salitang balbal.

Ang slang ay nabuo dahil sa pangkat ng mga tao, at gumagamit sila ng code na sila

2
lamang ang nakakaunawa nito. Idinagdag nila na ang wika ay maaaring lumago at

mabago bilang isang resulta ng mga taong lumilikha ng mga bagong salita. Ang

halimbawa nito ay ang salitang balbal. (Aldaca at Villarin, 2012)

Ang muling pagkabuhay ng wikang kanluranin ay nangyayari ngayon. Ang

henerasyong ito ay mas nakalantad sa kultura ng Kanluran kaysa sa mga nakaraang

henerasyon. Maraming mga tao na may mga teleponong Apple, damit ng Nike at Adidas,

o ang protesta ng "Lasallista" at "Atenista" sa RH stand ayon sa Inquirer, ay hindi

natatakot.

Para kay MK Gallego (2016), ang slang o islang ay mga salitang hindi pormal

ngunit maaaring magamit sa pang-araw-araw na pag-uusap. Ang salitang ugat ay isang

orihinal na salita na nilikha sa pamamagitan ng pag-baligtad ng mga titik o pagbabago sa

isang ugat na salita. Ang wika ay palaging nagbabago sa ilang paraan. Kung kukuha ka

ng parehong mga pangungusap sa iba't ibang mga wika at ihambing ang mga ito,

makikita mo ang maraming mga pagbabago sa teksto.

Ayon kay Cafford (1965), ang mga impluwensya ng pang kulturang Kanluranin ay

maaaring may matinding epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga kabataan. Mayroong

ideya na ang wika at kultura ay dalawang bagay na mayroong natatanging ugnayan. Sa

lahat ng antas ng wika, ang balbal ay ang pinaka umuusbong at madalas na ginagamit

ng mga kabataan sapagkat para sa mga kabataan ay masaya ito. Paminsan-minsan,

dahil sa paraan ng pagbabago ng balbal at pag-unlad, maaaring mahirap makilala ang

mga pinagmulan nito. Karamihan sa kabataan ang walang malay sa pinagmulan ng

balbal ngunit ginagamit pa rin ito sa pakikipag-usap.

3
Sa paglipas ng panahon, nagbago ang pananaw ng mga tao sa isang bagay. Ang

edad ng karunungan ay dumating dahil ang mga tao ay may kakayahang matuto nang

higit pa tungkol sa mundo at sa kanilang sarili. Ang agimat ng komunikasyon at

pagpapahayag ay pinag-aralan ng mga nilalang sa daang siglo. Ang mga karera, na

mayroong isang mayaman na katutubong wika, pinagyayaman ang kanilang wika. Tulad

ng pag-ikot ng mundo, sa edad ng lipunan, bilang isang bagong henerasyon na

umusbong, dahil ang mga bagong teknolohiya ay naging tanyag, sumasabay din sa

pagbabago ng mga salita at wika.

Paglalahad ng Suliranin

Sa paglipas ng panahon iba’t-ibang mga salita ang umusbong. Isa sa mga

nauusong pananalita ngayon ay ang Balbal na salita. Ang mga balbal na salita ay ang

mga salitang hindi pormal o mga salitang kakaiba, ito ay mga bagong gawa gawang salita

na hango pa sa ibang salita at nabuong impormal. Ang mga balbal na pananalita ay

tinatawag ding salitang kalye o salitang kanto dahil ito ay di kaaya-ayang pakinggan.

Nagiging kapansin-pansin na habang lumilipas ang panahon ay dumadami din ang mga

bagong salita na di pormal o balbal.

Halos lahat ng kabataan ay gumagamit ng mga balbal na pananalita sa kanilang

araw-araw na pakikipag usap o pakikipag komunikasyon sa kanilang kapwa, ginagamit

ito sa kadahilanan na ito ay uso o naaayon sa panahon. Nagkaroon ito ng iba’t-ibang

epekto sa paraan ng ating pakikipag usap o pakikipagkomunikasyon, maraming kabataan

din ang naimpluwensyahan sa paggamit ng mga salitang balbal. Kaya naman ay narito

ang mga katanungan nais mahanap ang sagot ng pananaliksik na ito:

4
1. Paano umusbong ang balbal na pananalita sa modernong wika ng kabataan

ngayon?

