You are on page 1of 12

Ikawalong

Linggo
Unang Araw
Tuklasin Mo
Narito ang ilang salita mula sa maikling kuwentong
babasahin sa iyo ng guro. Sabihin ang kahulugan ng
bawat isa gamit ang inihandang Gawain. Gawin ito sa
kuwaderno.

1. panglunas
2. pamalit
Isulat ang mga gabay na salita na makikita sa
diksiyonaryo para sa salitang lilinangin.

Isulat kung anong bahagi ito ng salita.


Isulat kung anong kahulugan nito.
Sumulat ng isang pangungusap gamit ang
salitang ito.
Magbigay ng isang salitang kasingkahulugan
ito.
Basahin Mo

Makinig mabuti. Tingnan kung ano kaya ang


angkop na pamagat sa maikling teksto na inyong
maririnig? Alamin kung ano ang nakapaloob sa
pamagat ng teksto?
Noong araw, ang asin ay ginagamit na
pamalit ng mga bagay na hindi mabili ng pera.
Inilalagay din ang asin sa pagkain. Ang Isda at
karne ay tumatagal kung inaasinan. Ginagawa
rin itong pang ulam ng iba. Ang asin din ay
ginagamit na pampaputi at panglinis ng mga
ngipin. Ang asin ay nagbibigay din ng lasa sa
mga pagkain. Ang asin din ay ginagamit din
panglunas ng mga sakit at sugat. Ginagamit ng
tao ang asin sa iba’t-ibang paraan.
Pagyamanin Mo

Panuto: Makinig ng mabuti sa kuwento/teksto. Isulat


ang titik ng angkop na pamagat sa kuwento/tekstong
narinig.
Si Maricar at ang kanyang ina ay nasa palengke.

Maricar: Inay, sobra po ng siyam na piso ang sukli ng ale.


Aling Aida: Oo nga, ano? Naku! Aling tindera, sobra ang
ibinigay mong sukli. Isauli mo nga, Maricar.

Maricar: Opo Inay. Ale, ito na po ang inyong sobrang


sukli.

Aling Tindera: Sa iyo na yan, Ineng. Iyan ay para sa mga


batang matapat katulad mo.
A. Gantimpala para sa Katapatan
B. Si Maricar at ang Tindera
C. Ang Maling pagsukli ng tinder.
Isaisip Mo
1. Anu-ano ang mga mahahalagang dapat
tandaan sa pagbibigay ng angkop na pamagat?

2. Ano ang napapaloob sa pamagat?

Dapat tandaan na mahalaga ang pamagat sa


anumang uri ng katha. Dito napapaloob ang
diwang ipinahihiwatig o kaisipang ipinahahayag
ng babasahin.
Isapuso Mo
Panuto: Ibigay ang angkop na pamagat ng sumusunod.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat Mo
A. Sumulat ng isang maikling teksto at bigyan ito ng
angkop na pamagat.
B. Panuto: Narito ang mga piling sulyap sa buhay ng
ilan sa ating mga bayani. Isulat sa patlang ang angkop
na pamagat ng bawat isa.

You might also like