You are on page 1of 11

Aralin 4: Heterogenous at Linggwistikong Komunidad

Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling


kaalaman, pananaw, at mga karanasan.(F11PS-lb-86)
Layunin: Nakapag-ugnay ng mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan batay sa sumusunod na sitwasyon..

Alam mo ba?
Alam niyo ba na ang salitang heterogenous ay mula sa salitang griyegona heteros-
magkaiba, habang ang genos- uri, lahi.
Ang wikang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay. Ang Filipino ay
dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitang ng mga panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika sa iba;t ibang
sitwasyon, sa mga nagsasalita nito mula sa iba’t ibang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at istadistikang pagpapahayag.

Sa buong daigdig, isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming wika. May kabuuang 175
na wika ang ating bansa. Isang daan at pitompu’t isa dito ay ginagamit pa at ang apat naman ay
lumipas na o hindi na ginagamit ng mga Pilipino.
Sa kadahilanang ang Pilipinas ay isang kapuluan, ang mga Pilipino ay nahahati rin sa
iba’t ibang grupo, na may iba’t ibang uri ng dayalektong gamit. Ganun pa man tayo ay
pinagbubuklod pa rin ng iisang pngunahing wika.- ang wikang Filipio.
Heterogenous na Wika
Dahil sa masusing pag-aaral at pananliksik tungkol sa sosyolohikal at linggwistika,
nabuo ang teorya ng sosyolinggwistik. Ito ang naging batayan ng mga linggwistiko para
magkaroon ng heterogenous na wika.
Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidlwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan na kanyang
ginagalawan, antas ng pammuhay, edad, lebel ng edukasyon na natamasa at interes sa buhay,
nakaroon ng iba’t ibang barayti ang ating wika. Una ay ang permanenteng barayti kung saan
naksama dito ang mga idyolek at dayalektong uri ng wika.
Ito ay ang ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag-interaksyon sa
araw-araw. Bawat rehiyon o lugar ay may particular na dayalektong ginagamit.
Ang susunod naman ay ang pasamantalang barayti. Kinabibilangan ito ng mga salitang
may pagkapare-pareho ng baybay pero magkaiba ang kahulugan ayon sa aspeto ng pag-gamit
dito.
Halimbawa ay ang paggamit ng salitang heneral at general na kung saan ito ay
tumutukoy sa dalawang kahulugan: military at pangkahalahatan. Kasama pa sa ibang barayti ng
wika ay pidgin, creole, ekolek, sosyolek, etnolek, at register.
Halimbawa dito ay ang mga salitang jejemon, coño, mga salitang pabaliktad ang baybay
(halimbawa: erap-pare), mga lenggwahe ng mga grupo ng mga bakla (halimbawa: shinits itey?-
sino ito?) at iba pa na uri ng mga salita na lumalabas sa makabagong panahon at henerasyon.
Heterogeneous na katangian ng Wika
Ayon sa mga dalubhasa, ang wika ay binubuo ng isang pangkat ng tao upang
magamit at tumugon sa kanilang partikular na pangangailangan dahil magkakaiba ang mga tao
at ang kinabibilangan ng bawat isa, ibat’t ibang anyo rin ng wika ang umusbong.
Barayting Permanente
a. Dayalekto - ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa
buhay ng isang tao.
a. Heograpikal - Halimbawa: tagalog ang pangunahingwika ng timog katagalugan
ngunit bawat lugar dito ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog-
Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Quezon.
b. Temporal - halimbawa: Ang probinsyano na pelikula mayroon na noon ngunit may
bagong pelikulang sumisikat ngayon ang mga manunulat nito ay magkaiba at ang
barayti ng wika nito ay magkaiba sapagkat ito ay isinulat sa magkaibang panahon.
c. Sosyal
i. Uri - Halimbawa: Karaniwang naiuugnay sa masa ang mga salitang
balbal gaya ng utol, ermats, dedma, epal.
ii. Edad - Halimbawa: Ang tawag ng matatanda sa salamin sa mata ay
antipara samantalang ang tawag sa mga kabataan ngayon shades.
iii. Kasarian - Halimbawa: Hanggang ngayon patuloy pa rin paggamit ng
salitang jowa (karelasyon) jubis (mataba), gander (maganda) at iba pang