2. Bakit mas umiiral sa kabataan ang pananalitang balbal bilang modernong wika?

3. Ano-ano ang mga naging epekto nito sa ating bansa o kasaysayan kung sakaling

mapalitan ang Wikang Filipino ng salitang balbal?

Balangkas Konseptwal

5
Ang balbal na pananalita isang pagpalit ng ang mga

salita ng mga kabataan ngayon at ito ay naging sikat na pananalita ng

mga kabataan ngayon, Dahil sa mga kabataan, Biglang Pag-usbong ng Balbal na

Pananalita sa modernong wika, Ang epekto ng balbal na pananalita sa kabataan at

nakakatanda ang magkaroon ng kakaibang komunikasyon sa isa’t

isa dahil karamihan sa mga nakakatanda alam ang salitang Balbal, dahil onting onti

itong natatanggap ng ating bansa o kasaysayan. May maganda siyang epekto

sa bansa dahil Nagkaroon

ang bansa ng mga natatangi mga salita at nagkakaroon tayo ng kakaibang para

an para makipag komunikasyon sa mga tao.

Saklaw at Limitasyon

Saklaw ng pag-aaral ang paggamit ng kabataan sa balbal na wika bilang

pagkomunika sa modernong panahon. Limitado ang pagsusuri sa paggamit ng kabataan

sa balbal na pananalita. Nakatuon ito sa kabisaan ng balbal na pananalita sa

komunikasyon ng kabataan. Sa halip na ituon lamang sa kabisaan, ang pananaliksik ay

nakasentro din sa pinanggalingan at ang mga epekto nito sa kasaysayan ng wikang

Filipino. Ang pag-aaral ay limitado sa mga kabataan, partikular sa mga gumagamit ng

balbal na wika sa panahon ngayon, sa kanilang kabuhayan, pakikipag-usap sa mga

kaibigan, at iba pa. Pangunahing ng pananaliksik na ang mga kabilang nito ay kabataang

milenyal sapagkat ginagamit nila ng madalas ito sa pagkikipagkomunika sa kanilang

pang-araw-araw na nakakasalamuha.

6
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa lahat lalo na sa mga kabataang

gumagamit ng mga balbal na salita bilang daan sa pakikipagkomunikasyon. Napapansin

ng mga

mananaliksik na karamihan sa mga kabataan ay ginagamit ito sa pakikipag-usap lalo na

sa social media. Sa pananaliksik na ito ay malalaman kung bakit ginagamit ng kabataan

madalas ang balbal na wika at ano ang magiging epekto nito sa Pambansang wika, kung

ito ba ay may maganda o masamang epekto.

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong at pwede ring magsilbing gabay sa mga

sumusunod:

Sa mga mag-aaral- sa pananaliksik na ito ay malalaman nila kung paano nila magagamit

ng maayos ang balbal sa pakikipagkomunikasyon. Maari din madagdagan ang kanilang

kaalaman at malawakan ang kanilang kaisipan ukol sa balbal.

Sa mga guro- Makakatulong ito sa mga guro dahil maaari nilang magabayan ang mga

kabataan sa paggamit ng balbal. Dito ay malalaman nila kung paano nila iwaswasto ang

mga estudyante at ano ang maaari pa nilang gawin para malimitahan nila ang mag-

aaral. Malalaman rin nila dito kung bakit balbal ang ginagamit ng mga kabataan sa

pakikipagkomunikasyon.

Iba pang mananaliksik- Makakatulong ito sa iba pang mananaliksik dahil malalaman

nila kung bakit ginagamit ng mga kabataan ang balbal sa pakikipagkomunikasyon. Ito rin

ay makakatulong dahil madadagdagan ang kanilang kaalaman sa wikang balbal at

7
malalaman rin nila kung ano-ano ang magiging epekto nito sa ating kasalukuyang Wika

at kasaysayan kung patuloy pa rin ang paggamit ng balbal.

Katuturan ng mga Katawagan

Dito ay malalaman natin kung ano-ano ang mga katuturan o depinisyon ng mga
salita na may kaugnayan sa aming pananaliksik. Malaking tulong ito sa pagkilala ng
kahulugan ng mga bago at mahihirap na salita sa binasang pananaliksik.

