You are on page 1of 4

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 5

I. Mga Layunin:
Sa pamamagitan ng liham, ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang na may 75% na kasanayan
ay inaasahang:

a. natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng liham;


b. nasasabi ang kahalagahan ng pagsulat ng liham sa harap ng klase; at
c. nakasusulat ng liham.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Mga Bahagi ng Liham
Mga Sanggunian: Pinagyamang Pluma 5 pp. 426-431
Kagamitan: liham, visual aids, mailbox
Pagpapahalaga: Ang komunikasyon ng bawat isa ay napakahalaga sapagkat naipapalabas natin
ang ating saloobin sa kapwa. Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pagkakaroon ng matibay na
relasyon sa isa’t isa.

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
“Tayo ay manalangin.” (Isang estudyante tatayo sa harapan upang
pangungunahan ng pambungad na panalangin.)
2. Pagbati
“Magandang umaga mga bata." “Magandang umaga rin po.”

3. Pagkuha ng liban
“Mayroon bang hindi pumasok ngayong (Ang mga bata ay iuulat kung mayroon bang
arw?” lumiban sa klase.)

B. Paglinang na Gawain
 Pagganyak
“ Bago nagkaroon ng telepono, “Sila ay nagkakausap at nakakapagpalitan ng
cellphone, facebook at mga iba pang mensahe sa pamamagitan ng liham.”
teknolohiya sa pakikipag-komunikasyon,
paano kaya nagkakausap ang mga tao na
nasa magkaibang lugar o ibayo?”

(Atasan ang mga mag-aaral na gumawa ng (Ang mga bata ay inaasahang gagawen ng
isang maikling mensahe sa isang maliit na mabilis ang nasabing paunang gawain.)
papel kasama ang petsa ngayong araw,
lugar kung saan ito isinulat at kung para
kanino ang mensahe.Pagtapos ay ilagay ito
sa loob ng isang mail box na makikita sa
harapan ng klase. Ito ay inaasahang tatagal
lamang sa loob ng limang minuto.)

1. Pagsusuri
“Kanina binanggit ninyo ang tungkol sa “Isang liham”
liham, ang maikling mensahe na inilagay ninyo sa
loob ng mail box ay halimbawa ng isang?

(Ang guro ay magpapaskil ng malaking visual ng (Ang mga mag-aaral ay mananatiling nakatuon
isang halimbawa ng liham, ito ay kakikitaan ng ang atensyon sa ginagawa ng guro.)
lahat ng bahagi ng isang liham.)

“Ang isang liham ay naglalaman ng iba’t-ibang


bahagi na may kanya-kanyang gamit.”

“Ano ang makikita sa kanang itaas na bahagi ng “Phase 8 Bagong Silang Caloocan City
liham, maari mo bang basahin?” Nobyembre 23, 2016”

“Ano kaya ang halaga o gamit nito?” “Iyan ay ginagamit upang matukoy kung saan
lugar nanggaling ang liham at kung kalian ito
isinulat.”

“Ano naman ang makikita sa kaliwang bahagi ng “Mahal kong Sally.”


liham? Basahin ang nakikita sa liham.”

“Ano ang bantas na makikita sa hulihan nito?” “Kuwit”

“Ano kaya ang gamit o halaga nito?” “Ito ay nagpapakita ng paggalang sa taong
ginawan ng liham, at tanda na ang taong ginawan
ng liham ay isang taong mahalaga.”

“Ano naman matatagpuan sa gitnang bahagi ng (Ang mga magaaral ay inaasahang babasahin ng
liham na ito, maaari ba ninyong basahin lahat ng sabay sabay ang katawan ng liham.)
sabay sabay at maayos?”

“Ano ang nilalaman nito?” “Nilalaman nito ang mensahe na nais iparating ng
taong sumulat.”
“Ano naman ang matatagpuan sa ibabang kanang “Ang iyong kaibigan”
bahagi ng liham na ito? Basahin muli.

“Anong bantas ang makikita sa hulihan ng nito? “Kuwit”

“Ano kaya sa tingin ninyo gamit o halaga nito?” “Ito ay mahalaga sapagkat nagsasaad ito ng
pamamaalam na may paggalang at ibig sabihin ay
tapos na ang mensahe.”

“Ano ang makikita sa ibaba ng bating pangwakas? “Sa ibaba ng bating pangwakas ay mayroong
Ano ang mapapansin?” pangalan o palayaw ng taong sumulat ng liham.

2. Paglalahat
 Anu-ano ulit ang mga iba’t-ibang bahagi (Ang mga magaaral ay muling iisa-isahin ang
ng liham at mga gamit nito? bawat bahagi ng liham at ang mga gamit nito.)
 Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng isang
liham? (Ang mga bata ay inaasahang magbibigay ng
 Bakit mahalaga na isaalang-alang ang magkakaibang kasagutan sa tanong.)
iba’t-ibang bahagi sa pagsulat ng isang
liham?

3. Pagsasanay
(Pangkatang gawain)
Panuto: Hatiin sa dalawang grupo ang klase para sa pangkatang gawain. Hayaan ang mga magaaral na
magtulungan na gumawa ng isang liham sa isang buong kartolina gamit ang mga linya at numero na
nakasaad sa mga kartolina na ibibigay ng guro sa pagsisimula ng gawain.

1. ___________
___________
___________

2.________________,

3.___________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________.

4.______________,
5.___________
IV. Pagtataya
Isulat ang hinihinge sa bawat bilang. Tukuyin kung anong bahagi ng liham ang tinutukoy sa bawat
bilang.

___________________1. Sa bahaging ito isinusulat ang pangalan o palayaw ng sumulat sa ilalim ng


bating pangwakas.

___________________2. Dito isinusulat ang dahilan ng pagliham. Ito ang mismong mensahe na nais
iparating sa taong pinadalhan ng sulat.

___________________3. Ito ay nagsasaad ng pagbati sa sinusulatan. Inilalagay ang kuwit sa hulihan


ng pangalan at isinusulat ito sa kaliwang bahagi ng papel pagkatapos ng pamuhatan.

___________________4. Ito ay nagsasaad ng pinanggalingan ng sulat, tirahan at petsa ng


pagkakasulat.

___________________5. Maikli at magalang na pamamaalam pagkatapos ng katawan ng liham at


isinusulat sa katapat ng pamuhatan. Ito ay nilalagyan ng kuwit sa hulihan.

V. Takdang aralin
Magsiyasat hinggil sa iba’t – ibang uri ng liham at isulat sa kwaderno.

Inihanda ni:
G. Mellow Jay M. Masipequiña

You might also like