You are on page 1of 25

Iba’t ibang

Varayti ng Wika
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Natutukoy ang iba’t ibang barayti ng wika na ginagamit sa
iba’t ibang sitwasyon sa pamamagitan ng pagtatala ng
termino.
2. Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang barayti ng wika sa
maayos na pakikipagkomunikasyon.
3. Nasasagutan nang may pag-unawa ang mga gawaing
inihanda ng guro.
• Sa paglaon ng pagtalakay sa modyul na ito, ipakikita
ang mga paliwanag sa bawat barayti at kung paano
ito makatutulong sa debelopment ng isang wika.
Partikular din sa pag-aaral na ito ang maipakita ang
iba’t ibang barayti ng wikang Filipino gayundin ang
lawak ng gamit nito bilang pambansang wika at
tugon na rin sa estandardisasyon at
intelektwalisasyon nito.
IBA’T IBANG BARAYTI NG WIKA
• Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga lingguwista, ang
barayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging
katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang
sosyo-sitwasyonal. Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika
na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring ang pagkakaiba
ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita. Nagbigay si John
Cafford (1965), sa kanyang aklat na A Linguistic Theory of
Transaction ng dalawang uri ng barayti ng wika.
A. Permanente para sa mga tagapagsalita o
tagabasa
Nabibilang dito ang sumusunod:
1. Diyalekto. Nakikita ito kaugnay ng pinaggagalingang lugar ng
tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong
dimension: lugar, panahon at katayuang sosyal.
Halimbawa: Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-
Laguna
Panahon : Lumang Filipino, Makabagong Filipino
Katayuang Sosyal: Kinabibilangang antas sa lipunan
Sa loob ng iisang wika ay maaaring magkaroon ng mga barayti

• Gaya ng TAGALOG na maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba ng


bersiyon depende sa pook na tinitirhan
2. Idyolek. Ang idyolek ay isang barayti kaugnay ng
personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang
ginagamit ng partikular na indibidwal. Tanda ng idyolek
ang madalas na paggamit ng partikular na bokabularyo.
Maaaring magbago ang idyolek sa paglipas ng panahon.
Sanhi nito ang adapsiyon ng bagong pagbaybay at
natututuhang mga bokabularyo. Gayunman, ayon pa rink
ay Catford, maituturing namang permanente nang
matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na
gulang.
B. Pansamantala dahil nagbabago kung may
pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.
Mabibilang dito ang sumusunod:
• Ang register ay barayting kaugnay ng panlipunang papel na
ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
Halimbawa: Siyentipikong register, panrelihiyong register,
pang-akademikong register at iba pang larangan.
• Ang estilo ay ang barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita
sa kausap. Ang estilo ay maaaring pormal, kolokyal o personal.
Maibibilang dito ang antas o lebel ng wika.
Suriin ang sumusunod kung sino ang nagsasalita at tungkol saan
ang paksa;

1. Paano po iyong gusto nilang pagka-grill ng


steak: rare, medium rare o well-done?
2. Subukin naman natin itong key of F.
3. Sumainyo ang Panginoon.
4. Ang coverage ng exam ay iyong huling lecture
na tinalakay.
Suriin ang sumusunod kung pormal o impormal;