salita sa Gayspeak.
b. Idyolek - Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal
na gumagamit ng wika. Bukod sa panlipunang salik, nakikilala rin ang pananalita ng
isang indibiduwal batay sa kaniyang bigkas, tono, kalidad ng boses, at pisikal na
katayuan
Barayting Pansamatala
a. Registar - Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang
pinaggagamitan ng wika
Halimbawa - ang registar sa kalusugan ay iba sa palakasan
b. Istilo - ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng
nagsasalita sa kinakausap
Halimbawa: Kapag iyong nakasalubong ay iyong nakasalubong ang isang
kaibiganay maari mong batiin sa pahayag na “Hoy” Kamusta kana?
Kapag bumisita ka sa iyong lolo at lola ay binabati natin sila ng kamusta
po kayo?
c. Midyum - Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring
pasalita or pasulat.
Halimbawa: Ang mga terminong gaya ng dalumat, dalisay, at kaatiran ay
mababasa sa mga disertasyon at ibat-ibang akademikong materyal na
nakasulat, ngunit bihirang ginagamit ang mga ito.
Linggwistikong Komunidad
Ang linggwistikong komunidad ay ang iba’t-ibang uri ng mga wikang ginagamit sa
komunidad sa paglipas ng panahon. Nagkakaintindihan sila sa tuntunin nito, at
naibabahagi ng bawat isa ang parehong pagpapahalaga at damdamin sa paggamit nila
ng wika sa pakikitungo saa isa’t-isa
Kahulugan ng Linggwistikong Komunidad
Sa paglipas ng iba’t -ibang salik lahi at sa pagsibol naman ng mga makabagong
henerasyon, tayo ay nagkaroon ng maraming barayti at baryasyon ng wikang pilipino.
Linggwistikong komunidad ang tawag sa mga wikang ito.
Sa isang komunidad ay may sari-saring uri ng indibidwal na nakatira. Bawat tao
o grupo ng tao ay may kanya-kanyang dayalekto na ginagamit. May mga gumagamit ng
mga katutubong salita, depende sa lugar na kanilang pinanggalingan.
Halimbawa nito ay ang gamit ng salitang Waray ng mga taga Bisaya, Ibaloy ng
mga Mountain province, Ilocano ng mga taga rehiyon ng Ilocos, at Zambal ng mga taga
Zambales. May mga ibang grupo naman na ang gamit ay ang mga makabago at
naimbento lamang ng mga salita. Meron ding gumagamit ng pinaghalong Ingles at
Tagalog o mas kilala sa tawag na “konyo”. may ilang ding mga kabataan na gumagamit
ng jejemon at bekimon naman ang linggwahe ng mga bading.
Idagdag pa rito ang progresibo at makabagong paggamit ng internet na nagdudulot ng
paglaganap ng mga salitang naimbento ng mga gumagamit sa sosyal media. Andiyan
ang pagamot ng acronyms tulad ng HBD para sa happy birthday, LOL para sa laugh out
loud, ATM para sa at the moment at iba pa. Sadyang napakabilis at napakarami ng
pagbabago ng ating wika.
Sa larangan din ng mga propesyonal sila ay meron din sariling linggwistikong
komunidad. Ang mga doctor, abogado, enhiyenero, at iba pa ay gumagamit ng partikular
na salita ayon sa grupo ng propesyon na kanilang kinabibilangan.
Bawat indibidwal ay may natatanging uri ng wika na kung saan ay sila-sila rin
lang ang nagkakaintindihan. Naiiba rin ang uri ng linggwistikong komunidad ang gamit
ng mga tao na nasa mataas na antas ng ating sosyodad.
Sadyang napakarami na ng uri ng wika ang umusbong at ginagamit ng bawat
indibidwal sa bawat komunidad. May mga permanenteng wika may mga kusa namang
nawawala sa sirkulasyon sa pagdaan ng panahon. Magkakaiba man, ang mahalaga ay
ang dulot nitong pinagbuting pagkakaunawaan at pagkakaintindihan ng bawat tao or
grupo ng tao na gumagamit nito.
Antas ng Wika
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tiitirhan, panahon, katayuan at
okasyong dinadaluhan. Ito ay may katotohanan sapagkat pansinin natin ang pagkakaiba
ng wikang ginagamit sa loob ng paaralan at sa kalsada, sa simbahan, seminar at
palengke. Alin ba rito ang formal at di formal, ang tinatanggap at di tinatanggap, ang
maganda o hindi magandang pakinggan?
Ang wikang ginagamit sa pagsasalita at pagsulat ay mauuri sa iba;t ibang antas.
Ito ang mga sumusunod.

