You are on page 1of 60

FILIPINO

QUARTER 4 WEEK 5-6


D
A
Y
Pagbasa ng Salitang Hiram/
Pagbibigay ng Lagom ng Tekstong Binasa
PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga salita na
nasa loob ng kahon. Bilugan ang mababasang salitang hiram at
basahin itong muli:
Pagkatapos ng aralin, inaasahang mababasa mo ang mga salitang hiram at maibibigay ang buod o lagom ng tekstong binasa.
Malapit na ba ang iyong karawan?
Ano ang nais mong matanggap na regalo sa iyong
kaarawan?

Ngayon ay babasahin natin ang isang talata tungkol sa


pangarap ng isang bata sa kanyang kaarawan.
Malapit na ang birthday ni Michael. Magsisiyam na taon
na siya sa darating na Sabado. Excited na siya, alam
niyang maghahanda ng maraming pagkain ang kanyang
mommy at darating ang kanyang mga tiya at mga pinsan.
Tulad noong isang taon siguradong mayroong cake,
spaghetti, ice cream, fried chicken at maraming candy sa
loob ng palayok.
Ngunit may ibang pinapangarap si Michael sa kanyang
kaarawan. Nais niyang magkaroon ng cellphone na magagamit
niya sa kanyang pag -aaral. Dumating ang kaarawan ni
Michael.

May inabot na regalo si Tiya Sussy sa kanya. Dali-dali niya


itong binuksan at laking tuwa niya dahil ang laman nito ay
isang bagong cellphone.
Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang malapit nang magbirthday?


2. Kailan ang kanyang kaarawan?
3. Ano ang kanyang naramdaman?
4. Ano ano ang iniisip niyang ihahanda ng kanyang
mommy?
5. Sino- sino ang mga inaasahan niyang darating ?
6. Ano ang pinapangarap niya sa kanyang kaarawan? Natupad
ba ito?
7. Bakit nais niyang magkaroon ng cellphone?
8. Sino ang nagregalo sa kanya nito?
9. Ano ang naramdaman niya ng makita niya ang regalo?
10.Nais mo rin bang magkaroon ng cellphone? Bakit?
Halimbawa:

Xerox machine x- ray pizza


elevator escalator spaghetti
PAGSASANAY 1

Basahin nang wasto ang iba pang halimbawa ng mga


salitang hiram:

camera tooth paste hot dog


jogging xylophone door knob
zoo editor printer
print zipper coach
juice water jug french fries
PAGSASANAY 2
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap.
Bilugan ang salitang hiram na ginamit :

1. Nag - print ako ng aking takdang aralin kagabi.


2. Nagalit ang coach dahil hindi sila nagpraktis.
3. Bumili ng bagong refrigerator ang tatay ko.
4. Kami ay nagpunta sa zoo noong isang linggo.
5. Si tatay ay nag – jogging kahapon ng
umaga.
PAGSASANAY 3
PANUTO: Punan ng angkop na salitang hiram
ang patlang upang mabuo ang pangungusap.

dyip French fries zipper


xylophone field trip water jug
1. Nag ___________ kami sa Enchanted Kingdom noong isang
taon.
2. Naku! Bukas ang _____________ ng pantalon mo.
3. Alin sa mga ________ na iyan ang gusto
mong lagyan ng tubig?
dyip French fries zipper
xylophone field trip water jug

4. Nag – order ako ng ________________ sa Jollibee.


5. Sumakay kami ng _________ papuntang palengke.
PANUTO: Sagutin ng Tama o Mali ang sumusunod na
pangungusap.

_____1. Salitang hiram ang tawag sa mga salitang galing sa


ibang wika .
_____ 2. Lahat ng salitang hiram ay walang katumbas na
Tagalog.
_____ 3.May mga salitang hiram na may katumbas sa
tagalog at iba pang wika subalit hindi na karaniwang
ginagamit sa pakikipagtastasan.
_____ 4.Hindi mahalaga na matutunan ang mga salitang
hiram.
_____ 5. May mga salitang hiram na may katumbas na
ispeling sa Tagalog.
Tandaan:

Salitang hiram ang tawag sa mga salitang hiniram


mula sa ibang wika na ginagamit natin dahil wala
itong katumbas sa wikang Filipino.
PANUTO: Piliin ang letra ng salitang hiram sa pangungusap:
_____1. Mahilig kumain ng kendi si Arman kaya sumakit ang
kanyang ngipin.