• 1. So, ako na naman ang may


kasalanan? ‘pag successful ang project,
ikaw ang nag-isip, ikaw ang mas nag-
eeffort. ‘Pag palpak, dahil sa akin? Lagi
namang ganiyan e.
• Inaasahan ko po na anumang mapapag-
usapan natin sa deliberasyon na ito ay
sa atin lang at hindi makalalabas sa
silid na ito, kung hindi, maaaring
maharap sa kasong administratibo ang
mapapatunayang nagkasala.
• Ang mode ay ang barayting kaugnay sa gagamiting
midyum sa pagpapahayag kung ito’y pasalita o pasulat.
Sa papel ni Nilo Ocampo (2012) na “Mga Barayti ng
Wika”, naging paksa ng kanyang pagtalakay ang salin at/o
halaw sa aklat ni George Yule (2010) na The Study of
Language. Dito, binigyang-diin na ang pagkakaiba-iba ng
wika ay napakahalaga at kinikilalang bahagi ng pang-araw-
araw na paggamit ng wika sa iba’t ibang komunidad na
rehiyonal at panlipunan.
Rehiyonal
Ipinaliliwanag dito ang papel ng mga aspektong
rehiyonal (lugar at Espasyo o kapaligiran ng wika)
sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wikang
ginagamit at kung papaano ito sinasalita.
• Istandard na wika. Itinuturing itong wastong
uri at gamit ng wika- bumubuo sa batayan ng
varayting nakalimbag at wikang panturo.
• Punto/Aksent at Diyalekto. Bawat gumagamit ng wika ay
may punto o aksent ng pagbigkas na nagpapakilala sa
pinaggalingang rehiyon ng nagsasalita. Ang diyalekto
naman ay naglalarawan sa mga sangkap ng grammar at
bokabularyo, gayundin ng aspekto ng pagbigkas.
• Diyalektolohiya. Pag-aaral ng diyalekto; pagkilala ng
dalawang magkaibang diyalekto sa: (1) magkatulad na wika
(kung saan ang mga tagpagasalita ay nagkakaunawaan), at
(2) dalawang magkaibang wika ( kung saan ang mga
tagapagsalita ay hindi nagkakaunawaan sa isa’t isa ).
Mga Diyalektong Rehiyonal. Ito ay naglalarawan sa mga
identipikasyon ng mga konsistent na katangian ng
pananalitang matatagpuan sa isang heograpikong lugar.
Isogloss at Diyalektong Hanggahan. Ang isogloss
tumutukoy sa linya sa isang mapa na kumakatawan sa
pagitan ng mga lugar tungkol sa isang partikular na salita
(Lingguwistikong aytem).
Ang diyalektong hanggahan ay tumutukoy sa kaibahan ng
pananalita sa iba’t ibang lugar kung saan makikita ang
pagkakaiba-iba ng gamit ng mga salita.
• Mga Pidgin at Creole. Ang pidgin ay isang
barayti ng isang wika na napaunlad sa
kadahilanang praktikal, tulad ng mga
pangangalakal, sa mga pangkat ng taong hindi
alam ang wika ng iba pa. Kaya, sinasabing wala
itong katutubong ispiker. Maaaring mga parirala
mula sa ibang wika ang pinaggalingan ng
maraming salita sa pidgin.
• Nagiging creole naman ang isang wika kung ang
pidgin ay nadebelop lagpas sa tungkulin nito bilang
wika ng pangangalakal at naging unang wika ng isang
pamayanang panlipunan. Di tulad ng pidgin, may mga
sinusunod na ritong alituntuning panggramatiko.
• Halimbawa: Nagsimula bilang pidgin ang
Zamboanueno, Chavacano na kinalaunan ay naging
creole dahil may nabuo ito sariling gramatika.
(Semorian, 2012)
Panlipunan- Wika, Lipunan, at Kultura
• Ipinapaliwanag dito na hindi dahil magkatulad ang
kinalakhang lipunan ng dalawang tao ay parehong-
pareho na rin sila ng gamit ng wika. Samakatuwid,
nagkakaroon pa rin ng pagkakaiba-iba ang gamit ng
wika batay sa pansarili niyang kultura at mula rito ay
nadedebelop ang posibleng barayting pangwika.
MGA PANLIPUNANG DIYALEKTO. Sinusukat
naman ang barayti ng wika batay sa panlipunang
sektor ng uri, edukasyon, trabaho, edad, kasarian at
iba pang panglipunang sukatan.
• Edukasyon, Okupasyon, Uring Panlipunan.
Tumutukoy ito sa sosyal na aspekto ng isang
nagsasalita ng wika batay sa paraan ng kanyang
edukasyong nakamit at trabaho o propesyong
kinabibilangan.
• Edad at Kasarian. Nakadaragdag kulay rin ang edad at
kasarian sa pagpapalawak ng barayti ng isang wika.
Ipinaliliwanag na kahit na maraming tao ang kabilang sa isang
pangkat panlipunan, nag-iiba pa rin ang gamit ng mga salita
batay sa edad ng tao at kasarian. Halimbawa na lamang nito
ang pagkakaiba ng gamit ng salita ng mga bata kumpara sa
matatanda.
• Etnikong kaligiran. Sa pagpapaunlad ng barayti ng wika,
malaki ang kontribusyon ng mga bagong lipat na tao sa isang
lugar. Dahil sa pagkakaroon ng magkaibang etnikong kaligiran,
nagkakaroon din ng paglalahok o pagsasama ng magkaibang
• Halimbawa: Ang pagdaragdag ng mga salita
mula sa ibang mga wika sa Pilipinas tungo sa
wikang Filipino, tulad ng pagpasok ng
salitang Cebuano na kawatan sa wikang
Filipino.

You might also like