Pabalbal

Kolokyal

Lalawiganin
Antas ng Wika
Pambansa

Pampanitikan

Teknikal

Cybernetic

Bulgar

a) Pabalbal- Ito ay maituturing na pinakamababang antas. Tinatawag itong mga salitang


pangkalye o pangkanto o mga salitang may kabalbalan o kalokohan. Hindi dalisay ang
salitang ito. Ito ay pana-panahon kung sumusulpot at nagiging popular. Kung mabilis
ang pagsulpot nito, mabilis rin itong maglaho.
Halimbawa:
Parak (pulis) Eskapo (pagtakas) Istokwa (naglayas)
b) Kolokyal-- Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw mula sa
pormal na mga salita. Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maari
rin namang maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang
kinakausap.
Halimbawa:
lika (halika ka) ika nga (wika nga) meron ( mayroon) kelan (kailan)

c) Lalawganin ito ay salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa


lalawigan gaya ng mga Cebuano, Batanngueno, Bicolano, at iba pa na may tatak-
lalawiganin sa kanilang pagsasalita. Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang
punto o accent.
Halimbawa:

Tagalog Ilokano Cebuano Bicolano

aalis pumanaw ,olakaw mahali

kanin inapoy Kan on maluto

alikabok tapok abug alpog

paa saka tiil bitis

ibon bilit langgam gamgam

halik ungngo halok hadok

kaibigan gayyem lugala amiga

d) Pampanitikan -- Ang mga salitang ito ang ginagamit sa mga aklat, babasahin atg
sirkulasyong pangmadla. Ito rin ang wikang ginagamit sa mga paraan at sa
pamahalaan.Ayon kay pangkalinawan, et al., 2004, ginagamit din ito sa mga pook na
sentro ng kalakalan.
g kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M.A.K.
haliday- F11PT -Ic-8
Halimbawa:
aklat, ina, ama, masaya
Taglish o Enggalog - pinagsamang Tagalog at English
Bisalish - Bisaya at Ingles
Bisalog - Bisaya at Tagalog

e) Pampanitikan -- Ito ay ang pinakamayamang uri. Kadalasa’y ginagamit ang mga salita
sa ibang kahulugan. Mayaman ang antas na ito sa paggamit ng idyoma, tayutay, at iba
pang tono, tema at punto. Karaniwang ang antas na ito ang ginagamit ng mga
manunulat, dalubhasa at mananaliksik.
Halimbawa:
mabulakalak ang dila taingang kawali
di-maliparang uwak nagbukas ng dibdib
kaututang dila malarosas na pisngi
balat-sibuyas gumagapang na parang ahas

f) Teknikal -- ginagamit sa larangan ng agham at matematika.


Halimbawa:
hydraulic H2O kg.

g) Cybernetic -- ginagamit sa larangan ng teknolohiyang computer


Hlimbawa:
upload chat online
h) Bulgar -- ginagamit sa pagmumura at malalaswang mga salita
Halimbawa:
Shit! Lintik! Punyeta!

Pagtiyak sa Pag-unawa:

WW4: Tukuyin kung anong antas ng wika ang mga nakasalangguhit.


Isa si 1. erpat sa katangi-tanging taong pinangaralan, Itinanghal siyan pangunahing pulis
ng bayan, Pati ang 2. kadaupang-palad at mga kaibigan nito ay 3. masayang-masaya sa
karangalang ito. 4. Di lang ‘yan. 5. Naluluha sa galak ang kanyang mga 6. utod ang kanyang
mga kaibigan. Kaya ang ginawa ko ay 7. inupload ko ang 8. video ng aking erpat sa youtube. 9.
Lintik, maraming humanga sa kanyang ginawa. Lubos kong 10. pinabugal ang aking erpat dahil
dito.

