You are on page 1of 57

FILIPINO

QUARTER 4
3
Nababasa ang mga salitang
WEEK 6
hiram/natutuhan sa aralin
F3PP-IVc-g-2
UNANG
Pagbasa ng mga salitang
ARAW
hiram/ natutuhan sa aralin
BALIK-
Piliin mo ang angkop na salitang kilos sa bawat pangungusap upang
maging ARAL
wasto ang mga ito.
1. Tuwing umaga, ________ si Inay sa kanyang mga halaman.
A. nagdidilig B. nagwawalis C. nagsusuklay
2. Sina Ben at Ana ay sabay na ________ sa hapag-kainan upang kumain.
A. tumayo B. nagpunta C. kumanta
3. Upang mapangalagaan ang ngipin, tatlong beses sa isang araw ______ si Wea.
A. umiinom B. natutulog C. nagsisipilyo
4. Masayang ________ sa parke kasama ang pamilya.
A. maglaro B. magbasa C. sumulat
5. Tinuruan ng Tatay sina Grace at Liam na ______ bago kumain.
A. magdasal B. tumalon C. umikot
Anong mga
pagkain ang
nakikita ninyo?
Alin sa mga
pagkaing nasa
larawan ang
paborito mo?
Mahilig ka bang kumain ng
junk foods?
Basahin ang maikling
kwento: Ang Hilig ni Mark
ni Analyn P. Manapol
Hilig ni Mark ang kumain. Kadalasan ay iba’t ibang pagkain ang nasa
isip niya.
Isang araw, sumama si Mark sa kanyang ina na mamalengke.
Masayang- masaya si Mark. Naaaliw siyang tingnan ang mga
nakahelerang pagkain.
“Kakain ako mamaya ng maraming hotdog at iinom ng malamig na soft
drinks. Magpapabili rin ako ng bubble gum at chips,” pabulong na sabi ni
Mark sa sarili.
Nang biglang nagulantang si Mark. Tinatawag na pala siya ng kanyang
ina na nakaupo na sa silya sa isang kainan.
Nagulat si Mark nang dumating ang mga inihain na order!
Puto maya, bibingka, at tsokolate!
“Alam ko ang nasa isip mo anak, kitang-kita ko sa mga mata mo
lahat ng gusto mong bilhin at kainin sa mga nadaanan natin
kanina subalit lahat iyon ay junk foods. Dapat mong alagaan ang
sarili mo habang bata ka pa kaya kumain ka ng mga
masustansiyang pagkain,” paalala ng ina.
TANONG!
1. Sino ang batang lalaki sa kuwento?
2. Ano ang hilig niyang gawin?
3. Ano-ano ang nais niyang kainin?
4. Bakit nagulat si Mark?
5. Sa palagay mo, bakit kaya ayaw ng
ina ni Mark na kumain siya ng mga
junk foods?
Basahin ang mga salitang galing sa ating binasang kuwento.

junk foods bubble gum


Ang iyong binasa ay
silya tsokolate
halimbawa ng salitang
hotdog soft drinks
hiram. Salitang hiram ang
chips order
tawag sa mga salitang
galing sa ibang wika.
Makikilala natin ang mga salitang hiram kung:
1. Ito ay salita na orihinal na nagmula sa wikang banyaga at walang
katumbas na wikang Filipino. Maaaring ito ay ginagamitan ng walong (8)
dagdag na titik ng alpabeto C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z.
Halimbawa:
a. Pangngalang Pantangi - Vladimir, Niña, Xerxes, Nueva Vizcaya,
Mongol
b. Pangngalang pambalana - xerox, xerox machine, elevator,
escalator, cotton candy, lollipop, hotdog, fries, pizza pie, folder, jam,
jelly.
c. Salitang Siyentipiko/Teknikal - carbon dioxide, x-axis, oxygen
Makikilala natin ang mga salitang hiram kung:
2. Ito ay salitang hiram kung nagmula ito sa wikang banyaga na
binigyan ng katumbas ng ating wika.
Halimbawa:
Salita mula sa Wikang Banyaga Katumbas sa Wikang Filipino
a. candela (Espanyol) kandila
b. vacacion (Espanyol) bakasyon
c. chinelas (Espanyol) tsinelas
d. teacher (Ingles) titser
e. police (Ingles) pulis
f. plastic (Ingles) plastik
Basahin nang wasto ang iba pang halimbawa ng
mga salitang hiram:
camera toothpaste jogging
xylophone doorknob zoo
editor printer print
zipper coach juice
water jug french fries
Bilang isang mag-aaral, ano sa
tingin mo ang maaaring maidulot
ng pagkain ng junk food sa iyong
katawan?
Ano ang salitang hiram?
Paano makikilala ang mga salitang
hiram?
TAYAHIN
Panuto: Piliin ang letra ng salitang hiram sa pangungusap

