You are on page 1of 4

MGA PANG-URI SA IBA’T IBANG ANYO AT PAKSANG DIWA

Magandang araw sa iyo! Matapos mong mabasa ang


modyul na ito ikaw ay inaasahang:

makagagamit ng mga pang-uri sa iba’t ibang antas sa


pagsasalaysay
makatutukoy ng paksang diwa

Handa ka na ba?

Pagbalik-aralan
Pagbalik-aralanMo
Mo

Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang pang-uri.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang lumang sapatos ay ipinamigay nila.


2. Mabango ang bulaklak ng kampupot.
3. Tuwang-tuwa ang masipag na ama.
4. May malakas na halakhakan siyang naririnig.
5. May maliit na liwanag na naglalagos sa bintana.

Ganito ba ang iyong mga kasagutan?

1. lumang
2. mabango
3. masipag
4. malakas
5. maliit

Kung tama ang iyong kasagutan, ibig sabihin ay hindi mo pa nalilimutan ang
pinag- aralan sa pang-uri. Tandang-tanda mo na ang pang-uri ay tawag sa mga
salitang nagbibigay-katangian o uri sa pangngalan at panghalip.

1
Ipagpatuloy mo…

Basahin mo ang isang bahagi ng sanaysay.

(Halaw sa Filipino : Wika sa Ating Panahon ni Alladin L. De Leon)

Ang Pilipinas ay ang bansang tinatawag na “Perlas ng Silangan” sapagkat


ito ay tunay na maganda at kaakit-akit. Ang kanyang pitong libo at sandaang
mahigit na pulo ay parang mumunting perlas ng halaman na itinanim ng
Makapangyarihang Diyos sa malawak na karagatan ng Pacific. Tingnan mo
mula sa kaitaasan at tila ito mga putul-putol na butil ng rosaryo na inihagis sa
parang walang katapusang karagatan.

Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa sanaysay na iyong


binasa?

Tingnan mo ito.

maganda pitong libo


kaakit-akit sandaang mahigit
mumunting walang katapusang

Ang mga salitang naturan ay mga salitang naglalarawan at nagpapahayag


ng katangian ng ating bayan upang maipakita ang likas nitong kagandahan.
Kung wala ang mga salitang iyan, marahil ay hindi natin lubos na maipapakita
ang tunay na larawan ng Pilipinas.
Ang mga salitang nabanggit ay ilan lamang sa mga salitang tinatawag na
pang-uri. Sa pamamagitan nito ang isang paglalarawan ay nagiging maganda at
malinaw.
Kung gagamitan ng mga pang-uri ang mga pangngalan at panghalip,
higit na mabibigyang-linaw ang mga ito. Basahin ang mga halimbawa.

1. Pangngalan
a. Ang Pilipinas ay maganda.
b. Ang masisipag na magsasaka ay nasa tumana.
c. Ito ay tila putul-putol na rosaryo.

2. Panghalip
a. Ito ay tunay na kaakit-akit.
b. Siya ay kahali-halina.
c. Ito ay malawak.

2
Magsanay
MagsanayKa
Ka

A. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan o


nagbibigay-turing sa isang pangngalan.

1. Ang Pilipinas ay isang magandang bansa.


2. Biniyayaan ito ng malawak na karagatan.
3. Ang paglubog ng araw sa Look ng Maynila ay kaakit-akit sa mga
dayuhan at maging sa ating mga kababayan.

Ituloy natin…
Basahin mo ang ilang talata ng tula.

Halaw sa Aklat na Pagbasa ni Lydia P. Lalunio.

Babasahin 2

Mga Pilipino’y ipinagmamalaki


Pamilyang matatag, siyang kinakasi
Angking pagmamahal, napananatili
Mahigpit na buklod ng pagsasarili.

Iba’t ibang uri ng mga kapistahan


Laging ginaganap sa ‘ting kapuluan
May tanging paraan bawat pagdiriwang
Tatak Pilipino ang masasaksihan

Pansinin ang mga salitang may salungguhit.


Ito ay mga pang-uri na ginamit upang maging malinaw at maayos ang
pagpapahayag.

Unawain at sagutin

Paano natin mapapahalagahan ang mabubuting tradisyon at kaugaliang


Pilipino?

Narito pa ang isang babasahin.


Basahin mo

3
Babasahin 3

Kristine : Kaysarap maligo! Malinaw at malamig ang tubig. Mainit ang


sikat ng araw kaya masarap magbabad sa tubig.
Mark : Malinis ang simoy ng hangin at tahimik ang paligid.
Ryan : Ang ganda nga pala rito sa Hinulugang Taktak. Ang daloy
ng talon ay para ngang taktak ng tubig.

Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa diyalogo. Ginamit ang mga
pang-uri sa usapan.

Isaisip
IsaisipMo
Mo

Ang mga pang-uri ay maaaring gamiting simuno, panaguri


at layon ng pangungusap sa anumang uri ng akda. Magbigay
halimbawa para patunayan ang sinasabi sa kahon

Halimbawa:

Malapad at maluwang ang bagong kalsada.


Singkit ang mga mata ng mga naninirahan doon.
Matarik ang inakyat niyang bundok.
Mahilig tumuklas ng karunungan ang aking kaibigan.

Subukin
SubukinMo
Mo

Tukuyin ang paksang diwa o kaisipan sa talata ng sanaysay.


Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

You might also like