PT4: Sumulat ng isang sanaysay na kinapalooban ng mga antas ng wika batay sa


sa iyong sariling karanasan at batay s aiyong napanayam(gumamit ng karagdagang
papel para sa talata kung kinakailangan.
ARALIN 5: Gamit ng Wika
Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyanyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng
wika sa lipunan ( Ayon kay M.A.K. halliday ( F11PT-lc-8)
Layunin: Nauunawan ang mga konsepto, elementong kultural kasaysayan, at gamit ng wika
sa lipunang Pilipino. Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at
pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng pilipinas at
Gamit ng Wika sa Lipunan
Tulad ng ating paghinga at paglalakad, kadalasan ay hindi natin napapansin ang
kahalagahan ng wika sa ating buahy marahil, dahil sa palagi na natin itong ginagamit. Ngunit
hindi maipagkakailang ang wika ay instrumento ng pagkakaunawaan, pakikiagtalastasan upang
maayos na maiparating ang ating ideya,mensahe at mithiin.
Sinumang gumagamit ng wika upang makipaglapwa ay dapat nakaalam ng wikang
ginagamit sa kanyang katalastasan. Hindi sila magkakaunawaan kung hindi nila nababatid ang
wikang ginagamit ng isa’t isa.
Tinukoy ng lingguwistang si W.P. Robinson ang mga tumgkulin ng wika sa. Aklat niyang
languuage ang social behaviour(1972). Ito ang sumusunod: (1) Pagkilala sa estado ng
damdamin at pagkatao, panlipunang pagkakilanlan, at Ugnayan;at (2)pagtukoy sa antas ng
buhay sa lipunan.
Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan, isang magandang ehemplong magpapatunay
rito ang kuwento ni Tarzan. Mga yunog ng hayok ang kanyang unang natutuhan dahil ito ang
wika ng mga kasama niyang hayop sa gubat. Ang isang batang walang ugnayan sa ibang tao
ay mahihirapang matutong magsalitadahil wala naman siyang kausap. Maging ang isang taong
bagong lipat lang saisang komunidad na may ibang wika, kung hindi ito makikipag-ugnayan sa
iba ay hindi matutuo ng ginagamit nilang wika.Kung gayun, ang isang taong hindi nakikipag-
ugnayan o nakikisalamuha sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita sa paraan kung
paano nagsasalita ang mga naninirahan sa isang Komunidad na iyon. (Dayag at del Rosario,
2016)
Marami-rami na rin ang nagtangkang I-kategoryang ang mga tungkulin ng wika batay sa
gampanin nito sa buhay, isa na rito ang si M.A.K. halliday na naglahad sa pitong tungkulin ng
wika na mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of language (Explorations
in language study) (1973)
Sadyang ang wika nga ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubbuklod sa
mga tao. Hindi matatawaran ang mahalagang gamit s alipunan.
Marami-rami na rin ang nagtangkang -kategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa
gampanin nito sa buhay. Isa na rito ang si M.A.K. halliday na naglahad sa pitong tungkulin n
wika na nababasa sa kanyang aklat na Explorationsa in the Functions of Language
(Explorations in Language Study) 1973).
Alam mo ba??
Si Michael Alexander kirkwood haliday o mas kilala sa taguri na M.A.K. haliday ay isang
bantog na iskolar mula sa inglatera ibinahagi niya sa makakarami ang kanyang pananaw na
ang wika ay isang panlipunanphenomenon. Naging malaking ambag niya sa mundo ng
lingguistiku ang popular niyang modelo ng wika, ang systemic funnctional linguistics

Ang pitong tungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K. Halliday ay ang mga sumusunod:
1. Instrumental--- Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng
tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggaawa ng liham pangalakal, liham patnugot, at
pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng
produkto ay ang mga halimbawa nito.
2. Regulatoryo- Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng
Ibang tao. Ang pagbibigay direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na
lugar. Direksiyo sa pagluluto ng isang ulam;direksiyon sa paggawa ng anmang bagay ay mga
halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
3. Interaksiyonal- Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnaya ng tao
sa kanyang ; pakikipagbiruan, pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu;
pagkukuwento ng malungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-loob,
paggawa ng liham -pangkaibigan; at iba pa.
4. Personal- Saklaw sa tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro
sa paksang pinag-uusapan. Kasamaa rin fito ang pagsulat ng taalarawan at journal, at ang
pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
5. Heuristiko- Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng
impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang pag-interbyu sa
mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksangpinag-aaralan; pakikinig sa radyo,
panonood ng telebisyon, at pagbasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan
nakakukuha layo ng nga impormasyon.
6. Impormatibo- Ito ang kabakitaran ng heuristiko. Kug ang heuristko ay pagkuha o
paghahanap ng impormasyon sa paraang pagsulat at pasalita. Ang ilang halimbawa njto ay
pagbibigay-ulat, paggawa ng panahong papel, tesis, panayam, at pagtuturo.