A. kendi B. kumain C. ngipin

_____ 2. Magaling tumugtog ng xylophone si Maricar.

A. Maricar B. tumugtong C. xylophone


_____ 3. Camera ang regalo ng tatay ni Mila sa kanyang
kaarawan.

A. camera B. regalo C. tatay

_____ 4. Si Lita ang aking bestfriend.

A. aking B. bestfriend C. Lita


_____ 5. Pizza ang paboritong naming kaining mag –
anak tuwing Kami ay namamasyal.

A. kaarawan B. paboritong C. pizza


Kung ikaw ay nakatanggap ng isang mahalagang bagay o regalo
tulad ng cellphone. Paano mo maipapakita ang iyong
pagpapahalaga at pag -iingat dito?
Sumulat ng tatlong pangungusap na nagsasabi nang wastong
paraan ng pag -iingat sa mga bagay na ibinigay sa iyo o mahalaga
sa iyo. Isulat ito sa loob ng ulap.
FILIPINO D
QUARTER 4 WEEK 5-6
A
Y
Pagbasa ng Salitang Hiram/
Pagbibigay ng Lagom ng Tekstong Binasa
Panuto: Tukuyin kung saang bahagi ng bansa ginaganap ang bawat
selebrasyon. Piliin ang tamang lugar at isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.
____1. Bangus Festival
____2. Pahiyas
____3. Mahal na Araw
____4. Ati-Atihan Festival

a. Cebu City d. Quiapo f. Pangasinan


b. Aklan e. Quezon g. Buong bansa
c. Batangas City
Panuto: Pagbasa:
Basahin at unawain ang kuwento at sagutin
ang mga tanong.

PISTA NG BAYAN

Ngayon ang araw ng pagdiriwang ng pista ng aming barangay.


Abalang-abala ang lahat sa paghahanda sa kani-kanilang tahanan.
Maaamoy ang masasarap na putaheng kanilang
iniluluto. Sa labas ng mga tahanan ay maaaliw kang
pagmasdan ang makukulay na banderitas na nakasabit sa mga puno at
poste sa lansangan.
Ang lahat ay masayang nagbabatian at tinatanggap ang mga
panauhin sa kanilang tahanan. Tunay ngang kay sigla ng pista sa
aming barangay!

Sagutin ang mga tanong:

A. Ibigay ang kahulugan ng mga salita. Piliin mula sa


kahon ang sagot at isulat sa patlang.
a. makukulay na papel na ginupit-gupit
b. ulam
c. maraming ginagawa
d.naghahanda

1. abalang-abala = _____________________________
2. banderitas = _____________________________
3. gumagayak = _____________________________
4. putahe = _____________________________
B.

1. Sumasang-ayon ka ba sa kaugaliang Pilipino na


pagdiriwang ng pista? Bakit?

2. Bakit mahalagang matutunan natin ang wastong pagbasa


ng mga salita sa aralin, maging ang salitang hiram?
Panuto: Buuin ang mga salitang hiram na natutunan at
basahin nang malakas.
Panuto: Hanapin mo ang mga salitang hiram
sa bawat bilang. Kopyahin ito sa iyong sagutang papel at
basahin mo nang wasto.

(Maghanap ka ng isang mas nakakatanda sa iyo na marunong


magbasa, ang iyong guro o tagapagdaloy na makikinig habang
binabasa mo ang bawat salitang hiram.)
1. Malakas Pedro Quezon
2. hydrogen bakal hangin
3. puto bibingka doughnut
4. traysikel magsasaka mangingisda
5. Digos Bohol Zambales
Panuto: Sipiin ang salitang hiram mula sa pangungusap sa
ibaba at isulat ito sa iyong sagutang papel. Basahin mo ito sa
harap ng isang nakatatanda sa iyo na marunong magbasa, guro
o tagapagdaloy na handang makinig.

1. Nagkaroon ng problema si Pepe.


2. Pangarap ni Magda na maging doktor.
3. Sumali sa miting ang mga pangulo ng paaralan.
4. Masayang mamasyal sa paligid gamit ang aking
bisikleta.

5. Isang mabuting estudyante si Lisa dahil


pinahahalagahan niya ang kanyang pag-aaral.
Panuto: Basahin at unawain ang tula.
Tukuyin ang mga salitang hiram sa tula.
Panuto: Kopyahin mo ang hugis sa iyong sagutang
papel. Punuin mo ng mga salitang hiram ang mga bilohaba na nasa ibaba.
Pumili ng kasagutan mula sa mga salitang nasa kahon. Basahin mo ito
nang wasto kapag naisulat mo na.
Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na salitang hiram
sa pangungusap.

1. junk food
2. hotdog
3. peanut butter
4. chips
5. softrdrinks
FILIPINO D
QUARTER 4 WEEK 5-6 A
Y
Pagbuo ng Tambalang Salita
PANUTO: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng tambalang salita
sa hanay A.
Sa mga nakaraan na aralin ay napag- aralan mo ang mga
tambalang Salita.

