You are on page 1of 11

MTB 2

Si Lina Polega ay mag-aaral na


nasa ikalawang baitang. Nagkasakit
siya kaya hindi siya nakakapasok.
Gumawa ang nanay ni Lina ng
isang liham para sa kaniyang guro.
Naririto ang nilalaman ng liham.
Nobyembre 28, 2013

Mahal na G. Villenes,

Ipagpaumanhin mo po ang hindi pagpasok sa klase ng aking anak na


si Lina dahil siya po ay may sakit. Inaasahan ko po ang iyong pang-
unawa ukol sa bagay na ito.

Gumagalang,
Gng. Polega
Sa pagbuo ng isang liham:
1. Nakasulat ang dahilan ng liham.
2. Nakalagay kung kelan ginawa ang liham.
3. Nakalagay din kung para kanino ang liham
4. Nakapasok ang unang pangungusap sa talata
5. Nagsisimula sa malaking letra ang bawat pangungusap at
nagtatapos sa wastong bantas.
6. Nakalagda kung sino ang gumawa ng liham.
Bahagi ng Liham
Pamuhatan
Dito makikita kung
kailan ginawa ang
liham.
Bating Panimula
Dito makikita kung
para kanino ang
liham.
Katawan ng Liham
Dito nakalagay ang
dahilan o nilalaman
ng liham.
Bating Pangwakas
Ito ang pinakahuling
bati ng sumulat.
Nagtatapos ito sa

kuwit (,).
Lagda
Dito nakalagay ang
pangalan kung kanino
galing ang liham.

You might also like