Ilarawan ang bawat larawan na iyong makikita. Ang bola ay bilog. Mapait ang bunga ng ampalaya. Napakalaki ng bahay. Ang gumamela ay kulay pula. Masarap ang lechon. Pang-Uri Ang pang-uri ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip. Naglalarawan ito batay sa kung ano ang katangian, kulay, laki, o sukat ng tao, bagay, hayop, pook o lugar at pangyayari. Ang Pang-uri ay maaaring maglalarawan sa: Katangian
Mabait sa kanyang mga kapatid si
Alex.
Magalang si Marvin sa lahat ng tao.
Ang Pang-uri ay maaaring maglalarawan sa: Kulay
Nakapulot ako ng pulang aklat sa
kanto.
Ang puting aso ay nasa kalsada.
Ang Pang-uri ay maaaring maglalarawan sa: Amoy
Mabango ang bulaklak sa simbahan.
Mabaho si Carl dahil hindi pa siya
naliligo. Ang Pang-uri ay maaaring maglalarawan sa: Sukat
Galit na nakatingin ang matabang
pusa.
Mayroon kaming malawak na
taniman. Ang Pang-uri ay maaaring maglalarawan sa: Bilang o Dami
Mayroon kaming limang inahing
manok.
Bumili si ate ng maraming kendi sa
tindahan. Ang Pang-uri ay maaaring maglalarawan sa: Lasa