Pagtitiyak sa Pag-unawa
WW5: Ngayong alam mo na ang kahalagahan ng wika, bilang estudyante, kailan
mo maituturing na mali o umaabuso ang kabataang tulad mo sa paggamit ng wika. Ano-
ano ang maari mong imungkahi upang magamit nila ito ng tama. Isulat ang sagot sa
papel.
PT5: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang gamit o
tungkulin ng wika sa pahayag at bigyang-kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika
sa lipunan. Maaring higit sa isa ang gamit o tungkulin ng wika sa pahayag
1. Kumakailan ay inilabas ng Oxford English Ditionary (OED), ang pinakabagong edisyon
ng diksyiyonaryo nito naglalaman ng mga bagong salitang Ingles, bukod pa sa mga dating
terminong pinalawak ang kahulugan ayon sa nagbabagong paggamit nito. Kabilang dito
ang apatnapung (40) salita mula sa pilipinas na halaw sa ” Philippine.’ Ilan sa mga ito ay
ang presidentiable,gimmick, carnap, at salvage, gayundin ang balikbayan, despidida,
barkada, kikay, halo-halo, at KKB. Ayon sa mga ulat, ito na raw ang pinakamalaking bilang
ng mga salitang sarilig atin na sabayang kinilala ng OED mula pa noong 1928 nang isama
ng Oxford ang abaca Sa unang edisyon ng diksiyonaryo nito. Ano naman ang halaga nito
sa atin?

------Senator Pia Cayetano


Gamit o tungkulin wika: _________________________________________________
Kahulugan at Paliwanag:_________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. “Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mga mag-aaral kung hindi
mahusay na mahusay ang modelo--ang mga guro” Ito ang opinyon ni Ruth Elyna-Mabanglo
noong Agosto 2015, kongreso ng pagpaplanong pangwika.
Gamiit o tungkulin ng wika:__________________________________________________
Kahulugan at paliwanag:___________________________________________________

3. Nagbigay ng lubos na suporta si dating pangulong corazon aquino sa paggamit ng


Filipino sa pamamagitan ng atas tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1998.Ito ay “nag-aatas sa
lahat mga kagawanran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instumentalliti ng pamahalaan na
magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal ng
mga transaksiyon.
Gamit o tungkulin ng wika:________________________________________________
Kahulugan at paliwanag_______________________________________________________
ARALIN 6: Tungkulin ng Wika
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa
pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa.( F11PS-Id-87)
Layunin: Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa binuong islogan

Alam Mo Ba?
Si Roman Jakobson ay isa sa mga pinakamagaling na dalubwika ng Ikadalawampung
siglo. Isa siay sa mga nagtatag ng Linguistics Circle of New York. Ang kanyang bantog na
functions Of language ang kanyang naging ambag Sa larangan ng semiotics. Ang semiotics ay
ang pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo at kung paano ito gamitin.

Ang wika ay may gamit at tungkulin. May tungkulin itong matugunan ang mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-usap sa iba. Nagagawa ng wika na magsilbing
instrumento sa mga tao upang maisagawa o maisakatuparan ang anumang naisin.
Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng
wika.
1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive)----Saklaw nito ang pagpapahayag
ng mga saloobin, damdamin, at emosyon.
2. Panghihikayat (conative)-----Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok
at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic)----Ginagamit ang wika
upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)----Ipinakikita nito ang gamit
ng wikang nagmula sa aklat at iba ang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kuro-kuro (metalingual)----Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (poetic)----Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa sanaysay, at iba pa.

Matapos unawain ang iba’t-ibang tungkulin ng wika ayon sa dalawang dalubhasa,


maiiba na ang pananaw natin sa wika. Hindi na natin ito titingnan bilang isang normal na bagay
na ginagamit sa araw-araw kundi isang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan.

Mga Paraan ng Pagbabahagi ng wika

Pagpapahayag ng Panghihikayat (conative) Pagsisimula ng pakikipag-


ugnayan (phatic)
Dadamin (emotive) Gusto mong hikayatin ang
Isang bagong lipat na kamag-
May isang taong matagal mo mga producer at direktorng
anak ang nakita mong nag-
nang lihim na minamahal pelikulang Pilipino upang
iisa at wala pang kaibigan.
subalit hindi mo masabi sa bumuo ng matitino at
Lumapit ka at magsimula ng
kanaya ang damdamin mo. mahuhusay na pelikula tulad
usapan para mapalagay ang
Ilahad sa ibaba ang sasabihin ng Heneral Luna sapagkat
loob niya.
mo sa kanya kung sakaling sawang-sawa ka na sa mga
magkaroon ka na ng lakas ng paksang paulit-ulit na
loob na ipahayag ito. tinatalakay sa pinilakang
tabing. Paano mo sila
hihikayatin?