1. Mahilig kumain ng kendi si Arman kaya sumakit ang kanyang ngipin.


A. kendi B. kumain C. ngipin

2. Magaling tumugtog ng xylophone si Maricar.


A. Maricar B. tumugtong C. xylophone

3. Camera ang regalo ng tatay ni Mila sa kanyang kaarawan.


A. camera B. regalo C. tatay

4. Si Lita ang aking bestfriend.


A. aking B. bestfriend C. Lita

5. Pizza ang paboritong naming kaining mag – anak tuwing Kami ay namamasyal.
A. kaarawan B. paboritong C. pizza
IKALAWAN
G ARAW
BALIK-
Piliin ang mga salitang hiram na nasa kahon at ilagay ito sa mga bilohaba.

ARAL
Basahin ito nang wasto.

quartz lapis
bahay hanapbuhay Salitang
jogging Magda Hiram

papel likido
iskor nars
Malapit na ba ang iyong
karawan?
Ano ang nais mong
matanggap na regalo sa
iyong kaarawan?
Basahin ang talata tungkol sa pangarap ng isang bata sa kanyang kaarawan.
Malapit na ang birthday ni Michael. Magsisiyam
na taon na siya sa darating na Sabado. Excited
na siya, alam niyang maghahanda ng
maraming pagkain ang kanyang mommy at
darating ang kanyang mga tiya at mga pinsan.
Tulad noong isang taon siguradong mayroong
cake, spaghetti, ice cream, fried chicken at
maraming candy sa loob ng palayok.
Basahin ang talata tungkol sa pangarap ng isang bata sa kanyang kaarawan.

Ngunit may ibang pinapangarap si Michael sa


kanyang kaarawan. Nais niyang magkaroon ng
cellphone na magagamit niya sa kanyang pag -
aaral. Dumating ang kaarawan ni Michael. May
inabot na regalo si Tiya Sussy sa kanya. Dali
dali niya itong binuksan at laking tuwa niya
dahil ang laman nito ay isang bagong
cellphone.
TANONG!
1. Sino ang malapit nang magbirthday?
2. Kailan ang kanyang kaarawan?
3. Ano ang kanyang naramdaman?
4. Ano ano ang iniisip niyang ihahanda ng kanyang mommy?
5. Sino- sino ang mga inaasahan niyang darating?
6. Ano ang pinapangarap niya sa kanyang kaarawan? Natupad ba ito?
7. Bakit nais niyang magkaroon ng cellphone?
8. Sino ang nagregalo sa kanya nito?
9. Ano ang naramdaman niya ng makita niya ang regalo?
Hanapin ang mga salitang hiram na ginamit sa talatang binasa. Basahin ito ng wasto.

Malapit na ang birthday ni Michael. Magsisiyam na taon na siya sa


darating na Sabado. Excited na siya, alam niyang maghahanda ng
maraming pagkain ang kanyang mommy at darating ang kanyang mga
tiya at mga pinsan. Tulad noong isang taon siguradong mayroong cake,
spaghetti, ice cream, fried chicken at maraming candy sa loob ng
palayok.
Ngunit may ibang pinapangarap si Michael sa kanyang kaarawan. Nais
niyang magkaroon ng cellphone na magagamit niya sa kanyang pag -
aaral. Dumating ang kaarawan ni Michael. May inabot na regalo si Tiya
Sussy sa kanya. Dali dali niya itong binuksan at laking tuwa niya dahil
ang laman nito ay isang bagong cellphone.
Makikilala natin ang mga salitang hiram kung:
• Ito ay salita na orihinal na nagmula sa wikang
banyaga at walang katumbas na wikang Filipino.
Maaaring ito ay ginagamitan ng walong (8) dagdag
na titik ng alpabeto C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z.

