You are on page 1of 20

Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan.

Mahilig ba kayo magbasa ng ibat-ibang teksto?


Paano ang tamang paraan ng pagbibigay ng angkop na pamagat?

Tuklasin Mo
Narito ang ilang salita mula sa maikling kuwentong babasahin sa iyo ng guro. Sabihin ang
kahulugan ng bawat isa gamit ang inihandang Gawain. Gawin ito sa kuwaderno.
1. panglunas
2. pamalit

Isulat ang mga gabay na salita na makikita sa


diksiyonaryo para sa salitang lilinangin.
Isulat kung anong bahagi ito ng salita.
Isulat kung anong kahulugan nito.
Sumulat ng isang pangungusap gamit ang
salitang ito.
Magbigay ng isang salitang kasingkahulugan
ito.

Basahin Mo
Makinig mabuti. Tingnan kung ano kaya ang angkop na pamagat sa maikling teksto na inyong
maririnig? Alamin kung ano ang nakapaloob sa pamagat ng teksto?

Noong araw, ang asin ay ginagamit na pamalit ng mga bagay na hindi mabili
ng pera. Inilalagay din ang asin sa pagkain. Ang Isda at karne ay tumatagal kung
inaasinan. Ginagawa rin itong pang ulam ng iba. Ang asin din ay ginagamit na
pampaputi at panglinis ng mga ngipin. Ang asin ay nagbibigay din ng lasa sa mga
pagkain. Ang asin din ay ginagamit din panglunas ng mga sakit at sugat. Ginagamit ng
tao ang asin sa iba’t-ibang paraan.
Pagyamanin Mo
Panuto: Makinig ng mabuti sa kuwento/teksto. Isulat ang titik ng angkop na pamagat sa
kuwento/tekstong narinig.

Si Maricar at ang kanyang ina ay nasa palengke.

Maricar: Inay, sobra po ng siyam na piso ang sukli ng ale.

Aling Aida: Oo nga, ano?


Naku! Aling tindera, sobra ang ibinigay mong sukli.
Isauli mo nga, Maricar.

Maricar: Opo Inay.


Ale, ito na po ang inyong sobrang sukli.

Aling Tindera: Sa iyo na yan, Ineng. Iyan ay para sa mga batang matapat katulad mo.

A. Gantimpala para sa Katapatan


B. Si Maricar at ang Tindera
C. Ang Maling pagsukli ng tinder.

Isaisip Mo

Patnubayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahad.


Tanong: Anu-ano ang mga mahahalagang dapat tandaan sa pagbibigay ng angkop na pamagat?
Ano ang napapaloob sa pamagat?
Dapat tandaan na mahalaga ang pamagat sa anumang uri ng katha. Dito napapaloob
ang diwang ipinahihiwatig o kaisipang ipinahahayag ng babasahin.

Isapuso Mo

Panuto: Ibigay ang angkop na pamagat ng sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat Mo
A. Sumulat ng isang maikling teksto at bigyan ito ng angkop na pamagat.

B. Panuto: Narito ang mga piling sulyap sa buhay ng ilan sa ating mga bayani. Isulat sa patlang
ang angkop na pamagat ng bawat isa.
Nakapagbibigay ng Panuto.

Paano mo naipakikita ang paggalang sa inyong magulang?


Sinusunod mo ba ng maayos ang mga inuutos o panuto na kanilang ibinibigay sa iyo?
Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa panuto?

Tuklasin Mo
Ibigay ang mga panuto sa paggawa ng ​dalandan juice.​ Gawin ito sa inyong Kuwaderno.

Basahin Mo
Kumuha ng isang buong papel, pakinggan at gawin ang panuto na sasabihin ng guro.

Pagyamanin Mo
Panuto: Sa isang buong papel, iguhit ang direksyon magmula sa inyong tahanan patungo sa
ating paaralan. Gamitin ang wastong pamamaraan sa pagbibigay ng panuto.

Isaisip Mo
Patnubayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahad.
Ano ang panuto? Bakit mahalaga na sumunod sa panuto? Ilan uri ang panuto?
Ang Panuto ay tagubilin sa pagsasagawa ng inuutos na Gawain. Ang panuto ay maaaring
pabigkas o nakasulat ang mga panuto. Mahalaga na marunong magbigay ng panuto upang
makatulong sa maayos, mabilis, at wastong pagsasagawa ng Gawain.

Isapuso Mo
Kuhanin ang inyong kuwaderno. Gawin ang ipinagagawa ng guro.
Ibigay ang mga panuto sa tamang paglalaba ng damit.