Narito ang mga katuturan ng mga salita:

Balbal - Ang balbal o slang ay ang mga salitang hindi pormal ngunit ginagamit sa pang-

araw-araw na panánalitâ. Karaniwa’y nililikhà ito sa pagbabaligtád ng mga titik,

o pagiibang-anyô sa salitang ugát. Minsan, halaw ito sa wikang Kastila.

Conyo - Nagsimula ang conyo sa salitang Espanyol na coño na nangangahulugang

kalapastanganan sa mga Peninsulares mula 1800 hanggang kasalukuyan.

Ngunit sa makabagong henerasyon ito ay pinag halong Ingles at Tagalog o

Taglish. Ang mga taong madalas gamitin ang conyo bilang pananalita ay

nahihirapan gamitin ang Wikang Filipino na walang halong Ingles. Mula dito,

ang lagi nating iniisip na ang mga taong gumagamit ng conyo ay galing sa

mayaman o mataas na antas ng pamumuhay. Patuloy na din sa paglaganap

ang ganitong pananalita lalo na sa Social Media na nakaka-impluwensya sa

pamumuhay ng bawat tao.

8
Komunikasyon - Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon

na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng

mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ng disiplinang pang-

akademya na pinag-aralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang

interaksyon ng mga tao sa isa't isa.

Pananaliksik - Ang pananaliksik ay ang pag-alam o pagtuklas at pagsubok sa isang

teorya. Ginagawa ito upang malutas ang mga problema at suliranin na

kailangan gawan ng solusyon.

Wika - Sa pinakapayak nitong kahulugan, ang wika ay isang sistema ng

komunikasyon

na ginagamit ng mga tao. Ito ay koleksyon ng iba’t-ibang simbolo at mga salita

na nagpapahayag ng kahulugan. Ito ay nagsisilbing behikulo upang maipahayag

natin ang ating mga kaisipan, mga saloobin at nararamdaman. Maaring

maipahayag ang wika sa pamamagitan ng sulat o pananalita, maituturing din na

wika ang kumpas ng kamay o sign language.

9
Bibliograpiya:

A. Internet

Carlo, B. (2020, August 30). Ano Ang Wika? Pinoy Newbie. Retrieved October 15, 2021,

from https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-wika/

K. (2020, May 4). Ano Ang Pananaliksik? - depinisyon at MGA halimbawa. Philippine

News. Retrieved October 19, 2021, from https://philnews.ph/2020/05/04/ano-ang-


pananaliksik-depinisyon-at-mga-halimbawa/

Komakad101. (2015, September 30). Balbal at kolokyal. BALBAL AT KOLOKYAL.

Retrieved October 14, 2021, mula sa https://balbalatkolokyal.wordpress.com/

Kodao Productions. (2019, August 12). Pagkaka-Anyo ng wika. Kodao Productions.

Retrieved October 14, 2021, mula sa https://kodao.org/pagkaka-anyo-ng-wika/

Leah. (1970, January 1). Thesis in Filipino. Thesis in filipino. Retrieved October 15,

2021, from https://annalea-elava.blogspot.com/2009/03/thesis-in-filipino.html

Lopez, K. (n.d.). Epekto ng Salitang Balbal sa pag-aaral ng mga piling Mag Aaral sa

Ikalabing Dalawang Baitang sa strand na Abm Panuruang Taong 2018.

Academia.edu. Retrieved October 14, 2021, mula sa


https://www.academia.edu/36190864/EPEKTO_NG_SALITANG_BALBAL_SA_P
AG_AARAL_NG_MGA_PILING_MAG_AARAL_SA_IKALABING_DALAWANG_B
AITANG_SA_STRAND_NA_ABM_PANURUANG_TAONG_2018

Mangunay, K. F. (2012, October 10). 'Ateneo, La Salle profs so not Duwag, they make

Sabi Rh stand'. INQUIRER.net. Retrieved October 14, 2021, mula sa


https://newsinfo.inquirer.net/286186/ateneo-la-salle-profs-so-not-duwag-they-
make-sabi-rh-stand

Wikimedia Foundation. (2020, November 25). Komunikasyon. Wikipedia. Retrieved

October 15, 2021, from https://tl.wikipedia.org/wiki/Komunikasyon

Zs gallardo, A. (2016, November 26). "conyo-ing". Usaping. Retrieved October 15, 2021,

from https://usapingfilipino.wordpress.com/2016/11/26/conyo-ing/

10
11

You might also like