Paggamit bilang Paggamit ng kuro-kuo Patalinghaga (poetic)


sanggunian (referential) (metalingual)
Muling isipin ang taong
Lagi mong sinasabi sa Ang buwis ng binabayaran matagal mo ng lihim na
minamahal. Lumikha ka
Kapatid mong tigilan na Sa Pilipinas ay pinakamataas
ngayon ng pagpapahayag ng
sa buong Asya subalit hindi
niya ang labis na pagkain iyong damdamin para sa
nararamdaman ng karamihan
kanya sa patalinghagang
Sa fastfood dahil hindi ito ang serbisyong ibinabalik sa
paraan.Maaaring isang
taumbayan kapalit ng mataas
Makabubuti sa kalusugan. maikling tula ang ialay mo
na buwis na ito. Magpahayag
para sa kanya.
Ngayon ay gumamit ka ng ka ng iyong kuro-kuro
sanggunian para makita kaugnay ng usaping ito.
niyang hindi mo lang opinyon
ang sinasabi mo sa kanya
kundi may sangguiang
magpapatunay rito.

Pagtitiyak sa Pag-unawa:
WW6: Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang pagpapapakahulugan ni M.A.K .Halliday at
Jacobson sa gamit ng wika?
PT 6: Gumawa ng sang blog o video nagpapakita ng isa sa mga gamit ng wika na binigyang
kahulugan ni Jacobson.
Gamit at tungkulin ng Wika
1. Paggamit bilang sanggunian (referential)
Ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang sangguian o batayan ng
pinagmulan ng kaalam. Madalas itong naririnig sa mga taong nagbibigay
Halimbawa:
According to Plato, we don’t learn anything. Our soul has lived to many lives that we
know everything. Teacher and education can only remind us of what we already know.
2. Pagbibigay ng kuro-kuro (metalinggwal )
Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o
batas.
.Itinadhana nang walang pasubali sa Batas ng Komomwelt Blg. 184 ang pagkakatatag
ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay komisyon ng Wikang Filipino. Kung gayon ano
na ang mga makabuluhang nagawa ng komisyon kaugnay sa pagpapalaganap at
pagpapaunlad ng wikang Filipino?
3. Patalinhaga (poetic)
Ginagamit ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa,
sanaysay, at iba pa. (Larawan ng nanay na hawak ang kamay ng anak papuntang paaralan.)

KAPIT!!!

Ni : Mike Angelo Banogon

Sa gaspang ng ‘yong kamay,

Kapit ko ay matibay,

Ihatid mo inay,

Sa landas ng tagumpay
Tandaan Mo
Ang wika ay may gamit at tungkulin. Ito’y nagsisilbing intrumento upang
makamit ang ating mga mithiin. Ngunit laging tandaan na sa bawat wikang ating
gagamitin ay may kaakibat na responsilbilidad. Ingatan at suriink ang bawat
wiak/salita na ating sasambitin.
Upang lalo pang maragdagan ang iyong kaalam kaugnay
dito palawakin moa ng iyong natutunan sa pamamagitan ng
Pagtunghay sa mga piling halimbawa ng gamit ng wikang
referential, metalingualat poetic

1. Paggamit bilang sanggunian (referential)


Ayon kay Henry Allan Gleason,Jr - ang wika ay
masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at
isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit
ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

Ayon sa Cambridge Dictionary - isang sistema ng


Komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita at
gramatika na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng
Mga mamamayan sa isang bayan o iba’t-ibang uri

2. Pagbibigay ng kuro-kuro (metalinggwal)

EDITORYAL - Magkaisa at idepensa ang sariling pag-aari


Update May 18, 2012 - 12:00am, Pilipino Star Ngayonn
NGAYON nararapat ipakita ng mamamayan ang pagkakaisa
laban sa ginagawa ng China na pag-angkin sa teritoryo na hindi
naman sa kanila. Nararapat tumindig ang lahat at ipamalas sa
China na buo at nagkakaisa ang mga Pilipino para idenpensa ang
Panatag Shoal o Searborough Shoal.

3. Patalinhaga (poetic)
Pag-ibig ko’y dalisay
Alay sayo’y buong buhay
Tanging ikaw hanggang sa himlay

Gawain 5: Natutunan mo..Ibahagi mo….


Panuto: Magbigay ng sarili mong halimbawa para sa mga tungkulin ng wika ayon kay M.A.K.
Haliday.
Tungkulin ng Wika ayon kay M.A.K. Haliday

Instrumental Regulatoryo Interaksiyonal

Personal Heuristiko Impormatibo

Inihanda ni
Bb. Melody Grace M. Patriarca

You might also like