Isulat Mo
Sa tulong at gabay ng inyong guro, gawin at sagutin ang Gawain.
Panuto: Pumili ng isang laro, isulat at ibigay ang mga tamang panuto sa paglalaro nito.

Nagagamit ang ibat-ibang uri ng Panghalip sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan​.

Nakapagbahagi ka na ba sa iyong mga kaklase at kaibigan ng sarili mong karanasan?


Ano-anu ang ibat-ibang uri ng panghalip?
Paano ginagamit ang panghalip na Pananong?

Tuklasin Mo
Isulat at gawin sa inyong kuwaderno.
Naranasan mo na bang hindi maintindihan ng ibang Tagalog ang salita? Paano mo sila
kinausap ng una? Ikwento ang iyong karanasan.
Basahin Mo
Basahin mabuti. Sagutin ang mga sumunod na tanong batay sa isang usapan na “Ama ng
Balarilang Wikang Pambansa”.
Sagutin: Ano ang kanilang takdang aralin? . Sino si Lope K. Santos? Ano ang Surian ng
Wikang Pambansa? Anong masasabi mo kay Lope K. Santos? Kaya mo ba siyang tularan?
Paano?
“Ama ng Balarilang Wikang Pambansa”

Marvin:​ Hello, magandang umaga po, Pwede po bang makausap si Christian?


Christian:​ Magandang umaga naman. Ako na nga si Christian.
Ikaw ba si Marvin?
Marvin:​ Oo, ako nga. Natapos mo nab a an gating takdang aralin?
Christian:​ Iyon bang talambuhay ni Lope K. Santos? Oo, natapos ko na. Handa ka
na ba? Ididikta ko na sa iyo.
Marvin:​ Sandali lang, kukuha lang ako ng bolpen at kwaderno. O sige, handa na
ako. Ano ang sagot sa tanong na “bakit tinawag na Ama ng Balarilang Pambansa si
Lope K. Santos?”
Christian:​ Noong si Manuel Quezon ang pangulo ng Pilipinas,napili ang tagalong
bilang batayan ng wikang pambansa. Ipinag-utos na Pangulong Quezon sa surian ng
Wikang Pambansa na gumawa ng Balarila para mataas na paaralan. Si G. Lope K.
Santos ang naatasang sumulat ng Balarila ng Wikang Pambansa. Ang aklat ang
nagging batayan ng mga araling panggramatika.
Marvin:​ Ang galling pala niya!
Christian:​ Aba, oo. Hindi lamang siya manunulat kundi makata pa. Marami siyang
nasulat na nobela at mga tula. Naging guro rin, gobernador at naging senador pa
siya.
Marvin:​ Naku, ang galling mong magsaliksik! Ang dami mong alam tungkol sa
kanya.
Christian:​ Nabasa ko lang sa aklat ng aking ate ang talambuhay niya.
Marvin:​ O, sige, maraming salamat sa tulong mo. Narito si amie sa amin at
mag-aaral na kami.
Christian:​ O, hala, magkita na lamang tayo bukas sa paaralan.
Marvin:​ Sige, babay.
Christian:​ Babay.

Pagyamanin Mo

Panuto: Punan ng mga wastong Panghalip na Pananong ang isang usapan/ dayalog.

Sa paaralan. Nawawala ang libro ni Anna.

Lea: Anna, _____ ang iyong hinahanap?


Anna: hinahanap ko ang aking libro. Nakita mo ba?
Lea: Naku, Anna hindi..
Anna: e ______ kaya ang nakakita ng aking libro?
Lea: Hindi ko din alam. Halika at ipagtanong natin.
______ nga pala ang kulay ng iyong libro?
Isaisip Mo
Ano ang panghalip na pananong? Saan ito ginagamit? Anu-ano ang mga halimbawa ng
panghalip na pananong?
Ang Panghalip na Pananong ay ang mga salitang ginagamit sa pagtatanong. Ang mga
halimbawa nito ay : -Ano, Anu-ano, sino, sino-sino, nino, alin, alin-alin, kanino at nino..

Isapuso Mo

Panuto: Bilugan ang angkop na Panghalip na Pananong.

Isulat Mo

Panuto: Gumawa at sumulat ng isang maikling usapan na ginagamitan ng iba’t-ibang


halimbawa ng Panghalip na Pananong. (Ano, Anu-ano, sino, sino-sino, nino, alin, alin-alin, kanino
at nino)
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- pamilyar sa pamamagitan ng
kasalungat.

