You are on page 1of 2

REAKSYON PAPER

ANGELICA S. ADVIENTO
EMELY T. ROMERO

Ang wika ay nagbabago habang lumilipas din ang panahon. Bagama't ito ay maihihintulad din sa

mga nilalang na nabubuhay, nag-iiba man ngunit isa lamang ang pinagmulan. Ito rin ang sumasalamin sa

ating pagkatao at ang wika, sa ibang banda ay ang paraan upang maipahayag natin ang mga saloobin,

panininindigan at pagpapahayag ng ating pagiging malikhain at dahil dito, nagkakaintindihan tayo ng ating

mga pananaw, ideya, opinyon, tuntunin, at impormasyon mapa-salita man o mapa-sulat.

Ang wika ay naging isang napakahalagang instrumento para sa pakikipag-komunikasyon natin mula

pa noong unang mga panahon. Sa loob ng mga taon, ang wikang Filipino ay patuloy na umunlad sa

pagbabago sa lipunan at teknolohiya.

Isa sa mga aspeto ng wikang ito na patuloy na nagbabago ay ang sintaksis o pagkakabuo ng mga

pangungusap. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng kasaysayan ng wika, maaaring maunawaan ang mga

pagbabagong ito at ang kanilang implikasyon sa kasalukuyang lipunan.

Noong unang panahon, ang sintaksis ng Filipino ay nagpapakita ng mga tradisyunal at estruktura at

panuntunan. Ang mga pangungusap ay karaniwang binubuo ng simuno, panaguri. Ngunit sa paglipas ng

panahon, kasabay ng pag-unlad ng lipunan at pagbabago ng mga kultura, naging maluwag at malikhain ang

paggamit ng sintaksis. Ang dating rigid na patakaran ay Nawala, at mas naging Malaya ang paggamit ng

mga salita at estruktura sa pagbuo ng pangungusap.

Isa sa mga salik sa pagbabagong ito ay ang impluwensiya ng ibat-ibang kultura at wika. Sa

pamamagitan ng mga ugnayang panlabas at migrasyon ng mga salita at konsepto mula sa ibat-ibang wika,

dahil ditto mas naging mapagkawanggawa ang sintaksis ng Filipino.

Ang paglaganap ng teknolohiya, patikular ang internet at social media, ay isa pang pangunahing

salik sa pagbabago ng sintaksis. Sa pamamagitan ng mga ito, mas naging popular ang mga pinaikling salita

at mga bagong paraan ng pagpapahayag. Ang mga tradisyunal na pagsasalita at pagsulat ay unti-unting

napalitan ng mas moderno at mas kakaibang estruktura.


Sa kabuuan, ang pagbabago sa sintaksis ng wikang Filipino ay patuloy na proseso na nagpapakita ng

pag-unlad at pagbabago sa lipunan. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, mahalaga pa rin na maalagaan at

pangalagaan ang kagandahan at kahalagahan ng wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng ating

identidad at kkultura.

Ang pag-unawa sa pagbabagong ito sa atin ng mas malalim nap ag-unawa sa ating sarili at sa ating

kapaligiran.

You might also like