• Ito ay salitang hiram kung nagmula ito sa wikang


banyaga na binigyan ng katumbas ng ating wika.
PANGKATANG GAWAIN
Hatiin ang klase sa limang
pangkat. Ang bawat pangkat ay
mayroong Task Card na
kinakailangang masagutan.
Kung ikaw ay nakatanggap ng isang
mahalagang bagay o regalo tulad ng
cellphone. Paano mo maipapakita ang
iyong pagpapahalaga at pag -iingat dito?
Ano ang iyon natutunan sa
ating aralin?
TAYAHIN
Panuto: Basahin ang kuwento at isulat sa iyong sagutang papel ang mga salitang hiram.
Handog sa Kaarawan
ni Analyn P. Manapol
Kaarawan ni Vera. Masayang-masaya siya dahil lahat ng kanyang mga kaibigan ay
nagpunta sa kanyang kaarawan. Lahat sila ay binigyan niya ng mga sorpresa.
“Inay, salamat po sa handog ninyo sa kaarawan kong ito,” masayang sambit ni Vera.
“Walang anuman anak!” tugon ng ina na puno ng pagmamahal.
“Inay, ano-ano po ba ang handog mo sa akin? Sinabi po ninyo kanina na marami kang
nakahanda para sa akin? Excited na po ako, Inay!” dagdag ni Vera.
“Vera, anak, ipinagluto kita ng paborito mong pagkain. Naghanda ako ng maraming
spaghetti, macaroni salad at fried chicken. Lahat ng mga gustong-gusto mo! At bukas,
anak, anyayahan mo ang mga kaibigan mo na sumali sa ating gagawing volunteer work.
Mamimigay tayo ng relief goods sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo. Bibigyan
natin sila ng food packs at mga damit bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap
mo sa iyong kaarawan,” masayang pahayag ng ina.
“Naku, Inay! Opo, aanyayahan ko na ang aking mga kaibigan!” sabi ni Vera.
FILIPINO
QUARTER 4
3
Naibibigay ang buod o lagom ng tesktong
WEEK
binasa
6
F3PB-IIIj-16
F3PB-IVi-16
IKATLONG
Pagbibigay ng Lagom ng

ARAW
Tekstong Binasa
BALIK ARAL
Bilugan ang salitang hiram na ginamit sa pangungusap.

1. Nagpa print si Rita ng kanyang proyekto sa


asignaturang Araling Panlipunan.
2. Mas mabuting gumamit ng hagdan kaysa elevator.
3. Magkakaroon daw tayo ng miting bukas ng hapon.
4. Matagal na hindi nakapamasada ang mga drayber ng
dyip dahil sa Pandemya.
5. Nasa hayskul na ang aking panganay na anak.
Lahat tayo ay may mahalagang tungkulin
na dapat gampanan sa ating kapuwa at sa
ating bayan. Lahat tayo ay katulong sa
pagpapaunlad ng ating bayan.
Paano ka makakatulong sa
pagpapaunlad ng iyong bayan?
Pakinggan ang babasahing kwento.
Tulay na Kahoy

Dahil sa malakas na ulan, natanggal ang malaking kahoy na nagsisilbing tulay sa ilog
malapit sa bahay ni Pipoy Pagong. Hindi tuloy makapasok sa paaralan ang mga bata.
Madilim-dilim pa,inumpisan na ni Pipoy hilahin ang isang malaking kahoy na kaniyang
nakita. Inabot na siya ng pagsikat ng araw at sa pagdating ni Kiko Kuneho.
“Ano kaya ang gagawin ni Pipoy?” tanong ni Kiko. Naupo siya sa tabi ng ilog at
nakangising pinanood si Pipoy. Makalipas ang ilang oras, natapos din si Pipoy sa
paglalagay ng mga bato sa isang dulo ng kahoy. Palangoy na si Pipoy sa kabilang dulo
nang maisipan ni Kiko na magbiro.
Parehong abala sa magkabilang dulo sina Pipoy at Kiko. Pagbalik ni
Pipoy,napakamot ng ulo at takang -taka kung bakit nawala ang mga bato na
kaniyang inilagay. Kaya pinagtiyagaan niya na gawin muli ito.
Habang abala si Pipoy sa kabilang dulo, si Kiko naman ay abala rin sa
pagtatanggal ng mga bato na inilalagay ni Pipoy sa kabilang dulo ng tulay.
Sa pagtulak niya ng isang malaking bato, kasama siyang nahulog sa
malamig na tubig ng ilog.
“Tulong! Tulong!” sigaw ni Kiko. Hindi nagdalawang isip, agad siyang
lumangoy palapit kay Kiko. Pagmulat ng mga mata ni Kiko, nakaupo si
Pipoy sa kaniyang tabi.
“Kumusta ka na? Nilagyan kita ng kumot para hindi ka lamigin.”
Napahiya si Kiko sa ginawa niya kay Pipoy. Agad siyang
bumangon at nag-umpisang maghakot ng bato. Isa- isang
nilagay ito sa kabilang dulo ng tulay na kahoy habang si Pipoy
ay abala sa kabilang dulo.
Madilim na nang matapos ang kanilang ginagawa. Masayang
pinanood ng bagong magkaibigan ang kanilang mga kabaryo
na masayang tumatawid sa bagong tulay na kahoy na kanilang
ginawa.
TANONG
1. Bakit natanggal ang tulay sa bayan nina Pipoy Pagong?
!
2. Ano ang naging problema ng matanggal ang tulay?
3. Ano ang ginawa ni Pipoy Pagong?
4. Ano naman ang naisip gawin ni Kiko Kuneho ng makita
ang ginagawa ni Pipoy?
5. Bakit siya nahulog sa ilog?
TANONG
6. Sino ang tumulong sa kanya?