Gaano kalaki ang pananampalataya mo sa ating Panginoon?


Paano mo mapapalawak ang talasalitaan?

Tuklasin Mo
Panuto: Magbigay ng sampung (10) salita at ibigay ang kasingkahulugan nito.

Basahin Mo

Basahin mabuti ang isang usapan. Magtalakayan sa tulong ng mga patnubay na tanong na:
Sino ang nagkasakit? Anong solusyon ang naisip ni Mang Isko? Ano ang masasabi mong
katangian? Magkano niya ipinagbili ang kalabaw? Bakit mura? Makatuwiran bas a bumili ang
ginawa niya? Pangatuwiranan?

“ Ang Pangako ni Isko”

Ang mga Pilipino ay likas na maka-Diyos. Matibay ang kanilang pananalig sa


pag-ibig at pagkamaunawain ng Poong Maykapal at Mahal ng Birhen. Ang pagiging
Kristiyano ang isa sa ipinmana sa atin ng mga Espanyol. Ang isang halimbawa nito
ang mga kuwentong baying ang “ Ang Pangako ni Isko”.

Tagapagsalaysay: Sina Sinang at Isko ay ulirang mag-asawa. Isang araw,


nagkasakit si Sinang. Tumawag agad ng doctor si Isko.
Doktor: Kailangan madala agad sa ospital ang maysakit.
Tagapagsalaysay: Dinala naman agad ni Isko ang asawa sa ospital.
Isko: Ano po ang kanyang sakit, Doktor?
Doktor: Hindi pa natin matiyak. Kailangang manatili muna siya rito nang ilang araw.
Tagapagsalaysay: Nabagabag si Isko. Pagkagaling sa ospital nagtungo siya sa
simbahan.
Isko: Mahal na BIrhen, pagalingin mo po sana ang aking asawa. Gumaling po
lamang siya ay ipagbibili ko an gaming kalabaw at iaabuloy sa simbahan ang pera.
Tagapagsalaysay: Bumalik si Isko sa ospital para naming himala at bumuti an gang
kalagayan ni Sinang. Naalala niya ang pangako sa Mahal na Birhen.
Isko: Paano kaya ang gagawin ko? Si tarsan lamang an gaming kayamanan.
Tagapagsalaysay: May nabuo sa isipan ni Isko. Noon din ay dinala niya si Tarsan at
ang alagang tandang sa palengke.
Mama: Magkano po ninyo ipinagbibili ang kalabaw?
Isko: Piso po.
Mama: Aba, kung ganoon ay bibilin ko na.
Isko: Pero kailangang bilhin po ninyo ang tandang.
Mama: Magkano naman po ang tandang?

Isko: Limang daang piso po.


Tagapagsalaysay: Binayaran ng mama ng piso si Tarsan at ng limang daang piso
ang tandang upang ipagkaloob ang pisong pinagbilhan sa kalabaw. Nakatupad na
siya sa kanyang pangako at nakabili pa uli siya ng kalabaw.

Pagyamanin Mo

Panuto: Hanapin mula sa mga salita sa ibaba ang maaaring kahulugan ng mga sumusunod at
ibigay din ang kasalungat nito.

Kahulugan Kasalungat

1. Nanatili
2. Iaabuloy
3. Nagtungo
4. Maysakit
5. Nabagabag

Iaalay nag-alala maykaramdaman


Nasiyahan pumunta
Pumirma dumating

Isaisip Mo

Isang mabisang paraan ng pagpapalawak ng mga salita ang pagtukoy sa kahulugan/


kasalungat ng mga ito.

Isapuso Mo
Panuto: Isulat ang kasingkahulugan at kasalungat ng bawat salita. Punan ang tsart.
Salita Kasingkahulugan Kasalungat
1. nagalit
2. katulad
3. nawala
4. pareho
5. manloloko
6.mahusay

Isulat Mo
Panuto: Isulat sa patlang ang kasingkahulugan at kasalungat ng salitang nakahilig.

​ ng mga upuan sa harap ng entablado.


1. Muntik nang hindi ​mapuno a
2​. Importante​ sa tao ang makatapos ng pag-aaral.
3. Ang maging president ang lagi niyang ​hinahangad.
4​. Nakalimutan​ ko ang isang linya ng tula.
5. ​Binatak​ ni Mang Celso ang lubid ng lambat.
Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan / talambuhay.

Nakagagawa ka na ba ng sarili mong talaarawan o talambuhay?


Ano ba ang mga nakasaad sa talaarawan o talambuhay?