Ano nga ba ang Tambalang Salita?


 Ang Tambalang Salita ay dalawang magkaibang salita na
pinagsama at nakabuo ng bagong kahulugan.
Ngunit alam niyo bang may mga Tambalang salita na nanatili ang
kahulugan o hindi nababago ang kahulugan.
Malalaman mo ang mga ito sa aralin natin
ngayon.
Basahin ang mga pangungusap :

1. Mahalagang mag balik- aral muna bago magsimula sa bagog -


aralin.
2. Parang isip – bata siya kung magsalita.
3. Si Aling Mila ay bukas – palad sa mga taong
nangangailangan.
4. Nagbalik – bayan ang aking pinsan na matagal ng nanirahan sa
Australia.
5. Siguraduhin mo kung talagang tatanggapin mo ang trabaho na
yan , huwag kang mag urong – sulong.
Ano-anong mga Tambalang Salita ang ginamit sa
pangungusap?

1. Balik- aral
Kahulugan : muling pag-aaral sa dating aralin

2. isip – bata
kahulugan: bata kung mag – isip

3. bukas – palad
kahulugan: ang palad ay laging bukas sa
pagtulong sa mga nangangailangan
4. balik- bayan

kahulugan: bumalik sa sariling bayan/ galling sa ibang


bansa

5. urong - sulong:

kahulugan: pabago bago mag – isip/ atras abante


Ano ang napansin niyo sa kahulugan ng mg Tambalang
Salita na ginamit sa pangungusap?

 Ito ang mga Tambalang Salita na nananatili ang kahulugan.

Ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal ay hindi


nawawala.
Narito ang iba pang halimbawa ng mg Tambalang Salita na
nananatili ang kahulugan . Maibibigay mo ba ang kahulugan ng
mga ito?

bahay -kubo punong guro


abot – tanaw bungang kahoy
tabing dagat buto’t balat
bagong – ani silid-aklatan
bagong – buhay asal hayop
Pagsasanay 1
PANUTO: Salungguhitan ang tambalang salita na nananatili
ang kahulugan na ginamit sa pangungusap.

1. Nahuli na ng mga pulis ang mga akyat – bahay.


2. Si Garry ay nag nakaw-tingin sa kasuotan ng mga dalagang
nasa parada.
3. Maganda ang suot na damit ni Maria kaya ito ay
agaw – pansin sa madla.
4. Maraming punong kahoy na tanim ang lolo ko.
5. Halatang bagong salta lang siya dito sa Maynila.
Pagsasanay 2
PANUTO: Buuin ang tambalang salita na binigyan ng
kahulugan:

1. katatapos lang mag – ani = _________ ani


2. lugar kung saan nagdadasal = __________ dasalan
3. kagigising pa lamang = bagong __________
4. dalagang nakatira sa bukid = dalagang _________
5. bahay na nag-aampon ng mga batang
walang magulang o iniwan ng magulang =
________ ampunan
Pagsasanay 3
PANUTO: Basahing mabuti ang kuwento. Isulat sa patlang ang tamang
tambalang salita na nananatili ang kahulugan upang mabuo ang
pangungusap.
PANUTO: Isulat ang Oo kung ang Salitang Tambalan sa
pangungusap ay nanatili ang kahulugan at Hindi kung nagbago
ang kahulugan :

______ 1.Nahihiya akong kumanta kasi boses- palaka ako.


______ 2. Kalahating oras na lang ay abot -tanaw ko na ang
aming bahay.
______ 3. Kailangan mag kapit- bisig ang mga Pilipino upang
malutos ang mga suliranin ng ating bansa.
Tandaan:

Ang tambalang salita ay dalawang payak na pinagsamang salita


upang makabuo ng bagong salita na nagtataglay ng panibagong
kahulugan.
PANUTO: Piliin ang letra na nagsasaad ng tamang kahulugan
ng Salitang Tambalan na nananatili ang kahulugan.

_____1. Tubig - alat

A. tubig na malamig
B. tubig na galing sa dagat
C. tubig na galling gripo
_____ 2. Buto’t balat

A. gutom na gutom
B. payat na payat
C. matabang mataba

_____ 3. Silid - tulugan

A. lugar kung saan natutulog


B. lugar kung saan nagluluto
C. lugar kung saan naliligo
_____ 4. Abot – tanaw

A. hindi natatanaqw
B. malayo pa ang tinitingnan
C. malapit na sa tinitingnan o tinatanaw

_____ 5. Bagong - salta

A. nagbagong buhay na
B. baguhan sa lugar
C. walang kasama

You might also like