!
7. Paano siya bumawi kay Pipoy?
8. Kung ikaw si Pipoy Pagong gagawin mo rin ba ang
ginawa niyang pagtulong kay Kiko Kuneho?
9. Ano anong aral ang napulot mo sa kuwentong binasa?
Ano-ano ang mga
pangyayaring naganap mula
sa kuwentong napakinggan?
BUOD O LAGOM
Ang buod o lagom ng isang teksto ay ang pinaikling
bersyon ng isang teksto. Sa pagbibigay o pagbuo ng
buod o lagom, lagi nating tandaan na ang
mahahalagang impormasyon o detalye lamang ang
ihayag o banggitin. Maari ding pagsama-samahin ang
mga sagot sa mga gabay na tanong. Siguraduhin din
maikli lamang ito ngunit malinaw na maipahayag ang
mensahe o diwa nito.
Dapat tandaan ang mga sumusunod sa pagsulat ng buod ng
kuwento:
a. Basahin at unawaing mabuti ang binasa o pinakinggang
kuwento.
b. Kung nakikinig sa kuwento mahalagang isulat mo ang
mga mahahalagang impormasyon upang hindi mo ito
makakalimutan.
c. Alamin ang kasagutan sa mga tanong na Ano, Sino,
Saan, Kailan at Bakit.
d. Gawing gabay sa pagbubuod ang mga tanong.
e. Gawing payak at tuwiran ang paglalahad.
Buuin ang buod ng binasang kuwento “Ang Tulay Na Kahoy “. Gawing gabay ang mga
tanong at sagot na tinalakay natin. Piliin ang salita na angkop sa mga patlang.
• Pipoy Dahil sa __________, natanggal ang tulay na kahoy
• tulay na kahoy malapit sa bahay ni Pipoy Pagong. Hindi makapasok sa
• nahulog sa ilog __________. Ang ginawa ni Pipoy ay ________. Nang
• sa paaralan ng mga bata makita ni Kiko Kuneho ang ginagawa ni Pipoy ay
• hiila niya ang malaking kahoy _________. Habang naglalagay ng bato si Pipoy sa
• nagtatatanggal ng bato na kabilang dulo ng tulay, si Kiko naman ay _________ ng