Tuklasin Mo

Nakabasa ka na ba ng isang talaarawan ng isang bayani o pangkariniwang tao? Ano sa


tingin mo ang pinamahalagang pangyayari sa nabasa mo? Gawin sa inyong kuwaderno.

Basahin Mo

Basahin mabuti ang Talaarawan. Sagutin ang mga tanong mula ditto.
1. Kanino ang talaarawan/ talambuhay na nabasa mo?
2. Ano sa tingin mo ang pinakahalagang pangyayari na nabasa mong
talaarawan/talambuhay?

Mahal kong Talaarawan,


Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nakapunta sa
paaralan.Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako, nagbihis ng maayos,
nagsuklay ng buhok, kumain at nagsisipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin ay
hinatid ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang sumakit ang
ngipin ko. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala agad ang sakit ko sa ngipin.
Sa tanghalian naman ay masaya kaming nagkainan sa "BBQ-han" at pagkatapos ng kainan
namin ay dumiretso agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aaral din ako sa paksa namin sa
Ingles dahil magkakaroon kami ng pagsubok o pagsasanay. At iyan ang mga ginagawa ko sa
araw na ito.

Nagmamahal,
Shekainah

Pagyamanin Mo

Panuto: Basahin mabuti ang isang talambuhay. Ibigay ang mahahalagang pangyayaring
nakapaloob dito.

Ako si Lehgie P. de Leon ipinanganak noong Marso 16, 1995 sa Mandili Candaba Pampanga.
Ang aking ama ay si Ronnie de Leon at ang aking ina ay si Rachelle de Leon mayroon akong
dalawang kapatid sina Lean at Jency de Leon. Ako ay natapos ng elementarya sa Mandili
Elementary School at ng Sekondarya sa San Miguel National High School at ngayon,
kasalukluyan ay sa Bulacan State University sa kursong Information Technology.
Ang aking hilig ay magsulat ng tula. Ang aking paboritong pagkain ay sinigang na luto ng aking
ina. Ang paborito kong actor ay si Ryan Agoncillo. Ang paborito kong kulay ay puti at ang paborito
kong “subject” ay Ingles.
Payak lamang ang pamumuhay ng aking pamilya masaya, sama-sama, at tulong-tulong ngunit
hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang
kaylangan lamang ay pagmamahal, pagtutulangan at pananalig sa Diyos upang malampasan ang
lahat ng iyon.
Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ay noong natuklaw ako ng
ahas noong akoy bata pa.Ako ay simple lamang mapagmahal, mabait ngunit kung minsan ay may
pagka “moody”. Bilang kaibigan naman ako ay mapag biro at siyempre may pagpapahalaga ako
sa mga kaibigan ko at madalas ay inaala ko muna ang kanilang mararamdaman bago ko
magsalita.
Tuwing ako ay may problema madalas akong umiyak sa Diyos sa Kanya ko lahat sinasabi ang
sama ng loob, kasiyahan, at paghingi ng tawad lahat lahat sa buhay ko at sa Kanya din ako
humihiling ng mga nais ko siya ang aking tagapagligtas.
Sa buhay pag-ibig naman ay naranasan ko ito noong ako’y nasa ikatlo ng sekondarya masaya,
pero madalas din ang lungkot siya ang una kong kasintahan atngayon ay dalawang taon na kami.
Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking magulang, paglingkuran ang
Diyos habambuhay, maging matagumpay sa buhay, at magkaroon ng asawa at anak sa tamang
panahon. Ngayon ay sinisimulan ko to sa pag-aaral, pagsisikap at pananalig sa Diyos.
Isaisip Mo

Ang talambuhay ay isang anyo ng akdang pampanitikan tungkol sa buhay ng isang tao.
Isinusulat ito hindi para suriin ang tagumpay at kabiguan kundi upang kalaunan ay magamit na
 huwaran ng iba.​ ​Uri ng Talambuhay:
1.) Pansarili - tungkol sa buhay ng may akda
2.) Pang-iba - naglalahad ng makukulay na pangyayari sa buhay na dinadakila o hinahangaan
Ang isang talaarawan, o journal, ay isang permanenteng personal na talaan ay iningatan
ng mga kaganapan, mga saloobin at ideya na nauugnay sa isang indibidwal.

Isapuso Mo

Panuto: Basahin ng mabuti ang talaarawan/talambuhay at ibigay ang mahahalagang


pangyayari. Isagawa ang Isapuso Mo.

Benigno Aquino III


(2010 - kasalukuyan)
Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) na mas kilala sa
palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ikalabing-limang Pangulo ng Republika
ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) . Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay
siyang umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na
lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino may mga kapatid rin siya
na sina Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz, Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada, Victoria Eliza
“Viel” Aquino-Dee at Kristina Bernadette “Kris” Aquino. Siya rin ay dating Kongresista at Senador
ng Bansang Pilipinas. Habang pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang
"Pangulong Noynoy".

Isulat Mo
Panuto: Magbasa ng talaarawan/talambuhay ng isang bayani ng ating bansa. Ibigay at
isulat ang mahahalagang pangyayari. Gawin ang Isulat Mo.
Nakasusulat ng Balangkas sa anyong pangungusap o paksa sa binasang kwento.

Ano ang pagbabalangkas?


Paano ang pagsulat ng balangkas?

Tuklasin Mo

Panuto: Pair share- Pagbabahagi ng karanasan sa katabi ng mga hindi mo malilimutan na


pangyayari.

Basahin Mo

Pangkatang Gawain: Bigyan ng activity card ang bawat pangkat na naglalaman ng


katanungan ng kanilang bibigyan ng kasagutan pagkatapos basahin ang teksto.

Pangkat 1
Pangkat 2
Gawain:
1. Magsulat ng mga balangkas na pangungusap mula sa teksto na nabasa.
2. Sagutin ang mga tanong ng guro mula sa teksto.

Pagyamanin Mo

Panuto: Ibigay ang balangkas o paksa ng maikling teksto.

1. May kanya-kanyang panauhin sa pagatatanim ng halaman sa maraming pook sa Pilipinas. Sa


Batangas, ang pagtatanim ng niyog na makapuno ay itinataon tuwing kabilugan ng buwan upang
maging hitik ito sa bunga. Kinakailangan din lagyan ng pulot ang hukay na pagtataniman. O
kaya’y kailangan punuin ng kanin ang bibig ng nagtatanim nang sa gayon ay maging makapuno
ang ibubunga ng niyog sa kanilang itinanim.

2. Sinisimulan niya ang kanyang hilig sa paggawa-gawa ng mga tugma hanggang nang lumaon,
naging saknong ng ibat-ibang paksa. Sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasanay sa kanyang
kakayahan sa pagsulat, makagagawa na siya ng mga tula. Iyan si Menandro, ang malikhaing

mag-aaral. Sa mga kasayahan, nahihilingan siyang bumigkas na magiliw naman niyang


pinagbibigyan. Nagiging Masaya ang umpukan sa kanyang palaging pagbibigay.
3. Nagpatawag ng pulong ang samahan ng mga mag-aaral sa iaklawang baiting. Sa pulong ay
nagmungkahi sila sa dapat magkaroon ng karagdagang kita upang matustusan ang mga proyekto
ng samahan. Sinang-ayunan ng mga mag-aaral ang naturang mungkahi. Napagkaisahan nilang
mag-aalaga ng manok sa bakuran ng paaralan. Sila ring kasapi ng samahan ang mag-aalaga sa
mga manok.

Isaisip Mo

Ano ang pagbabalangkas? Paano ang pagsulat ng isang balangkas sa anyong


pangungusap o tekstong binasa? Ano ang mga uri ng balangkas? Ang pagbabalangkas ay
maayos na pagtatala ng mga pangunahing kaisipan o paksa ayon sa pagkakasunod-sunod sa
isang katha, teksto, o seleksyon. May dalawang uri ng balangkas: Papaksa- isinusulat ito sa
anyong parirala. Pangungusap- isinusulat sa buong pangungusap.

Isapuso Mo

Panuto: Humanap ng isang teksto na kapupulutan ng magandang aral. Isulat ang


balangkas na nakapaloob dito. Gawin ang Isapuso Mo.

Isulat Mo

Panuto: Basahin mabuti ang teksto. Isulat sa kwaderno ang balangkas nito sa papaksa o
pangungusap.

Buwan ng Hunyo noon. Abala si Ana dahil siya’y may patanim. Niyakag siya ng mga
kasamahang magsasaka sa kanyang patanim sa bukid. Gumising ako ng maaga upang saksihan
ang pagtatanim ng palay. Nanood sa kanilang mabuti na pagkilos. Nalibang ako sa saliw ng awit
at tugtugin ng mga manananim. Lumipas ang oras nang di ko namamalayan. Tanghali nap ala at
naghahanda na ng tanghalian si Inay para sa mga gumagawang manananim.

You might also like