inilalagay ni Pipoy mga bato sa kabilang dulo. Sa pagtulak niya ng isang

• naisipan niyang mag biro malaking bato ay ___________. Humingi siya ng tulong
at tinulungan siya ni __________. Upang makabawi sa
• malakas na ulan
kanyang ginawa, __________ ni Kiko si Pipoy sa
• tinulungan
paghakot ng ________ hanggang sa matapos ang
• mga bato
________. Natapos nilang gawin ang natanggal na tulay
at nagamit muli ng kanilang mga kabaryo ang tulay na
Napakaganda ng ipinakitang malasakit ni
Pipoy Pagong sa mga tao sa kanilang lugar.
Kaya mo rin bang gumawa ng isang
napakagandang gawain upang makatulong
sa iyong mga kapitbahay o kabaranggay? Sa
paanong paraan?
Ano ang buod o lagom?
Ano- ano ang mga dapat tandaan
sa pagsulat ng buod ng kuwento?
TAYAHIN
Panuto: Basahin ang kuwento. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol dito.
Ang Maparaang Uwak
Sa isang bukid noong unang panahon, may isang uwak na uhaw na uhaw.
Kinakailangang mapawi ang labis na pagkauhaw. Kaya’t siya ay nagpasyang maghanap
ng tubig. Nakakita siya ng banga ng tubig. Subalit kakaunti na lamang ang laman nito at
hindi maabot ng kanyang tuka ang tubig. Sinubok niyang ipasok ang tuka sa makipot na
bibig ng banga ngunit hindi pa rin niya maabot ang tubig. Nakatiyad na siya lahat-lahat
ngunit hindi pa rin siya makainom. Naisip niya. “Alam ko na lalagyan ko ng maraming
bato ang banga. “At yaon nga ang kanyang ginawa.
Tumaas ang tubig sa banga. Sa wakas nakainom din ang uhaw na uhaw na uwak.
Bulong ng uwak sa sarili. “Kailangang mag-sip ng iba’t-ibang paraan sa paglutas ng
• Saan: ______________________
suliranin.”
Mahahalagang Impormasyon: Sa pagbibigay ng
• Kailan: _____________________
mahalagang impormasyon , maari mong ibigay
• Sino: _______________________
ang mga salitang maaring isasagot sa mga
• Ano: _______________________
tanong na:
TAKDANG ARALIN
Isulat ang maikling buod ng
kuwentong “Ang Maparaang
Uwak” gamit ang mga
mahahalagang impormasyon na
isinulat
IKAAPAT NA
ARAW
BALIK ARAL
Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat o pagbibigay ng buod o lagom ng
isang tekstong binasa? Lagyan ng tsek (/) kung makakatulong sa pagbubuod
ang nakasaad at ekis (x) naman kung hindi
___ 1. Basahin at unawain nang mabuti ang akda o
kuwento.
___ 2. Itala ang mahahalagang detalye tungkol sa binasa.
___ 3. Kopyahin nalang ang nilalaman ng kuwento.
___ 4. Gawing gabay sa pagkuha ng detalye ang mga
tanong na ano, sino, saan, kalian, bakit at paano.
___ 5. Ayusin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
Basahin at unawain ang kuwento.
Ang mga Ibon
Nagising si Fe sa malalakas na huni ng mga ibon mula sa
labas ng bahay na nagliliparan sa himpapawid.
Napansin ni Fe na sila’y nag-uunahan patungo sa kanilang
munting palayan at tila naghahanap ng pagkain.
“Ah! Tinutuka pala nila ang mga maliliit na insekto na
pumipinsala sa palayan. Ang saya-saya nilang pagmasdan na
malayang nakalilipad kahit saan!” wika ni Fe.
Napag-isip-isip ni Fe na ang sarap pala maging ibon.
TANONG!
1. Sino ang nagising sa malalakas na huni ng ibon?
2. Saan nangyari ang kuwento?
3. Ano-ano ang pangyayaring naganap sa kuwento?
a. _________________________
b. _________________________
c. _________________________
Ikwentong muli ang
buod ng kwentong
binasa?
Humanap ng kapareha at gawin ang sumusunod

Basahin ang kuwento at itala


sa kuwaderno o sagutang
papel ang buod o lagom ng
binasang kuwento.
Pag-aani ng Gulay
Isinulat ni: Milafe P. Cantila

Linggo ng madaling araw, gumising nang maaga sina Manang Fely at


Manong Cardo. Pumunta sila sa bukid upang mag-ani ng gulay. Naghanda
sila ng baon para sa kanilang pagkain. Napakaraming gulay ang kanilang
inani. Masaya ang pamilya sa masaganang kita ng kanilang gulayan.
Sa pagbibigay ng lagom o buod,
mahalaga ba ang pakikinig ng
mabuti? Bakit?
Sa pagbibigay ng lagom o
buod, mahalaga ba ang
pakikinig ng mabuti?
Bakit?
Ano ang buod o lagom?
Ano- ano ang mga dapat
tandaan sa pagsulat ng
buod ng kuwento?
TAYAHIN
Panuto: Basahin ang isang maikling kuwento. Ibuod ang impormasyon sa binasa.
Ang Magsasaka na si Jose
Isinulat ni: Milafe P. Cantila
Si Mang Jose ay isang magsasaka. Maaga siyang pumunta sa sakahan para
magbungkal ng lupa para sa kanilang taniman ng mais. Nang matapos
magbungkal, inilagay niya ang mga binhi ng mais sa lupa. Napangiti at
masaya siya nang makita na may tumubong binhi sa kaniyang mga itinanim.
Nilagyan niya ito ng pataba para mas dumami pa ito. Naglagay rin siya ng
bakod bilang pangharang sa mga hayop na papasok sa taniman.
Ilang buwan pa ang dumaan, handa na itong anihin at ibenta sa merkado.
TAKDANG ARALIN
Isulat sa mga linya ang mga dapat mong
gawin sa oras na nakasulat sa loob ng kahon.

You might also like